You are on page 1of 1

Malaya kana

Noon kay sarap balikan ang mga ala-alang ikaw lagi ang katuwang.
Nasa isip bukam-bibig at pati na din sa panaginip, ang sarap sariwain ang mga nagdaang kay ligaya.
Yung bang alam ko na ikaw at ako,
na alam nating tayong dalawa'y magiging masaya sa hinaharap,
sa pagmulat ng mata'y cellphone agad ang hawak,
sa pagbukas mo ng bintana mukha mo'y naaninag,
sa pagkumpas ng 'yong bibig puso ko'y nanginginig waring buong katawan ko'y di pa mapakali.
Masasabing ikaw ay katangi-tangi sa aking buhay sabawat paglalakbay laging kamay mo'y hawak-hawak,
sa bawat pagsasabi mo ng malalambing na katataga ako'y abot langit ang tuwa, ngunit habang tumatagal
nagiging paulit-ulit? Wala na ba tayong maisip? Ba't ba naging isang panaginip ang mga masasayang nangyari na
kailan ma'y di maibabalik! bakit pa naging sayo ako nung ikay may mahal kang iba? Sinasabi mo bang akoy isang
laruang kailangan pag iwanan kailangan itabi dahil nagamit na, kasi hindi maibabalik ang panahong nag daan?
Nami-miss kita ngunit hindi ko kailangan ng isang katulad mong mapaglaro, ni minsan hindi ko hinangad na
mapunta ka sa iba ng wala man lang tayong napag-usapan, Hindi ko akalaing matutulad ka saiba na alam kong
hindi ikaw yan, ngunit wala, na huli na! Alam kong wala nang maibabalik, kahit may pighati at kirot saking dibdib,
namiss kita ngunit hindi ko naman inaasahang babalik ka.
Dahil hindi ko naman kasalanan yung bumaling ka sa iba.
maaring ikaw ang ibon na nasa hawla ngunit kaya kitang pakawalan katulad ng ibong adarna,
malaya ka na!
Masasabi kong isang panaginip na nakasama ka, nakapiling ka at siyempre ang mahalin kay isang kathang-isip
lamang haha,
nakakatawang pag laruan ang pagmamahal ngunit batid kung itoy magwawakas ng walang dahilan. Masasabi
kong ito na itong ito na ang huling pag mamahal na alam kong akoy masasawi lamang huli na to sa dinanas ko
sayong pagmamahal. Pilit akong nagpapakatatag ngunit pag ikay nakitang may kasamang ibay waring walang pag
aalinlangang maiyak at masaktan! Ito na nasabi ko! Paalam sa pag-lisan ikay mananatiling minahal.

~Paulo Azares

You might also like