You are on page 1of 2

Ayon sa teorya ni Berlyne (1971), ang pagkiling ng tao sa isang partikular na genre ng

musika ay pinamamahalaan ng kapasidad ng awitin na mapukaw ang damdamin ng tagapakinig

nito. Dagdag pa rito, sinasabing mayroong tatlong baryabanteng isinasaalangalang sa pagtukoy

ng kapasidad ng musika na makapukaw ng damdamin. Kinabibilangan ito ng: psychophysical

(pisikal na estimulo gaya ng tempo, ritmo, at lakas ng musika), ekolohikal (persepsiyon,

interpretasyon, at paglalapat ng kahulugan ng tagapakinig), at kolektibong mga baryabante

(pagsusura sa pagkasopistikado o pagkakomplikado ng musika, maging ang pamilyaridad)

(North & Hargreaves, 2008). Mula rito, makabubuo ng isang obhektibong paraan upang matukoy

at matalakay kung paano nakaaapekto ang isang likhang musika sa damdamin ng tagapakinig

nito.

Samantala, sinasabi sa teorya ni Merriam (1964) na mayroong sampung uri ng gampanin

ang musika. Ito ay kinabibilangang ng emosyonal na ekpresiyon o paghahayag ngdadamin,

estetikong kasiyahan, libangan, komunikasyon, simbolismo, pagpataw ng panlipunang kaugalian,

pagpapatunay ng mga institusyong panlipunan, pagapapatibay ng relihiyosong ritwal,

pagpapatatag ng kultura, at integrasyon ng lipunan. Mahihinuhang mahalaga ang gampanin ng

musika sa paghubog ng indibidwal at ng pagpapaigting ng mga mahahalagang salik sa lipunan.

Ayon sa pag-aaral ni Molino (2000), bago malaman ang pagbabago ng musika

kinakailangan munang alamin kung kailan at sa papaanong paraan nagbago ito. Gaya sa

isinasagawang pag-aaral, kinakailangan din na magsaliksik ng kasaysayan ng musika sa Pilipinas

mula sa pinakaunang bersyon nito, upang maipakita ang pagkakaiba-iba ng musika at ang

kaukulang gampanin nito sa kultura. Dagdag pa rito, sa pagtukoy sa persepsiyon ng mga tao sa

gampanin ng modernong musika, kinakailangan munang matukoy ang kaugnayan ng

makalumang musika sa mga makalumang tao noong unang panahon.


Base naman kay Young Yun Kim (2017), sa kanyang teoryang Cross-Cultural

Adaptation, ang mga tao raw ay umaayon sa pagbabago ng kultura, kung saan lumalawak ang

mga pananaw ng tao at natututo sila ng panibagong kaalaman at pagkilos. Maihahalintulad ito sa

konteksto ng pananaliksik na ito sapagkat ang mga musika, sa bawat yugto ng kasaysayan ng

Pilipinas, ay nagkaroon ng iba’t ibang mga gampanin sa lipunan ng panahong kinabibilangan

nito. Mahihinuhang umaayon sa sitwasyon ng panahon ang kultura at ang pagkilos ng tao, na

inaasahang isa sa mga makakakalap na impormasyon mula sa pagkalap ng mga pananaw ng mga

indibidwal ukol sa musika.

You might also like