You are on page 1of 2

Elias, naaalala mo pa ba ako?

Ilang taon na ang nakalipas at


Payapa akong naninirahan dito sa Mindoro.
Ngunit..
Nag kasala ako sa'yo.
Hindi ko magawa ang nais mo.
Mahal ko, hindi kita magawang kalimutan.
Ang dampa? Ang kubo ng ating mga alaala...
Kamusta?
Natulog kaba sa king dating hinihimlayan?
Ako ba'y
iyong napapaniginipan?
Sariwa pa sa aking mga alaala
ang araw ng ating pagpapaalam sa isa't isa.
Mula ka sa pag diriwang nila Don Ibarra
Tinanong kita kung..
nakapagsaya kaba?
kung.. anong mga ginawa ninyo?
at..
kung..
may ibang babaeng nakapukaw sa iyo..
Ngunit ang mga sagot mo, walang interes!
nalulungkot ka.
Nang ikaw ay umalis, pumatak din noon ang aking mga luha.
nalungkot din ako
aalis na kasi ako.
at iiwan ang dampang kinagisnan
Inaya kitang sumama ngunit
ayaw mong ipasa sa akin ang kasawiang iyong minana.

Elias, alam mo ba?


Noong hindi pa kita nakikilala ay araw at gabi ang aking paborito!
Ang araw dahil sa kagandahan ng kalikasan!
at ang gabi naman ay para sa pahinga at pangarap
Ngunit nang ikaw ay aking makilala ay--
Susmaryosep!
Araw at gabi, ikaw lang ang iniisip.
sa hapong iyong pagdating..
Ngayon
Ngayon, wala na akong paborito.
Wala naman kasing Elias na pumupunta rito.
O, mahal ko
hindi man tayo puwedeng bumalik ng panahon,
hindi man tayo pwede noon at ngayon,
diyan,
diyan sa kubo na puno ng ating mga alaala,
mananatili,
ako at ikaw.
Nag mamahal, Salome.

You might also like