You are on page 1of 5

Title of Activity:

“Liham ng Kasaysayan at Pag ibig” (Recital Piece)


Recital Date: January 25 Recital, 2021
Chosen Literary Piece:
1. Magmula, Giliw Nang Ika’y Pumanaw ni Gregoria De Jesus (Female Literary piece)

Magmula, giliw, nang ikaw ay pumanaw, 


Katawan at puso ko'y walang paglagyan;
Lakad ng dugo sa ugat ay madalang, 
Lalo't magunita ang iyong palayaw.
 
Lubhang malabis ang aking pagdaramdam
Sa biglang paggayak mo't ako'y panawan, 
Alaala ko sa 'yong pagdaraanan, 
At gayundin naman sa iyong katawan.
 
Na baka sakaling ikaw ay kapusin, 
Lumipas sa iyo oras ng pagkain;
Sakit na mabigat baka ka sumpungin
Na lagi mo na lamang sa aki'y daing.
 
Saan patutungo yaring kalagayan, 
Dalamhating lubos liit ng katawan, 
Magsaya't kumain hindi mapalagay, 
Maupo't tumindig, alaala'y ikaw.
 
Kalakip ang wikang "magtiis, katawan, 
Di pa nalulubos sa iyo ang layaw, 
Bagong lalaganap ang kaginhawaan
Ay biglang nag-isip na ikaw ay iwan."
 
At kung gumabi na, banig ay ihiga, 
Matang nag-aantok pipikit na bigla, 
Sa pagkahimbing panaginip ka, sinta
Sabay balong nang di mapigil na luha.
 
Sa pagkaumaga, marahang titindig, 
Tutop ng kamay yaring pusong masakit, 
Tuloy na dungawan, kasabay ang silip, 
Sa paroonan mong hirap ay mahigpit.
 
Matapos sumilip, pagdaka'y lalabas, 
Sa dulang kakanan at agad haharap;
Ang iyong luklukan kung aking mamalas, 
Dibdib ko'y puputok, paghinga'y banayad.
 
Sama ng loob ko'y sa aking mag-isa, 
Di maipahayag sa mga kasama;
Puso ko ay lubos na pinagdurusa, 
Tamis na bilin mo'y "magtiis ka, sinta."
 
Sa akin ay mahigpit mong tagubilin, 
Saya'y hanapin at ang puso'y aliwin;
Naganap sumandali'y biglang titigil, 
Alaala ka kung ano ang narating.
 
Mukha'y itutungo, luha'y papatak, 
Katawan pipihit, lakad ay banayad;
Pagpasok sa silid, marahang gagayak
Barong gagamitin sa aking paglakad.
 
Lilimutin mo yaring kahabag-habag, 
Puhunang buhay, tatawirin ang dagat;
Pag-alis ay sakit, paroon sa hirap, 
Masayang palad mo sa huli ang sikat.
 
Ako ay lalakad, usok ang katulad;
Pagtaas ng puti, agiw ang kapalad;
Ang bilin ko lamang, tandaan mo, liyag, 
Kalihiman natin, huwag ihahayag.
 
Tangi ka sa puso, giliw, ikaw lamang, 
Paalam sa iyo, masarap magmahal, 
May-ari ng puso't kabyak ng katawan, 
Paalam, giliw ko, sa iyo'y paalam.
 
Masayang sa iyo'y aking isasangla
Ang sutlang pamahid sa mata ng luha, 
Kung kapusing palad, buhay ma'y mawala, 
Bangkay man ako'y haharap sa 'yong kusa.
2. Liham ni Remedios Nable Jose kay Del pilar hango sa pelikulang Goyo: Ang Batang
Heneral
Goyo,

Narinig ko kay Itay na ngayong gabi sasalakay ang buong pwersa ang mga Americano. Kung
gayo’y siguradong idedestino kayo ng malayo dito.

Tanggapin mo ang kwintis na ito bilag tanda ng buong puso kong pagtitiwala. Pero wag mong
isipin na sangayon na ako sa alok mong kasal.

Tinanghal kang pinakamatapang, makabayan, at tampok sa bayaning kilala. Diyan ay wala


akong duda. Ngunit kung nais mong mahalin kita, hayaan mong mahalin kong isang lalaki
mayayakap ko. Hindi isang bayaning nasa ibabaw ng mga ulap.

Gusto kong sumandal sa bisig ng isang lalaking alam ang kanyang hangganan pagkat natupad
nya na ang tungkulin nya sa bayan.

Isang taong batid na sa anumang oras ay maaari tayong pumanaw at batid kung ano ang
mahahalagang bagay sa buhay.

Nangangarap akong ikaw ang lalaking iyon. Bibigay ko ang aking puso sa lalaking nasa loob ng
batang heneral. Pakiusap ko’y magbalik ka matapos ang labanan. Mag balik ka bilang lalaking
mamahalin ko. Sa araw na iyon, handa na ang aking puso para sa’yo.

Iyong irog,

Remedios
3. Liham ni Andres Bonifacio Kay ka Oryang ni G. Eljay Castro (Male Literary Piece)

Mahal kong Oryang,

Mali ka. / Hindi kita nakasalubong upang sa dulo ng kalsada, ako ay liliko sa kanan at ikaw sa
kaliwa./ Sapagkat / saan man tayo dalhin ng ating pakikibaka, / ikaw lang ang aking itatangi at
makailang ulit na ihaharap sa pulang bandila.

Hindi tayo nagpalitan ng mga kwento upang sa pinakahuling tuldok ng pangungusap, ang
karugtong ay alingawngaw ng katahimikan./ Walang pagod kitang aawitan ng imnong
pambayan, Oryang. / Hindi kailanman ako mauubusan ng salita upang maialay sa iyo bilang
mga tula. / Maging ang bulong at buntung-hininga’y / magpapahayag ng pagsinta sa tulad mong
umiibig din sa bansa.

Hindi tayo sabay na tumawa, / nagkatinginan, / at tumawa pa nang mas malakas, / upang sa
paghupa ng halakhak ay may butil ng luha na mamimintana sa ating mga mata. / Loobin man
ng Maykapal na pansamantala tayong magkawalay, / tandaan mong ang halakhak at sigaw ng
ating mga kasamahan ay sa akin rin.

Hindi ka dapat masabik sa akin sapagkat / ako’y mananatili sa iyong piling. / Hindi kita niyakap
nang ilang ulit upang sa pagkalas ng mga braso ko sayo ay maramdaman mong iniiwan kita. /
Habambuhay akong magiging tapat sa ating panata, Oryang. / Kapara ng binitawan kong
sumpa sa ngalan ng bayan, / tayo’y mananatiling / katipun,/ kawal, / at bayani ng ating
pagmamahalan.

Hindi tayo bumuo ng mga alaala sa umaga,/ tanghali / at gabi / upang sa muli mong paggising
ay maisip mong hindi tayo nagkasama sa pakikidigma./ Hindi ko man hawak ang bukas,/ nais
kong tanganan mo ang aking pangako na ilang ulit kong pipiliing mabuhay at pumanaw upang
patunayan sa iyong mali ka. /

At kung magkataong ako’y paharapin sa ating anak na si Andres, / buo ang loob kong haharap
sa kanya / at sasabihin ko sa kanyang mali ka. / Hindi ako bumati sa simula upang sa huli ay
magpaalam. /

Ikaw ang aking bayan,


Andres
4. Ang Liham ng Pag-ibig ni Goyo kay Remedios halaw sa pelikulang Goyo: Ang Batang
Heneral. (Male Literary Piece)

Mahal kong Remedios,

Nagbabalik ako sa iyo bilang marapat na diwa, / bilang lalaking pinili ang pinakamahahalagang
bagay sa madilim na panahon: / dangal, / tungkulin, / sakripisyo.

Hindi mawawalan ng halaga ang kamatayan ko, / pagka't / namatay akong nagbibigay puri sa
bayan, / at higit sa lahat, sa iyo.

Kailanman ay hindi ako magiging isang bayaning nasa ibabaw ng mga ulap, / malayo / at hindi
maaabot, / habang ako'y kinukupkop mo sa iyong puso.

At sa puso mo'y mananatili akong buhay / at karapat-dapat sa iyong pag-ibig.

Sumasaiyo,

Gregorio

You might also like