You are on page 1of 2

Pangalan: Jenecelle C.

Encierto

GE12 Philippines Popular Culture

Section U M-W-F 8.00-9.00am

PAGSASANAY

Gawain # 1

Panuto: Magtala ng limang (5) awiting Pinoy na naging popular at tinangkilik pa rin hanggang ngayon.

Mga awiting Pinoy

1. Leron- Leron Sinta

2. Bahay kubo

3. Atin Cu Pung Singing

4. Manang Biday

5. Paruparong Bukid

PAGTATAYA

Panuto: Ipaliwanag ang mg sumusunod. (Limang puntos bawat bilang na may kabuuang 10 puntos).

1. Para sa iyo, tunay bang makabuluhan ang mga sagisag na ito sa kulturang Pilipino? Bakit? Patunayan.

Sagot: Para sakin, ang mga sagisag ng Kulturang Pilipino ay tunay na mahalaga. Dahil ang mga sagisag
na ito ang ating pagkakakilanlan. Hindi tayo matatawag na isang malayang bansa kung wala ang mga
sagisag na ito. Hindi tayo matatawag na mga Pilipino kung wala ang mga sagisag ng Kulturang Pilipino.
Kaya tunay ngang makabuluhan ang mga ito.

2. Bilang isang mamamayang Pilipino, paano mo maipapakita ang iyong pagtangkilik at pagpapahalaga
sa mga sagisag ng kulturang Pilipino? Patunayan.

Sagot: Sa pamamagitan ng patuloy na paggunita sa mga nakasanayang gawin ng ating mga ninuno.
Bilang isang mamamayang Pilipino, isang karangalan ang panatilihin ang ating pagpapahalaga sa mga
sagisag ng Kulturang Pilipino. Ito ang mga sagisag na nagpapatunay kung ano ang pinagdaanan ng ating
mga ninuno at ang nagpapakita kung ano tayo ngayon bilang mga Pilipino nang dahil sa ating mga
ninuno. Halimbawa, ang paggalang sa watawat ng Pilipinas at sa pambansang awit, kung marinig natin
na tumutugtog ang ating pambansang awit, tayo ay hihinto para magbigay pugay at igalang ang
pagkakakilanlan ng ating kalayaan. Sa simpleng gawain na ganyan,naipakita na natin ang pagpapahalaga
natin sa mga sagisag ng kulturang Pilipino.

TAKDANG ARALIN
Panuto: Ano ang mga natutunan mo sa leksiyong ito? Isalaysay.

Sagot:

Ang natutunan ko sa kulturang Popular ay masasabi kong isang paraan ng mga tao para maramdaman
ang pagtanggap sakanila ng nakararami . Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama sa mga
tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa mga
kadalasang nagbibigay ng depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang katanggap-tanggap. Ang
kulturang popular ay maaaring teknolohiya , pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga
pinagsasama-samang kultura na itinatakda ng makakapangyarihang tao, kumpanya at bansa. Ginagamit
ito ng mga ordinaryong tao para maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin
maipakilala ang kanilang sarili.

You might also like