You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
BALAYAN SENIOR HIGH SCHOOL
CALOOCAN, BALAYAN, BATANGAS

Ang kontribusyon ng Extracurricular activities sa pagpapalago ng kakayahan sa


wikang Filipino ng mga mag aaral sa Humss 11 strand

Kc Balacaña, Jasmin Consigo, Terrance Rodriguez, Eugene DelaCuesta,


Josen Joy C Balani
Balayan Senior High School

KALIGIRAN NG PANANALIKSIK

INTRODUKSYON

Ayun sa mga impormasyong nakalap ng mga mananaliksik, malinaw na ang wika ay isang
mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga nasa loob na ideya at
damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap sa kapwa kung hindi
ginagamit din ito upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at makibahagi sa iba’t ibang
opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari na
tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kapaligiran at higit lalo na sa bansa.

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wikang Filipino noon at maging sa


ngayon, ganun din ang importansya ng ekstrakurikular na mga aktibidad sa loob at labas ng
paaralan. Ang pananaliksik na ito ay mahalaga upang matukoy ang mga epekto ng extracurricular
activities sa pag papalago ng paggamit ng wikang Filipino. Ayun kay (Kitkat,2016) Mahalaga ang
wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Dahil Ito ay sumisimbolo sa kultura ng mga
Pilipino kung sino, ano, at mayroon sila.

Ang isyu kagaya nito ay laganap ngayon dahil karamihan sa mga mag-aaral ay gumagamit
ng Wikang Filipino batay lamang sa nais nilang pamamaraan ng paggamit nito, Hindi nila
pinapahalagahan ang kakayahang ipahayag at ipaliwanag ang kani-kanilang mga opinyon at
saloobin.

Maliban sa mga araling saklaw ng kurikulum, mayroon pang mga aktibidad ang
nakakahubog sa kakayahan ng bawat mag-aaral, ito ang mga Ekstra Kurikular na gawain. Ang
Extracurricular activities Ito ang mga aktibidad na pang- edukasyon na hindi saklaw ng regular na
kurikulum ng paaralan. Ayon sa pag-aaral ni ( Kay rombokas) Ito ang paghubog sa katauhan ng
Isang tao, Isa sa benepisyo ng pag sali sa mga extracurricular na Gawain. May magandang epekto
sa akademik ng mag-aaral dahil nagagamit nya ang disiplina at katangian sa kanyang Buhay. Ang
mga Gawain katulad ng musika at teatro ay isa lang sa mga gawain kung saan nahuhubog nito ang
pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang
tao gayun din ang kasanayan sa pagsasalita ay mas lalo pang napapaunlad. Kabilang na
din dito ang iba’t ibang kakayahan ng isang mag-aaral upang mapaunlad ang kanyang sarili.
Republic of the Philippines
Department of Education
BALAYAN SENIOR HIGH SCHOOL
CALOOCAN, BALAYAN, BATANGAS

LAYUNIN NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang pananaw ng mga mag-aaral ng


Balayan Senior High School patungkol sa epekto at kontribusyon ng ekstrakurikular na gawain sa
kanilang pag-aaral at paggamit ng wikang Filipino. Layunin din ng pananaliksik na ito na malaman
kung may sapat na patunay na ang ekstrakurikular na Gawain ay konektado sa pag papalago ng
Wikang Filipino.

Layunin ng pag-aaral na ito na masagot ang mga sumusunod:


1. Bakit sumasali ang mga mag-aaral sa mga ekstrakurikular na gawain?
2 Ano ang mabuting naidudulot ng pagSali sa mga ekstra kurikular na gawain sa paaralan?
3. Nakakatulong ba ang mga ekstrakurikular na gawain sa pagpapaunlad ng wikang Filipino?
Republic of the Philippines
Department of Education
BALAYAN SENIOR HIGH SCHOOL
CALOOCAN, BALAYAN, BATANGAS
Republic of the Philippines
Department of Education
BALAYAN SENIOR HIGH SCHOOL
CALOOCAN, BALAYAN, BATANGAS

You might also like