You are on page 1of 18

Nuestra Señora De Guia Academy of Marikina

98 Soliven St. Greenheights Subd. Ph.3, Nangka, Marikina City

Tel. No. 8535-4384 / 7719-3744 E-mail: nsdga.gh@gmail.com

ARALIN BLG. _1_: PAGSULAT NG TEKNIKAL NA SULATIN

GAWAIN BILANG. ____

KAKAYAHANG PAMPAGKATUTO:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang makakamit ang mga sumusunod:

a. Nabibigyang-kahulugan ang teknikal at bokasyunal na Sulatin.

b. Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin ayon sa:
a. Layunin b. Gamit c. Katangian d. Anyo e. Target na gagamit
c. Nakasusulat ng isang uri ng Sulatin na “sanaysay.”
PAGTALAKAY:

Ang Teknikal-Bokasyunal na pasulat ay komunikasyong pasulat sa larangang may

espesyalisadong bokabularyo tulad ng agham, inhenyera, teknolohiya, at agham-pangkalusugan.
Maitututring rin na ang teknikal na pasulat ay tiyak at tumpak lalo na sa pagbibigay ng panuto.

Ang teknikal na pagsulat ay mahalagang maging malinaw, mauunawaan at kumpleto ang

ibinibigay na impormasyon. Malaga rin ang katumpakan, walang kamalian pang-gramatikal, walang
pagkakamali sa bantas at may angkop na pamantayang kayarian. Masasabi na, ang teknikal na pagsulat ay
naglalayong magbahagi ng impormasyon at manghikayat sa mambabasa.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Teknikal-Bokasyonal na Sulatin

1. Komprehensibong paksa - Ito ay batay sa interes ng manunulat.
2. Angkop na layunin - Ito ang magtatakda ng dahilan kung bakit nais makabuo ng isang sulatin.
3. Gabay na balangkas - Gabay ito upang organisahin ang ideya ng sulatin. Kadalasan, ang balangkas din
ang nagiging burador ng anomang sulatin.
4. Halaga ng datos - Dito nakasalalay ang tagumpay at pagiging epektibo ng isang sulatin.
5. Epektibong pagsusuri - Lohikal ang dapat na gawing pagsusuri sa gagawing sulatin. Ang paraan ng
pagsusuri ng manunulat ang sukatan ng lalim ng kaniyang ginawang sulatin.
6. Tugon ng kongklusyon - Makikita ang kasagutan sa mga itinampok na katanungan sa isinulat na pag-
aaral.
LAYUNIN
Ang ilan sa layunin ng Teknikal-Bokasyonal na Sulatin ay ang mga sumusunod:
● Upang magbigay kaalaman.
● Upang mag-analisa ng mga pangyayari at implikasyon nito.
- Edukasyon
- Socio-ekonomiks
- Politika
● Upang maghikayat at mag-impluwensiya ng desisyon.
GAMIT NG TEKNIKAL-BOKASYONAL
● Upang maging batatayan sa desisyon ng namamahala
● Upang magbigay ng kailangang impormasyon
● Upang magbigay ng instruksiyon
● Upang magpaliwanag ng teknik
● Upang mag-ulat ng natamo (achievement)
● Upang mag-analisa ng may suliraning bahagi
● Upang matiyak ang pangangailangan ng desisyon at sistema
● Upang maging batayan ng pampublikong ugnayan
Nuestra Señora De Guia Academy of Marikina
98 Soliven St. Greenheights Subd. Ph.3, Nangka, Marikina City
Tel. No. 8535-4384 / 7719-3744 E-mail: nsdga.gh@gmail.com

● Upang mag-ulat sa mga stockholders’ ng kompanya

● Upang makabuo ng produkto
● Upang makapagbigay ng serbisyo
● Upang makalikha ng mga proposal

3K NG TEKNIKAL-BOKASYONAL NA SULATIN

a. KALIKASAN - Likas o taglay ng isang sulatin ang maglaman ng samu’t saring kaalaman. Marapat na
ang makilalang kaalaman sa sulatin ay bago at mahalaga.

b. KATANGIAN:

MAKATAO: naglalaman ito ng makabuluhang impormasyon na dapat mabatid para sa

kapakinabangan ng mamamayan.

MAKABAYAN: ang kapakinabangang hatid ng akademikong sulatin ay magtutulay sa

kaunlaran ng mamamayan upang maging produktibong kasapi ng pamayanan at bansa.

DEMOKRATIKO: walang kinikilingan o kinatatakutan dahil ang hangarin ay magpahayag ng

katotohanan.

c. KAHALAGAHAN - Ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi

maglalaho sa kaisipan ng mambabasa sapagkat ito ay maaring magpasalinsalin sa bawat panahon. - Mabilin
(2012)

HALIMBAWA NG MGA DOKUMENTONG TEKNIKAL

● Instruksyon o hakbang sa paggawa
● Proposal
● Emails, mga sulat at memoranda
● Press releases
● Ispesipikasyon
● Deskripsyon
● Resume o aplikasyon sa trabaho
● Ulat teknikal
● White paper
● Website

SANGGUNIAN: hango sa aklat nina Brandil, Lolita T., Villanueva, Voltaire M. (2017). Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik at
Sining). Vibal Group Inc.
Nuestra Señora De Guia Academy of Marikina
98 Soliven St. Greenheights Subd. Ph.3, Nangka, Marikina City
Tel. No. 8535-4384 / 7719-3744 E-mail: nsdga.gh@gmail.com

PANGALAN: ISKOR:
BILANG AT
PETSA:
PANGKAT:

ARALIN BLG. _1_: PAGSULAT NG TEKNIKAL NA SULATIN

GAWAIN BILANG. _1_

PANUTO:
Sa iyong sagutang papel, punan ang graphic organizer,Maglagom ng iyong mga natutuhan sa talakayan
at sagutan ang mga gabay na katanungan.

Mga Gabay na Tanong :

1. Ibigay ang sariling pagpapaliwanag sa teknikal – bokasyunal na sulatin.

2. Batay sa ginawang pagtalakay sa aralin, ano sa mga dokumentong teknikal ang ninanais mong
isulat at magamit sa industriya? Ipaliwanag.

3. Saan magagamit ang teknikal -bokasyunal na sulatin sa pang-araw araw na pamumuhay?

Nuestra Señora De Guia Academy of Marikina
98 Soliven St. Greenheights Subd. Ph.3, Nangka, Marikina City
Tel. No. 8535-4384 / 7719-3744 E-mail: nsdga.gh@gmail.com

BILANG AT
PANGALAN: ______________________________ ____________________
PANGKAT:

ARALIN BLG. _1_: PAGSULAT NG TEKNIKAL NA SULATIN

GAWAIN BILANG. _1.2_

Instruksiyon: Kasabay ng pagbabago ng mga sistema na umiiral sa buong mundo, sumulat ng isa isang
sanaysay hinggil sa “mabuti / kagandahang naidudulot ng mga teknikal na sulatin sa usaping kalakalan o
industriya”?

_____________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA Puntos

a. Kaangkupan ng nilalaman sa paksa. 10%
b. Kaayusan at kalinisan sa pagsulat. 5%
c. Kaisahan ng mga salita at pangungusap. 5%
Kabuoang puntos 20%
Nuestra Señora De Guia Academy of Marikina
98 Soliven St. Greenheights Subd. Ph.3, Nangka, Marikina City
Tel. No. 8535-4384 / 7719-3744 E-mail: nsdga.gh@gmail.com

ARALIN BLG. _2_: PAGSULAT NG MANWAL

GAWAIN BILANG. ____

KAKAYAHANG PAMPAGKATUTO:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang makakamit ang mga sumusunod:

a. Naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay ng piniling anyo.

b. Naipapaliwanag sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo sa pamamagitan ng paggamit
ng angkop na mga termino.
c. Nakabubuo ng sariling Teknikal na Sulatin “manwal”
PAGTALAKAY:

Ang Manwal ay itinuturing na yari sa kamay o hindi ginamitan ng makina. Isang babasahing karaniwang
naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa, maaaring tumalakay sa mga tuntunin ng isang
kompanya o organisasyon at gayundin ng mga paraan o proseso na may kinalaman sa paggawa,
pagsasaayos o pagpapagana ng isang bagay o produkto.

Kalimitang binabasa ang manwal upang magkaroon ng impormasyon tungkol sa isang usapin o bagay na
ibig malinawan.
PANGKARANIWANG URI NG MANWAL
Instruction Manual / User Guide Manual / Owner’s Manual
Manwal sa paggamit na kalimitang kalakip ng iba’t ibang
produktong binibili o binubuo bago gamitin. Ilang halimbawa ng
mga produktong ito ay mga gamit sa bahay tulad ng mga appliances,
kasangkapan, mga gadget at iba pang elektronikong equipment na
nangangailangan ng paggabay para sa mga gagamit ng mga iyon. https://www.google.com/search?q=Instruction+Ma
nual+&tbm=isch&ved

Employees Manual
Ang mga itinakda para sa mga empleyado ng isang
kompanya upang makapaglahad ng mga kalakaran, alituntunin at iba
pang prosesong mahalaga sa kompanya. Nagsisilbi itong gabay sa
mga empleyado nang sa gayon ay magkaroon sila ng mga kaalaman
hinggil sa mga dapat at hindi dapat gawin sa loob ng kompanyang
pinapasukan. https://www.google.com/search?q=employee+manual&
tbm=isch&chips=q:employee+manual,g_1:office

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG MANWAL

1. Tukuyin ang layunin ng manwal sa pamamagitan ng paggamit ng sino, ano, kailan, saan, bakit, at paano
ito mapapakinabangan ng iba.
2. Maghanap at kolektahin ang mga impormasyon mula sa mga eksperto na angkop sa iyong ginagawang
manwal.
3. Uriin at ayusing mabut ang impormasyon pati na rin ang paggamit ng gramatika sa bawat pahayag.
4. Magpasya sa naaangkop na disenyo para sa manwal.
5. Gumawa ng isang iskrip o balangkas ng lalamanin ng iyong manwal bago ito isulat nang tuluyan.
6. Basahin at suriing mabuti ang bawat salita, gramatika pati na rin ang mga bantas. Kung ito ay maayos
na, ilathala na ang manwal.

SANGGUNIAN: hango sa aklat nina Brandil, Lolita T., Villanueva, Voltaire M. (2017). Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik at
Sining). Vibal Group Inc.
Nuestra Señora De Guia Academy of Marikina
98 Soliven St. Greenheights Subd. Ph.3, Nangka, Marikina City
Tel. No. 8535-4384 / 7719-3744 E-mail: nsdga.gh@gmail.com

PANGALAN: ISKOR:
BILANG AT
PETSA:
PANGKAT:

ARALIN BLG. _2_: PAGSULAT NG MANWAL

GAWAIN BILANG. _2_

PANUTO:
Suriin ang larawan sa ibaba. Ito ay isang halimbawa ng user’s manual. Itala ang mga
mahahalagang nilalaman na makikita sa manwal at ang katangian nito gamit ang pormat sa ibaba.

A. Nilalaman:

B. Uri ng Manwal:

C. Pisikal na Disenyo :

D. Wikang ginamit :

E. Prosidyur na ipinakita:
Nuestra Señora De Guia Academy of Marikina
98 Soliven St. Greenheights Subd. Ph.3, Nangka, Marikina City
Tel. No. 8535-4384 / 7719-3744 E-mail: nsdga.gh@gmail.com

ARALIN BLG. _3_: PAGSULAT NG LIHAM APLIKASYON AT RESUME

GAWAIN BILANG. ____

KAKAYAHANG PAMPAGKATUTO:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang makakamit ang mga sumusunod:

a. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang sulating teknikal-
bokasyunal.
b. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika
c. Nakabubuo ng sariling likha na resume at liham aplikasyon.
PAGTALAKAY:
Liham Aplikasyon

Ang liham aplikasyon na maaaring tawaging cover letter ay isang pormal na dokumento na
ipinapadala kasama ang resume o CV (curriculum vitae) sa iba’t ibang mga kumpanya, unibersidad, o
samahan.

Kapag nag-a-apply para sa isang trabaho, ang isang liham ng aplikasyon ay isa sa
pinakamahalagang dokumento na kailangan mong isulat. Ito rin ay uri ng liham kung saan iniisa-isa ang
mahahalagang katangian ng taong humahanap o kukuha ng trabaho bilang ebidensiya.

Nagbibigay ito ng mga impormasyon tungkol sa iyong mga kwalipikasyong pang-edukasyon,

karanasan, at pansariling paniniwala na aangkop sa posisyong iyong ina-aplayan. Ipinapasa ito sa kanilang
employer, kompanya o agency na kanilang papasukan kung bakit sila naghahanap o nagaaply ng trabaho.
Sa pamamagitan nito maaaring i-scan ng employer ang kanilang interest kung bakit gusto nila ang
trabahong papasukan.

BAHAGI NG LIHAM

Pamuhatan - dito nakasaad ang lugar ng sumulat at petsa kung kailan ito isinulat
Panimulang pambati -d ito nakalagay ang pangalan ng sinusulatan at nagtatapos ito sa bantas na kuwit.
Katawan ng liham nakapaloob dito ang nilalaman o mensaheng nais ipahatid ng sumulat.
Baitang pangwakas - ito ang pinakahuling bati ng sumulat at nagtatapos ito sa bantas na kuwit.
Lagda - dito nakapaloob ang pangalan ng sumulat.
Halimbawa ng Liham Aplikasyon:
Nuestra Señora De Guia Academy of Marikina
98 Soliven St. Greenheights Subd. Ph.3, Nangka, Marikina City
Tel. No. 8535-4384 / 7719-3744 E-mail: nsdga.gh@gmail.com

Resume

Ang resume ay isang dokumento na siyang nagsasad ng mga kuwalipikasyon ng isang aplikante sa isang
trabahong kaniyang pinapasukan. Ito rin ay isang summary kumbaga ng mga kakayahanan at
kwalipikasyon.

Dito nakasaad lahat ng impormasyong mahalaga para sa trabahong pinapasukan at siya ring listahan na
maaring maging basehan ng employer sa pagkuha ng aplikante.

Tatlong bahagi ng Resume

1. Pangalan at contact information. Ang iyong kumpletong pangalan ay dapat nasa itaas ng pahina at may
kakapalan, o bold. Kasama dapat ng iyong contact information ang iyong tirahan, numero sa bahay at
opisina, at email address. Gumamit ng propesyunal na email address na may initials ng iyong pangalan at
apelyido.

2. Mga karanasan sa trabaho at ang mga nakamit na tagumpay. May mababang o wala mang
kasanayan sa trabaho. Tignang mabuti ang requirement sa job advertisement kung pinaplanong mag-
apply ng trabaho. Kung may apat na taong requirement ang trabahong nais pasukan, tignan ang mga naging
trabaho at training at suriin kung makakatulong ang mga ito para sa minamatang trabaho.

3. Educational/ Professional development. Ang educational at professional training and development ay

dapat nakaayos base sa petsa at nakalagay sa pinakaitaas ang pinakabago. Panatlihin itong maayos dahil sa
maraming pagkakataon, gustong makita ng employer ang mga training programs na inilagay mo ay
konektado sa trabahong gusto mong pasukan.

Mga interes (Optional). Ilagay lamang ang iyong mga libangan kung makakatulong ito sa posisyon na
gusto mong pasukan.

References (Optional). Ilagay lamang ang references kung hiningi sa iyo. Huwag ilagay ang ‘References:
Available upon request’. Ipaalam sa mga references mo na ibinigay mo ang kanilang mga numero para sa
job application mo.

Halimbawa ng Resmume:

Ps. Ang resume na ito ay hango sa imahensyon ng manunulat. Anoman ang nabanggit sa itaas ay hindi intensyon at pawang halimbawa
lamang.

SANGGUNIAN: hango sa aklat nina Brandil, Lolita T., Villanueva, Voltaire M. (2017). Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik at
Sining). Vibal Group Inc.
Hango sa: https://gabay.ph/liham-aplikasyon-kahulugan-at-halimbawa/ January 26, 2021
Hango sa: https://www.slideshare.net/fujiapplegozunlopez/bahagi-ng-liham-27751080
Nuestra Señora De Guia Academy of Marikina
98 Soliven St. Greenheights Subd. Ph.3, Nangka, Marikina City
Tel. No. 8535-4384 / 7719-3744 E-mail: nsdga.gh@gmail.com

PANGALAN: ISKOR:
BILANG AT
PETSA:
PANGKAT:

ARALIN BLG. _3_: PAGSULAT NG LIHAM AT RESUME

GAWAIN BILANG. _3_

PANUTO:
Sitwasyon: Bilang isang bagong mag-aaral na nagtapos ng kolehiyo ninanais mong makapasok sa isang
tanyag at kilalang industriya. Nais mong mapabilang sa kompanyang ito ngunit kailangan o isa sa mga
pangangailan rito ay mahusay na resume. Bilang gawain, Bumuo o Lumikha ng isang orihinal na gawang
resume at idikit / ipaskil sa loob ng kahon ang nagawang gawain.

Narito ang pamantayan sa pagmamarka ng inyong resume.

PAMANTAYAN Puntos
a. Orihinal – naipapakita ang katotohanan ng mga 10%
impormasyon na inilathala sa gawain.
b. Kaayusan at kalinisan – naipapakita at naibibigay ang 5%
angkop na datos na hinihingi sa resume na isasapasa.
c. Malikhain – Naipapakita ang kagalingan sa pagbuo nito. 5%
KABUOANG PUNTOS: 20%
Nuestra Señora De Guia Academy of Marikina
98 Soliven St. Greenheights Subd. Ph.3, Nangka, Marikina City
Tel. No. 8535-4384 / 7719-3744 E-mail: nsdga.gh@gmail.com

ARALIN BLG. _4_: PAGBUO NG FLYERS, LEAFLETS, AT PROMO MATERIALS

GAWAIN BILANG. ____

KAKAYAHANG PAMPAGKATUTO:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang makakamit ang mga sumusunod:

a. Naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay ng piniling anyo.

b. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika.
c. Nakabubuo ng isang mahusay at malikhaing flyers, leaflets, at promo materials.
PAGTALAKAY:
Flyers, Leaflets, Promo Materials

Flyers - Ang Flyers at tinatawag ding circular handbill o leaflets. Ito ay

uri ng papel na patalastas na naglalayong ibahagi sa maraming tao.
Madalas itong nakapaskil o ipinamamahagi sa mga pampublikong lugar
o kaya ay sa pamamagitan ng email.

Ang flyers din ay murang halagang anyo ng pangmasang pangangalakal

o komunikasyon. Ang produksyon ng flyers sa kasalukuyan ay
isinasagawa na sa pamamagitan ng internet. Likha ng mga mag-aaral ng 11 FBS
AB1 taong 2019-2020.

Ang Flyers ay maaaring gamitin ng indibiduwal, kalakal, o organisasyon upang:

• Ipatangkilik ang mabuting serbisyo.

• Hikayatin at padalhan ng sosyal, relihiyoso, at politikal na mensahe ang mga tao.
• Magrecruit ng kaanib.
• Ipatalastas ang isang pangyayari/produkto.

Leaflets - Ang Leaflets ay madalas na maganda ang disenyo kaysa flyers. Karaniwan ito ay printed,
makulay, at higit na mabuting kalidad. Layunin nitong makapagpromote ng produkto, serbisyo, o
organisasyon at makatawag ng pansin at makapagpahayag ng ibig na mensahe.

(Likha ng mga mag-aaral ng 11 Food and Beverages Services Ab1 taong 2019-2020.)

Promo Materials – ang promo materials ay kumakatawan sa brand ng

isang kompanya. Karaniwan sa ganitong materyales ay pagdiriwang ang
tagal ng kompanya sa larangan nito. Layunin nitong bumuo ng
magandang relasyon sa mga dating costumer, magpakilala ng bagong
produkto, lumikha ng pangalan ng kinikilala, at mahikayat ang mga
empleyado sa isang kompanya.
Likha ng mga mag-aaral ng 11 FBS
AB1 taong 2019-2020.

SANGGUNIAN: hango sa aklat nina Brandil, Lolita T., Villanueva, Voltaire M. (2017). Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik at
Sining). Vibal Group Inc.
Mga Larawan: Hango sa likhang Produkto ng Bilang 11 pangkat Ab1 ng Food and Beverages Services taong 2019 – 2020.
Nuestra Señora De Guia Academy of Marikina
98 Soliven St. Greenheights Subd. Ph.3, Nangka, Marikina City
Tel. No. 8535-4384 / 7719-3744 E-mail: nsdga.gh@gmail.com

PANGALAN: ISKOR:
BILANG AT
PETSA:
PANGKAT:

ARALIN BLG. _4_: PAGBUO NG FLYERS, LEAFLETS, AT PROMO MATERIALS

GAWAIN BILANG. _4_

PANUTO: Sa kahon na nasa ibaba, lumikha ng isang poster ng isang produkto batay sa iyong napiling
larangan. Maaaring tunay o piksiyon ang produkto. Iguhit ito at gawing kaakit-akit sa paningin ng inyong
mamimili.

PAMANTAYAN SA PAMAMARKA PUNTOS

Orihinal – naipapakita ang kalinawan n gproduktong nais bigyang diin. 10%
Kaayusan at kalinisan – Naipapamalas ang kagalingan sa pagbuo nito at sa mga
10%
kulay na inilapat.
Malikhain – nakahihingkayat gamit ang mga larawang iginuhit sa gawaing
10%
ipinaskil.
KABUOANG PUNTOS 30%
Nuestra Señora De Guia Academy of Marikina
98 Soliven St. Greenheights Subd. Ph.3, Nangka, Marikina City
Tel. No. 8535-4384 / 7719-3744 E-mail: nsdga.gh@gmail.com

ARALIN BLG. _5_: PAGSULAT NG DESKRIPSYON NG PRODUKTO

GAWAIN BILANG. ____

KAKAYAHANG PAMPAGKATUTO:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang makakamit ang mga sumusunod:

a. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika.

b. Nakabubuo ng isang mahusay at kapani-paniwalang Teknikal-bokasyunal na sulatin.
PAGTALAKAY:
DESKRIPSIYON NG PRODUKTO

Ang Deskripsyon ng Produkto ay isang estrakturang anyo ng paglalahad ng impormasyon tungkol sa

proyektong produkto. Maituturing rin na isang maikling sulatin na ginagamit para sa pagbebenta ng mga
produkto para sa isang negosyo. Ang deskrisyon ng produkto ay isang maikling talata lamang.

Kinakailangan ang paglalarawan sa produkto upang maging kaakit-akit at maibenta ito sa mga target na
awdiyens o mamimili. Mahalaga ito upang mabigyang impormasyon ang mga mamimili tungkol sa mga
benepisyo, katangian, gamit, estilo, at presyo ng isang produkto

KAHALAGAHAN NG DESKRIPSYON NG PRODUKTO

1. Upang mabigyang impormasyon ang mamimili tungkol sa mga:
a. Benepisyo b. Katangian c. Gamit d. Estilo e. Presyo
2. Mahalaga rin ang deskripsyon ng produkto upang maipakita sa mamimili na ang produkto ay akma sa
kanilang mga pangangailangan.
3. Mahalaga sa larangan ng kalakalan o negosyo dahil sa napakalas ang kompetensiya ng iba’t ibang
kompanya
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG DESKRIPSIYON NG PRODUKTO

● Malaman ang katauhan ng iyong mamimili.

● Matiyak ang mga katangian at benepisyo.
● Masigurong ang himig ng pananalita ay nagpapakita ng pagiging palakaibigan, malalapitan, at may
interes sa kliyente.
● Magawa nang ubos kaya ang pagpapabasa o pagpapakita ng produkto.
● Masimulan ang pagsulat ng burador.
● Ma-edit ang iyong teksto para matiyak na ito ay nababasang mabuti, nakikipag-usap, at manghikayat.

HALIMBAWA NG DESKRIPSYON NG PRODUKTO

SANGGUNIAN: hango sa aklat nina Brandil, Lolita T., Villanueva, Voltaire M. (2017). Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik at
Sining). Vibal Group Inc.
Deskripsyon ng Produkto retrieved from https://www.slideshare.net/norm9daspik8/deskripsyon-ng-produkto (August 12, 2019).
Larawan: https://www.google.com/search?q=deskripsiyon+ng+produkto&source
Nuestra Señora De Guia Academy of Marikina
98 Soliven St. Greenheights Subd. Ph.3, Nangka, Marikina City
Tel. No. 8535-4384 / 7719-3744 E-mail: nsdga.gh@gmail.com

PANGALAN: ISKOR:
BILANG AT
PETSA:
PANGKAT:

ARALIN BLG. _5_: PAGSULAT NG DESKRIPSYON NG PRODUKTO

GAWAIN BILANG. _5_

PANUTO Gumuhit nang poster ng isang Produkto o bagay na batay sa iyong napiling larangan. Maaaring
tunay o piksyunal ang Produkto gagawin. Matapos ito, sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

__________________________________________
Pangalan ng Produkto

1. Ano ang benepisyo o paano ito makatutulong sa mga taong tatangkilik ng iyong produkto?
______________________________________________________________________________

2. Magbigay ng maikling deskripsyon ng iyong produkto upang makumbinsi ang mga mamimili na
gamitin o bilihin ito. Magbigay ng tagline na kawili-wili at madaling tandaan ng mga tao sa
ibabang bahagi.

_____________________________________________________________________________.
Nuestra Señora De Guia Academy of Marikina
98 Soliven St. Greenheights Subd. Ph.3, Nangka, Marikina City
Tel. No. 8535-4384 / 7719-3744 E-mail: nsdga.gh@gmail.com

ARALIN BLG. _6_: PAGSULAT NG FEASIBILITY STUDY

GAWAIN BILANG. ____

KAKAYAHANG PAMPAGKATUTO:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang makakamit ang mga sumusunod:

a. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang sulating Teknikal-
bokasyunal.
b. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika.
PAGTALAKAY:
Ang Feasibility Study ay obhetibo at rasyonal na tumutuklas ng kakayahan at kahinaan ng isang
kalakal o mungkahing gagawin, mga pagkakataon at panganib na nasa kapaligiran. Ang mga resources na
kailangan para maisagawa at higit sa lahat ang prospect para magtagumpay.
Ang dalawang panukatan para husgahan ang feasibility ay ang halagang kailangan at ang halagang
kailangang matamo. Nakatutulong ito upang matiyak ang posibilidad na maisakatuparan ang isang planong
gawain. Tumumutukoy sa ikatatagumpay ng kanilang ideya bago pa man ito ipagpatuloy. Maaaring
magamit sa maraming bagay ngunit ang pangunahing pokus ay sa ipinapanukalang ipagbabakasakali sa
negosyo o hanapbuhay.
Ang fesibility study ang nagbibigay ebalwasyon ng potensiyal sa tagumpay ng proyekto. Ang
mahusay na feasibility study ay nagbibigay ng historical na kaligiran ng kalakalan o proyekto, operasyon
at pamamahala, pananaliksik, pangmerkado, at polisiya, datos pinansyal, pangangailangang legal, at
obligasyon sa pagbubuwis. Sa pangkalahatan, ang feasibility study ay ang pagdedebelop ng teknikal at
implementasyon ng proyekto.
MGA BAHAGI NG FEASIBILITY STUDY

a. Pangkalahatang lagom / executive summary - nagbibigay kabuoang pagtanaw ng lalamaning

feasibility study. Madalas ito ay huling sinusulat kapag buo na ang lahat ng iba pang bahagi.
b. Paglalarawan ng produkto at / o serbisyo - malinaw na inilalarawan sa bahaging ito ang produkto /
serbisyong inimumungkahing ibenta / ibigay. Mahalagang mabigyang-diin ang kalakasan ng produkto o
serbisyo na ibinibigay at kung anong benepisyo nito sa gagamitin.
c. Kakailanganing teknikal na kagamitan - Ipinaliliwanag nito ang mga konsiderasyong kinakailangan
kaugnay ng aspektong teknolohiya.
d. Marketplace - Inilalarawan sa bahaging ito ang pamilihan kung saan ibibigay o ibebenta ang produkto.
Tinitiyak ng bahaging ito ang iba pang kaparehong produkto o serbisyong ibinibigay at kung ano ang
bentahe nito sa iba pang produkto/serbisyo.
e. Estratehiya sa pagbebenta - Tatalakayin sa bahaging ito ang paraan kung paano maipapaabot sa
gumagamit ang produkto/serbisyo. Inaayon ng marketing ang mga kailagan at kaparaanan kung paano
mahihikayat na kunin ang produkto.
f. Mga taong may gampanin sa produkto at/o serbisyo - Tinitiyak sa bahaging ito ang mga Tao at ang
kanilang espesipikong trabaho para sa produkto / sebisyo.
G. Iskedyul - itinatakda sa bahaging ito ang panahon kung kailan dapat magawa ang mga produkto / o
serbisyo.
h. Projection sa pananalapi at kita - Tinitiyak sa bahaging ito kung may nakikitang benepisyong
pampananalapi.
i. Rekomendasyon - Inilalahad sa huling bahagi ang paglalagom at pagbibigay mungkahi batay sa ikalawa
hanggang ikawalong bahagi.

SANGGUNIAN: hango sa aklat nina Brandil, Lolita T., Villanueva, Voltaire M. (2017). Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik at
Sining). Vibal Group Inc.
Valdez, Marjorie (2018) Feasibility Study ng isang Produkto retrieved from https://www.slideshare.net/MarjorieValdez3/bahagi-ng-feasibility
Nuestra Señora De Guia Academy of Marikina
98 Soliven St. Greenheights Subd. Ph.3, Nangka, Marikina City
Tel. No. 8535-4384 / 7719-3744 E-mail: nsdga.gh@gmail.com

PANGALAN: ISKOR:
BILANG AT
PETSA:
PANGKAT:

ARALIN BLG. _6_: PAGSULAT NG FEASIBILITY STUDY

GAWAIN BILANG. _6_

PANUTO: Sumulat ng feasibility study na naayong sa mga produktong tinatangkilik ng mga Pilipino sa
panahon ng pandemya.

_________________________________
(Pangalan ng Negosyo)

____________________________________________________________
(Address o lugar ng negosyo)

a. Pangkalahatang lagom
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.
b. Paglalarawan ng Produkto o Serbisyo

c. Mga kakailanganing Teknikal ng kagamitan

d. Market Place at Estratehiya sa pagbebenta

e. Rekomendasyon
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.
Nuestra Señora De Guia Academy of Marikina
98 Soliven St. Greenheights Subd. Ph.3, Nangka, Marikina City
Tel. No. 8535-4384 / 7719-3744 E-mail: nsdga.gh@gmail.com

ARALIN BLG. _7_: PAGSULAT NG PAALALA, BABALA PAUNAWA

GAWAIN BILANG. ____

KAKAYAHANG PAMPAGKATUTO:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang makakamit ang mga sumusunod:

a. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika.

b. Nakabubuo ng isang mahusay at kapani-paniwalang Teknikal-bokasyunal na sulatin.
PAGTALAKAY:
PAUNAWA, BABALA AT ANUNSIYO
Ang Paunawa ay isang mensahe na nagsasaad ng mahalagang
impormasyon at mistuladin itong nagsasabi kung ano ang maaari at hindi
maaaring gawin. Maaari ring pumasok ang paunawa tungkol sa anomang
pagbabago ng naunang banggit na impormasyon.
Akto ng pagbibigay pansin o pagmamasid; persepsiyon o atensiyon;
magalang na atensiyon o konsiderasyon; nasusulat o palimbag na
patalastas. Legal na kaisipan kung saan ang partido ay ginagawang maalam
sa legal na proseso na nakaaapekto sa kanyang karapatan, obligasyon o
https://www.google.com/search?q=paa
tungkulin. lala+halimbawa

Sa batas, ang paunawa ay pundamental na prinsipyo sa serbisyo ng proseso. Ang serbisyong ng proseso ay
naglalagay sa akusado sa “may paunawa” o “on notice” sa mga alegasyon sa nilalaman ng kriminal na
akusado upang matawag ang pansin sa kaso at sa mga batayan nito.
Ang Babala ay pagpapahiwatig, pananakot, at pananda ng paparating na
panganib. Maaari ring maging payo na mag-ingat. Ito rin ay nagsasaad ng
maaaring maging panganib sa buhay, estado, o nararanasan ng tao.
Maaaring sa pamamagitan ng salita o larawan maisaad ang babala.

Ang Anunsiyo ay isinusulat ng mga tao dahil sa iba’t ibang dahilan.

Ang ilan sa mga ito ay; serbisyo publiko, kasal o pag-iisang dibdib, pag-
aampon, pagbibinyag, paglipat ng lugar, hanapbuhay o trabaho,
https://www.google.com/search?q=babala+hal pangkalakalan o negosyo, at kamatayan.
imbawa
Ang sulating pag-aanunsiyo ay ang paraan ng paglalahad ng mga kaisipan na
nais iparating sa mga nakikinig, mambabasa o manonood. Karaniwang
ginagamit ito sa pagpapabatid tungkol sa isang bagong tuklas na produkto,
isasagawang programa, makabagong tuklas na kaalaman, gagawing
kaganapan at marami pang iba. Karaniwang mababasa ang mga ganitong
sulatin sa mga magasin, flyers, diyaryo, pamphlet, bulletin board. Naririnig
din ito sa ma radyo at telebisyon. Layunin ng sulating ito na ipabatid ang
mahahalagang kaganapan at ang mga detalyeng nakaugnay rito. https://www.google.com/search?q=paunawa+
halimbawa

Sa pangkalahatang ito, tinatawag na PATALASTAS ang anomang paunawa, babala, o anunsiyo. Nagsasaad
ang mga ito ng mga mahahalagang impormasyon sa tao.
MGA KONSIDERASYON SA PAGBUO NG MGA PAUNAWA, BABALA AT ANUNSIYO
1. Paggamit ng wika - Kinakailangang mapukaw agad ang mga mambabasa sa anomang inilalagay sa
paunawa, babala, at anunsiyo. Mahalaga na ang salitang gagamitin ay smple at madaling mauunawan ng
mga tao.
2. Paggamit ng imahe o simbolo - Sa kasalukuyan, ang paggamit ng imahe at/o simbolo kalakip ang
mahahalagang impormasyon ay tinatawag na infographics. Mas nakapupukaw sa mga mag-aaral ang
paggamit nito sa pagiging malikhain, kakaunti ang tekstong babasahin, malinis ang pagkakagawa, at
nakaaakit sa mata dahil ito ay makulay.

SANGGUNIAN: hango sa aklat nina Brandil, Lolita T., Villanueva, Voltaire M. (2017). Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik at
Sining). Vibal Group Inc.
Nuestra Señora De Guia Academy of Marikina
98 Soliven St. Greenheights Subd. Ph.3, Nangka, Marikina City
Tel. No. 8535-4384 / 7719-3744 E-mail: nsdga.gh@gmail.com

PANGALAN: ISKOR:
BILANG AT
PETSA:
PANGKAT:

ARALIN BLG. _7_: PAGSULAT NG PAALALA, BABALA PAUNAWA

GAWAIN BILANG. _7_

PANUTO: Tukuyin ang mga sumusunod na litrato kung ito ba ay Anunsyo, Babala o Paunawa.

Sagot: ____________________________
Ipaliwanag:
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
_________________________________.

Sagot: ____________________________
Ipaliwanag:
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
_________________________________.

Sagot: ____________________________
Ipaliwanag:
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
_________________________________.
Nuestra Señora De Guia Academy of Marikina
98 Soliven St. Greenheights Subd. Ph.3, Nangka, Marikina City
Tel. No. 8535-4384 / 7719-3744 E-mail: nsdga.gh@gmail.com

PANGALAN: ISKOR:
BILANG AT
PETSA:
PANGKAT:

ARALIN BLG. _7_: PAGSULAT NG PAALALA, BABALA PAUNAWA

GAWAIN BILANG. _7.1_

PANUTO: Sumulat o gumuhit ng isang sulatin/larawan na kinapapalooban o nagpapakita ng Paalala,

Babala, at Paunawa hinggil sa lumalaganap na virus sa ating bansa.

_________________________________
Uri ng Patalastas

Paliwanag:

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

You might also like