You are on page 1of 61

AMA Computer College - Cavite

Senior High School Department

KABANATA I

SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN

INTRODUKSYON

Music is a moral law. It gives soul to the universe, wings to the mind, flight

to the imagination, and charm and gaiety to life and to everything.

Ang mundo ay puno ng makukulay na awitin. Awiting binigyang buhay ng

mga mang-aawit. Iba`t ibang awitin, iba`t ibang mang-aawit, iba`t ibang kahulugan,

iba`t ibang emosyon, iba`t ibang inspirasyon at kwento, iba`t ibang interpretasyon at

epekto sa mga nakikinig nito. Sa panahon ngayon hindi lang mga Pilipinong mang-

aawit ang sumisikat sa industriya ng musika, maging ang mga mang-aawit ng iba`t

ibang bansa at bayan ay laganap na rin. Magkakaiba man ng lengwahe ng mga

awitin kapag ito ay nagsimula ng tugtugin lahat ay nakakaintindi. “Nakakarelate”,

ganyan kung tawagin.

Ang musika ay maituturing na isang elemento na siyang nagbibigay ng

kakaibang pakiramdam sa mga taong nakikinig nito. Ang musika ay isang bagay na

masasabing mahalaga sa buhay ng tao. Ito ay nagbibigay kahulugan sa taong

nakikinig nito lalo na kung tumugma ito sa damdamin. May masayang musika para

sa taong masaya, mayroon ding senti sa mga taong gustong mag-isa at nalulungkot,

ang pakikinig ng musika ay nagkakaroon ng impak sa taong nakikinig.

1
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Music is the shorthand of emotion.

Emosyon ng tao ang nagiging basehan kung ano ang musikang pakikinggan.

Minsan ginagamit ang musika bilang pantanggal pagod o di kaya minsan ay

kaaliwan, para sa mga mag-aaral ito ay isang paraan upang maging kalmado ang

utak at ihanda para sa matinding pag-aaral, pinarerelaks nito ang utak at

tinutulungang iproseso ang impormasyon pero paano kung puso ang kailangang

pakalmahin dahil nasaktan? Sapat kaya ang musika upang mapawi ang sakit na

naramdaman?

“Pagod na ko!“ Madalas na linya ng mga taong sawi sa pag-ibig. Ang hirap

mag-move on. Mahirap masaktan pero mahirap ang hindi magmahal. Sa

pagmamahal hindi maiiwasan ang mga problema, madalas ay inaayos at

napapagtagumpayan ngunit minsan ay sawi at hindi itinadhana kaya nauuwi sa

hiwalayan. Hiwalay, ito ang pinakamasakit na parte o bahagi ng pagmamahal ngunit

kailangang mag-move on dahil sabi nga nila love yourself.

One good thing about music, when it hits you, you feel no pain.

Madalas lumang tugtugin ang pumupukaw sa ating pandinig kapag pag-ibig

ang usapan ngunit sa panahon ngayon ang mga millennial kung tawagin ay may mga

musika na ring nalalaman. Makabagong musika ng makabagong henerasyon.

2
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Mag-move on, mga katagang mahirap simulan, gawin at panindigan ngunit

kailangan. Kaya kayang mag-move on sa pamamagitan ng makabagong musika?

Sapat na kaya ang musika upang hilumin ang sugat na naiwan sa pusong na sawi?

3
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito na may pamagat na Epekto ng Makabagong Musika

sa Pagmu-move on ng mga Mag-aaral ng Senior High School sa AMACC ay

nalalayong tugunan ang mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang kahalagahan ng makabagong musika sa pagmu-move on?

2. Ano ang benepisyo ng pakikinig ng makabagong musika sa taong nagmu-move

on?

3. Ano ang mga posibleng maging epekto ng pakikinig ng makabagong musika sa

pagmu-move on?

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Sa pag-aaral na ito ay sisikaping tugunan ang mga sumusunod na layunin:

1. Malaman ang kahalagahan ng makabagong musika sa pagmu-move on.

2. Mailahad ang mga maaring maging benepisyo ng pakikinig ng makabagong

musika sa taong nagmu-move on.

3. Maipahayag ang mga posibleng maging epekto ng pakikinig ng makabagong

musika sa pagmu-move on.

4
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay malaman ang mga positibo at

negatibong Epekto ng Makabagong Musika sa Pagmu-move on ng mga Mag-

Aaral ng Senior Highschool sa AMACC. Base sa pag aaral ng mga psychology

ang pakikinig ng musika ay nakakabawas sa pag-iisip ng negatibo o nakakapagbigay

ng kapayapaan sa mga nakikinig nito.

Mga mag-aaral. Sila ang unang magiging benepisyaryo ng pag aaral na ito dahil

ang mga mag-aaral sa panahon ngayon ang mga mabilis na mafall in love sa

kanilang mga kamag-aaral at sila ang mas madalas makaranas ng pagmu-move on.

Mga mang-aawit. Sila ang may kakayahang gumawa ng kanta at nasa kanila kung

anong mensahe ang nais nilang ihayag sa kanilang mga kanta.

Mga susunod na mananaliksik. Magiging mahalaga ang pag aaral na ito sa mga

susunod pang mananaliksik dahil maari nilang magamit ang mga datos at

impormasyon na nalahad sa pag aaral na ito.

5
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa mga epekto sa mga mayroong

lovelife lamang na estudyante ng AMA Cavite Campus ng makabagong musika sa

kanilang pagmu-move on.

Ito ay tutugunan sa pamamagitan ng sarbey na naglalaman ng mga

katanungang konektado sa paksa. Ang mga piling respondente na magsasagot at

magbibigay ng kanilang opinyon bilang mga mag aaral ang magiging sorses para sa

datos. Ang sarbey ay ibinigay sa 100 na respondente.

6
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Ang musika sa isang simpleng dipenisyon ay mga tunog na maaaring

kinakanta o sinasabayan ng pangmusikang instrumento. Karaniwan itong isinusulat

bago lagyan ng tono. Ito ay sining o kasanayan sa paglikha o pag awit ng isang

musika.

Ang move on ay isang ekspresyon kung saan ipinapakita ang pagkagusto ng

isang tao na makalimot.

Ang millennials o millennialgeneration ay makabagong henerasyon ng

mga taong ipinanganak sa pagitan ng 1980 hanggang 2000.

Ang Moral law ay ang pagkakakilala ng tao sa kung alin ang tama at mali.

Ito ang pamantayan ng pag-uugali at magandang asal.

Ang Relate ay salitang nag-uugnay sa pangyayari o sa kwento.

Ang Senti ay salitang pinaikling katawagan para sa awiting sentimental .

Orihinal itong tumutukoy sa love songs ng dekada 1980 sa wikang Inggles, ngunit

kasalukuyang sinasakop ang dyanra ng mababagal na love songs at ng modernong

ballads, mapaanong wika man.

Ang Emotion ay tinatawag ding damdamin . Ito'y tumutukoy sa

nararamdaman ng isang tao na hindi ginagawa ng pisikal kundi ang mental o

sikolohikal na gawain na makikita sa kilos, gawa,o ugali ng isang indibidwal.

7
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Ang salitang Relax ay isang technique upang ang isang tao ay maging

kalmado

Ang proseso ay ang pagtutukoy ay isang pamamaraan na ginagamit upang

idokumento, pag-aralan at ipaliwanag ang mga desisyon-paggawa ng logic at mga

formula na ginamit upang lumikha ng data.

Ang Psychology ay ang pag-aaral sa isip at damdamin ng tao, at hayop.

Ang Love Life ay salita para sa pagkakaroon ng isang karelasyon.

Ang salitang Sensitibo ay ang pagkakaroon ng mabilis na pagbabago sa pag-

uugali o mabilis na pagtugon sa isang pangyayari.

Ang salitang Intellectual ay ang kakayanan ng isang indibidwal na

makapag-isip at makaintindi.

8
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Naglalaman ang kabanatang ito ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral

upang mailahad ang pagkakatulad ng mga ito sa gagawing pag-aaral.

Sa layuning maihanda ang mga sarili sa pag-aaral na isasagawa, ang mga

mananaliksik ay babasa ng iba’t ibang aklat, mga artikulo na may kaugnayan sa pag-

aaral na napili. Tutunghay ang mga mananaliksik ng ibang babasahing inaakalang

makatutulong sa pananaliksik na gagawin.

Ayon sa aklat na ito Diwa Scholastic Press (2006), ang mga awit ay

nabubuo mula sa sari-saring pangkaraniwang karanasan ng bawat tao. Ang bawat

musika ay may tiyak na pangyayaring pinaghuhugutan ng karanasan kaya nalikha

ang mga letra nito.

Magandang suriin ang “pinanggalingan” ng mga letra na ito sa

pamamagitan ng pananaw na “Realismo” nama’y pagkiling sa paglalarawan ng mga

katotohanan sa lipunan ayon sa kanyang kapaligiran.

Ayon sa aklat ni Mojica (2004), ang kapangyarihan ng musika sa

nakapagpapagaling at nagbibigay-sigla na halos lampas na sa ating pang-unawa.

Ayon kay Chavez (2000) kapag ang mga tao ay nakikinig sa isang bahagi ng

musika siya ay patungo sa mental, emosyonal, sikolohikal, ay intelekwal na proseso.

9
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Ayon kay Rosemary M. Wixom,Itinuturo sa Para sa Lakas ng mga

Kabataan na “malaki ang epekto ng musika sa inyong isipan, espiritu, at

ugali.”Mapagyayaman ng musika ang inyong buhay sa napakaraming paraan, ngunit

maaari itong maging mapanganib. Sabi ni Pangulong Thomas S. Monson, “Ang

musika ay makakatulong sa inyo na mas mapalapit sa inyong Ama sa Langit.

Magagamit ito para magturo, magpasigla, magbigay-inspirasyon, at magkaisa.

Gayunman, ang musika, dahil sa bilis, tiyempo, intensidad, at mga titik nito, ay

maaaring magpahina sa inyong sensitibidad sa mga espirituwal na bagay. Huwag

punuin ng di-kaaya-ayang musika ang inyong isipan.” At maaaring hindi na

mahalaga kung pinakikinggan ninyong mabuti ang mga salita o hindi; ang mga

salitang nilapatan ng musika kadalasan ay madaling matutuhan at matandaan. Kaya

pala tayo pinag-iingat na “piliing mabuti ang musikang pinakikinggan natin.”

Sa ginawang pag-aaral nina Hallam at Godwin (2000) na may pamagat na

The Effect of Backgound Music… ang musika ay wikang diretsong natatanggap ng

ating kaluluwa. Pasalita, ang isa sa maselang paraan ng pagpapahayag ng

nararamdaman. Nagpapadala ito ng karanasan, layuning nakakapagbigay-sigla at

lubos na nakaiimpluwensya sa sensitibo at emosyonal na bahagi ng isang tao.

Ayon sa aklat ni Rivadelo (2001), ang musika ay paraan na kung saan

ipinapakita ang ating nararamdaman na kasiyahan, kalungkutan, pag-ibig sa kapwa

tao. Ito ay sikolohikal, emosyonal, pisikal at espiritwal na epekto ng musika sa mga

taong nakakaranas ng sakit sa kanilang puso at nagmo-move on.

10
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Nasasaad sa artikulo ng Philippine Daily Inquirer, sinabi ni Koo (2000),

una, ang musika ay parehong nakapagpapagaling at nakakapanabik. Ito ay

nakaaapekto sa pagtibok ng puso, paghinga, pagbilis ng pulso at kahit sa temperatura

ng katawan. Kaya nitong pabagalin ang takbo ng utak

Ayon sa aklat ni Session(2000), ang totoong tagapakinig na nakaiintindi

ang nagdadala ng musika sa kanyang kamalayan at nananatili sa kanyang

imahinasyon para sa kanyang sariling paggamit .

Ayon pa kay Chavez (2000), labis na napanghahawakan ng musika ang

isipan ng isang tao na nagdidikta sa kanya tungo sa pagkamalikhain, at malalim na

pag-iisip na maaaring makatulong sa kanyang malaking tagumpay.

11
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

SINTESIS:

Sa panahon ngayon, marami ang nahihilig sa musika dahil sa ito ay

nakakapagpagaling at nakakapanabik ng damdamin. Hindi maikakaila na ang

musika ay isang mahalagang sining kung ituring ng sinuman sa atin. Tila ba ay hindi

kumpleto ang araw ng sino mang hindi nakapakinig ng musika. May mga

masasayang tao na gusto laging makinig ng makabagong musika dahil

nakakadagdag lalo ito sa kanilang kasiyahan. Taliwas dito, may mga tao na

malungkot at may mga pinagdadaaanan sa buhay. Ang hilig nila ay ang makinig ng

mga musikang mababagal ang ritmo o kung ang tawagin nila ay “senti” na kanta.

Karamihan sa kanila ay ang mga taong nagmu-move on. Maraming tao ang

emosyonal na nasasaktan dahil sa kanilang minamahal. Ayon sa mga mananaliksik,

ang musika ay wikang diretsong natatanggap ng ating kaluluwa. Mas ramdam ng

mga tao ang pagmo-move on kung sasabayan nila ito ng makabagong musika na

pang-“senti”. Ang makabagong musika ay nakakatulong sa pagmu-move on ng isang

tao dahil dito nila naipapakita o nailalabas ang kanilang nararamdaman. Ang musika

ang tutulong sa mga taong nagmu-move on na kalimutan ang kung ano man ang

dinidibdib at hayaan nalang magpahinga. Ang musika ay nakakapagpa-“relax” sa

buhay ng isang tao, pinalalakas nito ang ating mga pandamdam, at inaantig ang ating

damdamin. Ito ay nakakaapekto sa pagtibok ng puso at kaya nitong pabagalin ang

takbo ng utak depende sa ritmo ng musika.

12
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib-

analitik na pananaliksik. Ang pamamaraang ito ay disenyo ng pangangalap ng mga

datos at impormasyon sa pamamagitan ng pagkalat ng sarbey o talatanungan hinggil sa

mga salik na kaugnay ng paksa ng pananaliksik. Nagtangkang itala at bigyang halaga

ng pag-aaral na ito ang mga opiniyon ng mga mag-aaral sa Senior Highschool ukol sa

Epekto ng Makabagong Musika sa Pagmu-move on.

RESPONDENTE

Ang mga piling respondenteng ay pinili sa pamamagitan ng paggamit ng

simpleng random na pagtutukoy ng kinatawan kung saan ang mga mananaliksik ay

nagtakda ng bilang sa bawat istrand. Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay mga

mag-aaral mula sa iba`t ibang istrand sa Senior High school na galing sa AMA

Cavite Campus. Sandaang respondente ang binigyan ng sarbey, sa kabuuang ito tig-

dadalawampu ang galing sa STEM, ABM, HUMMS, GAS, at TECH VOC.

13
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Talahanayan Blg. 1

Distribusyon ng mga Respondente mula sa mga mag-aaral ng SHS sa AMACC.

STRAND Bilang ng Respondente Porsiyento

STEM 20 20%

ABM 20 20%

GAS 20 20%

HUMMS 20 20%

TECH VOC 20 20%

KABUUAN 100 100%

14
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng kwestyoneyr o talatanungan upang

makalap ang datos na kinakailangan sa pag-aaral. Ang kwestyoneyr o talatanungan

ay ipinamahagi sa sandaang mag-aaral na nasa Senior Highschool sa AMACC. Ang

talatanungan ay binubuo ng labin limang (15) katanungan kung saan sampu (10)

mula rito ay maaraing sagutan sa pamamagitan ng pagsagot ng “oo” at “hindi”

(quantitative) at ang lima ay sasagutan ng pasalaysay o may kasamang

pagpapaliwanag (qualitative).

PANGANGALAP NG DATOS

Lahat ng mga respondente ay sinabihan ng mga mananaliksik tungkol sa mga

posibleng epekto at kung saan gagamitin ang mga nakuhang datos mula sa kanila.

Bago magsagawa ng pasasarbey binigyan ang bawat respondente ng “consent form“

upang humingi ng pahintulot na makapagsagawa ng pagsasarbet sa kanila at gamitin

ang opinyon nila sa pananaliksik na ito. Ang mga respondente ay inabot ng halos

lima hanggang pitong minuto sa pagsasagot ng mga tanong mula sa kwestyoner.

Lahat ng mga datos na nakalap ay hinanda para sa interpretasyon at upang makuha

ang bunga ng pag-aaral.

15
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Talahanayan Blg. 2

Talaan ng oras, petsa, lugar ng pagkalap ng datos.Sa talaang ito ay sumusuporta sa

mga nakalap ng datos at impormasyon ng mga mananaliksik sa mga mag-aaral sa

iba`t ibang strand mula sa AMA Cavite Campus.

BLG. NG
ORAS PETSA ISTRAND LUGAR
RESPONDENTE

MARCH 5,6 AMACC


9:00 AM STEM 20
2018 (4TH and 3rd floor)

MARCH 5,6 AMACC


11:00 AM ABM 20
2018 (4TH and 3rd floor)

AMACC
11:00 AM MARCH 5, 2018 GAS 20
(3rd floor)

AMACC
11:00 AM MARCH 5, 2018 HUMMS 20
( 5th floor)

AMACC
9:00 AM MARCH 5, 2018 TECH VOC 20
(4th and 5th floor)

16
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

TRITMENT NG MGA DATOS

Lahat ng mga nakalap na datos na susuporta sa isinasagawang pag-aaral ay

ihahahnda para sa presentasyon at interpretasyon. Ang mga mananaliksik ay nagtally

ng mga sagot galing sa mga respondente at hinanap nila ang katumbas na porsyento

ng bawat isa upang i-buod ang pangkalahatang datos na kanilang nakalap.

17
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

90

80

70

60

50
OO

40 HINDI

30

20

10

Grap 1: Ika-unang tanong: Naranasan mo na ba ang magmahal?

Ipinapakita sa grap 1 na halos karamihan ng mga respondente ay naranasan

na ang magmahal. Sa kabubuang sandaang porsyento (100%) ng mga respondent,

pitumpu’t walong porsyento (78%) ang nagsabing naranasan na nila ang magmahal

habang dalawampu’t dalawang poryento (22%) ang nagsabing hindi pa nila

narararanasan ang magmahal.

18
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Talahanayan Blg. 3: Talahanayan ng Resulta sa unang katanungan.

Unang katanungan: Naranasan mo na ba ang magmahal?

Pagpipilian Kabuuang bilang Porsyento

Oo 78 78%

Hindi 22 22%

Kabuuan: 100 100%

Ipinapakita sa talahanayan blg. 3 na halos karamihan ng mga respondente ay

naranasan na ang magmahal. Sa kabubuang sandaang (100) respondent, pitumpu’t

walo (78) o pitumpu’t walong porsyento (78%) ang nagsabing naranasan na nila ang

magmahal samantalang dalawampu’t dalawa o dalawampu’t dalawang poryento

(22%) ang nagsabing hindi pa nila narararanasan ang magmahal.

19
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

70

60

50

40
OO
HINDI
30

20

10

Grap 2: Ikalawang tanong: Naranasan mo na bang masawi sa pag-ibig?

Ipinapakita sa grap 2 na halos karamihan ng mga respondente ay naranasan

na ang masawi sa pag-ibig . Sa kabubuang sandaang porsyento (100%)ng mga

respondente, limampu’t walong porsyento (58%) ang nakaranas na ng masaktan

pagdating sa pag-ibig habang apatnapu’t dalawang porsyento (42) ang hindi pa

nakararanas.

20
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Talahanayan Blg. 4: Talahanayan ng Resulta sa ikalawang katanungan.

Ikalawang tanong: Naranasan mo na bang masawi sa pag-ibig?

Pagpipilian Kabuuang bilang Porsyento

Oo 58 58%

Hindi 42 42%

Kabuuan: 100 100%

Ipinapakita sa talahanayan blg. 4 na halos karamihan ng mga respondente ay

naranasan na ang masawi sa pag-ibig . Sa kabubuang sandaang porsyento (100%) ng

mga respondent, limampu’t walo (58) o limamp’t walong porsyento (58%) ang

nakaranas na ng masaktan pagdating sa pag-ibig habang apatnapu’t dalawa (42) o

apatnapu’t dalawang poryento (42%) ang hindi pa nakararanas.

21
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

70

60

50

40
OO
HINDI
30

20

10

Grap 3: Ikatlong tanong: Mahirap ba ang mag move on?

Ipinapakita sa grap 3 na halos karamihan ng mga respondente ay sumang-

ayon na mahirap ang mag move on. Sa kabubuang sandaang porsyento (100%) ng

mga respondent, limampu’t walong porsyento (58%) ang nagpahayag na mahirap

ang mag move on habang apatnapu’t dalawang poryento (42%) ang nagpahayag na

hindi ito mahirap.

22
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Talahanayan Blg. 5: Talahanayan ng Resulta sa ikalawang katanungan.

Ikatlong tanong: Mahirap ba ang mag move on?

Pagpipilian Kabuuang bilang Porsyento

Oo 58 58%

Hindi 42 42%

Kabuuan: 100 100%

Ipinapakita sa talahanayan blg. 5 na halos karamihan ng mga respondente ay

sumang-ayon na mahirap ang mag move on. Sa kabubuang sandaang porsyento

(100%)ng mga respondent, limampu’t walo (58) o limampu’t walong porsyento

(58%) ang nagpahayag na mahirap ang mag move on habang apatnapu’t dalawa (42)

o apatnapu’t dalawang poryento (42%) ang nagpahayag na hindi ito mahirap.

23
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

100

90

80

70

60
OO
50
HINDI
40

30

20

10

Grap 4: Ika- apat na tanong: Isa ka bang music lover?

Ipinapakita sa grap 4 ang mataas na porsyento ng mga respondenteng

nagpahayag na sila ay isang music lover. Sa kabubuang sandaang porsyento (100%)

ay walumpu’t walong porsyento (88%) ang mga music lovers habang labindawang

porsyento (12%) ang hindi.

24
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Talahanayan Blg. 6: Talahanayan ng Resulta sa ikalawang katanungan.

Ika- apat na tanong: Isa ka bang music lover?

Pagpipilian Kabuuang bilang Porsyento

Oo 88 88%

Hindi 12 12%

Kabuuan: 100 100%

Ipinapakita sa talahanayan blg.6 ang mataas na porsyento ng mga

respondenteng nagpahayag na sila ay isang music lover. Sa kabubuang sandaang

porsyento (100%) ng mga respondente, walumpu`t walo (88) o walumpu’t walong

porsyento (88%) ang mga music lovers habang labindalawa (12) o labindawang

porsyento (12%) ang hindi.

25
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

90

80

70

60

50
OO

40 HINDI

30

20

10

Grap 5: Ikalimang tanong: Marami ka bang nalalaman na makabagong


musika?

Ipinapakita sa grap 5 ang mataas na porsyento ng mga respondenteng

nagsabi na marami silang nalalaman na makabagong musika. Sa kabubuang

sandaang porsyento (100%) ng mga repondente , walumpu’t apat na porsyento

(84%) ang nagsabing marami silang nalalaman samantalang labinanim na porsyento

(16%) ang nagsabing wala silang masyadong nalalaman.

26
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Talahanayan Blg. 7: Talahanayan ng Resulta sa ikalawang katanungan.

Ika- apat na tanong: Marami ka bang nalalaman na makabagong musika?

Pagpipilian Kabuuang bilang Porsyento

Oo 84 84%

Hindi 16 16%

Kabuuan: 100 100%

Ipinapakita sa talahanayan blg. 7 na mataas ang porsyento at bilang ng mga

respondenteng nagsabi na marami silang nalalaman na makabagong musika. Sa

kabubuang sandaang porsyento (100%) ng mga repondente , walumpu’t apat (84) o

walumpu`t apat na porsyento (84%) ang nagsabing marami silang nalalaman

samantalang labinanim o labinanim na porsyento (16%) ang nagsabing wala silang

masyadong nalalaman.

27
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

80

70

60

50

OO
40
HINDI

30

20

10

Grap 6: Ika- anim na tanong: Madalas ka bang nakikinig ng makabagong


musika?

Ipinapakita sa grap 6 ang mataas na porsyento ng mga respondenteng

nagsabi na madalas ang pakikinig nila ng makabagong musika. Sa kabubuang

sandaang porsyento (100%) ng mga repondente , pitumpu’t apat na porsyento (74%)

ang nagsabing madalas ang kanilang pakikinig habang dalawampu`t anim na

porsyento (26%) ang nagsabing madalang ang kanilang pakikinig sa mga

makabagong musika.

28
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Talahanayan Blg. 8: Talahanayan ng Resulta sa ikalawang katanungan.

Ika- apat na tanong: Madalas ka bang nakikinig ng makabagong musika?

Pagpipilian Kabuuang bilang Porsyento

Oo 74 74%

Hindi 26 26%

Kabuuan: 100 100%

Ipinapakita sa talahanayan blg.8 ang mga porsyento at bilang ng mga

respondenteng nagsabi na madalas ang pakikinig nila ng makabagong musika at ang

madalang na nakikinig ng musikang nabanggit. Sa kabubuang sandaang porsyento

(100%) ng mga repondente , pitumpu’t apat (74) o pitumpu`t apat na porsyento

(74%) ang nagsabing madalas ang kanilang pakikinig habang dalawampu`t anim

(26) o dalawampu`t anim na porsyento (26%) ang nagsabing madalang ang

kanilang pakikinig sa mga makabagong musika.

29
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

100

90

80

70

60
OO
50
HINDI
40

30

20

10

Grap 7: Ikapitong tanong: Masarap ba sa pakiramdam ang pakikiig ng


musika?

Ipinapakita sa grap 7 ang mataas na porsyento ng mga respondenteng

sumang-ayon na masarap sa pakiramdam ang pakikinig ng musika. Sa kabubuang

sandaang porsyento (100%) ng mga repondente , siyamnapu`t limang porsyento

(95%) ang sumang-ayon habang limang porsyento (5%) ang hindi.

30
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Talahanayan Blg. 9: Talahanayan ng Resulta sa ikalawang katanungan.

Ika- apat na tanong: Masarap ba sa pakiramdam ang pakikiig ng musika?

Pagpipilian Kabuuang bilang Porsyento

Oo 95 95%

Hindi 5 5%

Kabuuan: 100 100%

Ipinapakita sa talahanayan blg. 9 ang malaking pagitan ng mga porsyento ng

mga respondenteng sumang-ayon na masarap sa pakiramdam ang pakikinig ng

musika at sa mga hindi sumang-ayon. Sa kabubuang sandaang porsyento (100%) ng

mga repondente , siyamnapu`t lima (95) o siyamnapu`t limang porsyento (95%) ang

sumang-ayon habang lima (5) o limang porsyento (5%) ang hindi.

31
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

120

100

80

OO
60
HINDI

40

20

Grap 8: Ikawalong tanong: May mabuti bang naidudulot sa iyo ang pakikinig
ng musika?

Ipinapakita sa grap 8 ang lamang na lamang na porsyento ng mga

respondenteng nagsabi na may magandang dulot ang pakikinig ng musika. Sa

kabubuang sandaang porsyento (100%) ng mga repondente , siyamnapu`t pitong

porsyento (97%) ang nagsabing mayroon habang tatlong porsyento (3%) ang

nagsabing wala.

32
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Talahanayan Blg. 10: Talahanayan ng Resulta sa ikalawang katanungan.

Ika- apat na tanong: May mabuti bang naidudulot sa iyo ang pakikinig ng
musika?
Pagpipilian Kabuuang bilang Porsyento

Oo 97 97%

Hindi 3 3%

Kabuuan: 100 100%

Ipinapakita sa talahanayan blg. 10 ang porsyento at bilang ng mga

respondenteng nagsabi na may magandang dulot ang pakikinig ng musika at sa mga

nagsabing wala itong mabuting dulot. Sa kabubuang sandaang porsyento (100%) ng

mga repondente , siyamnapu`t pito (97) o siyamnapu`t pitong porsyento (97%) ang

nagsabing mayroon habang tatlo (3) o tatlong porsyento (3%) ang nagsabing wala.

33
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

80

70

60

50
OO
40
HINDI
30

20

10

Grap 9: Ikawalong tanong: May masamang bang dulot sa iyo ang pakikinig ng
musika?

Ipinapakita sa grap 9 ang mataas na porsyento ng mga respondenteng

nagsasabing walang masamang dulot ang pakikinig ng musika. Sa kabubuang

sandaang porsyento (100%) ng mga repondente , pitumpu`t isang porsyento (71%)

ang nagsabing wala itong masamang epekto habang dalawampu`t siyam na

porsyento (29%) ang nagsabing mayroon.

34
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Talahanayan Blg. 11: Talahanayan ng Resulta sa ikalawang katanungan.

Ika- apat na tanong: May mabuti bang naidudulot sa iyo ang pakikinig ng
musika?
Pagpipilian Kabuuang bilang Porsyento

Oo 71 71%

Hindi 29 29%

Kabuuan: 100 100%

Ipinapakita sa talahanayan blg. 11 ang mataas na porsyento ng mga

respondenteng nagsasabing walang masamang dulot ang pakikinig ng musika at ang

mababang prosyento ng mga respondente nanagsasabi na mayroon itong masamang

dulot. Sa kabubuang sandaang porsyento (100%) ng mga repondente , pitumpu`t isa

(71) o pitumpu`t isang porsyento (71%) ang nagsabing wala itong masamang epekto

habang dalawampu`t siyam (29) o dalawampu`t siyam na porsyento (29%) ang

nagsabing mayroon.

35
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

100

90

80

70

60
OO
50
HINDI
40

30

20

10

Grap 10: Ika-sampung tanong: Sa tuwing ikaw ay nakikinig ng musika,

naiuugnay mo ba ang iyong sarili sa musikang pinakikinggan mo?

Ipinapakita sa grap 10 ang mataas na porsyento ng mga respondenteng

nagagawang iugnay ang kanilang sarili sa musikang kanilang pinakikinggan. Sa

kabubuang sandaang porsyento (100%) ng mga repondente, walumpu`t anim na

porsyento (86%) ang nagagawang iugnay ang kanilang sarili sa musika habang

labing-apat na porsyento (14%) ang hindi nakakayang gawin ito.

36
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Talahanayan Blg. 12: Talahanayan ng Resulta sa ikalawang katanungan.

Ika- apat na tanong: Sa tuwing ikaw ay nakikinig ng musika, naiuugnay mo ba


ang iyong sarili sa musikang pinakikinggan mo?
Pagpipilian Kabuuang bilang Porsyento

Oo 86 86%

Hindi 14 14%

Kabuuan: 100 100%

Ipinapakita sa talahanayan blg. 12 ang porsyento ng mga respondenteng

nagagawang iugnay ang kanilang sarili sa musikang kanilang pinakikinggan at ang

hindi kayang gawin ito. Sa kabubuang sandaang porsyento (100%) ng mga

repondente, walumpu`t anim (86) o walumpu`t anim na porsyento (86%) ang

nagagawang iugnay ang kanilang sarili sa musika habang labing-apat (14) o labing-

apat na porsyento (14%) ang hindi nakakayang gawin ito.

37
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

GRAP 11
Ano ang paborito mong musika?

ULAN

MUNDO

HAYAAN MO SILA

FINESSE
1% 1%
1% SIMPLENG TAO
6%
20% WITH A SMILE
6%

1% 4% 1% DEMONS
1% 1%
3% CONGRATULATIONS
6% 2%
LITTLE THINGS
3% 8%
INVISIBLE
2% 3%
8%
YOUR NAME
18%
1%
DAHAN
2% 1%
1% THE BOOTS
1%

MIGHTY TO SAVE

OKS LANG AKO

ITS ONLY REMINDS ME OF


YOU

38
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Ipinapakita sa grap 11 na sa sandaang porsyento (100%) ng mga respondente ay

may isang porsyento (1%) ang nagsabing paboritong niyang musika ang ulan, isang

porsyento (1%) ang sa kantang mundo, anim na porsyento (6%) sa kantang hayaan mo

sila, isang porsyento (1%) sa kantang finesse, isang porsyento (1%) sa dope, isang

porsyento (1%) sa worship songs, isang porsyento (1%) sa congratualtions, isang

porsyento (1%) sa demons, ganoon sa the boots at sa awiting its only reminds me of

you, apat na porsyento (4%) ang may paborito sa kantang may pamagat na with the

smile, tatlong porsyento (3%) sa kantang little things, dalawang porsyento (2%) sa

invisible, walong porsyento (8%) sa your name, ganoon sa awiting dahan, samantalang

dalawang porsyento (2%) ang sa awiting memories, habang labingwalong porsyento

(18%) ang sa kantang Malaya, tatlo porsyento (3%) sa hanggang dito na lang, ganoon

sa probinsyano, anim na porsyento (6%) sa thousand year habang ang dalawampung

porsyento (20%) ay walang kasagutang ibinigay.

39
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

GRAP 12
Paano mo naiuugnay ang iyong sarili sa
musikang iyong pinakikinggan ?

BASE SA SARILING
KARANASAN

NAKAKARELATE DAHIL SA
22% KASALUKUYANG
NARARAMDAMAN
35%
MUSIKANG KATULAD NG
PERSONALIDAD

NAANTIG ANG DAMDAMIN

19%
INUUNAWA ANG BAWAT
5% LIRIKO

9% 10%
WALANG SAGOT

40
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Ipinapakita sa grap 12 na sa sandaang porsyento (100%) ng mga respondente ay

may dalawampu`t dalawang porsyento ng mga respondent na ibinabase ang kanilang

pag-uugnay sa musika sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan, labingsiyam na

porsyento (19%) ang nagsabing ginagawa nila ang pag-uugnay sa pamamagitan ng

kanilang kasalukuyang nararamdaman, sampung posyento (10%) ang nagsabing sa

pamamagitan ng pagkakatulad ng musika sa kanilang personalidad, habang siyam na

porsyento (9%) ang naaantig ang damdamin, limang porsyento (5%) ang ginagwa ang

pag-uugnay sa pamamagitan ng pag-unawa ng bawat liriko, samantalang tatlumpu’t

limang porsyento (35%) ng mga respondente ang nagsabing hindi nila inuugnay ang

sarili nila sa mga musikang kanilang pinakikinggan.

41
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

GRAP 13
Anong dyanra ng makabagong musika ang
nakakatulong sa iyong pagmu-move on ?

21%
26% POP
SOLEMN
RNB
ROCK
JAZZ
10%
ACOUSTIC
OPM
5% 15% KPOP
WALANG SAGOT
8%
3% 6%
6%

42
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Ipinapakita sa grap 13 na sa sandaang porsyento (100%) ng mga respondente ay

may dalawampu`t anim na porsyento (26%) nito ang may gusto ng dyanrang pop,

labinglimang porsyento (15%) ang sa solemn o ballad, anim na porsyento(6%) sa

RNB, ganoon sa rock, tatlong porsyento (3%) sa jazz, walong porsyento (8%) sa

acoustic, limang porsyento (5%) sa OPM, sampung posyento (10%) sa KPOP, habang

dalawampu`t isa ang walang sagot.

43
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

GRAP 14
Ano ang dulot ng makabagong musika sa iyong
nararamdaman ?

19% 18% KASIYAHAN

NAGKAKAROON NG
MOTIBASYON
MAGAAN SA PAKIRAMDAM
13% 15%
NAKAAALIW

NAIUUGNAY SA NAKALIPAS
8% NA KARANASAN
WALANG SAGOT
27%

44
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Ipinapakita sa grap 14 na sa sandaang porsyento (100%) ng mga respondente ay

may labingwalong posyento (18%) nito ang nagsabing nagdudulot ito sa kanila ng

kasiyahan, labinglimang porsyento (15%) ang nagssabing ito ay nagdudulot sa kanila

ng pagkakaroon ng motibasyon sa sarili, dalwampu`t pito (27%) ang nagsasabing ito ay

nagbibigay ng gaan sa pakiramdam, walong porsyento (8%) ang nagsabing ito ay

nagbibigay ng kaaliwan, labingtatlong posyento (13%) ang nagpahayag na ito ay

naguugnay sa kanila sa dating karanasan habang labingsiyam na porsyento (19%) ang

walang sagot.

45
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

GRAP 15
Ano ang mabuti at masamang epekto ng
makabagong musika sa iyong pagmu-move
on?

MABUTI

KASIYAHAN
10%
NAGKAKAROON NG
28% MOTIBASYON
12%
MAGAAN SA PAKIRAMDAM

NAKAAALIW

12%
NAKAKALIMOT SA
9% NAKARAANG PAG-IBIG
NAKAKAPAG MOVE ON

13%
16% WALANG SAGOT

46
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Ipinapakita sa grap 15 na sa sandaang porsyento (100%) ng mga respondente ay

may sapung posyento (10%) nito ang nagsabing nagdudulot ito sa kanila ng kasiyahan,

labindalawang porsyento (12%) ang nagsabing ito ay nagdudulot sa kanila ng

pagkakaroon ng motibasyon sa sarili, labindalawang porsyento (12%) ang nagsasabing

ito ay nagbibigay ng gaan sa pakiramdam, labintatlong porsyento (13%) ang

nagsabing ito ay nagbibigay ng kaaliwan, labinanim na posyento (16%) ang

nagpahayag na ito nakakapagpalimot sa kanilang nakaraan, siyam na porsyento (9%)

ang nakakapagmove on habang dalawampu`t walong porsyento (28%) ang walang

sagot.

47
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

GRAP 16
Ano ang mabuti at masamang epekto ng
makabagong musika sa iyong pagmu-move
on?

MASAMA

20%

30%
NAAALALA LAHAT NG SAKIT
NALULUNGKOT
DEPRESSION
UMAASA MULI
22% WALANG SAGOT

13%

15%

48
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Ipinapakita sa grap 15 na sa sandaang porsyento (100%) ng mga respondente ay

may dalawampung posyento (10%) ang nagsabing dahil sa pakikinig ng musika lahat

ng sakit ay kanilang naaalala, dalawapu`t` dalawang porsyento (22%) ang nagsabing

ito ay nagdudulot sa kanila ng kalungkutan, labinlimang porsyento (15%) ang

nagsasabing sila ay nadedepres, labintatlong porsyento (13%) ang nagsabing ito ay

nagbibigay ng kaaliwan, labinanim na posyento (16%) ang nagpahayag na sila ay

umaasang muli, habang tatlupung porsyento (30%) ang walang sagot.

49
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Grap 17
sa paanong paraan nakatutulong sa iyong pagmu-
move on ang makabagong musika?

23% NAGBIBIGAY RELAXATION

31% EXPRESSION OF FEELINGS

NAWAWALA ANG SAKIT NA


NARARAMDAMAN
ANG PAGIGING MUSIC LOVER

NAKAKARELATE SA LIRIKO

16%
NAKAKALIMOT

9%
WALANG SAGOT

7%
8%
6%

50
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Ipinapakita sa grap 17 na sa sandaang porsyento (100%) ng mga respondente,

pitupu`t pitong porsyento (27%) respondente ang nagsabing sila ay narerelaks,

labinanim na porsyento (16%) ng mga respondente ang nagsabing dito nila

nailalabas ang kanilang nararamdaman, pitong porsyento (7%) ang nagsabing

nawawala ang sakit na naramdaman nila dahil sa pakikinig ng musika, anim na

porsyento (6%) ang nagsabing sila ay nagiging music lover, walong porsyento (8%)

ang nagsabing sila ay nakakarelate sa musika, siyam na porsyento (9%) ang

nakalilimot habang tatlumpu`t isang porsyento (31%) ng respondente ang walang

sagot o karanasan.

51
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Lagom

Ipinapakita sa talahanayan blg. 3 na halos karamihan ng mga respondente ay

naranasan na ang magmahal. Sa kabubuang sandaang (100) respondent, pitumpu’t

walo (78) o pitumpu’t walong porsyento (78%) ang nagsabing naranasan na nila ang

magmahal samantalang dalawampu’t dalawa o dalawampu’t dalawang poryento

(22%) ang nagsabing hindi pa nila narararanasan ang magmahal.

Ipinapakita sa talahanayan blg. 4 na halos karamihan ng mga respondente ay

naranasan na ang masawi sa pag-ibig . Sa kabubuang sandaang porsyento (100%)ng

mga respondent, limampu’t walo (58) o limamp’t walong porsyento (58%) ang

nakaranas na ng masaktan pagdating sa pag-ibig habang apatnapu’t dalawa (42) o

apatnapu’t dalawang poryento (42%) ang hindi pa nakararanas.

Ipinapakita sa talahanayan blg. 5 na halos karamihan ng mga respondente ay

sumang-ayon na mahirap ang mag move on. Sa kabubuang sandaang porsyento

(100%)ng mga respondent, limampu’t walo (58) o limampu’t walong porsyento

(58%) ang nagpahayag na mahirap ang mag move on habang apatnapu’t dalawa (42)

o apatnapu’t dalawang poryento (42%) ang nagpahayag na hindi ito mahirap.

Ipinapakita sa talahanayan blg.6 ang mataas na porsyento ng mga respondenteng

nagpahayag na sila ay isang music lover. Sa kabubuang sandaang porsyento (100%)

ng mga respondente, walumpu`t walo (88) o walumpu’t walong porsyento (88%)

52
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

ang mga music lovers habang labindalawa (12) o labindawang porsyento (12%)

ang hindi.

Ipinapakita sa talahanayan blg. 7 na mataas ang porsyento at bilang ng mga

respondenteng nagsabi na marami silang nalalaman na makabagong musika. Sa

kabubuang sandaang porsyento (100%) ng mga repondente , walumpu’t apat (84) o

walumpu`t apat na porsyento (84%) ang nagsabing marami silang nalalaman

samantalang labinanim o labinanim na porsyento (16%) ang nagsabing wala silang

masyadong nalalaman.

Ipinapakita sa talahanayan blg.8 ang mga porsyento at bilang ng mga

respondenteng nagsabi na madalas ang pakikinig nila ng makabagong musika at ang

madalang na nakikinig ng musikang nabanggit. Sa kabubuang sandaang porsyento

(100%) ng mga repondente , pitumpu’t apat (74) o pitumpu`t apat na porsyento

(74%) ang nagsabing madalas ang kanilang pakikinig habang dalawampu`t anim

(26) o dalawampu`t anim na porsyento (26%) ang nagsabing madalang ang

kanilang pakikinig sa mga makabagong musika.

Ipinapakita sa talahanayan blg. 9 ang malaking pagitan ng mga porsyento ng

mga respondenteng sumang-ayon na masarap sa pakiramdam ang pakikinig ng

musika at sa mga hindi sumang-ayon. Sa kabubuang sandaang porsyento (100%) ng

mga repondente , siyamnapu`t lima (95) o siyamnapu`t limang porsyento (95%) ang

sumang-ayon habang lima (5) o limang porsyento (5%) ang hindi.

53
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Ipinapakita sa talahanayan blg. 10 ang porsyento at bilang ng mga

respondenteng nagsabi na may magandang dulot ang pakikinig ng musika at sa mga

nagsabing wwala itong mabuting dulot. Sa kabubuang sandaang porsyento (100%)

ng mga repondente , siyamnapu`t pito (97) o siyamnapu`t pitong porsyento (97%)

ang nagsabing mayroon habang tatlo (3) o tatlong porsyento (3%) ang nagsabing

wala.

Ipinapakita sa talahanayan blg. 11 ang mataas na porsyento ng mga

respondenteng nagsasabing walang masamang dulot ang pakikinig ng musika at ang

mababang prosyento ng mga respondente nanagsasabi na mayroon itong masamang

dulot. Sa kabubuang sandaang porsyento (100%) ng mga repondente , pitumpu`t isa

(71) o pitumpu`t isang porsyento (71%) ang nagsabing wala itong masamang epekto

habang dalawampu`t siyam (29) o dalawampu`t siyam na porsyento (29%) ang

nagsabing mayroon.

Ipinapakita sa talahanayan blg. 12 ang porsyento ng mga respondenteng

nagagawang iugnay ang kanilang sarili sa musikang kanilang pinakikinggan at ang

hindi kayang gawin ito. Sa kabubuang sandaang porsyento (100%) ng mga

repondente, walumpu`t anim (86) o walumpu`t anim na porsyento (86%) ang

nagagawang iugnay ang kanilang sarili sa musika habang labing-apat (!4) o labing-

apat na porsyento (14%) ang hindi nakakayang gawin ito.

Ipinapakita sa grap 11 na sa sandaang porsyento (100%) ng mga respondente ay

may isang porsyento (1%) ang nagsabing paboritong niyang musika ang ulan, isang

54
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

porsyento (1%) ang sa kantang mundo, anim na porsyento (6%) sa kantang hayaan mo

sila, isang porsyento (1%) sa kantang finesse, isang porsyento (1%) sa dope, isang

porsyento (1%) sa worship songs, isang porsyento (1%) sa congratualtions, isang

porsyento (1%) sa demons, ganoon sa the boots at sa awiting its only reminds me of

you, apat na porsyento (4%) ang may paborito sa kantang may pamagat na with the

smile, tatlong porsyento (3%) sa kantang little things, dalawang porsyento (2%) sa

invisible, walong porsyento (8%) sa your name, ganoon sa awiting dahan, samantalang

dalawang porsyento (2%) ang sa awiting memories, habang labingwalong porsyento

(18%) ang sa kantang Malaya, tatlo porsyento (3%) sa hanggang dito na lang, ganoon

sa probinsyano, anim na porsyento (6%) sa thousand year habang ang dalawampung

porsyento (20%) ay walang kasagutang ibinigay.

Ipinapakita sa grap 12 na sa sandaang porsyento (100%) ng mga respondente ay

may dalawampu`t dalawang porsyento ng mga respondent na ibinabase ang kanilang

pag-uugnay sa musika sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan, labingsiyam na

porsyento (19%) ang nagsabing ginagawa nila ang pag-uugnay sa pamamagitan ng

kanilang kasalukuyang nararamdaman, sampung posyento (10%) ang nagsabing sa

pamamagitan ng pagkakatulad ng musika sa kanilang personalidad, habang siyam na

porsyento (9%) ang naaantig ang damdamin, limang porsyento (5%) ang ginagwa ang

pag-uugnay sa pamamagitan ng pag-unawa ng bawat liriko, samantalang tatlumpu’t

limang porsyento (35%) ng mga respondente ang nagsabing hindi nila inuugnay ang

sarili nila sa mga musikang kanilang pinakikinggan.

55
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Ipinapakita sa grap 13 na sa sandaang porsyento (100%) ng mga respondente ay

may dalawampu`t anim na porsyento (26%) nito ang may gusto ng dyanrang pop,

labinglimang porsyento (15%) ang sa solemn o ballad, anim na porsyento(6%) sa

RNB, ganoon sa rock, tatlong porsyento (3%) sa jazz, walong porsyento (8%) sa

acoustic, limang porsyento (5%) sa OPM, sampung posyento (10%) sa KPOP, habang

dalawampu`t isa ang walang sagot.

Ipinapakita sa grap 14 na sa sandaang porsyento (100%) ng mga respondente ay

may labingwalong posyento (18%) nito ang nagsabing nagdudulot ito sa kanila ng

kasiyahan, labinglimang porsyento (15%) ang nagssabing ito ay nagdudulot sa kanila

ng pagkakaroon ng motibasyon sa sarili, dalwampu`t pito (27%) ang nagsasabing ito ay

nagbibigay ng gaan sa pakiramdam, walong porsyento (8%) ang nagsabing ito ay

nagbibigay ng kaaliwan, labingtatlong posyento (13%) ang nagpahayag na ito ay

naguugnay sa kanila sa dating karanasan habang labingsiyam na porsyento (19%) ang

walang sagot.

Ipinapakita sa grap 15 na sa sandaang porsyento (100%) ng mga respondente ay

may sapung posyento (10%) nito ang nagsabing nagdudulot ito sa kanila ng kasiyahan,

labindalawang porsyento (12%) ang nagsabing ito ay nagdudulot sa kanila ng

pagkakaroon ng motibasyon sa sarili, labindalawang porsyento (12%) ang nagsasabing

ito ay nagbibigay ng gaan sa pakiramdam, labintatlong porsyento (13%) ang

nagsabing ito ay nagbibigay ng kaaliwan, labinanim na posyento (16%) ang

nagpahayag na ito nakakapagpalimot sa kanilang nakaraan, siyam na porsyento (9%)

56
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

ang nakakapagmove on habang dalawampu`t walong porsyento (28%) ang walang

sagot.

Ipinapakita sa grap 16 na sa sandaang porsyento (100%) ng mga respondente ay

may dalawampung posyento (10%) ang nagsabing dahil sa pakikinig ng musika lahat

ng sakit ay kanilang naaalala, dalawapu`t` dalawang porsyento (22%) ang nagsabing

ito ay nagdudulot sa kanila ng kalungkutan, labinlimang porsyento (15%) ang

nagsasabing sila ay nadedepres, labintatlong porsyento (13%) ang nagsabing ito ay

nagbibigay ng kaaliwan, labinanim na posyento (16%) ang nagpahayag na sila ay

umaasang muli, habang tatlupung porsyento (30%) ang walang sagot.

Ipinapakita sa grap 17 na sa sandaang porsyento (100%) ng mga respondente,

pitupu`t pitong porsyento (27%) respondente ang nagsabing sila ay narerelaks,

labinanim na porsyento (16%) ng mga respondente ang nagsabing dito nila

nailalabas ang kanilang nararamdaman, pitong porsyento (7%) ang nagsabing

nawawala ang sakit na naramdaman nila dahil sa pakikinig ng musika, anim na

porsyento (6%) ang nagsabing sila ay nagiging music lover, walong porsyento (8%)

ang nagsabing sila ay nakakarelate sa musika, siyam na porsyento (9%) ang

nakalilimot habang tatlumpu`t isang porsyento (31%) ng respondente ang walang

sagot o karanasan.

57
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Konklusyon

Musika ang nagbibigay katahimikan sa mundo, ang kaluuwa ng musika ay

ang emosyong nakapaloob dito. Iba`t iba man ang kahulugan, iba`t iba man ang tono

ay dyanra, iba’t iba man ang wikang ginamit kapag ito`y napatugtog na lahat ay

nakaiintindi. Kapangyarihan ng musika ang kahulugan naibibigay nito sa mga

nakikinig. Ang mundo ay puno ng musika, musikang nagpapawala ng lungkot at

musikang nagbibigay aliw sa mga nakikinig nito. Ang musika ay emosyon.

Ang pag-ibig ay emosyon. Pinaka makapangyarihang emosyon,

nakakapagpabago ng lahat. Pinakamatibay na sandata. Ito ang humuhubog sa tao.

Nagpapasayasa tao, nagpapabigo sa tao. Ang pag-ibig ay matibay ngunit kapag

nawasak, nasira, naging sawi, mahirap ng ibalik, mahirap hilumin, mahirap

kalimutan. Pinakamasakit na bahagi ng pagmamahal ang maging sawi. Ang pag-ibig

ay matibay ngunit marupok. Kaya kayang gamutin ng musika ang pusong nasawi

dahil sa sakit? Ang epekto ng makabagong musika sa pagmu- move on ang

bibigayang linaw ng pag-aaral na ito.

Batay sa mga nakalap na mga datos sa pagsasagawa ng sarbey sa mga mag-aaral

sa Senior Highschool sa AMA - Cavite Campus, ang mga mananaliksik ay nagbigay

ng mga pagpapatunay na ang epekto sa pagmu- move on ng mga mag-aaral ng

makabagong musika ay sumasaklaw sa iba’t ibang uri ng mga kadahilanan, sapagkat

sa bawat respondante nang pag-aaral ukol dito ay may kanya-kanyang uri nang sagot

para sa ibinigay na tanong sa talatanungan ng mga mananaliksik.

58
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

At sa pananaliksik ng isyung ito, hindi maikakaila na ang bawat respondante ay

mayroong positibo at negatibong epektong nararanasan patungkol sa isyung

pagkakaroon ng epekto ng makabagong musika sa pagmu- move on ng mga mag-

aaral ng AMA- Cavite Campus, at upang mas mapaigting ng mga mananaliksik ang

bawat impormasyon na nakalap, ay mas minabuting gawin respondante ang lahat ng

Senior High School sa AMA -Cavite Campus upang maging malawak ang saklaw ng

mga maaaring magsagot para sa talatanungan, na kung saan ay mayroon sandaang

respondante ang binigyan ng talatanungan ng mga mananaliksik upang magsagot.

Sa pagtatapos ng pag-aaral na ito, napatunayan na may malaking epekto sa mga

mag-aaral ang kanilang pakikinig ng makabagong musika ukol sa kanilang pagmu-

move on.

Rekomendasyon

59
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Matapos ang isinagawang pag-aaral ukol sa Epekto ng Makabagong Musika sa

Pagmu- move on ng mga Mag-aaral ng Senior Highschool sa AMA Computer

College –Cavite Campus, nakabuo ang mga mananaliksik ng mga ideyang maaaring

irekomenda sa mga sumusunod:

 Mag aaral

Panatilihin ang pagpapahalaga sa bawat musikang ating

napapakinggan. Iba`t iba man ang dyanra, may kanya-kanya pa itong

kahulugan at maari itong makatulong sa emosyon ng iba.

 Unawain ang bawat liriko ng musikang pinakikinggan. Ang

kahulugan ay nakatago sa puso ng mga nakikinig nito. Ikaw sa iyong

sarili ang bubuo ng sariling kahulugan ng awiting iyong

pinakikinggan.

 Sa mga Mang-aawit

Ipagpatuloy at panatilihing ibahagi ang kalaaman, ang kaalaman sa

pagsulat ng mga kantang nagbibigay inspirasyon sa nakararami ay

isang magandang gawain.

Ipagpatuloy na maipaalala ang pagpapahalaga sa musika.

Magkaroon ng masining naparaan upang maipamahagi ang mga

awitin.

 Sasusunod na Mananaliksik

60
AMA Computer College - Cavite
Senior High School Department

Ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik ay patungkol sa

Epekto ng Makabagong Musika sa Pagmu-move on ng mga mag-

aaral ng Senior Highschool ng AMA Computer College- College.

Ang susunod na mananaliksik ay maaring palawakin ang kanilang

pag-aaral na isasagawa.

Ang pananaliksik na ito ay maari ring maging gabay ng mga

sumusunod na mananaliksik na nagnanais tuklasin ang iba pang

paksa na konektado sa pag-aaral na ito.

61

You might also like