You are on page 1of 1

IKALAWANG PANGKAT – FRANCISCO, GANALON, GUANEZ, ILIM, SUBA

BSEDEN 2-1
Paano nangyaring naging mahiligin ang Pinoy sa kulturang popular sa wikang Ingles at paano ito
mababago?
Mula noon, dahil sa pananakop ng mga dayuhan, nagkaroon ang mga Pilipino ng pagkakataon
upang matutunan ang lenggwahe ng ibang bansa partikular ang Ingles na nagpatuloy sa pagiging
isang opisyal na wika. Ang pagtangkilik sa iba’t ibang kultura ay naglayon sa pagkakaroon ng
malawak na kaalaman at inspirasyon para sa mamamayan ng isang bansa sa iba’t ibang larangan tulad
ng musika. Dito sa Pilipinas, napakaraming artista o musiko ang gumawa at lumikha ng mga awitin
na nasusulat sa lenggwaheng Ingles sa ilang kadahilanan. Dito ay ibabahagi ng aming grupo ang ilan
sa dahilan kung bakit nakahiligan ng mg Pinoy ang mga kulturang popular sa wikang Ingles at paano
ito mababago.
Una sa lahat, mula noong tayo ay nasa sinapupunan pa lamang lalong lalo na ang mga
makabagong henerasyon, ay napapalibutan na tayo ng kulturang popular na may malaking
impluwensiya sa atin, ngunit mas nakilala ito sa tulong ng modernisasyon at teknolohiya. Nang
magsimulang gumamit at mamulat ang mga Pilipino sa teknolohiya, nagkaroon tayo ng oportunidad
para makita ang kultura ng ibang bansa na nakapaghikayat sa atin sa paggamit ng wikang Ingles, mas
naging malawak ang bokabularyo ng mga Pilipino sa ganitong wika at dahil ito ay unibersal na
lengguwahe ay mas ninais ng mga musiko na gumawa ng mga awiting marahil ay mas marami ang
makakaintindi. Pumapasok dito ang paggamit ng midya, dahil dito mas napabilis ang proseso ng
pagkalat ng mga bidyo na puwedeng ma-access ng kahit na sino kaya naman mas nahikayat pa lalo
ang mga Pilipino na gumawa ng marami pang awiting nakalathala sa wikang Ingles. Sa kabilang
banda, ang ilan sa mga Pilipinong musikero ay gumagawa ng mga kanta sa wikang Ingles dahil sa
pangangailangan para sa mas malawak na pagkakalantad sa mundo. Ang pagkanta sa Ingles ay isang
mahusay na paraan upang maipakita ang kanilang musika sa ibang bansa at sa mga tao sa labas ng
Pilipinas. Dahil ang Ingles ay isang pandaigdig na wikang ginagamit sa negosyo, pamamahala, at
sining, ito ay naging isang epektibong pamamaraan para sa mga musikero na nagnanais na makamit
ang internasyonal na tagumpay. Sa pagkakataong ito, madalas na isa rin itong trabaho kung saan ay
kikita sila ng malaki dahil kung mas naiintindihan at naibabahagi nila ang mga mensaheng gusto
nilang iparating, mas marami rin ang tatangkilik at makikinig na magiging dahilan ng paglago ng
kanilang kita maging ng ekonomiya.
Ayon kay Sibayan (1991), nahahati sa tatlo ang uri ng larangan ng wika. Para sa amin, bilang
ang mga bidyong ipinakita ay parte ng entertainment o libangan at daan para makilala ang mga
musikerong Pilipino ito ay bahagi ng tinatawag na semi-controlling o medyo mahalagang larangan
kung saan ang wikang ginagamit ay hindi ganoon kahalaga para sa mga tao. Ito ay nakabase lamang
sa mismong gumagamit ng wika, at bilang ang musika ay napapakinggan sa iba’t ibang parte ng
mundo, pinili ng ibang Pilipino na gawin ito sa wikang Ingles.
Para sa panghuli, bagamat may magandang naidudulot ang pagkahilig ng mga Pilipino sa
kulturang popular sa wikang Ingles, may iilan pa ring hindi magandang dala ito para sa ating kultura.
Sa aming palagay ay hindi na ito mababago sa mga Pilipino dahil sa laki ng impluwensiya nito ngunit
mas dapat na palakasin ang kulturang Pilipino at wikang Filipino sa pamamagitan ng mas malawak na
pagtuturo nito sa mga paaralan. Dapat rin nating paunlarin at ipalaganap ang lokal na kultura sa
paraan nang pagsuporta at paggawa ng mga bagay gamit ang sariling atin. Hindi masamang gumamit
ng ibang lengguwahe at kahiligan ang modernong kulturang popular hindi lang sa musika maging sa
pananamit, pag-uugali, gawi, at iba pang aspeto ngunit mas mainam na panatilihin ang pagka-Pilipino
dahil ito ay may malaking bahagi sa pagkakakilanlan mo bilang isang tao. Tandaan na hindi
masamang kahiligan at sundan ang dala ng modernisasyon ngunit hindi dapat kalimutan na kaya
nating maging matagumpay at makilala sa ating sariling paraan

You might also like