You are on page 1of 25

Pagsusuri

ng mga Tauhan
sa Nobela
ARALIN 4
The Hunchback of the Notre Dame, Paper Mill Playhouse, New Jersey
Tauhang Lapad
Tauhan sa akda na hindi nagpapakita
ng anumang pagbabago. Mula sa
simula hanggang sa pagwawakas ng
akda.
Si Quasimodo ay
halimbawa ng isang
tauhang lapad sapagkat
tanging kabutihan lamang
ang kaniyang ipinakita
mula sa simula ng
kuwento.
Tauhang Bilog
Tauhan sa akda na may iba’t ibang
katangiang mahirap makilala. Maaaring
kakampi sa simula ngunit paglao’y
magdudulot ng suliranin.
Si Claude Frollo ay
halimbawa ng tauhang bilog.
Naging tagapagligtas ni
Quasimodo noong una ngunit
nagdulot din ng pighati dito at
sa ibang tauhan.
Protagonista
Sila ang pangunahing tauhan o bida.
Sila ang ehemplo o modelo ng
kagandahang-asal. Karaniwang sa kanila
umiikot ang buong pangyayari sa nobela.
Antagonista
Sila ang kalaban o pantapat na tauhan
sa protagonista. Sila ay may negatibong
katangian. Sila ang tinatawag na
kontrabida.
Antagonista
Protagonista
Karakterisasyon
Karakterisasyon
 Sa paggawa ng tauhan ng isang nobela,
gumagamit ang manunulat ng karakterisasyon.
 Ito ang representasyon o pagkakalikha ng mga
tauhan o personalidad sa katha. Ipinakikilala rito o
inilalarawan ang personalidad ng isang tauhan sa
nobela.
Dalawang Pamamaraan ng
Karakterisasyon

1.Direktang Karakterisasyon
2.Di-direktang Karakterisasyon
1. Direktang Karakterisasyon
Sa pamamagitan nito, literal na tinutukoy ng may-akda ang
katangian ng kaniyang tauhan sa mambabasa.

Halimbawa: Quasimodo, “Ang Kuba ng Notre Dame”


Inilarawan sa akda ang kaniyang pisikal na kaanyuan bilang
isang tauhang hinahamak ng mga tao, tulad ng pagiging kuba at
hindi kaaya-ayang hitsura nito.
2. Di- direktang Karakterisasyon

Ang tauhang ito ay humihingi ng aktibong


pagsusuri mula sa mambabasa. Pinaiisip muna
ang mga mambabasa upang matukoy ang tunay na
pagkatao ng isang tauhan.
2. Di- direktang Karakterisasyon
Halimbawa:
“Kasabay ng sakit na nadarama niya ay ang matinding kirot
na nalalasap sa bawat panghahamak sa kaniya ng mga taong
naroroon. Nagmakaawa siya na bigyan siya ng tubig subalit tila
bingi ang mga taong nakatingin sa kaniya – na ang tanging
gusto ay lapastanganin at pagtawanan ang kaniyang
kahabaghabag na kalagayan. Dumating si La Esmeralda.”
2. Di- direktang Karakterisasyon
Gabay na tanong:
1. Paano natutukoy ang mga pagbabagong nagaganap sa mga
tauhan sa isang akda?
2. Bakit mahalagang kilalanin ang kulturang ginagalawan ng
mga tauhan sa akda?
3. Sa iyong palagay, hinahalaw o ginagaya ba ng mga
manunulat ang mga tauhang kanilang nililikha sa akda sa
mga totoong taong kanilang nakakasalamuha? Ipaliwanag.
Paano napalalawak ng may-akda ang
pagtatampok sa kulturang kaniyang
kinagisnan sa mga akdang kaniyang
nililikha?
 May mga bilog at lapad na tauhang gumanap sa
nobelang binasa. Yaong nagbabago at di-nagbabago
ng katangian. Gayundin, may protagonista at
antagonistang nagbigay-buhay sa kuwento.
 Ang kulturang itinampok sa nobela ay may malaking
kinalaman sa pananampalataya at pagsubok na
pinaglalabanan ng mga ordinaryong tao.
 Mahalagang isaalang-alang ang kulturang
itinatampok ng isang akda. Gayundin, ang
matamang pagkilos upang ilarawan nang wasto ang
katangian ng mga tauhan.
Paglalagom
 May dalawang uri ng tauhan kumikilos sa isang akda
batay sa katangian nito. Ang tauhang lapad na hindi
nagbabago mula simula hanggang wakas. At ang
tauhang bilog na nagpapakita ng pagbabago sa
kabuoan ng akda.
Paglalagom
 Ang pagiging protagonista at antagonista naman ng
mga tauhan ay nakabatay sa kanilang ginampanang
karakter sa kuwento.
 Malaki ang impluwensiya ng kultura ng may-akda sa
mga tauhan at iba pang elemento ng akdang kaniyang
nilikha. Kaya’t mahalagang nasusuri ding ang mga
aspektong ito.

You might also like