You are on page 1of 2

Marka

Itong tulang ito ay aking pinaghandaan


Para irepresenta sa inyong harapan,
At upang inyong malaman ang aking pinagdaanan
nong ako'y labing dalawang taon pa lamang.

Nais niyo bang malaman ang aking karanasan?


Mahirap simulan, masakit pakinggan.
Mga ala alang pilit na bumabalik sa aking isipan,
Lalo na't buhay ko na ang pinag uusapan.

(Apat na taon) Apat na taong nakalipas,


Ngunit di pa rin makatakas.
Pagdurusang sakit na dinanas,
Na ngayo'y nag iwan ng matinding bakas.

(Isang buwan) isang buwan akong nanatili sa pagamutan,


Araw-araw na nakikipagdigmaan,
Sakit na walang kasagutan,
Na patuloy paring inoobserbahan.

Ang sakit pakinggan ng malaman kung akoy ooperahan,


bagay na di inaasahan, pangamba ang naranasan,
Iniisip kung kaya bang labanan,
Ang problemang buhay ang pinag uusapan.

Sa pagitan ng lungkot at saya,


Sa gitna ng ngiti at pagluha.
Nakakapagod na, tama na, ang sakit- sakit na,
Mama, gusto ko ng magpahinga.

Pinagdiwang ko ang aking kaarawan sa pagamutan,


Kasabay ng araw na akoy maoperahan.
Sakit na iniiyakan,
Gamot na dumadaloy sa aking kaugatan.

Sa pag pikit ng aking mga mata


wala akong naramdamang iba,
isipan lang ang gumagana
sabay sabing kaya ko to naghihintay sa akin ang mundo.
Hindi ako nabigo, hindi ako binigo
Sapagkat naging matagumpay ang hamon na binigay sa aking buhay,
Pamilya ang naging kaagapay,
Nasa tahanan akoy hinihintay.

Dasal, dasal sa maykapal ang tanging magagawa,


Magtiwala lang at mag tiyaga.
Laging isipin na hindi pa jan ang katapusan,
Ng problemang iyong nararanasan.

You might also like