You are on page 1of 2

Kabanata V

PAGLALAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy ang epekto ng social media sa napiling mag-aaral ng
ikalabing isang baitang ng Cabuyao taong panuruan 2021-2022.

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng binalangkas na lagom, konklusyon mula sa datos na nakuha sa
sarbey at ang rekomendasyon ng mga mananaliksik ukol sa suliranin base sa impormasyon na nakuha.

Paglalagom

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy ang Epekto ng social media sa paggamit ng wikang
filipino sa pagpapalalim ng kaalaman tungkol sa wikang filipino ng mga piling mag-aaral ikalabing isang
baitang ng Cabuyao taong panuruan 2021-2022. Ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga datos
tungkol sa pagkakakilanlan ng mga estudyante. Ikalawa upang malaman kung nakaaapekto ba ang social
media sa paggamit ng wikang filipino sa mga Aspetong; emosyonal, mental, at berbal. At ikatlo upang
malaman kung may positibo o negatibong epekto ba ang social media sa pakikitungo sa kapamilya,
kamag-aral, at kaibigan.

Upang matukoy kung nakakaapekto ang iba’t- ibang aspeto patungkol sa social media at kung may
mga positibo at negatibong epekto ang social media at ang naitulong nito. Ang mga mananaliksik ay
gumamit ng isang talatanungan ( survey questionnaire) para sa mga piling mag-aaral na magsasagot. Ang
datos na natipon ay nagsilbi bilang pangunahing nakalap na kasagutan ng pag-aaral na kung saan ay
maingat na iniharap at nasuri ng maayos. Mayroong dalawampu (20) respondante sa pag-aaral na ito

Konklusyon

Batay sa nakalap na impormasyon at datos, ang mga mananaliksik ay ilalahad ang mga sumusunod na
konklusyon batay sa natuklasan sa isinagawang pag-aaral.

1. Sa aming sarbey, Ang paggamit ng social media ay lubhang nakaaapekto para sa mag-aaral sa
mga aspeto ng emosyon,mental, at berbal. At halos ng kalalakihan ang naapektuhan sa bilang na
20% kesa mga kababaihan na 15% lamang.
2. Halos karamihan sa mga ito ay positibo ang epekto ng social media sa pakikitungo sa a.)
Kapamilya, b.) Kamag-aral, at c.) Kaibigan. At nagpapakita na may magandang maidudulot ang
social media sa ating buhay at sa nakakasama natin sa pang-araw-araw sa gawain.
3. Batay sa lumabas na resulta sa pagkakaroon ng social media ay a.)lubhang nakakatulong ito sa
pang-araw-araw na gawain ng mag-aaral ng Cabuyao dahil ito ay napapabilis ang kanilang mga
gawain, b.) May iilang nagsasabi o kanilang opinyon na ang social media ay hindi madalas
nakakatulong para sa kanilang mga sarili, at c.) Ang iba ay hindi sigurado base sa kanilang
karanasan sa social media.

Rekomendasyon

Kaugnay sa ginawang pananaliksik buong pagpapakumbabang iminumungkahi ng mga mananaliksik ang


mga sumusunod:
Para sa mga Guro

1. Gabayan ang mga mag-aaral sa paggamit ng social media at patuloy na ituro sa mga estudyante
ang kahalagahan ng pagpapanatili ng paggamit sa Wikang Filipino.
2. Hikayatin ang mag-aaral na magbasa at matuto ng mga Wikang Filipino upang mapalawak ang
kanilang kaalaman at patuloy itong magamitin sa bawat henerasyon na dadaan.
3. Ipagpatuloy sanayin o hasain ang mga mag-aaral sa paggamit ng Wikang Filipino lalo na sa
kasabay na paggamit ng social media.

Para sa mga Magulang

1. Gabayan ang mga anak sa paggamit ng social media lalo na sa makabagong panahon at sa
bagong teknolohiya.

Para sa mga mananaliksik

1. Limitahan ang paggamit ng social media at bigyan tuon ang pag-aaral ng Wikang Filipino.
2. Sanayin ang sarili sa pagbabasa ng sariling wika at huwag kakaligtaan na palitan ito sa anumang
lenggwahe o salita na nakukuha sa social media.
3. Magbigay ng sapat na panahon para sa pagpapakatuto at pagpapalawak ng kaalaman sa wikang
filipino.

You might also like