You are on page 1of 4

MGA BASANG UNAN

Nong iwan mo ako ng walang pasabi

At pangako ng pagbabalik

Umiyak ako buong gabi

Umiyak ako ng sobrang tindi

Kinailangan kong ibilid sa araw

ang mga unan ko kinabukasan

Ang sarap pala sa pakiramdam

Ang patuligin ka ng sarili mong pag-iyak

Naisip ko, hindi pinakuluang dahon ng bayabas

o alak ang sagot

Luha, ang mabisang panlanggas sa sugat ng puso

Kaya inaraw-araw ko ito

Sinisimulan at tinatapos ko ang mga araw na

binalikan ang mga sugat na iniwan mo

Iniisa-isa ko ang mga mga ala-ala't hinahanap

kung saan sila bumaon dito sa puso ko

Nakakatawa, ang akala ko noon

Kung dumating man ang panahon at oh...

Puro mga ala-ala ng ng away at hindi natin pagkakasunduan

ang iintindihin ko

Na silang mahirap gamutin

Na sila, na kahit ilang balde pa ng luha ang aking pigain

Mula sa mga mata ko


Nagdurugo pa rin

Pero mas nadurog ako sa mga tawa mo

Mas nadurog ako sa mga patawa mo

Mas nadurog ako sa mga yakap mo

Sa kung paano ang balat ko ay parang nalalapnos

Kapag dahan-dahan mo akong hinahaplos

At ang hininga ko ay nahahapo at kinakapos

kapag niyayapos kita

Nadurog ako noon gabing umalis ka

Pero mas nadurog ako doon sa gabing pinili mong manatili

Nadurog ako noong gabing sabihin mo sa akin na ayaw mo na

Pero mas nadurog ako doon sa gabing tanungin mo ako

Kung "PWEDE PA BA?"

Nadurog ako noong gabing tinalikuran mo ako

Pero mas nadurog ako noong pagtalikod ko nandoon ka pa

At nadurog ako noong gabing sabihin mo sa akin na...

HINDI MO NA AKO MAHAL

Pero mas nadurog ako at nadurog ako at nadudurog

at nadudurog at nadurog pa rin ako

Sa ala-ala na ikaw pa ang mas naunang nag sabi na

MAHAL KITA. MAHAL...KITA. MAHAL KITA. MAHAL KITA

Kung titignan ng maigi ang mga salitang isinulat ng mga sugat

na iniwan mo? Yang dalawang yan ang mababasa ko

MAHAL KITA !

At sa inaraw-araw na pagbibilad unan ko


Namamanhid na sila MAHAL KITA

At sa dinarami ng luha na ipinanglaggas ko rito

Naglalangib na sila MAHAL KITA

At sa tinagal-tagal nilang kumikirot dito sa dibdib ko

Medyo nakakasanay na MAHAL KITA

At sa hinaba-haba ng panahon na ginugol ko sa gamutan

Magsasara na sila

At magiging mga pilat na paulit-ulit mong mababasa

At parati lang sasabihin ay MAHAL KITA

MAHAL...kung magkita... man tayong muli

At kung tatanungin mo ako kung "PWEDE PA BA"

Ang hihilingin ko lang sayo

Ay mga bagong unan

Dahil ang lahat ng sa akin ay akala mong naulanan

Dahil lahat sila akin ng naiyakan ng mga kwento natin

At nag iwan ng marka sa kanila

At ayaw ko na

Ayaw ko ng matulog sa mga unang basa

At malunod sa pagtulog sa mga ala-ala na MAHAL KITA

MAHAL NGA PALA KITA

MAHAL PA RIN PALA KITA

At sa wakas...

Hindi na kasing sakit ng dati

PERO MAHAL, MASAKIT PA

You might also like