You are on page 1of 3

1.

PAKSA: Mga gampanin ng magulang tulong sa paghubog ng


kaalaman at katangiang moral ng kanilang mga anak
Ang Papel ng mga Synapse

Dahil sa pagsulong ng teknolohiyang sumusuri sa reaksiyon ng


aktibong utak ng isang tao, mas detalyado ngayong napag-aaralan ng
mga siyentipiko ang utak. Ipinakikita ng ganitong mga pag-aaral na
ang mga unang taon ng bata ay isang napakahalagang panahon sa
pagpapasulong ng mga kakayahan ng utak na kinakailangan sa
paggamit ng impormasyon, sa normal na pagpapahayag ng
damdamin, at sa pagiging mahusay sa pagsasalita. Napakabilis na
naghuhugpong ang mga koneksiyon ng utak sa mga unang taon ng
sanggol, habang ang kayarian ng utak nito ay nahuhubog dahil sa
sunud-sunod na inter-aksiyon ng henetikong mga impormasyon at ng
mga nagaganap sa kapaligiran, ang ulat ng magasing Nation.

Naniniwala ang mga siyentipiko na ang karamihan sa mga koneksiyong


ito, na tinatawag na mga synapse, ay naghuhugpong sa mga unang
taon ng buhay. Sa panahong ito nabubuo ang posibleng maging
kayarian ng mga hugpungan ng mga synapse ng sanggol na
makaaapekto sa talino, kakanyahan, tiwala at pangganyak na matuto,
ayon kay Dr. T. Berry Brazelton, isang propesyonal sa larangan ng
paglaki ng mga bata.

Ang utak ng sanggol ay mabilis na sumusulong sa sukat, kayarian, at


kakayahan sa mga unang taon. Sa isang kapaligirang sagana sa
pangganyak at mga bagay na matututuhan, dumarami ang koneksiyon
ng mga synapse, anupat lumilikha ng napakaraming kawing ng mga
daanan ng signal ng mga neuron sa utak. Nagiging posible ang
kakayahang mag-isip, mag-aral, at mangatuwiran dahil sa mga
koneksiyong ito.

Posible na kapag madalas na ginaganyak ang utak ng sanggol, lalo


namang dumarami ang napasisiglang mga selula ng nerbiyo at lalong
dumarami ang mga koneksiyong naghuhugpong sa mga ito. Kapansin-
pansin, ang pangganyak na ito ay hindi lamang pang-intelektuwal, na
natatamo dahil sa pagkakalantad sa mga impormasyon, numero, o
wika. Natuklasan ng mga siyentipiko na kailangan din ang emosyonal
na pangganyak. Ipinakikita ng pananaliksik na kapag ang mga sanggol
ay hindi niyayakap at hinahaplos at hindi nilalaro o ginaganyak, mas
kaunting koneksiyong lamang ng mga synapse ang mabubuo.

Pagtuturo at Angking Kakayahan


Darating ang panahon, habang lumalaki ang mga bata, nagaganap ang
tinatawag na pagpupungos. Lumilitaw na inaalis ng katawan ang mga
koneksiyon ng mga synapse na maaaring hindi kailangan.
Nakaaapekto ito nang malaki sa angking kakayahan ng bata. Kapag
hindi tumanggap ang bata ng tamang uri ng pangganyak sa tamang
edad, ang
sabi ng mananaliksik sa utak na si Max Cynader, kung gayon ay
hindi mabubuo nang tama ang mga koneksiyon sa utak. Ayon kay Dr.
J. Fraser Mustard, ang resulta nito ay maaaring mababang IQ,
mahinang kakayahan sa pagsasalita at matematika, problema sa
kalusugan paglaki nila, at mga problema pa nga sa pag-uugali.

Kaya lumilitaw na ang mga naranasan ng isang tao noong sanggol pa


siya ay posibleng magkaroon ng tiyak na epekto sa kaniyang buhay
pagsapit niya sa hustong gulang. Ang katatagan o kahinaan ng taong
ito, ang pagkatuto niyang mag-isip ng mga teoriya o kawalan ng
ganitong kakayahan, at ang pagkakaroon niya ng empatiya o kawalan
nito ay maaaring epekto ng kaniyang mga naranasan sa murang edad.
Kaya napakahalaga ng papel ng mga magulang. Ang isa sa
pinakamahalagang bahagi ng maagang karanasang ito, ang sabi ng
isang pedyatrisyan, ay ang pagkakaroon ng isang marunong na
tagapag-alaga.

Parang napakasimple lamang nito. Turuan at alagaan ang iyong mga


anak, at silay susulong. Nakalulungkot sabihin, alam ng mga
magulang na hindi laging madaling unawain kung paano aalagaan
nang tama ang mga anak. Hindi awtomatikong nalalaman ng mga
magulang ang mahusay na pagpapalaki sa mga anak.

Ayon sa isang pag-aaral, hindi alam ng 25 porsiyento ng tinanong na


mga magulang kung ang ginawa nilang pag-aalaga sa kanilang anak
ay makatutulong o makahahadlang sa talino, kumpiyansa, at hilig nito
na matuto. Nagbabangon ito ng mga tanong: Ano ang pinakamainam
na paraan upang mapasulong ang angking kakayahan ng iyong anak?
At paano mo mailalaan ang tamang kapaligiran?

Ang papel ng mga Magulang

KUNG ipinadarama mo sa bata na siyay minamahal, bahagi ng


pamilya, may determinasyon at handang matuto, pagsulong ng utak
ang kasunod nito, ang sabi ni Peter Gorski ng Harvard Medical
School. Ang papel natin bilang mga magulang ay hindi upang gawing
perpekto ang kakayahan ng utak, kundi upang makapagpalaki ng
malulusog, matitino at mapagmalasakit na mga tao.
Laking tuwa mo bilang magulang na makita ang iyong anak na
lumalaking isang taong may malinis na moral at makonsiderasyon sa
iba! Ang katuparan nito ay nakasalalay nang malaki sa iyong
pagkukusa na maging isang halimbawa, isang kasama, isang kausap,
at isang guro. Bagaman ang lahat ng bata ay isinilang na may saligang
kakayahan na gumawi nang tama, dapat pa ring patuluyang ituro ng
mga magulang sa kanilang mga anak ang mga pamantayang moral
habang lumalaki ang mga ito.

Sino ang Humuhubog sa mga Bata?

Iba-iba ang opinyon ng mga mananaliksik tungkol sa kung sino ang


may pinakamalaking impluwensiya sa paghubog sa mga bata.
Naniniwala ang ilan na ang mga bata ay pangunahin nang hinuhubog
ng kanilang mga kasama. Pero naniniwala sina Dr. T. Berry Brazelton
at Dr. Stanley Greenspan, mga propesyonal sa larangan ng paglaki
ng mga bata, na napakaimportante ng papel ng magulang sa maaga at
may-empatiyang pagtuturo sa anak.

Ang mga karanasan habang lumalaki at ang impluwensiya ng mga


kasama ay pawang nakaaapekto sa maagang pagsulong ng bata.
Mahalagang pagpakitaan ng habag at pang-unawa ang mga bata sa
loob ng tahanan. Kailangan din silang turuan na harapin ang kanilang
damdamin sa may-gulang na paraan. Ang mga batang tumatanggap
ng ganitong tulong ay karaniwan nang mas handang makipagtulungan
sa iba, mas madamayin, at mas may empatiya.

Mahirap na gawain ang pagsasanay sa bata mula sa pagkasanggol.


Para magtagumpay kalalo na kung isa kang baguhang magulang
makabubuti na humingi ng patnubay sa ibang mas makaranasan at
gumawa ng isang tiyak na hakbang. Napakarami nang aklat na
naisulat ang mga eksperto sa paglaki ng mga bata. Ang sinasabi nila
ay kadalasan nang katulad din ng maaasahang payo mula sa Bibliya.
Kung ikakapit, ang mapananaligang simulain ng Salita ng Diyos ay
makatutulong sa mga magulang na turuan ang kanilang mga anak sa
mabisang paraan.

http://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102004762
http://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102004763#h=5

You might also like