You are on page 1of 1

ELEHIYA NG ITAY

JANEL E. GURREA

Tanda ko pa, galing ako sa eskwela


Ng sumalubong sa akin ang balita
Na wala ka na pala. Sakit sa dibdib ang nadama
Maghapong nakatulala, nadurog ang puso.
Luha ay tumutulo, sigaw at iyak ang nadinig.
Mundo ko’y nahinto ng ika’y naglaho.

Kami’y nagluluksa, nanalangin ng maimtim


Kaluluwa mo’y sana’y maging anghel.
Itay kong wala na, kasama ang pamilyang namayapa na.
Labis kitang namiss. Mahal kita kahit di ko maipakita.
Ako’y nagsisisi kung bakit sa huli ay di ko naipadama
Ang pagmamahal na iyong nais sana.

Sakit ang dahilan kung bakit di na kita makasama


Hospital ay iyong naging tahanan
Ngunit para sa akin ay parang isang kulungan.
Gamot ang naging “sustansya” at ito’y “lason” pala
Di ko matanggap na ika’y nagpaalam na.

Sakit ay dapat iwasan, katawan ay pangalagaan.


Hospital ang takbo kapag tayo ay nagkatrangkaso.
buhay ay isa lamang sana bigyang kahalagahan.
Hiling ko ang iyong kapayapaan Sana kami ay iyong batayan.
katawan mo’y wala na, Sana ika’y nasa kalangitan na.

Di ko ninanais marinig pa ang hagolgol ng aking ina


Wala na sanang luhang tutulo pa.
Ngiti at tawa ang dapat kong makita.
Hanggang sa muli, sana tayo ay magkita pa
Sa panaginip nalang siguro yan magagawa.

You might also like