You are on page 1of 31

REGISTER O VARAYTI

NG
WIKA
Ang Filipino bilang buhay na wika ay nagtataglay ng
Barayti. Ibig sabihin, normal lang ang pagkakaroon ng
iba’t ibang wika at maaari itong tignan sa isang
positibong pananaw, dahil ito ay isang Fenomina na isang
magandang pangyayari sa wika. Ayon pa nga kay
Constantino (2020),pagkakaisa at pagkakaiba.
Dahil ang mga taoang siyang bumubuo sa lipunan at tao
rin ang siyang humuhubog sa wika at kultura ng isang
lugar. At ang pagkakaiiba-iba ng kultura, paniniwala,
relihiyon at grupong kinabibilangan ng isang tao ang
nagbubunsod ng pagkakaroon ng iba’t ibang wika sa ating
bansa.
Dinamiko ang wika kaya't nagkakaroon ito ng iba-
ibang rehistro batay sa konteksto ng paggamit nito at
kung sino ang gumagamit nito. Sa pagkakaroon ng
pagbabago ng wika sa taong nagsasalita o
gumagamit ng wika ayon sa:
- Tono
- Larangan
- Paraan o paano nag-uusap?
REGISTER NG
WIKA
TONO, LARANG, MODA
TONO NG KAUSAP O
TAGAPAKINIG
(tenor of discourse)

Ito ay naaayon ang wika sa sino ang


nag-uusap. (para kanino)
PAKSA NG PINAG-
UUSAPAN
(field of discourse)

Ito ay batay sa larangan na


tinatalakay at sa panahon.
(layunin)
NEGOSYO- Maaring ito ay
puhunan o panimula salapi
ng isang mangangalakal
KAPITAL LOKASYON- Kung gagamitin
ang salitang Kapital sa lugar,
maaaring ito ay nagsasaad ng
pinakasentro ng isang lugar
PAGLULUTO- mantikang
LANGIS pampirito at iba pa
TRANSAKSYON- Ito ay
maaring suhol, bigay o
padulas na tinatawag ng iba
PAGLULUTO- Ito ay
tumutukoy sa rekado o
DRESSING pampalasang inilalagay sa
isang pagkain

FASHION- Tumutukoy naman


ito sa pananamit o pag-aayos
ng kasuotan

SIYENSYA- Isang uri ng


BUWAYA mabangis na hayop
GOBYERNO- Mga korap na
politiko o alagad ng batas
PARAAN O PAANO
NAG-UUSAP?
(mode of discourse)

Ito ay pasalita o pasulat


pagtalima sa mga
panuntunang dapat sundin
batay sa uri ng piniling paraan
ng pag-uusap.
VARAYTI
NG
WIKA
Ayon kay Zosky, mayroong tinatawag na Barayti ng wika o
Sublanguages na maaaring iklasipika nang higit sa isang
paraan. Tulad na Lamang ng kaniyang tinatawag na
IDYOLEK, DAYALEK, SOSYOLEK, REGISTER, ESTILO at
Iba pa.
IDYOLEK
IDYOLEK
Ito ay isang uri ng pormal na salita na karaniwang
ginagamit ng isang indibidwal sa isang natatangi o yunik
na pamamaraan. Ang bawat tao ay may kanya-kanyang
istilo ng pananalita.
Maaring ang pagkakaiba ay dulot ng pagbigkas o di kaya
naman ng naiibang pagbigay-diin sa mga salita o mga
parirala. Ang iba naman ay gumagamit ng yunik na tono o
ritmo sa pagbigkas o pamamahayag ng mga partikular na
linya ng pangungusap.
1.) Naiibang tono sa pagbigkas ni Noli de Castro ng mga
katagang, “Magandang Gabi Bayan!”
2.) Ang malumanay na pananalita ni Charo Santos Concio
sa kanyang programang Maalala Mo Kaya.
3.) Ang paos na boses ni Inday Badiday sa pagsasabi ng
katagang “Promise!”
4.) Ang maton at maangas na pagbabalita ng mga Tulfo
brothers.
5.) Ang pag ubo at pagsasabi ni Mike Enriquez ng “Excuse me
po!” at “Di namin kayo ka tatantanan!”
6.) Ang makapal at malamig na boses ni Rey Langit.
7.) Ang paggamit ng mga matatalinhagang salita ni Jimmy
Licauco.
8.) Ang masayahin na pananalita ni Mark Logan sa mga
Kwento ni Marc Logan.
9.) Ang magkahalong Ingles at Tagalog na lengwahe ni Kris
Aquino
DAYALEK
Ito ay ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong
heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat.
Ang diyalekto ang wikang ginagamit sa isang rehiyon,
lalawigan o pook, malaki man o maliit.
Halimbawa:

Tagalog – “Mahal kita”


Hiligaynon – “Langga ta gid ka”
Bikolano – “Namumutan ta ka”
Tagalog – “Hindi ko makaintindi”
Cebuano – “Dili ko sabot”
SOSYOLEK
Sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal.
Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil
nakabatay ito sa mga pangkat-etniko. Ang sosyolek ay
maaari ding may legal na rehistro na tinatawag na jargon.
Ang jargon ang mga tanging bokabularyo ng isang
partikular na pangkat ng gawain.
“Repapips, ala na ako datung eh” (Pare, wala na akong pera)
“Oh my God! It’s so mainit naman dito.” (Naku, ang init naman
dito!)
“Wa facelak girlash mo” (walang mukha o itsura ang gelpren mo
o kaya ay pangit ng gelpren mo)
“Sige ka, jujumbagin kita!”(sige ka, bubugbugin kita!)
“May amats na ako ‘tol” (may tama na ako kaibigan/kapatid o
kaya ay lasing na ako kaibigan/kapatid)
EKOLEK
Barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating
tahanan. Ito ang mga salitang madalas na namumutawi
sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda, malimit itong
ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan.
Mga Halimbawa ng Ekolek:

Palikuran – banyo o kubeta


Silid tulogan o pahingahan – kuwarto
Pamingganan – lalagyan ng plato
Pappy – ama/tatay
Mumsy – nanay/ina
PIDGIN
Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito
ay binansagang “nobody’s native language” ng mga
dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na nag
uusap na may dalawa ring magkaibang wika. Sila ay
walang komong wikang ginagamit. Umaasa lamang sila sa
mga “make-shift” na salita o mga pansamantalang wika
lamang.
Mga Halimbawa ng Pigdin:
“Ako kita ganda babae”. (Nakakita ako ng magandang babae.)
“Kayo bili alak akin”. (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin.)
“Ako tinda damit maganda”. (Ang panindang damit ay
maganda.)
“Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt”. (Suki, bumili ka na ng
paninda ko. Bibigyan kita ng diskawnt.)
“Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado”. (Mag-aral ka ng
mabuti upang mataas ang iyong grado.)
CREOLE
Mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga
pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa
magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing
wika ng partikular na lugar. Halimbawa dito ay
pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol (ang
Chavacano), halong African at Espanyol (ang Palenquero),
at ang halong Portuguese at Espanyol (ang Annobonese).

You might also like