You are on page 1of 1

Talumpating Panlibang

“Bugtong Itik ng Aking Puso”


By: Jasmin Calo

BABALA! Ang mababasa mo ay maaaring magbigay sayo ng kaalaman na may lihim akong
pagtingin sayo, huiii. Eto, seryoso na talaga, may gusto kase akong tao…hehe wala na I’m shy na,
luh. Hindi ko alam, pero sa tuwing nakikita ko siya gusto ko nalang sabihin sa kanya na, in bisaya
“Ikaw ang bugtong itik nga nagkapa kapa sa malapukon kong dughan, ug ikaw ang ting ting nga
naga bagting sa akong malaw-ay nga kasing kasing, ug saksi ang mga unggoy nga nag langoy langoy
kilid sa hagunoy, sa akong gugmang ikaw ra ang ge pangandoy.”, in english “I love you”. Isang
araw, nagkakatuwaan kami ng mga kaibigan ko sa canteen ng bigla akong may nabangga, at sa
paglingon ko, napagtanto ko na hindi na pala ako- este si crush lang pala yon. Sabi nila, pag inlove
ka, tumitigil ang mundo mo. Bumibilis ang tibok ng puso mo at...at hindi ka makahinga. Yan yung
naramdaman ko ng nahawakan ko ang kanyang mga kamay. Pag uwi ko sa bahay, may nag message
sa akin! Hulaan niyo kung sino! SI NDRRMC LANG PALA! Kala niyo si crush noh, kala ko rin
haha..ha..huhuhu. May orange rainfall daw kase, buti pa si NDRRMC inuupdate ako palagi, crush
galaw galaw naman jan, ako na to oh, san ka pa! Kahit sa pag ligo, pag sandok, pag kain, pag walis,
at sa pag tulog, siya lang ang nilalaman ng isip ko na minsan napapangiti nalang ako. Nang bigla
nalang akong binatukan ng mama ko dahil para daw akong baliw na tumatawa at ngumingiti nalang
bigla-bigla. Kulang nalang daw ay ipa-mental hospital niya na ako, ma wag po huhu. Hindi kase
natin namamalayan na kahit sa isang tao ay nakapagbibigay na ito saatin ng kasiyahan. Makita at
makausap mo lang siya ay buo na kaagad ang araw mo. Walang mali sa pagkakaroon ng crush dahil
ang pagkakaroon ng crush ay natural lang. Normal sa isang tao na magkaroon ng crush. Ito ay isang
emosyon na bigla na lamang nating nararamdaman nang hindi mo namamalayan. Marahil sa unang
kita mo pa lang sa kaniya ay naging crush mo na siya dahil cute, matalino, gwapo, maganda o di
kaya'y may taglay siyang kakaibang karisma. Ngunit kinakailangan din nating mag-ingat dahil puso
natin ang nakasalalay dito. Hindi sa lahat ng oras ay magugustuhan ka rin pabalik ng crush mo, at
okay lang yon. Hindi mo kailangang ipagsapilitan ang iyong sarili sakanya, marami pa namang iba
jan. Basta’t ang mapapayo ko lang sainyo ay kapag hindi na kayo ang icing sa ibabaw ng cupcake ng
iyong crush, ay kawawa ka naman. Ngunit wag mag-alala, dahil ang buhay ay weather weather lang!

You might also like