You are on page 1of 4

Ang wikang binibigkas ng isang tao- ay naglalahad ng pagkakakilanlan ng kanyang pinagmulan.

- nagsilbing daan para magkaintindihan at magkaunawaan ang mga mamamayan sa isang bansa.

Wika- ginagamit sa pakikipagkomunikasyon, pakikipag-ugnayan,

EDWARD SAPIR- Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan

CAROL (1964)- Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan.

Pag usbong ng teknolohiya- naging sanhi ng pagkalimot sa pangunahing kaalaman

Barayti ng wika- ay dulot ng pagkakaiba ng antas ng edukasyon, hanapbuhay

BARAYTI NG WIKA

1. IDYOLEK
- Bawat indibidwal ay may sariling estilo ng pamamahayag
- personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao.
- salitang namumukod tangi at yunik.

2. DAYALEK
- Ito ay barayti ng wika na nalilikha ng dimensiyong heograpiko.
- Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang
kinabibilangan.

3. Sosyolek
- Ito ay pansamantalang barayti lamang.
- Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo.
- Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian
HALIMBAWA NG SOSYOLEK
A. GAY LINGGO- wika ng mga gay
B. KONYO- baryant ng taglish
C. WIKANG BALBAL/ KALYE- Ito ay di pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika
D. JEJEMON- Usong usong wika mula sa pag tetext.

4. EKOLEK
- Ito ay tumutukoy sa mga salita at wikang ginagamit sa loob ng tahanan. Ito rin ay ang ginagamit
sa pakikipag usap araw araw.

5. ETNOLEK
- Mayroon namang mga salitang likas at naging pagkakakilanlan na ng mga pangkat etniko sa
bansa. Ang tawag sa Barayting nabuo nila

6. CREOLE
- Ito ay ang pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa naging
personal na wika.

7. PIDGIN
- Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang “nobody’s native
language” ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na nag-uusap na may
dalawa ring magkaibang wika. Sila ay walang komong wikang ginagamit.
8. REGISTER
- Ito ay barayting wikangespisyalisadongginagamitng isangpartikularnadomeyn.
- May isang salita o termino na nababago ang kahulugan ayon sa larangan o disiplinang
paggagamitan nito.
- Parehas ang salita at bigkas, magkaiba ang kahulugan

Ang wika ay makapangyarihan. Ito ay nagsisilbing tulay tungo sa pagkakaunawaan at nagbibigay


ito ng kapayapaan at katahimikan. Pero ito rin ay maaaring magdulot ng polarisasyon o ang pagtanaw
ng mga iba’t ibang bagay sa magkakasalungat na paraan na pwedeng lumikha ng hidwaan dahil sa
maling paggamit ng mga salita. Tunay nga na ang wika ay buhay.

Ang pagsasaling-wika- ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat

Ang pagsasaling-wika ay muling paglalahad sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na natural na


katumbas ng orihinal ang mensaheng isinasaad ng wika

Sa madaling salita, ang pagsasaling-wika ay paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na


katumbas sa diwa at estilo na nasa wikang isinasalin.

THEODORE SAVORY (1968)

Nagagawa ang pagsasalin sa pamamagitan ng pagtutumbas

Gregorry Rabasa

Hindi kailan man mapapantayan ng salin ang orihinal.

SANTIAGO (2003)

ang pagsasaling-wika ay paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas sa diwa at


estilo na nasa wikang isinasalin.
Mga Paraan ng Pagsasalin ayon kay John Dryden

1. Metaphrase- literal na paglilipat ng isang awtor ang salita sa salita


2. Paraphrase- Ito ang pagsasalin sa kahulugan ng sinabi ng awtor ngunit sa paraang nababago at
nadadagdagan ang kanyang wika.
3. Imitasyon- to ang ganap na kalayaang lumihis sa salita at kahulugan ng awtor

You might also like