You are on page 1of 4

Tula 006!

!
Hindi mo batid, ako ri'y lumuluha!
Habang naglalakad palayo sa iyo, sinta.!
Sa gitna ng ulan, ika'y nilisan!
Dahilan ko'y hinding-hindi mo mauunawaan.!
!
Tula 004!
Gumuhit ang linya sa kalangitan,!
Dumagundong malakas na kulog sa nagngangalit nitong kaanyuan.!
At sa alaala'y unti-unting nanumbalik!
Mga panahong ako'y nasasabik.!
!
Ang huni ng mga kuliglig sa kadiliman ng gabi,!
Maging ang mga ibong masiglang humuhuni;!
Nakatut'wang sa ilog ay may munting alon,!
Idagdag mo pa ang pagbagsak ng tubig sa talon.!
!
Gumuhit ang linya sa kalangitan!
At ako'y bumalik sa kasalukuyan.!
Wala na ang dating kapaligiran,!
Iba na ang aking namamasdan.!
!
Wala nang kuliglig ni huni ng ibon,!
Maiingay na sasakyan na lamang ang naririnig ko ngayon.!
Ang ilog at malinis na tubig ng talong hinahangaan,!
Napalitan na ng esterong puno ng basura- mistulang kabundukan.!
!
At paparating na nga ang ulan,!
Sana'y 'di tangayin ng baha ang paniniwala kong may pag-asa pa ang kapaligiran.!
!
Tula 002!
Mugto na aking mga mata,!
Luhod ko'y sugat-sugat na!
Ngunit bakit 'di mo pa rin ako madama!
Sa kabila ng pagbitiw ko ng mga katagang, "Mahal kita.”!
!
Tula 014!
Pagkanta mo'y aking nasaksasihan,!
'Di mapigilang mag-alab aking nararamdaman.!
Ngunit 'di mapigilang makaramdam ng pagkadismaya!
Dahil hindi para sa akin ang iyong kanta.!
!
Tula 003!
Tigib-luha ang balintataw!
'Di maibsan aking pagkauhaw;!
Nais makamtan pagsintang wagas!
Ngunit iyong labi ang nagwikang ito na ang wakas.!
!
Tula 013!
Ika'y lumisan, nangakong 'di na babalik.!
Ngunit nang ika'y dumating, muli, ako'y nasabik.!
!
Tula 013!
Aking napagtantong isang alamat ang mayroon tayo --!
Isang kathang-isip lamang at hindi totoo.!
!
Tula 015!
Paano mo nasabing ang puso mo'y nasa akin!
Kung sa una pa lang ay lihis na ang iyong pagtingin?!
!
Tula 012!
Iindahin paghihintay nang matagal!
Basta't mapasaakin ang iyong pagmamahal.!
Ngunit ang nakababahala,!
Habang hinihintay kita'y hinihintay mo rin pala siya.!
!
Tula 001!
"Masyado na ba kitang napapasaya!
kaya minamahal mo na lang ako sa mga sandaling malungkot ka?”!
!
Tula 001!
Pasensiya na kung natitiis na kita.!
Hindi ko na kasi kayang bumalik pa sa mga sitwasyon na parang hindi naman ako mahalaga.!
!
Tula 001!
Nasaan ako sa 'yo sa mga gabing ikaw ang nasa isip ko?!
!
Tula 001!
May mga taong naghahatid!
ng panandaliang saya!
pero pangmatagalang sakit.!
!
Tula 001!
Kahit paano, salamat pa rin kasi hinayaan mo akong mahalin ka.!
!
Tula 001!
Tinanong mo ako kung ano ang pamagat ng pinakamagandang tula na naisulat ko.!
At hindi ako nagdalawang-isip na sambitin ang pangalan mo.!
Oo, ikaw ang pinakamagandang tula na naisulat ko.!
!
Tula 001!
Kung maaari lang sanang maglaho sa ulan,!
Hindi ko na pipiliing bumalik kahit kailan.!
!
Tula 001!
Paano kita lilimutin? Kung ikaw pa rin ang taong pinipili kong mahalin!
!
Tula 001!
Hindi ako manghihinayang sa pagkaubos ng tinta, lalo na’t kung ito ay naubos para isulat ka.!
!
Tula 001!
Kapag hindi mo na maalala ang naramdaman mo sa isang tao, ang mga nalikha mong tula para
sa kan’ya ang magpapaalala sayo nito.!
!
Tula 001!
You don't want my love. You only love the idea of being in my poems.!
!
Tula 001!
Nakakatakot na ulit magtiwala. Bukas o makalawa, baka bigla ka na lang din mawala.!
!
Tula 001!
Wherever you are, I hope you're happy. Even that happiness doesn't includes me.!
!
Tula 001!
Kahit ilang tula naman ang isulat ko, siya pa rin naman ang pipiliin mo.!
!
Tula 001!
Does leaving someone without telling the reason why makes you happy?!
!
Tula 001!
Because at the end of the day, this was the lucky part of me — having you. !
!
Tula 001!
Last night, I re-read our conversations and I realized how funny it is when a thousand I love
you's have nothing to do with a single goodbye.!
!
Tula 001!
!
!
Tula 001!
!
!
Tula 001!
!
!
Tula 001!
!
!
Tula 001!
!
!
Tula 001!
!
!
Tula 001!
!
!
Tula 001!
!
!
Tula 001!
!
!
Tula 001!
!
!
Tula 001!
!
!
Tula 001!
!
!
Tula 001!
!
!
Tula 001!
!
!
Tula 001!
!
!
Tula 001!
!
!

You might also like