You are on page 1of 38

MGA LOKAL NA AWITING KILALA AT TAMPOK SA

MGA BARANGAY NG DUMAGUETE: PAGSUSURI

____________________________________________

ISANG TESIS

na ihaharap kay:

DR. CATHERINE T. ELIAGA

NEGROS ORIENTAL STATE UNIVERSITY

Pangunahing Kampus, Lungsod ng Dumaguete

__________________________________________

Bilang Bahagi sa mga Gawaing Kailangan

Sa FIL. 612 Kontemporaryong Panitikang Filipino

____________________________________________

nina:

MELLE L. MONGCOPA
CHENEE M. SUPLE

GUILLIAN R. SEDILLO
CHRISTOPHER E. ZERNA
NICHOL B. VILLAFLORES

Agosto , 2021
TALAAN NG NILALAMAN

Pamagat Pahina

KABANATA 1

SULIRANIN AT SAKLAW NITO


PANIMULA

Paglalahad ng Suliranin ……………………………….. 1

Ipotesis ……………………………….. 4

Kahalagahan ng Pag-aaral ……………………………….. 5

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral ……………………………….. 7

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit ……………………………….. 8

BALANGKAS TEYORITIKAL NA PAG-


……………………………….. 10
AARAL
BALANGKAS KONSEPTUWAL NG
……………………………….. 13
PAG-AARAL
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT
……………………………….. 15
PAG-AARAL
PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK ……………………………….. 19

Metodo ……………………………….. 19

Disenyo ng Pananaliksik ……………………………….. 19

Respondente ……………………………….. 20

Instrumento at Hakbang ……………………………….. 20

Istatistikal tritment ng mga datos ……………………………….. 21

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

APPENDICES
KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT SAKLAW NITO

Panimula

Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan, dito nasasalamin

ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guni-guni ng mga mamamayan

na nasusulat o nababanggit sa magaganda, makulay, makahulugan, matalinghaga at

masining na pagpapahayag. Ang panitikan ay nagbubunsod sa pagkilos ng mga

mamamayan sa kanilang pagkamakabayan. Sa kasalukuyang panahon isa sa kinahihiligan

ng mga tao ay ang pakikinig ng mga musika at pagkanta.

Likas sa ating mga Pilipino ang pagkahilig sa mga awitin, isang katangian na buhat

pa sa ating mga ninuno dahil ang pakikinig ng mga awitin ay parte na ng buhay ng isang

tunay na Pilipino. Paminsan-minsan tayo ay kumakanta sa pamamagitan ng sariling

dayalektong ginagamit. Kagaya na lang ng pagkakaalam natin, walang taong walang wika

na siyang ginagamit nila sa pag-awit dahil sa pag-awit naipapahayag ang ating tuwa,

lungkot, takot, galit, poot, kagawian at ang lahat-lahat na sa ating buhay ay naipapalabas

natin sa pamamagitan ng sariling awitin. Isa sa magandang maidudulot ng pakikinig at

pagkanta ng mga awitin lalo na kung tampok ito sa ating lugar ay nakapagbibigay ito ng

kaginhawaan sa ating pag-iisip at kapayapaan sa ating damdamin, sinasalamin ng mga

awiting ito ang mga pangyayari sa ating buhay na kung saan ay nagpapaalala ng

masasayang tagpo sa buhay ng tao.

Sa aklat ni Gonzales et al. (2007), ang awit ay siyang behikulo ng katutubong

pahayag ng mga katangian at kasiglahan ng mga katutubo at binanggit din niya na ang

panitikan ang nag-uugat sa mga awitin kaya ang awiting-bayan ay inaawit ng ating mga

ninuno sa iba’t ibang gawain kaya dapat bigyang pansin natin ito.

Ayon din kay Fernandez (1990), ang awit ay sinasabing aktibong literatura na

nagpapaindayog sa pang-araw-araw ng mga gawain tulad ng pangingisda o pagsasaka,

pagbibili o pagtitinda, pagpapatulog ng bata, pagbibiruan at pag-iinuman, pagdiriwang ng

mga okasyon maging sa tagumoay na mga labanan.


Sa mga kadahilanang ito, mas lalo pang nahikayat at nagkainteres ang mga

mananaliksik na pag-aralan ang pag-aaral na ito upang mas makilala at masuri ang mga

lokal na awiting kilala at tampok sa mga piling Barangay ng Dumaguete.


Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa hangaring makilala at masuri ang mga lokal

na awiting kilala at tampok sa mga piling Barangay ng Dumaguete. Ito ay naglalayong

masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang mga lokal na awiting kilala at tampok sa mga piling barangay ng

Dumaguete:

a. Daro

b. Camanjac

c. Bagacay

d. Taclobo

e. Candau-ay

f. Pulantubig

g. Poblacion No. 3 (Barangay 3)

h. Poblacion No. 5 (Barangay 5)

i. Banilad

j. Poblacion No. 4 (Barangay 4)

2. Ano-ano ang konteksto na nilalaman ng mga lokal na awiting kilala at tampok sa

mga piling barangay ng Dumaguete?

3. Ano-anong kultura o kaugalian ang ipinapakita sa mga lokal na awiting kilala at

tampok sa mga piling barangay ng Dumaguete?

4. Ano-ano ang bisang pampanitikan na nakapaloob sa mga lokal na awiting kilala at

tampok sa mga piling barangay ng Dumaguete?

a. Bisa sa Isip

b. Bisa sa Damdamin
2
c. Bisa sa Kaasalan

5. May makabuluhang pagkakaiba ba ang mga lokal na awiting kilala at tampok sa

mga piling barangay ng Dumaguete sa isa’t isa?

3
Ipotesis

Ang nasa ibaba ay nagpapakita ng palagay hinggil sa ugnayan ng mga lokal na

awiting kilala at tampok sa mga piling Barangay ng Dumaguete.

Ho1 Walang makabuluhang pagkakaiba ang mga lokal na awiting kilala at tampok sa mga

piling barangay ng Dumaguete sa isa’t isa.

4
Kahalagahan ng Pag-aaral

Isang pag-aaral ang isinagawa ng mga mananaliksik upang kilalanin at suriin ang

mga lokal na awiting kilala at tampok sa mga piling barangay ng Dumaguete. Ang mga

mananaliksik ay pumili ng mahahalagang bagay na dapat isaalang-alang para sa ikalulutas

ng suliranin. Anuman ang matuklasan sa pag-aaral na ito ay magsisilbing patnubay at

makatutulong sa mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, magkakaroon sila ng mga

karagdagang kaalaman ukol sa panitikan lalong-lalo na sa mga awiting-bayan o mga

kantahing-bayan na maaari nilang gamitin sa kanilang pag-aaral ukol sa panitikan. Mas

mapapalawak pa ang kanilang kaalaman, kaisipan at imahinasyon na makatutulong sa

kanilang pinag-aaralan sa panitikan. Magiging gabay ito sa pagtamo ng kaisahan at

kapayapaan at mas mapapahalagahan pa nila ang panitikan ng kanilang lugar o ng ating

bansa.

Sa mga Guro. Sa pamamagitan ng resulta ng pag-aaral na ito, mas mapapalawak

at madaragdagan pa ang kaalaman ng mga gurong nagtuturo ng panitikan. Ang pag-aaral

na ito ay malaki ang maitutulong sa mga guro, kung papaanong mas mapauunlad at mas

maging epektibo ang kanilang pagtuturo ukol sa panitikan. Mas magaganyak din silang

magturo at makapagbibigay inspirasyon sa mga mag-aaral batay sa mga uri ng panitikan

na kanilang itinuturo at mas makapag-isip pa ng mga angkop na istratehiyang gagamitin sa

pagtuturo ng mga uri ng panitikan lalong lalo na sa mga awitin o awiting bayan.

Sa mga Mananaliksik. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, mas nalalaman ang

pinag-ugatan ng panitikan sa ating bansa. Makapagbibigay din ito sa kanila ng karagdagang

kaalaman sa panitikang Pilipino lalong-lalo na sa pagsusuri sa mga awitin at makikilala rin

nila ang mga paniniwala at kaugalian ng mga tao sa lugar na yaon batay sa mga nakilala at

nasuring kanta.

5
Sa mga Magulang. Sa pag-aaral na ito, mas mapapalawak ang kanilang kaalaman

ukol sa panitikan at sa pamamagitan nito ay mahihikayat din sila na makikilala ang mga

awiting tampok sa kanilang lugar.

Sa mga susunod pang Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay maaari nilang

balikan at ito ay magbibigay sa kanila ng ideya na may kaugnay sa kanilang pag-aaral.

6
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral at pananaliksik na ito ay upang makilala at masuri ang

mga lokal na awiting kilala at tampok sa mga piling Barangay ng Dumaguete.

Saklaw ng pag-aaral na ito ang paggamit ng deskriptibong pamamaraan partikular

ang kontent analisis. Gagamit ng mga elektronikong kagamitan gaya ng voice recorder,

cellphone at camrecorder para sa pakikipanayam at sa gagawing pagrekord ng mga lokal

na awitin habang ito ay inaawit ng mga impormante. Para makakuha ng awtentikong datos

bumuo ng krayterya ang mga mananaliksik sa pagpili ng mga impormante. Dapat ang mga

impormante ay may gulang limampu (50) pataas, isinilang at lumaki sa lugar na

pinagkunan ng mga datos, may sapat na kaalaman sa mga awitin ng kanilang lugar.

Para sa pamimili ng mga barangay, gagamitin ng mga mananaliksik ang random

sampling at para naman sa pangongolekta ng mga datos, ang gagamitin ng mga

mananaliksik ay “convenient sampling” kung saan ang pangangalap ng mga datos ay

kukunin mula sa mga impormanteng abeylabol at nakapasa sa krayterya. Isa-isang

tutumbasan sa orihinal na wika ang nairekord na lokal na awitin at isasalin ito sa wikang

Filipino. Sa isasagawang pagsasalin gagamiting batayan ang “Meaning – Based

Translation ni (Larson, 1984) na ang pinakamahalagang isalin ay ang diwa at hindi ang

salita.

Sa kadahilanang, nararapat na magkaroon ng legal na proseso sa mangangalap ng

mga datos mula sa mga impormante, gagawa ng liham pahintulot ang mga mananaliksik at

ibibigay ito sa mga punong barangay upang makakuha ng pahintulot na makakuha ng mga

datos mula sa kanilang residente.

7
Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

Upang lubusang masubaybayan at maging madali ang pag-unawa sa mga

paglalahad at pagtatalakay sa pag-aaral na ito, binigyan ng katuturan ang mga sumusunod

na katawagan:

Awiting lokal – Isang kanta na nanggagaling sa sariling bansa. Halimbawa nito ay

OPM o mga awiting Tagalog at Bisaya.

Bisa sa Damdamin – Tumutukoy ito sa naging epekto o pagbabagong naganap sa

iyong damdamin matapos mabasa ang akda. Sinasabing ang bisang ito ang siyang

pinakamahalagang katangian ng isang akdang pampanitikan. Ginigising ng isang akda ang

damdamin ng mambabasa kung ang damdamin ng mambabasa kung ang damdamin din ng

mga tauhan o ng may-akda ay malinaw na naipahahayag sa mga pandamdam, sa guniguni

at sa puso ng mambabasa.

Bisa sa Isip – May kaugnayan naman ito sa pagkakaroon ng pagbabago sa iyong

pananaw sa mga kaisipang nakapaloob sa akda matapos itong mabasa. Ito ang unang dapat

taglayin ng isang akda. Katangian itong taglay na nagbubunsod sa mambabasa na mag-isip

upang yumaman at umunlad ang kanyang diwa o isipan.

Bisa sa Kaasalan – Tungkol naman ito sa pagbabago sa isang kaisipan dahilan sa

natutunan sa mga pangyayaring naganap sa binasa. Ang akda ay hindi lamang nilikha

upang magbigay ng dunong sa mambabasa. Nilikha rin ito upang magbigay-aral at

humubog ng katauhan.

Elektronikong Kagamitan – Isang kagamitan na ginagamit ng mga mananaliksik

sa pakikipanayam at pagrekord ng mga lokal na awitin habang ito ay inaawit ng mga

impormante.

Impormante – Residente mula sa mga piling barangay ng Dumaguete na nakapasa

sa krayterya na may gulang limampu (50) pataas, isinilang at lumaki sa lugar na

pinagkunan ng mga datos, may sapat na kaalaman sa mga awitin ng kanilang lugar at

marunong sa wikang Filipino.


8
Kaugalian – Mga paniniwala, opinyon, ugali, tradisyon, moralidad, at mga gawain

ng mga tao.

Kultura – Ito ay tumutukoy ng paraan ng pamumuhay na nakagawian ng tao.

Kabilang dito ang sining, wika, musika at panitikan. Kasama rin ang paninirahan,

pananamit, kaugalian, tradisyon at mga mahahalagang moral ng isang pangkat ng tao. Ang

kultura sa payak na kahulugan ay karunungan, sining literatura, paniniwala at kaugalian ng

isang pangkat ng mga taong nananahan sa isang pamayanan.

9
BALANGKAS TEORITIKAL

Ang bahaging ito ng pag-aaral ay nagbibigay-tuon sa mga teoryang pinagbatayan

ng mga mananaliksik upang mas mabigyang kahulugan ang buong proseso ng

pananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay susunod sa pamamaraang penomenolohiko bilang

teoretikal na balangkas at ang konsepto ni Phil Bartle.

Ang kilusang penomenolohiko ay pinasimulan ng isang Aleman na dating

matematiko na naging pilosopo na si Edmund Husserl (1895-1938). Katulad ni Rene

Descartes, nilalayon ni Husserl sa kanyang pag-iisip na “makarating sa pilosopiya bilang

isang maayos at tiyak na agham.” Subalit kung si Descartes ay makaagham, si Husserl

naman ay hindi nasisiyahan sa agham ng kanyang kapanahunan. Nais niyang takasan ang

diktadurya ng suheto sa pagbibigay ng kahulugan sa obheto. Nais niyang limitahan ang

mga palagay ng mismong nag-iisip (presuppositionless ego). Kaya naging tema ng

kanyang pamimilosopiya ang “pagbalik sa mga mismong bagay” (to go back to the things

themselves). Ayon kay Manuel B. Dy, isang dalubhasang guro at pilosopo,

Ang bagong pamamaraan ay magtatangkang bumalik sa penomenon, sa bagay na

naglalahad ng kanyang sarili sa tao, pagtanaw sa mga bagay sa kanilang tunay na anyo at

kasarinlan, hiwalay sa anumang di-matuwid na opinyon (Dy 22).

Samakatwid, kung ang isang penomenologo ay nagsusuri tungkol sa mga awit,

tinitingnan niya ang penomenon na ito hindi lamang bilang musika na may sariling

patakaran at pamamaraan kundi bilang isang pangyayari na nagbubunyag ng kanyang

sarili. Ang tanging ginagawa ng isang penomenologo ay ang maglarawan. Ipinaliliwanag

na lamang niya kung ano ang naroon. Ibinubunyag niya ang kabuuan nito. At dahil ang

katotohanan ay masagana at walang pagkaubos, walang katapusan din ang kanyang

paglalarawan.

Teoryang Romantisismo ni Marasigan (2004) Ang layunin ng teoryang ito na

ipahayag ang uri ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa
10
bansa at sa mundo kinalakhan. Ayon kay sa kanya, ang teoryang romantisismo ay

nagpapairal ng sentimentasyon, inspirasyon o masidhing damdamin gaya ng pag-ibig.

Teoryang Eksistensiyalismo ni Padernal (2013) Ayon sa kanya, ang babasahin

ang isang akda sa pananaw nito aymapagtutuunan ng pansin ang kalagayan ng tauhan na

ang pokus ay nasa pagbuo niya ng paninindigan.

Teoryang Formalistiko ni ______ Pinagtutuunan ng teoryang formalistiko o

formalismo ang pagkakabuo ng awitin. Sa pamamagitan nito ay naipaparating sa mga

tagapakinig ang mensahe ng kanta gamit angtuwirang pagkakasulat nito.

Sa teoryang pagsusuri naman ni Berelson sa aklat ni Austero sa kanyang pag-aaral

ay tumutukoy na ang pagsusuri ng nilalaman ay karaniwang ginagawa sa kakaunti at

dikompletong mga halimbawa o kalahok na ang mga datos na susuriin ay iilan lamang

upang mabigyan ng katuturan ang tema at wastong pag-aaral. Dugtong pa niya sa pagsusuri

at pag-iinterpreta ng nilalaman na nahihinuha ang epekto at kalalabasan nito upang maging

bahagi ng prosesong pagsusuri.

Ito ay sinang-ayunan din ng teorya ni Alejandro na ang pagsusuri ay dapat taglayin

ng isang kritiko ang ganap na kaalaman sa kanyang paksa. Una, Ito’y tumutukoy sa

kabuuan at nilalaman ng akda at ang paksang tinutukoy ng awtor. Dapat din malaman na

ang buhay at kaisipan ng awtor ay isaalang-alang ang panahon ng pagkakasulat nito;

ikalawa, ang katapatan ng loob ay isang katangiang dapat taglayin ng isang kritiko; ikatlo,

ang isang kritiko ay dapat magangkin ng likas na pagkukuro. Ang isang tagasuring may

likas na pagkukuro sa buhay ng awtor ay hindi sanligan sa pagkilatis ng isang akdang

pampanitikan.

11
Bisang Pampanitikan

Teoryang
Romantisismo Teoryang Teoryang
ni Eksistensiyalismo Formalistiko
Marasigan (2004) ni
Padernal (2013) Pananaw:
Pananaw:
Pananaw: Pinagtutuunan ng
Ang layunin ng teoryang formalistiko o
teoryang ito na Ang babasahin ang formalismo ang
ipahayag ang uri ng tao isang akda sa pagkakabuo ng awitin.
o sumasagisag sa tao sa pananaw nito ay Sa pamamagitan nito
pag-aalay ng kanyang mapagtutuunan ng ay naipaparating sa
pag-ibig sa kapwa pansin ang kalagayan mga tagapakinig ang
bansa at sa mundo ng tauhan na ang mensahe ng kanta
kinalakhan. pokus ay nasa pagbuo gamit angtuwirang
niya ng paninindigan. pagkakasulat nito.

Batay sa mga nakasaad na teorya ng mga sikat na personalidad,


mahalagang masuri ang komposisyon ng bawat awiting bayan.
Mahalagang malaman ng isang indibidwal ang kahulugan ng mga
awiting napakinggan na patikular sa isang lugar.

12
BALANGKAS KONSEPTWAL

Ang mungkahing pag-aaral na ito ay nakasentro sa pagsusuri ng mga awiting kilala

at tampok sa mga barangay ng Dumaguete City. Ang mga mananaliksik ay kakalap ng

impormasyon at ibang ideya sa pamamagitan ng pagrekord ng awdyo/bidyo, pagsarbey o

panayam sa mga angkop na personalidad ng mga piling barangay ng Dumaguete City.

Isasagawa ito upang makabuo ng sapat at valid na ideya upang masagot ang mga suliraning

ito. Ipapakita sa ilustrasyon ang pinagbatayan ng pag-aaral ng mga mananaliksik, proseso,

awtput at fidbak ng kanilang gagawin. Ang mungkahing pananaliksik na ito ay nakatuon

pagsusuri ng mga awiting kilala at tampok sa mga barangay ng Dumaguete City. Ang pag-

aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga piling barangay ng Dumaguete City.

Mapapatibay sa pamamagitan ng pagrekord ng awdyo/bidyo, pagsarbey o panayam

sa mga angkop na personalidad mula sa sampung barangay ng Dumaguete City

Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa mga napiling sampung barangay ng Dumaguete City

lamang. Naniniwala ang mga mananaliksik sa kasalukuyang panahon na makakatulong ang

pananaliksik na ito na pukawin ang kamalayan ng mga Pilipino partikular ang mga

mamamayan ng Dumaguete sa yaman ng panitikang mayroon ang kanilang bayan.

13
INPUT PROSESO AWTPUT
Nais na masuri ng mga 1. Ang mga Inaasahan ng mga
mananaliksik ang mga mananaliksik ay mananaliksik sa pag-
awiting kilala at tampok mag-iikot sa mga aaral na ito na malaman
sa mga barangay ng sampung barangay ng ang kayarian ng mga
Dumaguete City kung Dumaguete City bahagi ng mga awiting
kaya’t magsasagawa upang alamin ang kilala at tampok sa mga
ang mga mananaliksik kani-kanilang mga barangay ng
ng pangagalap ng datos kilalang awitin at Dumaguete City.
sa pamamagitan ng susuriin ng mga
voice recorder, mananaliksik ang
cellphone, camrecorder, kabuuan ng bawat
at panayam na isa.
makatutulong sa
2. Gagamit ang mga
ginagawang pag-aaral.
mananaliksik ng
“random sampling”
sa pagpili ng mga
barangay na kasama
pag-aaral.
3. Gagamitin ang
“convenient
sampling”” kung
saan ang pangangalap
ng mga datos ay
kukunin mula sa mga
impormanteng
abeylabol at nakapasa
sa krayterya.

FIDBAK

Mabuksan ang kamalayan ng mga Pilipino


partikular ang mga mamamayan ng Dumaguete sa
yaman ng panitikang mayroon ang kanilang bayan.

Larawan 2.1: Ang Paradimo ng Pag-aaral

14
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang awiting bayan ay isang kathang-musika na nilikha na maaaring isang

indibidwal o grupo/kolektiba na nakatuon ang nilikhang kanta para sa isang komunidad: sa

madaling salita, ito ay isang kanta na binuo para sa isang komunidad. Sa mga layunin na

buuin ang isang konsepto ng “pagkakaisa” o pagbibigkis ng mga saloobin at damdamin ng

mga tao sa iisang paniniwala/ perspektiba, at iba pa. Ang potensyal na tinataglay ng mga

awiting bayan ay naging isang napakahalaga at napakalakas na behikulo upang bumuo ng

isang natatanging identidad na may matibay na pundasyon/haligi ng sarili nitong

pagkakakilanlan.

Ayon kina Baisa-Julian et. al. 2020, Ang mga awiting-bayan ay sinasabing

nagpasalin-salin sa paglipas ng panahon. Ang Pasalindilang Panitikan ay naging laganap

sa panahon ng ating mga ninuno bago pa man ang pananakop ng mga Espanyol. Ito ang

mga panitikang pinalaganap sa pamamagitan ng pagsasalin sa pasalitang tradisyon mula sa

iba’t ibang henerasyon. Ang ilan sa mga uri ng panitikang lumaganap sa pamamagitan ng

pasalindilang pamamaraan ay mga salawikain, sawikain, bugtong, awiting bayan at mga

bulong. Ang Awiting Bayan ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma at minsa’y

wala ng sukat at tugma na sa kalauna’y nilapatan ng himig upang maihayag ng pakanta.

Kaugnay nito, binanggit sa pag-aaral nina Shepherd, J. et al. 2003, na ang musika

ay madalas na isang pokus o aspeto ng pananaliksik ng antropolohikal dahil sa mahalagang

bahagi na ginampanan nito sa buhay ng napakaraming pangkat. Ilan sa mga ideya at istilo

na tanyag sa loob ng nasabing pangkat, tinitingnan ang paraan kung saan ang mga aktibidad

sa musika ay nakabalangkas at nakaayos sa lipunan. Maaaring maging makapangyarihang

instrumentong pang-emosyonal na sumasalamin ang awiting Filipino sa buhay, gawain,

kultura at pagkilala bilang tao sa lipunan.

15
Ayon naman sa pag-aaral ni Maceda, T.G. (2007) may mga kantang bunga ng

nakaraang pakikibaka na lalong kumikinang sa pagdaan ng panahon. Yumayaman ang

kahulugan ng mga ito kapag nakasalabid sa liriko ‘t himig ang buhay at paninindigan ng

gumawa ng awit, kapag diniligan ang awit ng dugo mismo ng mang-aawit. Hindi kayang

burahin ng piitan at baril ang mga awit at mangaawit na nagsilbing awtentikong boses ng

mga taong bayan at nagpatatag sa kanila para ipaglaban ang kanilang humanidad.

Napakalawak ng saklaw ng malay-tao sa aspetong sosyal sa lipunang binubuo ng pag-

uugali, ideya at mga saloobin at bawat isa ay may kanya-kanyang pagpapahalaga sa mga

ito. Bawat isa rin ay may iba‘t ibang paraan sa pagsasabuhay sa mga aral na kalakip nito.

Ang pagpapahayag ng kultura sa mga kontemporaryong kasanayan sa musika ay lumampas

sa mga pamantayang kahulugan ng tradisyon ng musikal. Bilang isang genre, ang pop

music sa buong mundo ay naiimpluwensyahan ng mga kasanayan sa kanluran at hindi

karaniwang kasama ang mga instrumento o mga pormang pangmusika na matatagpuan sa

tradisyonal na musika ng bansang pinagmulan nina Shepherd, J. et al. (2003).

Sa taong 2012, lumaganap ang Bisaya na kanta sa kabataan sa Cebu kung saan

maraming kabataan ang nakikisabay sa uso at sadyang mahalaga ang pag-usbong sa

modernong panahon para sa kabataan dahil makasabay sila sa indak na nagpakilala tungkol

sa Visayan Popular. Sa kulturang Pilipino ay taglay na ang wikang nagpapaloob at

nagpapahayag dito na siyang bumubuo at humuhubog sa diwa ng kultura. Isa sa mga

epektibo at makapangyarihang kasangkapang pandamdamin ay ang musika na lenggawahe

na naglalarawan sa kung ano talaga ang lipunan, subalit ito ay metaporang ekpresyon ng

mga damdamin na maiuugnay sa takbo ng lipunan nabanggit nina Pe-Pua, R. & M. E. P.

(2000) sa kanilang pag-aaral na Sikolohiyang Pilipino: Filipino psychology. Ang

Sikolohiyang Pilipino ay naka-angkla sa kaisip at karanasan ng Pilipino tulad ng

naintindihan mula sa pananaw ng Pilipino. Naikintal sa isip ng bawat tao kung paano siya

gaganap sa kanyang lipunan at kung paano niya ito naiintindihan ang mga nakapalibot sa

kanya.

16
Binagyang-kahulugan nina Policarpio, A. & Cabangon, N. (2016) ang Visayan Pop

o VISPop ay isang musikang popular na isinulat ang awitin na isang paligsahan sa mga

bisayang kompositor na may dekalidad na awiting bisaya ng mga kasalukuyang

henerasyon. Ang mga bagong henerasyon ay nais makilala sa kanilang awitin sa

pagpahayag na sa sa mga epektibo at makapangyarihang kasangkapang pandamdamin ay

ang musika. Ang musika ay tunog na makataong binuo, na nagpapahayag ng ugnayan sa

pagitan ng mga pattern ng makataong pagbuo nito at ng likhang tunog na nagreresulta sa

ugnayan nang bawat tao ayon sa pahayag nina Shepherd, J. et al. (2003).

Mahalagang masipat ang mga oryentasyon ng tao sa kaniyang lipunan

kinabibilangan. Isa ito sa mahalagang pagtuonan ng pansin kung paano gumagalaw ang

isang tao sa kanyang kinabibilangan na gamit ang musika sa pagpapahayag ng damdamin.

Ayon kay Covar, P. R. (2015) na ang parametrong kaalamang bayang dalumat ng

pagkataong Pilipino ay isang pamamaraan para sa mas malapit na pagkilala at pag-aaral ng

pagkataong Pilipino sa disiplinang antropolohiya. Ito ay tungo sa mas lapat na

pagsasalarawan sa pagkataong Pilipino na nakaayon sa konteksto ng sariling kultura — na

isang hakbang na paghahawan ng mga disiplinang kaugnay sa larangan ng Sikolohiyang

Pilipino.

Sa kasalukuyan, unti-unting yumayakap sa dayuhang palasak ang mga awitin na

nasa wikang Ingles at Korean na kinahuhumalingan ng mga kabataang nabibilang sa

henerasyong ito kahit na hindi naman lubusang maintindihan ang liriko. Ang kanilang

music videos ay kumakalat sa iba ‘t ibang kontinente sa pamamagitan ng social networking

services, at pinapanood ng makailang daan at milyon na ulit saad nina Anastacio, D. S. et

al. (2016).

Nakababahala ito sa sariling wika na hindi matatangkilik ang mga awiting gawa sa

lokal at kontekstwalisadong kaparaanan. Malaking hamon ang pagtuturo ng wika at

panitikan sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya, bagkus naging daan ang


17
makabagong pamaraan sa pagpapaabot ng bagong kaalaman na makikita at maririnig sa

midya. Ang pagkahilig sa mga awiting Visayan Popular ng kabataan ay nagbibigay

inspirasyon upang ipagpatuloy ng mag-aaral na matuto sa aralin.

Mahalaga ang pag-aaral sa mga panunuri ng awitin na may kasaling pagtingin sa

sariling wika upang maipakita sa ibang bansa na mayroong sariling pagkakakilanlan ang

wikang Filipino at mapalaganap ang kabisaan nito sa pag-uugnay ng tao sa lipunan. Ang

bentahe ng awit sa panahon ng represyon ay ang pagiging madulas nito ‘t napakadaling

dalhin kahit nino, kahit saan. Inuugat ng kanta ang tao—manunulat o mang-aawit o

tagapakinig—sa isang partikular na komunidad at kontexto pero di ‘nagpapataw ng

permanenteng kahulugan o kontexto. Lumitaw noong 1990‘s, ang mga pag-aaral sa musika

ng ay naging bahagi ng kanon sa maraming mga disiplinang pang-akademikong nagresulta

sa paglitaw ng musika at kultura ng hip-hop bilang isang pambansa at pandaigdigang

penomenon nina Shepherd, J. et.al. (2003).

Bilang paglalahat, ang mga awiting nakasulat sa Cebuano ay representasyon ng

mga wikang nagkaintindihan sa kani-kanilang hangarin. Nagagawa din nitong matugunan

at maihayag sa pamamagitan ng liriko ang pangnilalamang pangwika tungo sa pag-uugnay

sa lipunan. Sa ganitong paraan, lubusang naisasangkot ang mga mambabasa pag-alam ng

wikang gamit dahil ito ay danas ng lokalidad at kontekstwal sa pagpapakahulugan nito

lipunang ginagalawan. Sa Cebu, kakaunti pa lamang ang mga pag-aaral sa mga lokal na

awitin tampok ang mga bagong sibol sa henerasyon sa linggwistikong komunidad ngunit

ang kamalayan sa larangang ito ay humihimok sa mga mananaliksik bubuo at palawigin pa

ang pag-aaral ukol dito. Binagyang ideya ni Anastacio, D.S et al (2016) ang paggamit ng

lokal at kontekstwalisadong materyales sa paaralan ay naghahatid kabatiran sa mga

kabataan sa usaping panlipunan, isali sa pagtuturo sa loob ng kurikulum ang mga araling

lokal.

18
PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at

paglalarawan sa mga hakbang na naisakatuparan sa pagsusuri ng mga lokal na awiting

kilala at tampok sa mga piling barangay ng Dumaguete.

Metodo

Iimbestigahan sa pag-aaral na ito ang mga impormante na magmumula sa mga

piling barangay ng Dumaguete na nakapasa sa krayterya na may gulang limampu (50)

pataas, isinilang at lumaki sa lugar na pinagkunan ng mga datos, may sapat na kaalaman

sa mga awitin ng kanilang lugar.

Sa pangangalap ng datos, gagamit ng isang elektronikong kagamitan gaya ng voice

recorder, cellphone at camrecorder ang mga mananaliksik para sa gagawing pagrekord ng

mga lokal na awitin habang ito ay inaawit ng mga impormante. Para makakuha ng

awtentikong datos bumuo ng krayterya ang mga mananaliksik sa pagpili ng mga

impormante. Sa pagpangolekta ng mga datos, gagamitin ang “convenient sampling” kung

saan ang pangangalap ng mga datos ay kukunin mula sa mga impormanteng abeylabol at

nakapasa sa krayterya. Isa-isang tutumbasan sa orihinal na wika ang nairekord na lokal na

awitin at isasalin ito sa wikang Filipino.Sa isasagawang pagsasalin gagamiting batayan ang

“Meaning – Based Translation ni (Larson, 1984) na ang pinakamahalagang isalin ay ang

diwa at hindi ang salita.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang mga kaganapan sa pag-aaral ay gagamitan ng Ethnographic research design

isang pamamaraan na kung saan makikipag-ugnay at nakikipanayam ang mga

mananaliksik sa mga impormante na nakapasa sa krayterya na may gulang limampu (50)

pataas, isinilang at lumaki sa lugar na pinagkunan ng mga datos, may sapat na kaalaman
19
sa mga awitin ng kanilang lugar. Ginamit rin ng deskriptibong pamamaraan partikular ang

kontent analisis na naglalarawan o nagbubuod ng mga koleksyon ng impormasyon mula sa

mga impormante ng Dumaguete.Layunin ng ganitong disenyo na masistematikong

mailarawan ang sitwasyon at kundisyon nang makatotohanan at buong katiyakan.

Respondente

Ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay pipili ng mga respondente gamit ang

“convenient sampling” na kung saan ang pangangalap ng mga datos ay kukunin mula sa

mga impormante o respondente na abeylabol at nakapasa sa krayterya (may gulang

limampu (50) pataas, isinilang at lumaki sa piling barangay ng Dumaguete na siyang

pinagkunan ng mga datos, may sapat na kaalaman sa mga awitin ng kanilang lugar).

Instrumento

Ang pagkuha ng mga datos ay magsasagawa ang mga mananaliksik ng

pakikipanayam o interview sa mga impormante (mga residente na pasok sa krayterya na

may gulang limampu (50) pataas, isinilang at lumaki sa piling barangay ng Dumaguete na

siyang pinagkunan ng mga datos, may sapat na kaalaman sa mga awitin ng kanilang lugar.

Ang mga mananaliksik ay maghahanda ng isang elektronikong kagamitan gaya ng

voice recorder, cellphone at camrecorder upang magamit sa pakikipanayam at pagrekord

sa mga impormante sa panahon ng pangangalap ng datos. Magsasagawa rin ng

pangangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa iba’t ibang hanguan sa

aklatan tulad ng mga aklat, tisis at iba pa. Kukuha rin ang mga mananaliksik ng ilang

impormasyon sa internet.

20
Istatistikal Tritment ng mga Datos

Dahil ang pagsusuring ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at hindi naman

isang pangangailangan sa pagtatamo ng digri tulad ng tisis at disertasyon, walang gagawing

pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng matataas

at kompleks na istatistikal na pamamaraan.

Ang mga datos na makakakalap ng mga mananaliksik mula sa pakikipanayam sa

mga respondents ay magsisilbing kasagutan sa mga katanungang inilahad ng pag-aaral.

1. Porsyento ay ginagamit para sa demograpikong propayl ng mga respondente ayon sa

kanilang edad at kasarian.

FORMULA:

𝑓
𝑃= 𝑥100
𝑛

P = Porsyento

f = prikwensiya

n = kabuuang bilang ng mga respondente

100 = constant value

21
TALAAN NG MGA SANGGUNIAN

Anderson, K.B., Anderson, C.A., Dill, K.E. & Deusen, W.E. 1998. The interactive relations

between trait hostility, pain, and aggressive thoughts. Aggressive Behavoir.

24. 161-171

Austero, Cecilia S. et al. (2008). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananalikisik (Binagong

Edisyon). Pasig City: UNLAD PUBLISHING HOUSE.

Baisa-Julian, Ailene, Lontoc, Nestor S., Esguera-Jose, Carmela, Dayag, Alma M.

Pinagyamang Pluma 7. 927 Quezon City Ave., Quezon City: Phoenix

Publishing House, Inc. 2017 8/28/2020. Retrieved July 15, 2021

Berleson, Bernard (1971). Analysis in Communication Research. New York: Hafner

Publishing Company.

Chavez, Carlo. 1985. Musical thought. Massachussets. Harvard University Press

Custodio, Francisca. Gawad Plaridel Lecture 2016. Tagapangalaga ng Kulturang Wray sa

Radyo. University of the Philippines (2016)

Daarol, Idy Mae G. (n.d.). Awiting-Bayan ng mga Ilonggo.

https://www.scribd.com/document/394784001/attachment-docx

Duckworth, William. 1995. A creative approach to music Fundamentals: Belmont,

California.Wadsworth Publishing Company

Everyday uses of music Listening: a preliminary study. (INSUK WON YI (ed) Music,

mind,

Humanities Diliman (January- June 2001)

Incerna, Pero & Corero, Jaime. 1963. A course in Church Music: Manila. The Marian

center

Koo, Grace Shangkuan. 2000., Marso. How music can Boost Your Brain Powers.

Philippine Daily Inquirer


Maceda, T. G. (2007). problematizing the popular: the dynamics of pinoy pop(ular) music

and popular protest music. Journal: Inter-Asia 1Cultural Studies, Volume 8,

2007 - Issue 3. 28. Pages 390-413. Retrieved July 16, 2021

Mandado, Juliet O. Ang Penomenong Awiting Visayan Popular o (VisPop) sa Kabataang

Manicad, Ryan D.dec.1006-jan.2007. health & lifestyle: friendly alliances & media

expression, inc.

Michael M. Coroza. (2009). Ang Sining ng Saling-awit: Kasaysayan, Proseso, at

Pagpapahalaga. Retrieved July 14, 2021, from

https://archium.ateneo.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=1037&context=filipi

no-faculty-pubs

Mojica, Joel Zalavaria. 2004. The Art of Singing: Extensive vacal Therapy: Makati City.

Sound Publishing

N. (2018). Pagkawala ng Interes ng mga Kabataan sa mga Orihinal na Awitin ng Pilipinas-

Isang Pananaliksik Ukol sa OPM at Makabagong Kanta.

https://www.scribd.com/document/418091356/liMUtSIKA-Pagkawala-ng-

Interes-ng mga-Kabataan-sa-mga-Orihinal-na-Awitin-ng-Pilipinas-Isang-

Pananaliksik-ukol-sa-OPM-at-Makabagong-Kanta

Navarro, Raul C. Ang Musika sa Pilipinas: Pagbuo ng Kolonyal na Polisi, 1898-1935.

NORTH (eas) The Social Psychology of Music: Oxford University Press

publications

Rivadelo, Rosita F. 1986. Fundamentals of Music: Manila. National bookstore, Inc.

San Juan, David Michael. Euphoria, Pakikibaka, at Bahala Na: Konstekstuwalisasyon ng

Piling Awiting Post-EDSA (June 2019). 2019-01c-San-Juan.pdf

Sebwano at ilang usaping wika at kultura (2020). American Journal of

Humanities and Social Sciences Research (AJHSSR).


Session, Rogen. 1950. the musical Experience of Composer. performer Sloboda, J.A.S.

1999.

Shepherd, J. et al. (2003). continum encyclopedia of popular music of the world. Volume

1: Media, Industry and Society. New York. Retrieved July 14, 2021

Stravinsky, Igor.1947. Poetic of Music. Campbridge: Harvard University Press

Strokes, M.1994 . Ethically, Identity & Music: The Musical Construction of

Place. Oxford Berg Publisher

Tsatalbasidis, Karl. 2003. Drums, rock, and Worship: Rooseville CA: Amazing Facts, INC.

Villafuente, Patrocinio V., Cantal-Pagkalinawan, Leticia &Sonajo, Benjamin, Jr. 2009.

Tanglaw sa

White, Ellen G. 1988. The voice in Speed and song. Idaho. Pasific Press Publishing

Association

Wika at panitikan: Makati City. Diwa Learning System, Inc. University Press of First asia

Wika at panitikan: Makati City. Diwa Learning System, Inc. University Press of First asia

Zillman, D. & Gan S. 1997. Musikal taste in an adolescence. (IN D.S. HARGREAVES &

A.C.
KURIKULUM VITAE A-1

Pangalan: MELLE LINGCONG MONGCOPA

Petsa ng Kapanganakan: April 18, 1996

Lugar ng Tirahan: Balugo, Valencia, Negros Oriental

Status Sibil: Walang asawa

Mga Magulang: Gannie T. Mongcopa

Jocelyn L. Mongcopa

Mga Kapatid: Lovely Mae L. Teofilo

Mababang Paaralan: Camanjac Elementary School


Camanjac, Dumaguete City
Marso 2007

Mataas na Paaralan: Camanjac National High School


Camanjac, Dumaguete City
Marso 2012

Kolehiyo: Bachelor of Secondary Education


Major in Filipino
Negros Oriental State University
Kagawasan Avenue, Dumaguete City
Octobre 2016

Karangalang natamo: Dean’s List Awardee

Paaralang Graduwado: Master of Arts in Filipino


Negros Oriental State University
Main Campus I, Dumaguete City

Bokasyunal: Tourism Promotions NC II


Fitz Gibbon Academy of Skills and Trades
(FAST)
Calindagan, Dumaguete City
(September 2015)

Pagsusulit sa Serbisyong Sibil: Board Licensure Examination for


Professional Teachers
(March 2017)

Organisasyon:
Samahan ng mga Tagapagpalaganap A.Y 2013- PRESENT
ng Wikang Filipino

Gawaing Karanasan:

Junior High School Teacher Southland College


Kabankalan City, Negros
Occidental
(June 2017-March 2018)
Junior High School Teacher Jimalalud National High
School
South Poblacion, Jimalalud
Negros Oriental
(August 2018- Present)

Seminar at Worksyap:

TOURISM PROMOTION NC II
TESDA, Dumaguete City Negros Oriental
(October, 2015- December 20, 2015)

1ST STUDENT SUMMIT ON INTERACTIVE STRATEGIES


Sofia Soler Hall, Foundation University Dumaguete City, Negros
Oriental
(2016)

FIVE-DAY DISTRICT SEMESTRAL IN-SERVICE


TRAINING Jimalalud Central School, Jimalalud Negros Oriental
(2018)

2-DAY LIVE-OUT DIVISION TRAINING OF SCHOOL


PAPER ADVISERS
Zamboanguita Cerntral School
Zamboanguita District, Negros Oriental
(2018)

2019-MIDYEAR IN-SERVICE TRAINING


Jimalalud Central School,
Jimalalud, Negros Oriental

2-DAY DISTRICT RE-ORIENTATION ON PPST-RPMS


Jimalalud National High School, Jimalalud, Negros Oriental

FIVE DAY INSET TRAINING FOR TEACHERS S.Y. 2020-


2021
Jimalalud National High School
Jimalalud Negros Oriental
(December 14-18, 2020)
PAGSASANAY SA PAGSASAGAWA NG MGA TEKSTONG
LOKAL TUON SA KALIGIRANG PANGKASARIAN AT
PANGKAUNLARAN ALINSUNOD SA
PINAKAMAHALAGANG KOMPETENCI SA PAGKATUTO
(MELC)
Plaza Maria Luisa Suites Inn
Dumaguete City
August 11-13, 2021
KURIKULUM VITAE A-2

Pangalan: GUILLIAN R. SEDILLO


Petsa ng Kapanganakan: MAY 26,1998

Lugar ng Tirahan: Malubog Datagon,Pamplona Negros

Oriental

Status Sibil: Walang asawa

Mga Magulang: Jaime L.Sedillo

Thelma R. Sedillo

Mababang Paaralan: Pamplona Central Elementary School


Pamplona Negros Oriental
2004-2011

Mataas na Paaralan: Amlan National High School


Amlan Negros Oriental
2011-2015

Kolehiyo: Bachelor of Secondary Education


Major in Filipino
Negros Oriental State University
Bayawan-Sta. Catalina Campus
(NORSU-BSC)
2015-2019

Paaralang Graduwado: Master of Arts in Filipino


Negros Oriental State University
Main Campus I, Dumaguete City

Bokasyunal: Bread and Pastry Production NC II


Dumaguete City
02-05-2016
Contact Service Center NCII
10-28-2019
Pagsusulit sa Serbisyong Sibil: Board Licensure Examination for
Professional Teachers
(September 2019)

Organisasyon:
Samahan ng mga Tagapagpalaganap 2015-2019
ng Wikang Filipino (NORSU-BSC)

Gawaing Karanasan:

Tutorial Teacher
Mind Craft Center
Dumaguete City
06-12-2020 to 08-15-2020

Administrative Aide
Isidoro Memorial High School
South Balayong, Pamplona Negros
Oriental
05-03-2021 to 06-30-2021

Seminar at Worksyap:

Enhancing Developmental Motivation to self paced Learning


(11-06-2020)

Instructional Development Design and Assessment in a flexible

Learning Development

(May 1 - 6, 2021)

21st Century School Leadership and Management

(May 1 - 6, 2021)

Localization and Contextualization in the K-12 Curriculum

(May 1 - 6, 2021)
KURIKULUM VITAE A-3

KURIKULUM VITAE

Pangalan: NICHOL BARREDO VILLAFLORES

Petsa ng Kapanganakan: September 4, 1993

Lugar ng Tirahan: Luca, Tanjay City

Status Sibil: Walang asawa

Mga Magulang: Rolino A. Villaflores

Carolina L. Barredo

Mga Kapatid: Rolin B. Villaflores

Alfie B. Villaflores

Clauwie B. Villaflores

Mababang Paaralan: Maralag Elementary School


Manipis, Tanjay City
Marso 2006

Mataas na Paaralan: Camanjac National High School


Opao, Tanjay City
Marso 2010

Kolehiyo: Bachelor of Secondary Education


Major in Filipino
Diaz College
Nono Limbaga Drive, Tanjay City
March 2017

Karangalang natamo: Cum Laude

Paaralang Graduwado: Master of Arts in Filipino


Negros Oriental State University
Main Campus I, Dumaguete City

Pagsusulit sa Serbisyong Sibil: Board Licensure Examination for


Professional Teachers
(September 2017)

Organisasyon:
Kapisana ng mga Mag-aaral sa Filipino A.Y 2015- PRESENT
(KaMagFil)

Gawaing Karanasan:

Customer Service Representative SPI CRM (now INSPIRO)


Dumaguete City
Negros Oriental
(May 2017 - June 2018)

Junior at Senior High School Teacher Diaz College


Nono Limbaga Drive,
Tanjay City
Negros Oriental
(June 2018- Present)

Seminar at Worksyap:

2-DAY STUDENT SUMMIT


Claire Isabel McGill Luce Auditorium, Silliman University
Dumaguete
City, Negros Oriental
(2016)

3-DAY INSERVICE TRAINING FOR TEACHERS


Corner P. Lopez and Magallanes Sts. Cebu City Cebu
(2018)
KURIKULUM VITAE A-4

Pangalan: CHENEE MARABABOL SUPLE

Petsa ng Kapanganakan: Agosto 23, 1996

Lugar ng Tirahan: Tandayag, Amlan, Negros Oriental

Status Sibil: May Asawa

Mga Magulang: Jose Nelson A. Marababol

Rexie D. Marababol

Kapatid: Abegail D. Marababol

Mababang Paaralan: Tandayag Elementary School


Tandayag, Amlan, Negros Oriental

Mataas na Paaralan: Amlan National High School


Poblacion, Amlan, Negros Oriental

Kolehiyo: Bachelor of Secondary Education


Major in Filipino
Negros Oriental State University
Main Campus I, Dumaguete City

Paaralang Graduwado: Master of Arts in Filipino


Negros Oriental State University
Main Campus I, Dumaguete City

Bokasyunal: Bread and Pastry Production NC 2


Asian College Science and
Technology
Dr. V. Locsin St., Dumaguete City
(August 2017)

Pagsusulit sa Serbisyong Sibil: Licensure Examination for Teachers


(September 2016)

Organisasyon:

Samahan ng mga Tagapagpalaganap July, 2013 - August, 2016


ng Wika Filipino (STWF)

Gawaing Karanasan:

School Filipino Coordinator Amlan NHS-Jugno Campus


at Grade 7 Adviser Jugno, Amlan, Negros Oriental
(August 16, 2018 hanggang sa
kasalukuyan)

Seminar at Worksyap

“FIVE-DAY MID-YEAR IN-SERVICE TRAINING OF TEACHERS


S.Y.: 2020-2021” held on December 14-18, 2020 at Amlan District – Mag-
abo, Amlan, Negros Oriental

“CONVERGENCE OF FILIPINO MODULE WRITERS AND


QUALITY ASSURANCE TEAM” held on November 6, 2020 at Plaza
Maria Suites Inn- Dumaguete City

“DISTRICT ROLL-OUT ON TEACHER INDUCTION PROGRAM


(TIP)” held on December 13 - 14, 2019 at Amlan District – Mag-abo,
Amlan, Negros Oriental

“FIVE-DAY MID-YEAR SEMESTRAL BREAK IN-SERVICE


TRAINING OF TEACHERS” held on October 21 – 25, 2019 at Amlan
District – Mag-abo, Amlan, Negros Oriental

“DISTRICT ROLL-OUT ON PPST-RPMS FOR SY 2019-2020” on


held May 30 - 31, 2019 at Amlan District – Mag-abo, Amlan, Negros
Oriental

“2-DAY ORIENTATION OF NEWLY HIRED TEACHERS ON


TEACHER INDUCTION PROGRAM (TIP)” held on September 9-10,
2018 at Amlan District – Mag-abo, Amlan, Negros Oriental
“FIVE-DAY MID-YEAR SEMESTRAL BREAK IN-SERVICE
TRAINING OF TEACHERS” held on October 22-26, 2018 at Amlan
District – Mag-abo, Amlan, Negros Oriental

“2018 2-DAY DISTRICT LEVEL ROLL-OUT ON RESULTS-BASED


PERFORMANCE MANAGEMENT SYSTEM (PRMS)” on held
August 17 – 18, 2018 at Amlan District – Mag-abo, Amlan, Negros Oriental

“2-DAY LIVE-OUT DIVISION TRAINING OF SCHOOL PAPER


ADVISERS” held on September 25-26, 2018 at Zamboanguita Central
School- Zamboanguita District, Negros Oriental
KURIKULUM VITAE A-5

CHRISTOPHER ESTANIEL ZERNA


Lawton Baybay, Brgy. 7, Tanjay City, Neg. Or.
Philippines, 6204
christopher.zerna001@gmail.com
________________________________________________________________________

PERCONAL INFORMATION
Nickname: Chris
Birthdate: February 26, 1982
Address: Lawton Baybay, Tanjay City, Negros Oriental
Age: 39
Weight: 65 kgs.
Height: 5’5”
Sex: Male
Civil Status: Married
Citizenship: Filipino
Religion: Roman Catholic

EDUCATIONAL BACKGROUND
Tertiary Education: Villaflores College
BSED- FILIPINO
S.Y 1997-2001

Secondary Education: Tanjay National High School


1992-1996
Primary Education: Tanjay Central Elementary School
S.Y 1986-1992
SKILLS:
 Computer literate
 Creativity
 Flexible in Different Situations
 Classroom Management
 Collaboration and Teamwork

WORK EXPERIENCE

4/1/2002 to present Teacher


Tanjay City
SEMINARS AND TRAININGS ATTENDED

5-DAY CLUSTER-BASED TRAINING-WORKSHOP ON RPMS-IPCR COMPETENCIES 10/21/2019 10/25/2019 40.0 PARTICIPANT DEPED TANJAY CITY DIVISION
PANSANGAY NA PAGSASANAY SA PRIMALS (PEDAGOGICAL RETOOLING IN
8/15/2019 8/18/2019 32.0 PARTICIPANT DEPED TANJAY CITY DIVISION
MATHEMATICS, LANGUAGES AND SCIENCES)
TRAINING WRITESHOP FOR SCHOOL PAPER ADVISERS 7/5/2019 7/6/2019 16.0 PARTICIPANT DEPED TANJAY CITY DIVISION
RE-ORIENTATION ON SCHOOL BASED MANAGEMENT AND ROLES &
4/16/2019 4/16/2019 8.0 PARTICIPANT DEPED TANJAY CITY DIVISION
FUNCTIONS OF SCHOOL GOVERNING COUNCIL
5-DAY CLUSTER-IV MID-YEAR INSET ON RPMS AND PPST 10/22/2018 10/26/2018 40.0 PARTICIPANT DEPED TANJAY CITY DIVISION
DIVISION TRAINING OF GRADES 1 AND 7 TEACHERS AND SCHOOL HEADS ON
7/4/2018 7/7/2018 32.0 PARTICIPANT DEPED TANJAY CITY DIVISION
SPECIAL EDUCATION (SPED) AND UTILIZATION OF MFAT
TRAINING OF TEACHERS (TOT) ON K TO 10 CRITICAl CONTENT (FILIPINO-7) 6/6/2018 6/10/2018 40.0 PARTICIPANT DEPED REGION VII
5-DAY MID-YEAR INSET ON ACTION RESEARCH, AND MAKING OF
10/23/2017 10/27/2017 40.0 PARTICIPANT DEPED TANJAY CITY DIVISION
CONTEXTUALIZED, LOCALIZED/INDIGENIZED SIM'S/IM'S & RPMS REVIEW
3-DAY DIVISION TRAINING-WRITESHOP FOR SCHOOL PAPER ADVISERS 9/7/2017 9/9/2017 24.0 PARTICIPANT DEPED TANJAY CITY DIVISION
MARALAG ELEMENTARY SCHOOL / DEPED
DIVISION MID-YEAR IN-SERVICE TRAINING FOR TEACHERS 10/27/2015 10/30/2015 32.0 PARTICIPANT
TANJAY CITY
TRAINING ON ELECTRICAL INSTALLATION AND MAINTENANCE NC II 4/15/2015 6/24/2015 402.0 PARTICIPANT TESDA / DEPED
THREE-DAY SCHOOL-BASED TRAINING WORKSHOP ON INSTRUCTIONAL
10/21/2014 10/23/2014 24.0 PARTICIPANT LUCA HIGH SCHOOL / DEPED TANJAY CITY
SUPERVISION (PHASE 2), DEVELOPING CREATIVE AND APPROPRIATE IPs
REGIONAL MASS TRAINING OF GRADE 9 FILIPINO TEACHERS ON THE COLEGIO DE SANTA CATALINA DE
6/9/2014 6/13/2014 48.0 PARTICIPANT
IMPLEMENTATION OF THE K TO 12 BASIC EDUCATION PROGRAM ALEJANDRIA (COSCA) / DEPED
REGIONAL MASS TRAINING OF GRADE 8 TEACHERS IN THE K TO 12 BASIC CEBU NORMAL UNIVERSITY (CNU) / DEPED
5/25/2013 5/29/2013 40.0 PARTICIPANT
EDUCATION CURRICULUM FOR FILIPINO REGION VII
REGIONAL TRAINING OF GRADE 7 FILIPINO TEACHERS IN THE K TO 12 BASIC CEBU NORMAL UNIVERSITY (CNU) / DEPED
5/26/2012 5/30/2012 40.0 PARTICIPANT
EDUCATION CURRICULUM REGION VII
REGIONAL TRAINING OF TRAINERS (TOT) FOR THE MASS TRAINING OF SECOND
5/17/2011 5/20/2011 32.0 DEMONSTRATOR DEPED REGION VII
YEAR TEACHERS ON THE 2010 SECONDARY EDUCATION CURRICULUM (SEC)
TWO-DAY SCHOOL PAPER ADVISERS' REFRESHER COURSE ON CAMPUS
10/21/2010 10/23/2010 24.0 PARTICIPANT DEPED TANJAY CITY DIVISION
JOURNALISM
TWO-DAY SCHOOL IMPROVEMENT PLAN (SIP) 7/17/2010 7/18/2010 16.0 PARTICIPANT LUCA HIGH SCHOOL / DEPED TANJAY CITY
THREE-DAY SCHOOL-BASED MID-YEAR PERFORMANCE EVALUATION TANJAY CITY SCIENCE HIGH SCHOOL /
10/27/2010 10/29/2010 24.0 PARTICIPANT
WORKSHOP DEPED TANJAY CITY DIVISION
2-DAY DIVISION ECHO TRAINING FOR FIRST YEAR TEACHERS ON THE
6/19/2010 6/21/2010 24.0 FACILITATOR DEPED TANJAY CITY DIVISION
SECONDARY EDUCATION CURRICULUM (SEC)
NEGROS ORIENTAL STATE UNIVERSITY /
MULTI-DISCIPLINARY SKILLS ENHANCEMENT PROGRAM-PUBLIC SPEAKING 8/1/2009 11/22/2009 54.0 PARTICIPANT
DEPED

You might also like