You are on page 1of 1

Bartolome, Ann-Marie B.

BEED- 1A
ELEHIYA

Muli ay narinig ko ang iyong tinig


Ang tinig mong sa puso ko’y bumubulong,
Na kahit anong gawin ko, di ko na maibabalik ang kahapon.
Ngunit ako’y nalulunod parin at di na makaahon.

Isang taon na ang lumipas mula nang ika’y mawala


Ngunit ang sakit na dulot nito’y parang isang ibong nasa hawla,
Kung saan ako’y hindi makalaya.
At damang-dama ang lungkot sa iyong pagkawala.

Ang iyong mukhang nagagalit pag hindi ko sinusunod ang iyong gusto.
Ang mga pangaral mo upang ako’y matuto,
Pati narin ang iyong mga pang-uuto.
Kuya inaamin ko, iyon ang namimiss ko ng husto.

Bagamat wala kana at hindi na kita makikita pa,

Asahan mong buhay na buhay ka parin sa aking ala-ala.

Mga ala-alang kahit masakit ay ayokong mawala.

Mga ala-alang nagbibigay sa akin ng lakas at tapang,

Na lahat ng pagsubok ay kaya kong malampasan.

Kasabay ng pagpatak ng mga luha sa aking mata,

Habang sinusulat itong alay sa iyong tula,

Ay sasabihing muli ang mga kataga,

Mahal na mahal at miss na miss na kita, Kuya!

You might also like