You are on page 1of 5

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING

LARANGAN (TEKNIKAL-
BOKASYONAL)

Learner’s Material
[Week 2]

Office of the School Registrar


TRENT INFORMATION FIRST TECHNICAL CAREER INSTITUTE, INC. RLC Bldg. National Road Taytay, Rizal
RLC Bldg., National Road, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
 658-3825; 286-4073

Talaan ng Nilalaman
IKA-1 LINGGO ......................................................................................................................... 3
.................................................................................................. Error! Bookmark not defined.
WEEK 1 ..................................................................................................................................... 5

Week 2
Page 2 of 5
RLC Bldg., National Road, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
 658-3825; 286-4073

IKA-2 LINGGO
ARALIN 1: SAMA-SAMANG SALIKSIKAN
Kasanayang Pagkatuto: Nakikilala ang iba’t ibang taknikal bokasyonal na sulatin ayon sa: (a) Layunin (b)
Gamit (c) Katangian (d) Anyo

Balangkas:
1. SAMA-SAMANG SALIKSIKAN!

Teknikal-Bokasyonal na sulatin, sama-samang saliksikin!

KAHALAGAHAN NG TEKNIKAL-BOKASYONAL NA PAGSULAT


Ang teknikal bokasyonal na pagsulat ay napakahalaga sa paraan ng pagsulat at komunikasyon
para sa propesyonal na pagsulat tulad ng ulat na panglaboratoryo, mga proyekto, mga panuto at mga
dayagram. Ang teknikal na pagsulat ay mahalagang bahagi ng industriya dahil ito ay nagbibigay ng
mahalagang dokumentasyon sa gamit at aplikasyon ng mga produkto at paglilingkod sa bawat
industriya . Malaki din ang naitutulong sa paghahanda ng mga teknikal na dokumento para sa
kaunlaran ng teknolohiya upang maipabatid ng mabilis, ipesyente at produktibo.

Ang pokus ng teknikal bokasyonal na pagsulat ay ang introduksyon ng magaaral sa iba’t ibang uri ng
pagsulat na kailangan sa mga gawaing may teknikal na oryentasyon. Anumang uri ng propesyonal na
gawain ang ginawa mo. Maaring ito ay nangangailangan ng mga gawaing pasulat at marami rito ay
likas na teknikal. Habang mas marami ang alam mo ukol sa batayang kasanayan sa teknikal na
pagsulat, mas mahuasay na pagsulat ang magagawa mo.

KATANGIAN NG TEKNIKAL-BOKASYONAL NA PAGSULAT


Mahalagang malaman ang mga katangian ng teknikal-bokasyonal na pagsulat kung ikaw ay
naghahangad na maging propesyonal na manunulat.
Maraming klase ang pagsulat at bawat uri ay may layunin. Naiiba ang teknikal-bokasyonal na pagsulat
sa kadalihanang ito ay higit na naglalaman ng mga impormasyon. Ang layunin ng ganitong uri ng
pagsulat ay magpaliwanag ng iba’t ibang paksa sa mga mambabasa.

Ang teknikal-bokasyonal na pagsulat ay naglalahad at nagpapaliwanag ng paksang-aralin sa malinaw,


obhetibo, tumpak at di emosyonal na paraan. Ito rin ay gumagamit ng deskripsyon ng mekanismo at
deskripsyon ng proseso, klarisipakayson, sanhi at bunga, paghahambing at pagkakaiba, anolohiya at
interpretasyon. Gumagamit din ito ng teknikal na bokabolaryo. Maliban pa sa mga talahayanan, grap
at mga bilang upang matiyak at masoportahan ang talakay tekswal.

Week 2
Page 3 of 5
RLC Bldg., National Road, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
 658-3825; 286-4073

BATAYANG SIMULAIN NG MAHUSAY NA SULATING TEKNIKAL-BOKASYONAL

1. Pagunawa sa mambabasa
2. Pag-alam sa layunin ng bawat artikulo o ulat
3. Pag-alam sa paksang aralin
4. Obhetibong pagsulat
5. Paggamit ng tamang estraktura
6. Paggamit ng etikal na pamantayan

SIMULAIN KATANGIAN KAHALAGAN


- Pagunawa sa - Paglalahad at - Mahalagang bahagi ng
mambabasa pagpapaliwanag ng industriya
- Pag-alam sa layunin ng paksang-aralin sa malinaw, - Tulong sa paghahanda
bawat ulat obhetibo, tumpak at di- ng teknikal na
- Pag-alam sa paksang emosyonal na paraan dokumento
aralin
- Obhetibong pagsulat
- Paggamit ng tamang
estraktura
- Paggamit ng etikang
pamantayan

Week 2
Page 4 of 5
RLC Bldg., National Road, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
 658-3825; 286-4073

WEEK 2
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN
(TEKNIKAL-BOKASYONAL) G12
Pangalan:______________________________________Pangkat:________________
Guro: Bb. Ericka Aimee Almario_________________Petsa:_________/____/______

SEATWORK #2
Panuto: Magsagawa ng pananaliksik ng mga karagang kahalagahan ng teknikal bokasyon na sulatin..

TASK #2
Panuto: sagutin ang mga katanungan.

1. Base sa inyong kurso na teknikal bokasyonal. Paano mo magagamit ang mga natutunang
kahalagan ng teknikal bokasyonal na sulatin?
2. Ano ano ang katangian ng teknikal na pagsulat?
3. Ano ano ang layunin nito?

Week 2
Page 5 of 5

You might also like