You are on page 1of 32

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG KASAYSAYAN

Panimula

Ang mga Pilipino ay likas na mahilig sa musika at mga awitin bunsod na rin sa

ating bansang Pilipinas na hitik sa mga dekalidad na musika at marami tayong

magagaling na mang-aawit at mahuhusay na kompositor. Sa katunayan bago pa

dumating ang mga dayuhang mananakop tulad ng mga Kastila, Amerikano, at Hapon,

sapul sa ating mga ninuno ang paggamit ng musika sa pagpapahayag ng damdamin,

pagbibigay-sigla sa mga pagdiriwang at pagtitipon, pagsunod sa ritwal at kahit sa

pagpapalipas lamang ng oras.

Sa kalaunang pagpasok ng maraming musikang nagmula sa labas ng bansa

naaapektuhan ang ating lokal na musika subalit ang paghinang ito ng ating musika ay

panandalian lamang sapagkat nagkaroon na tayo ng sariling awitin at tinawag na OPM.

Ang OPM o Original Pilipino Music ay nangangahulugang iisa, pinagsama-sama dito

ang mga OPM singer upang ipaalala sa ating mga Pilipinong buhay pa ang musikang

Pilipino. Gamit ang programang ito maihahatid sa mga Pilipino ang kahalagahan ng

ating musika. Ang mga Pilipinong musikero ay itataguyod muli ang masiglang larangan

ng musika sa Pilipinas.

Sa paglipas ng panahon at pagpasok ng modernong panahon, nababago rin ang

uri ng musikang napakikinggan ng pangkasalukuyang henerasyon. Bunsod na rin ng

modernisasyon at pag-usbong ng teknolohiya na nagiging tulay upang malaman natin


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

ang mga awiting banyaga mula sa iba't ibang bansa partikular na sa Amerika, Korea, at

Japan. Habang tumatagal hindi na lamang natin ito nalalaman kundi laging inaawit,

pinapakinggan at sinusubaybayan.

Layunin ng pananaliksik na ito ay muling makilala ang mga Orihinal na Awiting

Pilipino, gisingin ang diwa ng nasyonalismo sa puso ng mga kabataang Pilipino,

magkaroon ng kamalayan tungkol sa estado ng ating musika sa ngayon, malapatan ng

agarang aksiyon kung ano man ang kalagayan ng musikang Pilipino sa ngayon,

maipakita at maipagmalaki ang sariling atin ng walang halong pag- aalinlangan.

Sa panahon natin ngayon, nasaan na nga ba ang OPM? Mas gusto pa rin ba

natin ang mga musikang dayuhan kaysa ang mga musikang sariling atin? Ano na nga

ba ang kalagayan ng OPM ngayon sa ating bansa at maging sa hinaharap? Mahalaga

pa ba para sa ating mga Pilipino ang papel ng OPM? Ano-ano ang mga implikasyon

nito sa ating kultura at bansa? Ilan lamang yan sa mga katanungang bibigyang linaw ng

pananaliksik na ito.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Kaligirang Kasaysayan ng Pag-aaral

Musika ang kadalasang ginagamit ng bawat indibidwal sa araw-araw. Ito ay

mayroong malaking parte sa ating pamumuhay at kinikilala bilang taga-pagbigay ng

kulay sa ating kultura. Kung sisiyasatin, habang patuloy na lumilipas ang panahon,

parami na ng parami ang mga taong tumatangkilik sa klase ng sining na ito. Halimbawa,

noong makalumang panahon, nakagisnan na ng ating mga ninuno ang pag-aalay ng

kanta sa pagsasagawa ng mga ritwal tuwing mayroon okasyon upang mas mapanatili

ang tradisyon. Sa kasalukuyan, patuloy ang pagyakap ng mga Pilipino sa paglikha ng

mga awiting tiyak na magugustuhan ng masa. Nahahati ang iba’t ibang kategorya ang

musika, dahil dito mas nagiging patok ito sa mga milenyal.

Sa bawat sulok ng lalawigan, hindi mawawala ang mga oras ng walang tao ang

nakikinig sa musika, matanda man o kabataan. Tila’y isa na itong gawain na

nakasanayan nang gawin. Sa bawat pagkilos hindi mawawala ang pagsambit sa liriko

ng isang awitin habang sinasabayan ang ritmo nito. Ayon kay Nilo Mangusad (2009),

ang awit ay repleksyon sa kultura ng mamamayan at sa pamamagitan nito, makikilala

natin ang mga Pilipino.

Ang karanasan ay masasabing pinakapangunahing dahilan upang makabuo ng

isang awitin. Ito ang nagsisilbing tungtungan ng mga kompositor upang matugunan ng

magandang mensahe ang nilikhang obra, sa ganitong paraan makikita ang pagkakaiba-

iba ng musika at ang pag-angat ng kalidad nito’y nasa paghulma ng tunog na itotono sa

liriko nito.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Sumasalamin ang awiting Pilipino sa buhay, gawain, kultura, pakikibaka,

inspirasyon, pangyayari sa kapaligiran at sa nararamdaman ng Pilipino bilang tao

(Cabangon, 2009). Dahil sa pagpasok ng pagbabago at konsepto ng katanyagan, hindi

maiiwasang sumikat ang orihinal na musikang Pilipino. Pero dahil sa mga

napapanahong pangyayari at namumulat sa mas malawak na sakop ng musika, unti-

unting nagkaroon ng interes ang karamihan sa pagdiskubre ng bago at magagandang

kanta na nakakaakit sa pandinig hanggang sa tuluyan na ring makilala ang banyagang

awitin na agad niyakap ng mga Pilipino.

Malaki ang epekto ng globalisasyon sa awiting Pilipino. Ang pagpasok ng mga

musikang banyaga ang isa sa mga dahilan ng pagkasagasa sa pag-unlad ng sariling

likhang musika. Ayon kay Gerodias (2009),hindi dapat hayaang tumbasan ng

makabagong awitin ang mga awiting sariling atin upang patuloy na magkaroon ng

ganap at konkretong kulturang Pilipino. Sa madaling salita, marapat lamang na mahalin

natin ang sariling atin. Pinapatunayan nito ang mga bagay na magpapabuhay sa

pagkakaroon ng matibay na nasyonalismo ang pagtangkiliksakung anuman ang likhang

Pilipino.

Kaya naman ang mga mananaliksik sa aral na ito ay naisipang tagpiin ang paksa

upang mabigyang linang sa pagtatambis ng musikang banyaga at orihinal na awiting

Pilipino. Nais ipakita ng mga mananaliksik kung ano ang mas nakahihigit na

tinatangkilik na musika ng kabataan at ilahad ang iba’t ibang perspektibo sa

pagsasabuhay ng mga awitin. Sa saliksik na ito, sinisikap ng mga mananaliksik na

bagtasin ang mga datos na nagpapakita ng kamalayan ng mga milenyal partikular sa


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

mga estudyanteng nakikinig sa iba’t ibang klase ng musika. Naglalayon itong bigyan ng

kasagutan ang mga tanong ukol sa estado ng orihinal na musikang gawa ng Pilipino.

Binibigyang diin nito ang mga hakbang upang muling makilala at mas maging

tanyag ang awiting Pilipino sa masa lalong-lalo na sa mga kabataang nakahihiligang

makinig ng mga musika. Layunin nitong muling imulat ang diwa ng nasyonalismo ng

Pilipino upang yakapin ang sariling likha. Karagdagan pa rito, ang sentro ng

pananaliksik ay nakatuon sa kalagayan ng musikang Pilipino kontra sa unti-unting

pagkalat ng banyagang musika sa kasalukuyang panahon.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG KASAYSAYAN

Panimula

Sa buhay, marami tayong mga bagay na pinag-iisipan, mga bagay na

pinagpipilian at mga bagay na pinagdedesisyunan. Sa mga simpleng sitwasyon pa

lamang ay naipapasok na natin ang tamang pagdedesisyon. Mga desisyon na

nagdadala sa atin patungo sa landas na nais nating tahakin at marating. Ayon nga kay

Bob Ong, “Kahit kelan walang maling desisyon, nagiging mali lamang ito kapag hindi

napaninindigan.” Nakaakibat sa tamang pagdedesisyon ang ating kahihinatnan at

landas na ating tatahakin pagdating ng tamang panahon kaya naman nararapat lamang

pag-isipan itong maigi.

Isa sa pinaka-importante o pinakamahalagang desisyon sa buhay ay ang pagpili

ng tamang kurso ng isang indibidwal. Ang unang taon sa kolehiyo ang isa sa

mahahalagang panahon sa kolehiyo dahil ito ang nagdidikta kung nababagay ba o hindi

para sa isang indibidwal ang kursong kanyang napili. Dahil sa maling desisyon,

maraming indibidwal ang napipilitang lumipat o magshift patungong ibang kurso.

Sa taong 2016-2017, tumanggap ang College of Architecture and Fine Arts ng

mga Shiftees at Transferees. Ito ang kauna-unahang taon kung saan ang CAFA ay

tumanggap ng mga estudyanteng gusto lumipat sa kursong Bachelor of Science in

Architecture (BSARCH) at Bachelor of Science in Interior Design (BSID). Umabot ng


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

200 aplikante ang kumuha ng Aptitude

Test, ngunit nasa 120 aplikante lamang pinalad na pumasa. Ang mga nakapasa ay uulit

ng unang taon kahit man anong taon man ang estudyante sa nakaraang kurso.

Magkakaroon ng konsiderasyon sa mga subject na pareho o di tataas sa unit ng subject

na kapareho sa kursong Architecture at Interior Design, Ito ay maaaring ma-credit.

Napansin ng mga mananaliksik ang pagkakaroon ng mga Shiftees sa College of

Architecture and Fine Arts kung kaya’t pinagtuunang pansin ng mga manananliksik ang

iba’t ibang salik o dahilan ng paglipat sa kursong Architecture at Interior Design ng mga

piling unang taong shiftees sa College of Architecture and Fine Arts ng Politeknikong

Unibersidad ng Pilipinas, Sta. Mesa, Manila.

Ang pag-aaral na ito ay hindi naglalayong magbigay diskriminasyon sa mga

shiftees kundi maglahad ng bagong kaalaman sa pamamagitan ng paglalahad ng mga

salik o dahilan ng kanilang paglipat. Layunin din ng pag-aaral na ito na magbigay

rekomendasyon sa mga susunod pang mag-aaral, hindi lamang sa Politeknikong

Unibersidad ng Pilipinas kundi pati na rin sa iba pang mga unibersidad.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Kaligirang Kasaysayan ng Pag-aaral

Noon pa man, uso na ang pagpalit ng kurso upang matugunan ang kagustuhan

ng sarili o ng ibang tao. Bago tumungtong sa kolehiyo, malaking katanungan ang

bumubungad kung ano ang kukuhaning kurso sa mga magtatapos na mga mag-aaral

sa sekondarya. Payo ng mga nakakatanda na piliin ng mabuti ang kursong gusto mo at

kung saang larangan ka magaling upang mapasayo ang natatanging propesyon. Laging

binabanggit na kapag di na sa puso mo ang pipiliing kurso di magiging madali ang pag-

aaral nito.

Kasalukuyan, may ilang mga paaralang nagsasagawa ng “carreer pathing o

carreer counsiling” na nagkakaroon ng seminar at one-to-one ang estudyante at guro

upang matulungan at magabayan ang estudyante sa pagpili ng kursong na sana ay di

niya pagsisihan May mga personality test at mga aptitude test na pinapasagutan upang

malaman ng isang guidance counsilor ang maaaring mga propesyon para sa isang

estudyante na magtutungo sa mga kursong maaaring kuhanin. Kahit dati pa, ang

National Career Assessment test ay isinasagawa upang malaman ng isang estudyante

kung ano ang mga propesyon sa pagdating ng panahon. Ang resulta ay maaaring

sundin o gawing gabay lamang. Ang unang taon sa napiling kurso ay isang pagtingin sa

sarili kung kakayanin pa ba ang mga susunod na taon. Karamihan ay nagkakaroon ng

self-realization na di pala para sa kanila ang napiling kurso kaya’t nagdadalawang isip

na mag-iba ng kursong may koneksyon sa kanilang kagustuhan, abilidad at larangan na

tingin nila ay magtatagumpay sila ditto.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Kung ang estudyante ay malawak ang imahinasyon; malaki ang pasensya at

marunong magdisiplina sa sarili, magaling mag-conceptualize ng mga bagay, at may

larangan sa sining, maaari niyang kuhanin ang kursong Architecture. Di madali ang

kursong ito kung saan ang mga estudyante ay pagod sa paggawa ng plate buong

magdamag. Karamihan ay wala ng oras sa sarili at sa ibang bagay dahil nakapokus sa

mga walang katapusang proyekto. Madalas ay mas mahaba pa ang paggawa ng plates

kaysa sa oras ng tulog ng isang estduytante sa isang lingo (Calima, 2016).

Sa taong 2016-2017, ito ang taong unang tumanggap ang College of

Architecture and Fine Arts ng mga shiftees galing sa iba’t ibang departamento sa PUP

at transferees galing sa ibang paaralan upang kumuha ng kursong Architecture at

Interior Design. Matapos ang magpalaganap ng balitang tatanggap sila ng mga

estudyante na gusto maging Arkitekto at Interior Designer ay maraming sumubok na

mag-register upang kumuha ng Aptitude Test. Marami ang kumuha ng pagsusulit na ito

na naghatid sa konklusyon na maraming mga estudyante ang hangad na magshift kahit

man uulit sa unang taon ng pag-aaral kahit ilang taon na narating mo sa dating kurso.

Sa pag-aaral na ito nais malaman ng mga mananaliksik ang mga posibleng salik

at dahilan ng paglipat ng mga estudyante sa kursong Architecture at Interior Design.

Nais rin malaman ang naging bunga ng paglipat. Ito rin ay may layong magbigay

impormasyon sa mga gustong lumipat sa kursong Architecture at Interior Design o

ipagpatuloy lang ang napiling kurso.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Balangkas Teyoretikal

Sa pananaliksik na ito ang mga teoryang naging pangunahing salalayan sa pag-

aaral ay ang mga sumusunod:

Ayon sa Free-will theory ni Jeremy Bentham, maiuugnay ito sa lahat ng tao.

Ito ay nagsasabi na ang bawat tao ay may kalayaan at kakayahan na gawin ang kung

anong naisin niya. Humigit kumulang, ito ang nakapagpapaliwanag kung bakit pilit

ipinaglalaban ng mga mag-aaral ang kursong kanilang gusto maliban sa napili nilang

unang kurso.

Ayon naman sa Labor and Career Theory of Value nina Rodman Webb at

Robert Sherman (1989), “Ang salitang career ay maaaring tumukoy sa isang linya ng

trabaho o sa kurso ng propesyunal na buhay ng isang indibidwal.” Kinakailangang

pagisipan ng mabuti at na aayon sa kagustuhan ang karerang nais tahakin o kunin.

Mayroon tayong iba’t ibang batayan ukol sa anong karera ang nais nating tahakin o

kunin. Ang edukasyon bilang isang propesyon ay ang basehan upang lubusang

mahubog ang ating kaalaman na siyang magiging pag asa ng ating bayan sa kanilang

pangangailangan.

Ayon sa Social Influence Theory ni Cialdini, kapag hindi alam ng isang tao ang

gagawin, walang pag-dadalawang isip na sinusunod niya ang salita o galaw ng isang

tao. Maaaring ito ang naging dahilan ng mga ilang mag-aaral na napilitang mag-aral ng
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

dati nilang kurso, ito ay kung saan sila’y walang nagawa sa utos o salita ng kanilang

mga magulang at pati na rin sa mga impluwensiyang umaalidgid sa kanilang buhay.

Ayon naman sa Peer Influence Theory ni Laitsch (2006), na aapektuhan ng

mga kaibigan ang ugali ng isang mag-aaral, maaaring sa negatibo o sa positibing

paraan. Maaaring ito ang nagiging dahilan kung kaya’t hindi nababase sa kanilang

personal na interes ang pagkuha nila ng kanilang kurso, dahil sila ay naiimpluwesyahan

sa paggawa nila ng kanilang desisyon. Maaari ding sa paglipas ng panahon at

napagtatanto nilang hindi nila gusto ang naunang kurso, ito ang nagiging dahilan kung

kaya’t napipilitang lumipat ang isang mag-aaral mula sa una niyang kurso papunta sa

isa pang kurso o panibagong kurso.

Ayon sa Relativity Theory ni George-Jackson (2012), pumapangalawa ang

mga magulang kasunod ng pansariling kagustuhan na nakakaimpluwensya sa mag-

aaral sa kanyang pinipiling kurso. Ang mga magulang ay may mahalagang papel sa

desisyon ng anak lalo na kung ang kinabukasan ng anak ang pinag-uusapan. Kung

anong kurso ang pipiliin ay dapat masinsinan itong pinag-uusapan ng isang anak at ng

kanyang mga magulang. Mahalagang isaalang alang ang interes ng anak dahil ito ang

nagbibigay sa kanya ng sigla sa kanyang pag-aaral at sa kanyang pagtatrabaho. Ngunit

sa lawak ng kaalaman ng mga magulang dahil sa kanilang mga karanasan ay

nakabubuti para sa anak na makinig sa desisyon ng magulang. Ang iba sa mga mag-

aaral ngayon ay nasa kursong napili ng kanilang magulang para sa kanila, kung kaya’t

may pagkakataon na nawawalan ng gana ang isang mag-aaral dahil sa hindi ito ang
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

nais nila. Napupwersa ang isang mag-aaral na gawin ang hindi nila nais gawin na

maaaring ito ang dahilan o sanhi kung kaya’t nahihikayat ang isang mag-aaral na

lumipat sa isang panibagong kurso na na aayon sa kanilang interes.

Balangkas Konseptuwal

Makikita sa bahaging ito ang iba’t- ibang pamamaraang ginamit upang makamit

ang layunin sa pag-aaral. Inilahad din ang daloy ng pag-aaral sa pamamagitan ng

pagbabalangkas sa paraang I-P-O (Input, Process, Output).

Sa Input ipinakilala ang mga Shiftees bilang respondente at pangunahing

baryabol ng pag-aaral. Kabilang din dito ang talatanungang binubuo ng propayl,

kakayahan ng shiftees, mga salik sa pagkuha ng unang kurso, mga salik sa paglipat sa

kursong Architecture at Interior Design at epekto ng paglipat.

Sa proseso naman makikita ang mga sunod sunod na hakbanging isinagawa

upang maging wasto at epektibo ang pananaliksik. Unang- una sa proseso ay ang

pagpaplano at paghahanda ng talatanungan. Sumunod ay ang pagpapasagot sa mga

respondente sa talatanungang inihanda. Pangatlo ay ang pagkalap ng mga datos mula

sa kasagutan ng mga respondente. Pang-apat, pagkwenta ng resulta gamit ang

komputasyong istadistikal. Panghuli ay ang pag-analisa at pag-interpreta ng mga datos.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Sa Awtput nakalahad ang naging resulta ng pananaliksik na isinagawa kung

saan inisa-isa ang mga salik nang paglipat ng shiftees mula ibang kurso patungong

Architecture at Interior Design.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

MGA SALIK NANG PAGLIPAT SA KURSONG ARCHITECTURE AT INTERIOR

DESIGN NG MGA PILING UNANG TAONG SHIFTEES SA COLLEGE OF

ARCHITECTURE AND FINE ARTS SA POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG

PILPIINAS NG STA. MESA, MANILA

INPUT PROSESO AWTPUT


• Pagpaplano at
 Respondente paghahanda ng  Salik nang
Shiftees talatanungan paglipat ng
• Pagpapasagot sa shiftees mula
 Talatanungan
talatanungan
a. Propayl • Pagkalap ng mga ibang kurso
b. Kakayahan ng datos patungong
• Kompyutasyong
shiftees Architecture at
Istadistikal
c. Salik sa • Pag-aanalisa ng Interior Design.
pagkuha ng mga datos gamit
ang teoryang:
unang kurso
a. Free-will Theory
d. Salik sa
b. Labor and Career
palipat sa Theory of Value
c. Social Influence
kursong
Theory
Architecture d. Peer Influence
Theory
at Interior
e. Relativity Theory
Design
e. Epekto ng
paglipat

Dayagram 1. Balangkas Konseptuwal ng Pag-aaral


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Paglalahad ng Suliranin

Ang Pag-aaral na ito ay naglalayong malaman Ang Mga Salik nang Paglipat sa

Kursong Architecture at Interior Deisgn ng mga Piling Unang Taong Shiftees sa College

of Architecture and Fine Arts ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ng Sta. Mesa,

Manila SY. 2016-2017.

Ang mga sumusunod ay partikular na sumasagot sa mga pangunahing

katanungan,

1. Ano ang mga propayl ng mga piling shiftees ayon sa?

1.1 Kasarian

1.2 Edad

1.3 Dating Kurso

1.4 Status

1.5 Taon sa kolehiyo

1.6 Kita ng nagpapa-aral

2. Anu-ano ang mga kakayahan ng mga piling shiftees ayon sa?

2.1 Talento

2.2 Abilidad

3. Anu-ano ang mga salik kung bakit kinuha ang dating kurso?

4. Anu-ano ang mga salik kung bakit lumipat sa kursong Architecture at

Interior Design?

5. Anu-ano ang mga Epekto nang paglipat sa bagong kurso ayon sa?

5.1 Magagandang na ibunga nang paglipat ng kurso


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

5.2 Di magagandang na ibunga nang paglipat ng kurso

Haypotesis

Base sa mga inilahad na suliranin ng pag-aaral. Ipinapalagay ng mga

mananaliksik na walang makabuluhang mga salik ang mga propayl ng mga piling

shiftees ayon sa kasarian edad, kurso, status, taon sa kolehiyo, at kita ng nagpapa-aral

sa paglipat sa kursong Architecture at Interior design ng mga piling unang taong

shiftees sa College of Architecture and Fine arts sa Politeknikong Unibersidad ng

Pilpinas ng Sta. Mesa, Manila S.Y. 2016-2017.

(KUNG MAY SALALAYAN NA RRL TUNGKOL SA HAYPOTESIS NA

BINIGAY NIYO PWEDENG ILAGAY DITO)

SAKLAW AT HANGGANAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay naka-pokus lamang sa mga salik nang paglipat sa

kursong Architecture at Interior Design ng mga piling unang taong Shiftees sa College

of Architecture and Fine Arts sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Tanong

Panuruan 2016-2017.

Ang mga respondenteng pinili ay mga piling shiftee sa unang taon ng pag-aaral

sa College of Architecture and Fine Arts. Walang partikular na edad at kasarian.

Ang mga mananaliksik ay kumuha lamang ng mga impormasyong maglalaman

sa buong kontento ng pag-aaral. Ang Pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

mag-aaral ng paaralang ito upang malaman ang mga iba’t ibang mga salik at epekto ng

paglipat sa kursong Architecture at Interior Design.

Ang pag-aaral na ito ay walang mga respondente galing sa pangalawa hanggang

limang taon sa kolehiyo dahil walang mga shiftees na nanggaling sa ibang kurso ng

taong 2016-2017. Ang mga Transferees na galing sa ibang paaralan ay di sakop ng

pag-aaral na ito. Ang mga Transferees ay di makakatanggap ng talatanungan na

naihanda ng mga mananaliksik. Ang kontento ng pag-aaral na ito ay nilalaman lamang

ang mga positibo at negatibong mga salik nang paglipat sa kursong Architecture at

Interior Design.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tukuyin ang mga salik ng paglipat ng mga

shiftees sa kursong Architecture at Interior Design. Naniniwala ang mga mananaliksik

na ang pag-aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral. Sa pag-aaral na ito nalalaman ng mga mag-aaral ang saloobin

ng kapwa mag-aaral sa dahilan ng paglipat nito. Paraan din ito upang mapukaw ang

kaisipan ng mag-aaral magkaroon ng mas malalim na dahilan sa paglipat sa naturang

kurso.

Sa mga Magulang. Ang pag-aaral na ito ay makakapagpabatid sa mga magulang

patungkol sa iba’t ibang salik sa paglipat ng kurso nang sa gayon ay matulungan nila
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

ang kanilang mga anak sa pagpili ng tamang kursong kukunin. Layunin din nito na

mabawasan ang kaakibat na gastusin kung sakaling lilipat ng ibang kurso ang kanilang

mga anak dahil sa karagdagang taon na ilalaan sa kolehiyo.

Sa mga susunod na Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay linaw sa mga

mag-aaral tungkol sa mga salik ng paglipat ng kurso. Maaaring sa pamamagitan ng

pananaliksik na ito, magkakaroon ng kamalayan ang mga mananaliksik at ibahagi ito sa

mga mag-aaral na nais ding lumipat sa kursong ito. Maaari rin silang magbigay

rekomendasyon sa mga mag aaral ukol sa mga epekto ng paglipat ng kurso at paraan

upang maiwasan ang paglipat o pagshift

Katuturan ng mga Katawagan

Upang magkaroon ng higit na pagkaunawa sa paksa, ang mga salitang ito ay

binigyang kahulugan:

Shiftees. Mga estudyante sa kolehiyo na nagnanais lumipat mula sa ibang kurso

papunta panibagong kurso.

Transferees. Mga estudyante na nanggaling sa ibang unibersidad upang

ipagpatuloy ang nakuhang kurso o kumuha ng panibagong kurso sa

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Salik. Mga bahagi o elemento na nagdadala ng partikular na epekto, bunga, o

resulta.

CAFA. College of Architecture and Fine Arts. Isang kolehiyo sa Politeknikong

Unibersidad ng Pilipinas na may kursong Architechture at Interor Design.

Architecture. Isang pag-aaral ng Agham at Sining. Ito ang proseso at produkto

ng pagpaplano, pagdedesenyo, at pagtayo ng gusali at iba pang istraktura. Ang

College of Architecture and Fine Arts ay may ganitong kurso.

BSARCH. Bachelor of Science in Architecture. Limang taong kurso ng CAFA na

naglalayong maghatid ng meyjor ng Acrhitecture.

BSID. Bachelor of Science in Interior Design. Apat na taong kurso ng CAFA na

naglalayong maghatid ng meyjor ng Interior Design.

Interior Design. Isang pag-aaral ng Sining at Arkitektura. Nilalaman ang pag-

aaral ng kulay, liwanag, tekstura, at balanse upang lumikha ng ultimatong

kapiligiran. Ang College of Architecture and Fine Arts ay may ganitong kurso.

Kurso. Ito ay isang serye ng pag-aaral na kinukuha sa kolehiyo;

pagpapadalubhasa sa isang larangan.

Mag-aaral o estudyante. Ito ay ang mga taong nagnanais matuto ng isang

larangan o propesyon.

Institusyon. Ito ay isang komunidad ng eskwelahan kung saan binubuo ito ng

administrasyon, mga guro, at estudyante.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Respondente. Ito ay pawang mga mag-aaral na isinailalim sa sarbey

Larangan. Ito ay isang propesyon na pinagkakadalubhasaan ng mga

estudyante; disiplina.

Income. Ito ang halaga o pera na kinikita ng isang tao sa trabaho.

Tuiton Fee. Ito ang halaga o pera na binabayaran sa isang institusyon ng pag-

aaral.

Problemang Pangpinansyal. Ang isa sa mga nagiging pangunahing dahilan ng

paglipat ng Kurso ng mag-aaral ng kursong Narsing.

Matrikula. Halaga ng ibabayad ng isang estudyante sa paaralan para sa mga

matiryales na gagamitin.

Bilihin. Ginamit ito upang sumimbulo sa mga gamit pang-eskwelahan lalo na

ang mga kagamitan na ginagamit sa kursong Architecture at Interior Design

Plates. Maaring exercises/midterm/final exam ng mga estudyanteng nasa

kursong Architecture at Interior Design. Ang mga exercises ay araw araw na may

bagong pinapagawa at minsan ay pinapauwi kapag di natatapos sa eskwelahan.

Major subject. Mga subject na may mga matataas na unit o mga subject na

importanteng kunin ng isang nasabing kurso.

Minor subject. Mga subject na may mga mababang unit.

Propesyon. Ang pagiging magaling at bihasa ang sarili sa pag-lilingkod


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Sa kabanatang ito, itinala ang ilang may kaugnayang babasahin, literatura at

pag-aaral upang higit na masuri ang paksang may kaugnayan sa pananaliksik na ito.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ayon kay Gordon (1995), Mahigit kumulang 20 hanggang 50 porsyento ng

estudyante ang pumapasok sa paaralan ng hindi alam ang tunay na desisyon at sa

estimadong 75 na porsyento ng estudyante ay nagpapalit ng meyjor minsan sa isang

beses bago makapagtapos.

Ipinaliwanag naman ni Jones (2012), Kung titignan ang istatistikong

impormasyon, halatang ang pagpili ng meyjor ay isang seryosong pagkilala ng

magiging propesyon ng estudyante, hindi lamang ang mga hindi alam ang desisyon.

Mahalaga rin tandaan na ang mga estudyanteng may desisyon sa kurso ay hindi

lamang maaaring binabase nila ang kanilang meyjor sa kanilang repleksyon sa sarili o

makatotoohanang pagsasaliksik. Halimbawa, sa isang pag-aaral noong 2006 sa

Canada, ang mga tagapagsaliksik ay sumunod ng 80,574 na magaaral sa 87 na mga

kolehiyo sa limang taong kapanahunan at nagpakita na ang magandang grado ay

maiuugnay sa pagkakaroon ng meyjor na malapit sa personalidad ng isang estudyante.

Sa katunayan, napagalaman din nila na ang pagkapareho ay nakapaghinuha ng


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

kabuuang grado o grade-point average (GPA) pagkatapos ng limang taon kumpara sa

ACT scores.

Ibinahagi ng National Association of Colleges and Employers,2010 o NACE,

maraming mag-aaral sa kolehiyo ay pumapasok sa paaralan na wala talagang desisyon sa

gustong kurso. Ayon sa kanilang pagsasarbey, mayroong 66% na mag-aaral ang pumipili ng

kanilang nais na kurso base sa kanilang karerang gustong tahakin, 7% naman ay pumipili ng

kurso base sa magiging potensyal na makikita nito, 9% ay sinasabing sila ay inspirado ng isang

particular na guro o propesor, 12% ay sinasabing sila lamang ay nakikiayon sa agos ng panahon

o uso lamang, 6% ay naimpluwensyahan naman ng pamilya o ng mga kaibigan. Ayon din sa

pag-aaral ng NACE, bilang magulang ano nga ba ang dapat mong gawin kung malaman mong

ang iyong anak na nasa kolehiyo ay nagbabalak maglipat ng kanyang kurso? Ito ang mga

mungkahi na maaaring ikunsidera: huwag magmadali, ang iyong suporta, magandang

komunikasyon at makipag usap sa iyong anak, himukin at ipaalala ang mga dapat ipaalala para

sa anak.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Office of Institutional Research and

Assessment Southeastern Louisiana University sa pangunguna ni Dr. Michelle Hall

na Why Do Students Withdraw From Courses noong Oktubre 2003, halos kalahati

(51.5%) mula sa kanilang mga respondente ang tinapos muna ang unang taon sa

naunang kurso bago pa man umalis samantalang 48.5% ang hindi na tinapos ang

unang taon sa naunang kurso. Karagdagan pa dito, naghanda ang unibersidad ng

listahan ng ilan sa mga maaaring dahilan ng pagtigil sa pagkuha ng naunang kurso at


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

saka ito iniharap sa mga respondente. Ayon sa resulta ng pag-aaral ng unibersidad,

27.2% ang umalis sa una nilang kurso dahil sa mahina nilang pagganap sa kursong

kanilang kinuha. 14.0% naman mula sa mga respondente ang umalis sa kurso nila dahil

hindi ito ang kanilang dapat na pangunahing kurso.

Ayon sa UTEP Center for Institutional evaluation, Research and Planning

(CIERP), sa pagitan ng taglagas noong 2011 at tagsibol noong 2012 semesters, 14.4 %

ng mga undergraduate ng mga mag-aaral sa UTEP ang nagbago ng kurso. 21.1 % nito

ay mula sa, 15.4 na % sa sophomores, 15 % ng juniors, at 8.1 % naman ng seniors.

Ayon sa CIERP. ang pagbabago ng kurso ay maaring mangyari sa loob ng iisang

departamento, mula sa Business Marketing tungo sa Business Advertisng, o sa loob ng

iisang kolehiyo, halimbawa, mula sa Education tungo ng Health Sciences. Ang

nagdesisyon nang kukuning kurso ng ilang mag-aaral ay kanilang magulang o kamag-

anak, na hindi namamalayan kung maiisip ba ng mag-aaral na magpalit ng kurso na

magiging dahilan pa ng karagdagang taon sa kolehiyo at kahulihan sa pagtatapos.

Karamihan sa mga ito ay kaagad makalipat ng kurso at tumatagal pa ng ilang taon dahil

sa takot na kumprontahin ang magulang o kamag-anak. Ang ideya ng pagpapalit ng

kurso, ay hindi madali para sa lahat. Upang mabigyan ng sapat na tulong ang isang

estudyanteng gustong lumipat ng kurso, nararapat lang na makipag-usap sa kanyang

punong tagapayo.

Sa pa-aaral na “Isang Pag-Aaral Sa Mga Kadahilanan Ng Paglipat Ng Mga

Uermmmc Narsing Na Mga Mag-Aaral Sa Ibang Kurso” na naisagaw nina Aguila et

al. 2009 , Ang pinakamaraming naisaad na kadahilanan ng paglipat ay ang istilo ng


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

mga propesor sa pagtuturo. Tila napakahirap at komplikado raw ng mga asignatura nila

dahil sa estratehiyang ginagamit ng kanilang mga propesor. Ito ang nagging dahilan ng

karamihan sa paglipat. Maiuugnay dito ang nararanasang brain drain ng ating bansa

kung saan ang ating mga de-kalibreng ay isa isa ng umaalis ng bansa upang kumita ng

dolyar. Ang mga natitira tuloy ay tila mga baguhang walang sapat na ekspiriensiya

upang maging epektibo sa pagtuturo. Isa rin sa mga dahilan ng paglipat

ng mga estudyante ay ang kahirapan o problemang pangpinansyal. Sa taunang

pagtaas ng matrikula at dami ng kailangan gastusin sa napiling kurso, nagiging mahirap

na ito sa mga magulang kaya kahit hirap man ang sasapitin ng kanilang mga anak ay

wala silang magawa kundi ang palipatin ang kanilang anak ng kurso, o kung hindi

naman ay pinatitigil na ng pag-aaral.

Mga Kaugnay na Literatura

Ayon sa isinulat na artikulo ni Duncan (2015) na Changing or Leaving your

Course, alamin muna ng mag-aaral ang mga salik na nakapagdudulot sa tuluyang

paglipat o pag-shift patungong ibang kurso. Ilan sa mga ito ay dahil sa nahihirapan o

kaya naman ay masyadong nadadalian sa mga asignatura na humahantong sa

pagkabagot sa kurso. Maaari rin naming napagtantong hindi nababagay ang kursong

napili sa kakayahan at talento ng isang indibidwal. Isa pa sa mga inilahad na salik ay

ang problemang pangpinansyal dahil mahirap mapunan ang pang-araw-araw na


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

pangangailangan, pagdadalawang-isip sa maaaring patunguhan sa buhay kung itutuloy

ang unang kursong napili at isyung pangkalusugan.

Habang kay Taylor (1997), Maraming mga mag-aaral ang mayroong

magandang pagkakaunawa sa mga natura ng kanilang napiling propesyon alinsunod sa

pagpasok sa isang propesyunal na edukasyon. Sila rin ay may kakayahang makagawa

ng higit pa sa kanilang inaakala sa natura ng pagsasagawa sa darating na panahon.

Samakatuwid, ang pagkaunawa sa kanilang napiling kurso at ang kanilang

makaugnayang karanasan ay maaaring mailakip sa basehan ng pagpili o criteria.

Ang nakatala sa artikulo na mula sa www.helpguide.org/articles/stress/stress-

management.htm. Kaya nagpapalit ng kurso o tumitigil sa pag-aaral ang isang

estudyante ay dahil sa apat na basikong pinagmulan ng “STRESS”. Una ang

kapaligiran halimbawa nito ay ang ingay, polusyon, traffic at dami ng tao, panahon.

Pangalawa ay ang sikolohikal gaya ng sakit, kasiraan, kapansanan, hormonal

fluctuations, at hindi tamang bilang ng tulog o nutrisyon. Pangatlo ay pag-iisip, kung

papaano tayo mag-isip ay nakakaapekto sa kung paano tayo tumutugon. At panghuli ay

social stressor, ito ay ang problemang pangpinansyal, work demands, at pagkawala ng

mahal sa buhay. Paano nga ba mawawala ang “Stress” ng isang tao? Magkaroon ng

maayos na pamumuhay, maging positibo at ayusin ang iyong pag-uugali at paunlarin

ang pagpapakahulugan sa buhay.

Ayon sa Collier’s Encyclopedia p.89 Ang edukasyon ay nananatili bilang isang

prosesyong pangkalahatan na nagiging instrumento upang ang isang komunidad,


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

lipunan o bansa ay makaagpang sa mga pagbabagong nagaganap. Ito ay sa

pamamagitan ng paglalahad at pagpapalaganap ng mga kaalaman na tumutulong sa

tao upang lagpasan ang ano mang banta laban sa pansariling kaayusan. Ang

Edukasyon ay maituturing na pangkalahatang proseso kaya’t nararapat lamang na ito

ay hindi makapag-iisa, sapagkat nandito ang pag-aambag ng iba’t ibang saloobin,

persepsiyon, ideolohiya at mga pagnanais mula sa iba’t ibang uri ng indibidwal sa loob

ng isang grupo. Masasabi rin na ang isa sa pangunahing layunin ng edukasyon ay ang

bigyan ng nararapat na pagsasanay ang isang tao upang magamit niya ang kanyang

sariling mga kaisipan para sa pansarili at pambansang kaunlaran at kaayusan.

Ayon naman ni Silva (2014), sa kanyang artikulo, may mga posibleng rason ang

estudyanteng nagpapalit ng kurso, ito ay ang mga sumusunod: Una, problema sa sarili,

kung hindi nakukuha ng estudyante ang kanyang mga demand, ito ay maaari

makabagot o magpabagsak sa estudyante. Ikalawa, problema sa lugar ng paaralan o

unibersidad, kung ang lugar ay mayroong di kaaya-ayang itsura, maaari itong maging

dahilan ng unsatisfaction. Ikatlo, pinansyal na problema, kung may kamahalan ang

gustong kurso, maghahanap na lamang ng alternatibong kurso na mas mura at

makakaya ng kita ng pamilya ng estudyante. At ikahuli, problema ng estudyante sa

pagpili ng kurso sa una pa lamang, kung ito ba talaga ay kanilang kagustuhan o hindi.

Ibinagi ng artikulo sa www.counseling.ufl.edu/cwc/stress-andcollege-

students.aspx. Ang sumusunod ay bahagi ng isang talumpating binigkas ni Richard

Cracknell, Tagapayo at Tagapatnubay na Opisyal ng Distrito (Counsellor and District


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Guidance Officer), sa isang gabi ng mga magulang ng mga mag-aaral sa Year 12 sa

Inverell. Ang pinakamalinaw na mga uri ng suportang maibibigay ng isang magulang ay

ang mga praktikal, pisikal na mga bagay. Ito ay ang mga maaaring pagkukulang o mga

dahilan kung bakit nawawalan ng gana sa isang kurso ang etudyante. Una ay ang

paglaan ng isang maayos na lugar na magagamit sa pag-aaral. Dapat ay tahimik at

malayo sa kaguluhan. Ikalawa, bigyan ng payo ang anak na isiping ang mga

pagkakamali ay bagay na makukunan nila ng aral at marapat na mangibabaw ang

pagiging positibo. Ikatlo ay huwag i-presyur ng husto ang anak dahil nakakaranas din

sila ng matiding paghihirap. Intindihin at maging alerto sa mga problema na kanilang

dinadala.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG KASAYSAYAN

Panimula

Sinasabing ang wika ay kakambal ng tao simula pa man ng ito’y isilang maging

hanggang sa ito’y pumanaw. Kaya naman, gaya ng tao ang wika ay nagtataglay ng

mga katangiang nagbabago rin kasabay ng pag-unlad ng tao dahil sa pagiging likas na

dinamiko nito. Dahil sa pagbabago ng tao sa paglipas ng panahon, hindi maiiwasang

mayroong mga wikang nawawala at isinisilang, napapalitan o nagkakaroon ng

baryasyon. Ayon kay Bautista (2004), ang pangyayaring tulad nito ay kinakailangan na

mapaghandaan dahil maaaring magdulot ang mga ito ng mga suliranin sa pagbabaybay

sa Ortograpiya at sa gramatika.

Ang Komisyon sa Wikang Filipino ay isang organisasyong naghahain ng mga

tuntunin upang magkaroon ng estandardisasyon ang gabay sa Ortograpiya ng wikang

Filipino partikular sa ispeling at tamang gamit ng mga salita upang maiwasan ang

suliraning binanggit ni Bautista.

Ngayong taon lamang ay inilabas ng KWF ang Ortograpiyang Pambansa

2014 na umani ng kaliwa’t kanang batikos at naging tampulan ng katuwaan ang

bagong panukalang pagpapalit ng pangalan ng bansa mula Pilipinas patungong

Filipinas na tila naging dahilan upang malayo sa tunay na isyu ang madla. Ilan sa mga
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

isyung dapat bigyang-pansin ay ang pagbabalik muli ng paggamit ng tuldik sa

pagsusulat at pagdaragdag na dati ay tatlo ngayon ay naging apat, pagsasa-Filipino ng

ispeling ng mga bagong hiram na salita sa Ingles at iba pang wikang banyaga at iba

pang kontrobersiyal na pagbabago.

Dahil dito, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pag-aaral hinggil sa

Katanggapan at Kabatiran ng mga guro sa Ortograpiyang Pambansa 2014.

Naniniwala ang mga mananaliksik na mahalagang malaman ang katanggapan ng isang

guro hinggil sa paksa dahil maaari itong makaapekto sa kabatiran ukol sa Ortograpiya

na makaaapekto rin sa pagtuturo ng mga guro. Mahalagang tinatanggap ng mga guro

ang mga pagbabago sa wika at mayroong kabatiran ukol dito dahil guro ang

magsisilbing tagapagsanay sa wika.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Kaligirang Kasaysayan ng Pag-aaral

Ang Gabay sa Ortograpiyang Pambansa 2014 ay ang pinakabagong tuntunin na

dapat sundin sa pagtuturo ng gramatika at pagbabaybay sa sistema ng edukasyon. Ang

mga natutunang tuntunin na ipinaiiral noon na maaaring malinaw nang naunawaan at

lubos nang tinatanggap ng mga guro sa kasalukuyan ay mali o nabago na pala, ngunit

dahil sa wala sa kamalayan ng mga guro ay patuloy pa ring ginagamit ang mga tuntunin

at naisasalin sa mga mag-aaral ng wika.

Sa pag-aaral na isinagawa, hangarin ng mananaliksik na matukoy kung

hanggang saan ang nalalaman ng mga guro sa binago at dinagdag na mga tuntunin sa

Ortograpiyang Pambansa 2014. Dahil ang mga guro ang magpapasa ng mga kaalaman

sa mga mag-aaral bunsod nito mahalagang mabilis na nakakaangkop ang mga guro sa

mg pagbabago sa Ortograpiya. Ang gampanin ng isang guro ay lubhang napakahirap

sapagkat nakasalalay sa mga guro ang tiyak na pagkatuto ng bata. Kung hindi na

napapanahon ang mga itinuturo ng guro, sa halip na nadaragdagan ang kaalaman ng

mga mag-aaral ay magiging dahilan pa ito ng kalituhan sa pagdating ng panahon.

Layunin din ng mananaliksik na malaman kung katanggap-tanggap o hindi ang

Ortograpiyang Pambansa 2014 para sa mga guro na nakabasa at nakapagsuri ng mga

tuntunin dahil malaki ang epekto nito sa pagtuturo ng mga guro. Kung may mga bahagi

ng tuntunin na hindi pinaniniwalaan o hindi tinatanggap ng guro, malaki ang posibilidad


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

na ang ituro lamang ay yung katanggap-tanggap. Hamon para sa mga guro ang

pagpapaintindi sa mga mag-aaral na mayroon nang bagong tuntuning umiiral sa paraan

ng gramatika at pagbabaybay ngunit kung mismong mga guro ay ayaw itong tanggapin

ay mahihirapan din ang mga mag-aaral na tanggapin sapagkat ang mga guro ay

itinuturing ng mga mag-aaral na modelo. Hindi makatarungan ang ganitong magiging

gawi dahil nakasalig lamang ang mga natututunan ng mga mag-aaral batay sa mga

tuntuning tinatanggap ng mga guro.

Kaya naman, naniniwala ang mga mananaliksik na nararapat lamang na sukatin

ang kabatiran at katanggapan ng mga guro sa asignaturang Filipino sa Ortograpiyang

Pambansa 2014, para na rin maging bukas ang isipan ng mga guro sa anumang

kakulangan at mga dapat pang pagtuunan ng pansin at pag-aralan ukol sa mga bago at

binagong tuntunin, gayundin, maging bukas ang kalooban sa pagtanggap sa mga

prinsipyo at tuntuning nakapaloob sa Ortograpiyang Pambansa 2014 para na rin sa

mga guro at mag-aaral.

NOTE:

ISA PANG HALIMBAWA NG BALANGKAS KONSEPTUWAL:

BUKOD SA IPO PWEDENG GANYAN SARILING GAWA NINYO KASI NAKABASE


YAN SA KABUUAN NG PANANALIKSIK NIYO KAYA IBA-IBA ANG MAAARING
MAGING ITSURA NG FRAMEWORK NIYO. HALIMBAWA LAMANG ITO.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

You might also like