You are on page 1of 16

EPEKTO NG PAGGAMIT NG

SOCIAL MEDIA (FACEBOOK)


SA KASANAYAN SA PAGGAMIT
NG WIKANG FILIPINO
Panimula
• Ang wikang Filipino ay ang tinaguriang lingua franca o wikang pambansa ng Pilipinas. Ito ay
matapos arbitraryong maitatag batay sa Saligang Batas ng 1935, alinsunod sa Batas
Komonwelt Blg 184. Mula rito, ito ay patuloy nang pinalalago sa bawat Pilipino sa
pamamagitan ng pagtatatag ng mga samahan at programang naglalayon ng pagpapaunlad nito.
Sa katunayan, ito ay ang wikang ginagamit sa mga paglilimbag sa mga pahayagn, edukasyon,
komunikasyon, kalakalan, at politika, gayundin sa iba’t ibang social media platforms.
Kilala ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang nangunguna sa paggamit ng social media platforms. Ayon sa
Rappler (2021), muling nangunguna ang bansa sa paggamit ng social media sa buong mundo. Ito ang ikaanim na
beses na nanguna ito mula 2016. Ang isa sa mga pinakagamiting social media ay ang Facebook. Malawak ang
sakop at gampanin nito sa mga Pilipino. Ito ay nagbibigay daan sa mga gumagamit na magkaroon ng access sa
entertainment, komunikasyon, impormasyon, at edukasyon.
SOP
1. ANO ANO ANG MGA SOCIAL MEDIA SITES NA NAKAKA-APEKTO SA
WIKANG FILIPINO
2. ANO ANG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA PARTIKULAR ANG FACEBOOK SA
WIKANG FILIPINO
3. PAANO NAKAKAAPEKTO ANG FACEBOOK SA PAG-USBONG NG MGA
BAGONG WIKA SA WIKANG FILIPINO
4. ANO ANG MAAARING KAGAMITANG PANG-ARAL NA MAAARING
GAMITIN NG MGA ESTUDYANTE SA PAGKATUTO NG MGA
MAKABAGONG SALITANG FILIPINO.
• Paglalahad ng Haypotesis
• May malaking epekto ang paggamit ng social media platforms sa paggamit ng
wikang Filipino ng mga mag-aaral sa ikalawang antas na nagmamayorya ng Filipino sa
MinSU – Main Campus.
• Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral
• Ang pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang epektong dulot ng paggamit ng
Facebook sa kasanayan sa paggamit ng Filipino bilang wika. Hindi nito tatalakayin ang
mga salik na nakaaapekto sa kasanayan ng mga mag-aaral sa wikang Filipino sapagkat
hindi ito sakop ng isinagawang pag-aaral.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang mananaliksik ay naniniwalang magdudulot ito ng kapaki-
pakinabang, makabuluhan, at malaking tulong sa mga
sumusunod:
• Mga mag-aaral. Sa pamamagitan nito, matutukoy ng mga mag-aaral ang mga hakbang na
nararapat gawin upang patuloy na mapayabong ang kanilang mga kasanayan sa
pamamagitan ng social media platforms.
• Magulang. Dulot ng pag-aaral na ito, magkakaroon ng kaalaman ang mga magulang ukol
sa epektibong gamit ng mga social media platforms sa kasanayan sa paggamit ng Filipino.
• Administrasyon. Sa pag-aaral na ito ay malalaman ng administrasyon ang kahalagahan ng
social media platforms sa pag-unlad ng kasanayan ng mga mag-aaral sa wikang Filipino.
• Mga mananaliksik. Ang mga susunod pang mga mananaliksik na may kaugnay na
pananaliksik ay maaaring sumangguni o bumase sa pag-aaral na ito.
Depinisyon ng mga Termino
• Upang higit na maunawaan ng mga mambabasa ang pananaliksik, ang mga ginamit na
mahahalagang salita at katawagan sa pag-aaral ay ipinaliwanag sa paraang operasyunal.
• Filipino. Wikang pambansa ng Pilipinas na siyang ginagamit sa buong pilipinas bilang wika
ng kumunikasyon ng mga etnikong grupo.
• Social Media. Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao
na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga
ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng
mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na
pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na
binuo ng gumagamit.
• Mag-aaral. Isang taong nasa paaralan upang matuto. Sila ang mga
tinuturuan ng guro ng mga aralin. Ang kasingkahulugan ng mag-aaral ay
estudyante.
Batayang Konseptwal

• Input

•1. Pagpaplano ng mananaliksik upang malaman ang mga Epekto ng Paggamit ng Social
Media (FACEBOOK) sa Kasanayan sa Paggamit ng Wikang Filipino.
•2. Pagbuo ng mga talatanungan na kakailanganin upang maisagawa ang pagkalap ng
datos upang Makita o malaman ang mga pamamaraan na makatutulong sa Epekto ng
paggamit ng Soceial Media (facebook) sa kasanayan sa paggamit ng Wikang Filipino.

Awtput
Proseso 1. Pagtala ng mga nakalap o nakolektang datos/impormasyon.
1. Paggamit ng Random Sampling sa pagpili ng respondante 2. Pagpapakahulgan at pagpapaliwanag sa naging resulta.
para sa pagsasagot ng sarbey.
3. Pagbibigay ng rekomendasyon o makatutulong sa mga guro, mag-
2. Ang mananaliksik ay gumamit ng mga talatanungan upang aaral, mga magulang, administrasyon at mambabasa.
mas mapadali ang paglikom ng mga datos.
4. Paggawa ng isang brochure na naglalaman ng mga nagiging epekto
3. Pagsasagawa ng sarbey sa mga Mag-aaral na nasa Ikalawang nito sa mga gumagamit ng social media (facebook) sa ating wikang
Antas na Nagmamayorya ng Filipino sa MinSU. Filipino.
KABANATA II
• MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
• Sa bahaging ito ng papel ay itinala ng
mananaliksik ang ilang literatura at pag-aaral na mahahalaga at may
kaugnayan sa paksang kaniyang isinakatuparan. Matutunghayan dito ang
mga Literatura at Pag-aaral na tumatalakay sa “Epekto ng Paggamit ng
Social Media (FACEBOOK) sa Kasanayan sa Paggamit ng Wikang
Filipino ng mga Mag-aaral na nasa Ikalawang Antas na Nagmamayorya
ng Filipino sa MinSU”.
Kaugnay na Literatura
• Ayon kina Boyd at Ellison 2007, ang mga social networking sites ay may serbidyong
well-based na pinahihintulutan ang mga indibidwal na gumawa ng mga pribado o
pampublikong profayl saloob ng Sistema, pinahihintulutan ang mga gumagamit na
makita ang listahan ng kanilang koneksyon at makita ang ginagawa ng iba pang
tagatangkilik. Tumutukoy ito sa sites tulad ng facebook, twitter, instagram, skype, yahoo,
at iba pa. Ilan ang mga nabanggit sa napakaraming social networking sites na kumakalat
ngayon sa internet. Ang internet ay isang tsanel kung saan madalian kang makakasagap
ng impormasyon at madali ring makakapagbigay nito. Isa sa pinakapakinabang nito ay
ang pakikipagkomunikasyon sa mga taong malayo sa atin. Dahil sa pagkauso nito dala
ng malakas na impluwensiya,marami sa mgakabataan ang lubos na nahuhumaling dito.
• Sa kabanatang ito matatagpuan ang pamamaraang ginamit ng mga
mananaliksik, paraan ng pagpili ng mga tagatugon, instrumentong
ginamit, pagtitipon ng mga datos at estadistikal a pamamaraang ginamit.
Masusing pinili ng mga mananaliksik ang mga ginamitna instrument at
pamamaraan upang maging mas kapaki-pakinabang ang pananaliksik na
isinasagawa.
Paraan ng Pagpili ng mga Tagatugon
• Ang napiling tagatugon ng mananaliksik ay ang nagmamayorya ng
Filipino na nasa ikalawang antas. Dahil mas pasok sila sa isinasagawang
pananaliksik, ang mananaliksik ay gumamit ng Random Sampling sa mga
nagmamayorya ng Filipino sa Ikalawang antas.
Instrumentong Ginamit
• Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan nabinubuo ng talahanayan na
naglalaman ng mga Epekto ng Paggamit ng Social Media (FACEBOOK) sa
Kasanayan sa Paggamit ng Wikang Filipino ng mga Mag-aaral na nasa Ikalawang
Antas na Nagmamayorya ng Filipino sa MinSU. Ito ay sasagutan ng ga respondante
sa pamamagitan ng google form bilang patunay at mapagkukunan ng datos. Epekto
ng Paggamit ng Social Media (FACEBOOK) sa Kasanayan sa Paggamit ng Wikang
Filipino ng mga Mag-aaral na nasa Ikalawang Antas na Nagmamayorya ng Filipino
sa MinSU ay napalitaw sa pamamagitan ng paggawa ng mga talatanungan.
Pagpapatibay ng instrument
• Sa pagpapatibay ng instrumentong ginamit, minabuti ng mananaliksik
na hingin ang tulong ng mga nasa Ikalawang antas ng nagmamayorya ng
Filipino sa pananaliksik upang mas maging malinaw, maayos at
makatotohanan ang bawta detalyeng nilalaman ng ginawang talatanungan.
Sa tulong ng pagtitibay na ito, mas nakasisiguro ang mananaliksik na
masasagot ang bawat tanong sa talatanungan ng mga nasa Ikalawang
baitang ng nagmamayorya ng Filipino na siyang magiging respondante.
Pamamaraan ng pangongolekta ng datos
• Ang mananaliksik ay gagamit nang isang Online Survey
Questionnaire bilang disenyo ng pag-aaral. Ito ay isang talatanungan na
kung saan ang mga respondante ay sasagot sa pamamagitan ng isang
google form na gagawin ng mananaliksik. Naniniwala ang mananaliksik
na ang ganitong uri ng pamamaraan ay angkop na gamitin sa isinagawang
pag-aaral sapagkat mas mapapabilis ang pagkuha ng datos mula sa mga
respondante.
Pangangalap ng mga Datos
• Isang talatanungan ang ginawa ng mananaliksik. Humingi ng pahintulot ang mananaliksik sa mga magiging
respondante, kung maaari silang makibahagi sa pananaliksik na ginawa g mananaliskik. Napahintulutan ang
mananaliksikat ginawang batayan ang mga naging tugon ng mga tagasagot ng talatanungan at nakalap na
impormasyon mula sa mga mag-aaral.
Saklaw at Delimitasyon
• Ang mga respondante ay magmumula sa (24) na mag-aaral ng Ikalawang Antas na nagmamayorya ng
Filipino.
• 5 mula sa lalaki at 19 naman mula sa babae ang magiging respondante ng pag-aaral. Sa pamamagitan nito ay
malalaman ng mananaliksik ang mga epekto ng paggamit ng social media (facebook) sa paggamit ng wikang
Filipino.

You might also like