You are on page 1of 1

Tula ng Karanasan

Gabing payapa naisulat ko itong tula


Tungkol ito sa kwento ng buhay mo na syang magiging paksa
Sarili mong libro 'to na ikaw lang ang dapat mag mando
Huwag kang papadikta sa boses ng ibang tao,

Maaring magkaroon ng ibang tao sa'yong kwento


Ngunit hindi dapat sila ang paksa nito kundi ang sarili mo
Ano ba ang kwento ng buhay mo?
Masaya, malungkot o nawawalan ng pag- asa sa walang direksyon nito,

May kanya kanya tayo ng karanasan


Maaring sa iba ay kasiyahan, ngunit sa iba ay kalungkutan,
Kalungkutan na sa pakiwari nila wala ng katapusan
Dahil sa pa ulit- ulit na nararanasan

Kaya sa gabing payapa


Gusto kong ibuhos ang hindi mailabas na luha
Habang sinusulat ang mga karanasang ito na di kayang bigkasin sa salita
Umaasa ako na kayang sabihin ng aking kamay at panulat, sa papel na nabasa dahil sa
mga nag unahang patak ng mga luha

You might also like