You are on page 1of 6

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula
Ang bansang Pilipinas ay kilala sa pagkakaroon ng mga kakaiba at malikhaing uri ng pag-

iisip pagdating sa iba’t -ibang bagay, ngunit sa paglipas ng panahon at sa paglaganap ng mga

produktong banyaga sa ating bansa ay marami na ang nagbago. Gayunpaman, ang wika ang

maituturing na pinakamabisang kasangkapan sa ating pakikipagkomunikasyon sa ating kapwa

pasalita man o pasulat ay magiging sandata natin sa ating pakikihamok sa hamon ng buhay. Ang

wika ay binubuo ng mga titik at simbolo na kapag pinagsama-sama ay maipapahayag natin ang

mga nararamdaman natin sa ating pamilya, kaibigan o kung sino pa man na kakilala natin.

Mahigit pitong dekada na ang lumipas ng tayo ay magkaroon ng wikang pambansa, ngunit

magpahanggang ngayon hindi pa rin natin masasabing lubos nga ang pagpapahalagang ibinigay

natin dito. Sa katunayan, usapin pa rin magpahanggang ngayon kumg may kakayanan nga baa ng

wikang Filipino na makipagsabayan sa iba pang global na wika ng mundo.

Katulad ng pag-aaral ng Congressional Commission on Education Report (EdCOM) na

nagsasabing mas mabuting gamitin ang unang-wika o lingua franca ng mga mag-aaral tungo sa

mas mabisang pagkatuto. Ito ang dahilan kung bakit pinakamataas ang mga grado na nakukuha sa

mga internasyunal na pagsusulit ng mga kabataang nagsipag-aral gamit ang kanilang sarilimg mga

wika, katulad ng mga Koreano at Hapones.

Sa ating nagbabagong estilo ng mundo ngayon, kung saan masasabi na ang mga bagay ay

nagiging “High Technology” na, dapat pa rin nating isaisip ang pagpapahalaga sa ating sariling

wika. Sa kabilang banda, naging dahilan ito upang ipagwalang bahala na lamang natin ang wikang

Filipino. Ang paggamit ng wikang Filipino ay maaring gamitin sa pagtuturo at pag-aaral sa lahat
ng disipina ng kaalaman at sa lahat ng antas ng edukasyon sa ating bansa sapagkat ito ang ating

pambansang wika. Ayon sa artikulo ni Santiago (2016) na inilathala ng Komisyon ng Wikang

Filipino (KWF) sa pandiwa: Lathalaan para sa Wikang at Kultura, naging makasaysayan din ang

Executive Order 335 s. 1998 na nag-uutos na gamitin ng lahat ng kagawaran at ahensiya ng

pamahalaan ang wikang Filipino sa lahat ng uri ng komunikasyon. Kung kaya’t binigyang diin ni

Almario(2010) na kailangang sundin ang itinakdang paghahanay sa Seksiyon 6, Artikulo XIV ng

Konstitusyong 1987.

Hindi rin maikakaila na mayaman rin sa larangan ng kultura ang bansang Pilipinas. Katulad

ng Timog Korea, patuloy pa rin sa pagreserba ng mga katutubong kultura ang mga Pilipino ngunit

hindi na ito gaanong kilala ng mga kabataan ngayon. Sa katunayan, unting-unti na nawawala ang

paggalang ngayon tulad ng pagmamano at pagsabi ng “opo” at “po”. Ang kulturang Pilipino sa

kasalukuyang panahon ay nahahaluan na ng iba’t-ibang kultura ng ibang bansa at isa na rito ang

kulturang Koreano.

Sa katuwiran, ang paghalo ng kulturang Koreano sa kulturang Pilipino ang may mabuti at

masamang naidudulot. Mabuti sapagkat mas nagiging produktibo at makabago ang mga Pilipino.

Masama sa kadahilanan na nakakalimot na ang mga Pilipino sa kulturang kanilang kinalakihan.

Batayang Teoritikal

May tatlong mahahalagang teoryang batayan ang pananaliksik na ito: ang unang teorya ay

ang Gampanin ng Wika sa Pagkatuto at Pagtuturo nina Brown at Yule (1983), ang linguistic

interdependence hypothesis at threshold theory ni Cummins (1991) at Theory of Reasoned Action

na inihayag nina Martin Fishbein at Icek Ajzen (1975).


Ayon sa Gampanin ng Wika sa Pagkatuto at Pagtuturo nina Brown at Yule (1983). At ang

linguistic interdependence hypothesis at threshold theory ni Cummins (1991). Wika ang ginagamit

sa anumang pagpapahayag. Tinatawag na pagpapaliwanag ang anumang ugnayin ng isipan at

saloobin ng tao na ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsasalita. Isa rin itong paraan ng pagkatuto.

Lubhang napakahalaga ng pagsasaalang-alang sa mga gampanin o tungkulin ng wika sa pakikipag-

ugnayan ng tao upang maipaabot ang mensahe o kaisipan sa sistematikong paraan lalo na’t barayti

ng wika ang ginagamit sa loob ng silid-aralan. Wika ang siyang napapanatili ng relasyong sosyal,

tutugon sa pangangailangan, kokontrol at gagabay sa kilos o asal ng iba, magpapahayag ng sariling

opinyon o damdamin ng sinuman, magpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan,

maghahanap ng mga impormasyon o datos at magbibigay ng impormasyon.

Ang mga gampanin ng wikang nabanggit ang siyang susuriin ng mananaliksik upang

malaman ang Persepsyon ng mga Piling Guro ng Guinayangan Natioanal High School bilang

Karagdagang Wikang Koreano sa K12-Kurikulum. Kinakailangang magtaglay ng kasanayang

lingguwistik ang kapuwa mga mag-aaral at guro lalo na sa pag-ugnawa ng araling tinatalakay. Ito

ang magsisilbing tulay upang malinang ang iba pang kasanayang komunikatibo na kinakailangan

hindi lang sa loob ng silid-aralan kundi sa praktikal na pakikihalubilo sa kapuwa sa labas ng

paaralan.
Konsepto ng Balangkas

Persepsyon ng mga
Piling Guro ng
Pagtuturo ng mga Guro Guinayangan National
sa mga Asignaturang High School bilang
Pampaaralan Karagdagang Wikang
Koreano sa K12-
Kurikulum.

Kalakasan at kahinaan ng
Makita ang posibleng paggamit ng Wikang
bunga nito sa pag-aaral Koreano sa pagtuturo sa
ng mga studyante. mga asignaturang
pampaaralan

Pigura 1.

Naniniwala ang mananaliksik ng pag-aaral na malaman ang Persepsyon ng mga Piling

Guro ng Guinayangan National High School bilang Karagdagang Wikang Koreano sa K12-

Kurikulum, Makita ang posibleng bunga nito sa pag-aaral ng mga studyante at kalakasan, kahinaan

ng paggamit ng wikang Koreano sa pagtuturo sa mga asignaturang pampaaralan para sa pagkatuto

ng mga mag-aaral sa pang-unawa sa wikang Koreano at magagamit ito sa mga yugto tulad

pagpapaliwanag, pagpapahayag, pangangatwiran, pagbibigay ng halimbawa, pagpapalawak at

pagpapalalim ng aralin, at maging sa pagdidisiplina sa klase.


Paglalahad ng Suliranin

Hindi kaila sa ating lahat ang kahalagahan ng wika sa atin bilang tao at maging sa

kapakanan ng ating bansa kabilang na ang mga asignaturang pampaaralan. Dagdag pa ditto ang

ating wikang ginagamit sa kasalukuyan ang wikang Filipino at Ingles. Ang mga wikang ito ay

batid natin na may pagkakumplikado pagdating sa pag-aaral. Nariyan pa ang mga salita at

pangungusap na may malalim na kahulugan na siyang nagdudulot ng labis na kalituhan sa mga

mag-aaral. Paano pa kaya kung idaragdag ditto ang wikang Koreano sa halip na sariling atin at

kabilang na rin ang Ingles sa paraan ng pagtutiuro. Malaki ba ang pag-asang mas mapapadali at

mapapaunlad nito ang mga bagay-bagay at maipaunawa kaya nito ng labis sa mga mag-aaral ang

gamit ng wika? Ano naman kaya ang magiging pananaw ng mga guro sa mga kaugnay na

asignaturang ito? Kung kaya, ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang pananaw ng mag

guro ukol ditto para sa pagtuturo.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Saklaw at Limitasyon

Sumaklaw ang pananaliksik na ito sa pagsusuri ng pananaw ng mga patungkol sa

karagdagang wikang Koreano sa K-12 Kurikulum. Gayundin, nilalayon ding alamin ng

pananaliksik na ito ang posibleng bunga nito, mabuti man o masama, sa mga mag-aaral na siyang

primaryang makikinabang sa gagamiting wika sa pagtuturo.

Pag-aaralan ng pananaliksik na ito ang persepsyon ng (WALA PA PO KAMING

ACURRATE RESPONDENTS) guro sa karagdagang wikang Koreano sa K12-Kurikulum ng


Guinayangan National High School na nagtuturo sa iba’t ibang mga baiting at ang maaring bunga

o makikita nila sa mga tinuturuan nila. Ang paaralang ito ay nakatayo sa Brgy. Calimpak,

Guinayangan, Quezon at ng parehong bayan. Pipiliin ang mga gurong ito sa pamamagitan ng “total

population” kung saan lahat ng mga piniling guro ng nasabing paaralan ay magiging respondante

ng pag-aaral na ito. Ang panahong ang panahong iniatang sa pag-aaral na ito ay nakapaloob sa

taong panuruan 2020-2021.

Ang nakitang limitasyon ng pananaliksik na ito ay ang kakulangan sa mga kaugnay na

literatura at pananaliksik at ang kakulangan sa oras upang isagawa ang pangongolekta ng datos.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

You might also like