You are on page 1of 17

PAGBASA AT PAGSUSURI

BAHAGI NG PANANALIKSIK AT
PAGSASANAY 1

J.S. Fernandez
Guro
Bahagi ng Pananaliksik
Kabanata I
• Panimula - Ito ang bahaging nagtatalaga
ng mga panimulang impormasyon
tungkol sa paksa na magsasakonteksto sa
mga mambabasa, ano ang pinanggalingan
ng saliksik.
• Paglalahad ng Suliranin - Ito ang bahaging
tumutukoy sa mga pangunahing suliraning
sasagutin ng pag-aaral. Ito ang magsisilbing
tuon ng pananaliksik at dito tutuon ang
pagtalakay
Ang mahahalagang tanong ang magsisilbing
gabay ng nilalaman ng pananaliksik upang
hindi mawala sa dapat talakayin.
Halimbawa:
Epekto ng Online Class sa Kalusugan ng mga Mag-aaral
ng Ika-11 Baitang sa Holy Trinity Academy, 2020-2021

1.Ano ang epekto ng online class sa kalusugan ng mga


mag-aaral ng ikalabing-isang baitang sa Holy Trinity
Academy, Unang semestre 2020-2021?
2. Ano ang kasalukuyang kalagayan ng kalusugan ng
mga mag-aaral ng Ikalabing-isang baitang sa Holy Trinity
Academy, Unang Semestre, 2020-2021?
Impluwensya ng mga Panunuod ng Korean Drama sa Pag-
uugali at mga Pananamit ng piling mag-aaral ng Bachelor of
Arts in English ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas,
Taong Panuruan 2011-2012

1.Sa pag-usbong at pagtangkilik ng Korean Drama sa Pilipinas,


ano-ano ang mga mabubuti at hindi mabubuting dulot nito?
2.Anong kaugalian at uri ng pananamit ang makukuha at
nagagaya ng mga mag-aaral ng PUP-ABE mula sa mga Korean
Drama?
3.Gaano kalawak ang pagpapalabas ng mga Korean Drama sa
iba’t ibang istasyon sa telebisyon?
Pananaw ng mga kalalakihan sa konsepto ng
seenzone

1.Ano ang pananaw ng mga kalalakihan sa


konsepto ng seenzone?
2.Ano-ano ang iba’t ibang konsepto ng
seenzone sa kasalukuyang panahon?
• Layunin ng Pag-aaral

Layunin - Isinusulat sa bahaging ito


ang mga bagay na nais
isakatuparan ng pananaliksik.
Halimbawa:
Ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang
Epekto ng Online Class sa Kalusugan ng mga Mag-aaral ng Ika-11
Baitang sa Holy Trinity Academy, 2020-2021. Ang pananaliksik na ito ay
may mga tiyak na layunin;

1. Malaman ang epekto ng online class sa kalusugan ng mga mag-aaral


ng ikalabing-isang baitang sa Holy Trinity Academy, Unang semestre
2020-2021?
2. Matukoy ang kasalukuyang kalagayan ng kalusugan ng mga mag-
aaral ng Ikalabing-isang baitang sa Holy Trinity Academy, Unang
Semestre, 2020-2021?
Ang Pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito
na malaman ang pananaw ng mga
kalalakihan sa konsepto ng seenzone. Ang
pananaliksik na ito ay may mga tiyak na
layunin;
1.Isa-isahin ang pananaw ng mga kalalakihan sa
konsepto ng seenzone?
2.Makilala ang iba’t ibang konsepto ng seenzone
sa kasalukuyang panahon?
• Kahalagahan ng Pag-aaral

Kahalagahan ng Pag-aaral - Sa bahaging


ito tinatalakay ang kapakinabang
idudulot ng pananaliksik. Gayundin,
ang mga sektor na makikinabang sa
pag-aaral na ito.
Halimbawa:
Malaki ang inaaasahang tulong ng pananaliksik na ito
sa kasalukuyang panahon.............. Ito ay
magdudulot ng kapakinabang sa sumusunod na
sektor:
Mga Mag-aaral
Ang bawat mag-aaral ay ...........
Mga Guro
Sa aspektong edukasyon, guro ang .........
• Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral – Naglalatag
ng mga pamantayang gagamiting batayan, alin ang
maaaring isama sa pananaliksik at alin ang hindi.

Ang saklaw ay ang magiging bahagi o kasama sa


pag-aaral. Samantalang ang delimitasyon ay may
layuning limitahan, paliitin at tukuyin ang
hangganan ng pag-aaral, ano ang hindi kasama sa
pag-aaral.
Halimbawa: Pananaw ng mga Kalalakihan sa Konsepto ng
Seenzone
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa pananaw ng 20
kalalakihan sa konsepto ng seenzone mula sa Mataas na Paaralan ng
Unibersidad ng Maynila, taong pampaaralan 2020-2021. Mula sa social
media na Facebook messenger ang nagging tuon sa pagkuha ng kospeto
ng seenzoon.
Hindi na bahagi ng ginawang pag-aaral ang iba pang social media
na kadalasan ding ginagamit ng mga kalalakihan sa kasalukuyan upang
hind imaging malawak ang gagawing pag-aaral. Gayundin hindi na
isinama ang mga kababaihan sapagkat nakatuon ang pag-aaral sa
panlliligaw na ginagawa ng mga lalaki.
• Kahulugan ng mga Katawagan - Sa bahaging ito, iniisa-isa
ang mahahalagang terminong ginamit sa pag-aaral.
Gayundin ang mga teknikal na salitang ginamit.

Halimbawa:

Ang mga mananaliksik ay naglagay ng mga kahulugan ng mga


terminolohiyang nagamit upang ito ay mas madaling maintindihan ng
mga mambabasa.
Social Networking Sites – isa sa pinakamaimpluwensyang mass
media
Seenzone – ito ay katawagan sa social media na kung saan ang isang
mensaheng ipinadala ay nabasa lamang at hindi sinagot o pinansin.
Pagsasanay 1
Paksa :

Paglalahad ng suliranin: (Maaaring bumuo ng 2-


3 tanong)

Layunin ng Pag-aaral

Kahalagahan ng Pag-aaral

Saklaw at Delimitasyon:
Maraming salamat!!!

You might also like