You are on page 1of 23

SPOKEN

POETRY
ANO ANG SPOKEN POETRY?

tinatawag na "performance art" o


pagtatanghal (ng sining). Ito ay isa
pasalitang uri ng sining at nakapokus ito
sa aestetiko o arte ng mga pyesa, mga
pagbigkas ng salita, mga punto, at
boses.
Ito ay tinatawag ring "catchall" dahil
sakop nito ang lahat at kahit na anu
pa mang uri ng mga tulang pabigkas
gaya ng mga hiphop,
jazz poetry, poetry slams,
traditional poetry readings
(pagbabasa ng mga tula) at maaari
ring samahan ng komedya o
mga prosang monologo
 Binibigkas ng makata ang kaniyang tula habang
sinasabayan niya ito ng mga kumpas sa kamay at
pag-arte sa entablado. Nagsusulat ang isang awtor
ng mga kuwentong hindi lalagpas sa 300 salita.
Isinasalita ng isang bokalista ang mga liriko ng
kaniyang tula sa saliw ng mga tunog ng bongo,
trumpeta at gitara.
KASAYSAYAN
Paglapit ng tula sa madla
Sa kasalukuyang pag-usbong ng mass
media at Internet, maraming kritiko ang
nakapupuna sa kawalan ng interes ng mga
Pilipino sa pagbabasa. Anila, hindi na rin
nabibigyang-pansin ng mga tao ang mga
akdang-pampanitikan na makatutulong
sana sa lubos na pag-unawa sa buhay.
PAGTATAG NG SPOKEN
POETRY SA PILIPINAS
 Itinatag ni Nadera ang ilang grupo ng mga performance
poets tulad ng Gatula, Oratura, Fernando Poets Jam, at
Cofradia.
Ayon kay Nadera, isinasaalang-
alang niya ang tatlong K sa
kaniyang bawat pagtatanghal
 konseptuwalisasyon,
 kongkretisasyon,
 at kapal ng mukha.
Ilan sa mga spoken word poetry na
umantig sa ating puso
 Mga Basang Unan ni Juan Miguel Severo,
 Ako naman ni Zuela Herrera,
 Sa Pagitan ka Natagpuan ni Maimai Cantillano,
 Pagod na akong Maghanap ni Tom Sarapat
 Para sa lahat ng hindi pa nakaka move-on ni Angela
Pamaos,
 Sana ni Brian Vee,
 at Para sa mga taong nagmahal, nasaktan, nasugatan at
bumangon ni Gillian Figueroa.
BASANG UNAN
ni JUAN MIGUEL SEVERO
 Noong iwan mo ako ng walang pasabi, o pangako ng
pagbabalik, umiyak ako buong gabi.
Umiyak ako nang sobrang tindi; kinailangan kong ibilad sa
araw ang unan ko kinabukasan.
Ang sarap pala sa pakiramdam ng patulugin ka ng sarili mong
pag-iyak. Naisip ko, hindi pinakuluang dahon ng bayabas, o
alak, ang sagot sa ganitong klaseng sakit.
Luha ang pinakamabisang pang-langgas sa sugat ng puso.
Kaya… inaraw-araw ko ito.
Sinisimulan at tinatapos ko ang mga araw na binabalikan ang
mga sugat na iniwan mo.
 Iniisa-isa ko ang mga alaala’t hinahanap kung
saan sila bumaon dito sa puso ko. Nakakatawa.
Ang akala ko noon, kung dumating man ang araw
na ‘to, puro mga alaala ng away at hindi natin
pagkakasunduan ang iintindihin ko, kasi ‘yun,
mahirap gamutin; na sila, kahit ilang balde na ng
luha ang aking pigain mula sa mga mata ko,
magdurugo pa rin.
Pero mas nagdurugo ako para sa mga tawa mo.
Mas nagdurugo ako sa mga patawa mo. Mas
nagdurugo ako sa mga yakap mo, sa kung paanong
ang balat ko ay parang nalalapnos kapag dahan-
dahan mo akong hinahaplos at ang hininga ko ay
nahahapo at kinakapos kapag niyayapos kita.
Nagdurugo ako noong umalis ka, pero mas
nagdurugo ako sa unang gabi na pinili mong
manatili. Nagdurugo ako noong gabing sabihin mo
na ayaw mo na, pero mas nagdurugo ako noong
gabing tanungin mo ako kung pwede pa ba?
Nagdurugo ako noong gabing tinalikuran mo ako,
pero mas nagdurugo ako na noong pagtalikod ko,
nandun ka pa.
At nagdurugo ako. At nagdurugo ako. At nadudurog
at nadudurog at nagdurugo pa rin ako sa alaala na
ikaw pa ang mas naunang nagsabi ng, “Mahal kita.”
Mahal kita. Kung titignan nang maigi ang mga salitang isinulat
ng mga sugat na iniwan mo, ‘yang dalawang ‘yan ang
mababasa ko: Mahal kita. At sa inaraw-araw ng pagbibilad
kong gan’to, nagmamanhid na sila. Mahal kita.
At sa dinami-rami ng luha na pinang-langgas ko rito,
naglalamig na sila. Mahal kita.
At sa hinaba-haba ng panahon na ginugol ko sa gamutan,
nagmamanhid na sila. Mahal kita.
At sa tinagal-tagal nitong kumikirot sa dibdib ko, medyo
nakakasanay na. Mahal kita.
At sa tinatagal-tagal ng panahon na ginugol ko sa gamutan,
magsasara na sila.
Magsasara, at magiging mga pilat na paulit-ulit kong
mababasa at ang parati lang sasabihin ay mahal kita.
Mahal, kung magkita man tayong muli at tanungin
mo kong muli kung pwede pa ba, ang hihilingin ko
lang sa’yo ay mga bagong unan.
Dahil ang lahat ng sa akin ay akala mo’y naulanan.
Dahil lahat sila ay akin nang naiyakan at nag-iwan
ng mga kwento natin.
Ayaw ko nang matulog sa mga unang basa at
malunod sa pagtulog sa alaala na mahal kita, mahal
pala kita, na mahal pa rin pala kita.
At sa wakas, hindi na kasing sakit ng dati.

Pero mahal, masakit pa.


MGA TIPS SA PAGTATANGHAL
NG SPOKEN WORD POETRY
1. Pumili ng isang paksa at magkaroon ng saloobin.
Walang saloobin, walang tula! Ang mga damdamin at opinyon
ay nagbibigay ng tula sa "kayamanan." Ang bawat makata ay
may natatanging pananaw at pananaw sa mundo na walang
ibang tao.
2.Piliin ang iyong mga tula na aparato. Ang mga tula na
nakakuha ng pansin ay ang mga na isama ang simple, ngunit
malakas na mala-tula elemento. Ang Repetition ay isang
aparato na makakatulong sa isang manunulat na makabuo ng
mga kapana-panabik na poems sa pamamagitan lamang ng
pag-uulit ng isang mahalagang parirala o larawan.
3.Pagganap. Ang mga salitang tula ng salita ay isinulat upang
maisagawa. Matapos ang iyong tula ay nakasulat, magsagawa
ng tula sa mga elemento ng magandang yugto presensya sa
isip
4. Memorization. nagbibigay-daan sa iyo upang maging tunay
na may kaugnayan sa kahulugan at ang emosyonal na
nilalaman ng iyong tula, kahit na nakalimutan mo ang isang
salita o isang linya na maaari mong gawin agad (freestyle), na
kung saan ay isa sa mga pinakamahalagang elemento ng
pasalitang salita.
5. Power Poetry. Ang sinasalita na salita ay dapat mabuti ang
binabanggit upang bigyang buhay ang iyong gawa.
PAANO GUMAWA
NG SPOKEN
POETRY?
1.Isipin kung anong nais mong
isulat
2.Paglapat ng himig o tono
3.Mahalin ang Wikang Pilipino

You might also like