You are on page 1of 8

EDITORYAL

Wikang Filipino: Isang Kariktan


Ni Bb. Danica Z. Delos Santos

Noon pa, nasasalamin nang “Anti-Filipino” ang CHED sapagkat kung alin pa
itong sariling wika na dapat palaganapin at payabungin,ito pa ang kanilang
aalisin. Noong pang 2013 isinulong ng CHEd ang pag-aalis sa Filipino at
Panitikan na lubhang nakapagtataka kung bakit ganito sila kasigasig. Tama na
raw sa Senior High School o K-12 ituro ang mga asignatura. Sobra sobra na raw
ang pag-aaral sa Filipino.
Marami sa Pilipino ang hindi pa ganap na bihasa sa pagsulat ng Wikang
Filipino. Marami pa rin ang nagkakamali sa paggawa ng simpleng pangungusap.
Maraming salat sa tamang baybay. Kaya paano sasabihing sobra-sobra ang
pagaaral ng Filipino kaya hindi na dapat ituro pa ito sa kolehiyo. Mukhang
naging makitid ang CHEd na alisin ang Filipino at Panitikan.
Kabilang sa mga “pinatay” sa pag-aalis ng Filipino at Panitikan ay ang mga guro
at mga propesor na nasabing asignatura. Dahil sa pagiging “anti-Filipino marami
ang nasasagasaan.Ang tanging pag-asa na lang ay ang unibersidad at kolehiyo n
asana huwag nalang buwagin ng Departamento ng Filipino. Ayon sa ruling ng
Konstitusyon malaya pa rin ang bawat unibersidad at kolehiyo na magpapatupad
sa pagtuturo. Ang institusyon pa rin masusunod ukol dito.
Isipin at itatak natin sa ating puso ang mga paghihirap at pagdurusa ng mga
Filipino noon para lamang makamit ang Wikang Pambansa, Filipino ang ating
wika gamitin at mahalin dahil ito ang mga papa-alala bilang Pilipino. Lahat tayo
ay mayroong magagawa upang ang wikang Fipino ay patuloy na gamitin at
tangkilikin. Kung ang iba ay kaya nating pahalagahan at mahalin, sa sariling
wika ay magagawa rin.
CORRECTIVE EXERCISE
PARA SA MGA ATLETA
NG PLMAR
Ni: Ma. Nhaika C. Roca

Ginanap noong Nov. 11, 12 at 13 ang


pangmalakasang seminar para sa mga
Atleta ng PLMar. Ayon kay Kim Harold
isa sa mga manlalaro ng PLMar ito ay para
sa mga Players , Coaches at BPE student.
Ayon din sa kanya na makatutulong ang
ganitong gawain upang mas magkaroon ng
malawak na kaalaman hinggil sa kanilang
tinatahak na landas. Tinalakay din an gang ibat - ibang posisyon sa .proseso at
pag-ehersisyo bago lumahok sa mga palaro.
BADMINTON
CULMINATING
2019
Ni: Ma. Nhaika C. Roca

October 29, 2019 Dinaos ang


taunang kulminasyon para sa mga
kumukuha ng P. E 1. Sa
Pamantasan ng Lungsod ng
Marikina na may temang “Activity United Through Sports”. Sa taong ito
ang nagwagi sa unang laro ay nagmula sa B.A Department. Tunay nga na
makapangyarihan ang komunikasyon at nilapatan pa ng pangmalakasang
Sport na makatutulong sa Healty Living ng bawat mag-aaral.
“SANAYSAY”
Mark John Patrick T. Manuel

“Sanay sa pagsasalaysay”- Alejandro Abadilla


Hindi madali ang paglikha lalo na ang pagkatha ngunit sa pagtalakay ng
sanaysay binigyang bihis ang masalimuot na sitwasyon sa kasanayan ng
pagsulat.
Hindi mahirap!
magsumikap,
para makamit ang pangarap.
Hindi mahirap, isang positibong pagtingin sa pagsulat ng sanaysay. Sa
sekundaryang edukasyon tila napakadali ng pagsulat ng sanaysay ngunit noong
ako’y tumuntong sa kolehiyo. Binibigyang diin ng ilang propesor na hindi basta-
basta ang pagsulat nito, kinakailangan ng pagsasaalang-alang ng kaisipan at
kung ano-ano pa. Sa pagtalakay sa seminar, binigyang bihis ang pagsulat ng
sanaysay “Huwag matakot! Magsulat ka!”, walang taong hindi dumaan sa hirap
na maging maunlad. Iyan ang nahinuha sa pagtalakay sa paksa na gumugunita sa
sinabi ng isang matanda na si kuya Badong, “ kung kaya nila, kaya ko rin”
Pilosopiya niya sa buhay na masasabi ko rin sa pagsulat ng sanaysay. “Hindi
mahirap”
Magsumikap hamon sa pagtalakay, tunay na positibo ang bihis ng sanaysay
ngunit ang hamon ay nananatili. Magsumikap, isang pag uugali naibinabahagi sa
pagtalakay. Hindi porke madali o hindi mahirap, hindi na magsusumikap.
Naalala ko ang pinasa ng aming dalubguro sa social media. Isang larawan ng
babae na nagyoyoga at ang nakalagay ay “Espiritu ng kasipagan ,sapian mo
ako”. Minsan sa ating buhay, kapag mahirap hindi na tayo sinisipag at wala
nang pag-unlad kaya sa puntong ito, ang hamon ay hamon – Ano ito?
Magsumikap!
Para makamit ang pangarap, sa pagsulat ng sanaysay isa lang ang layunin
maipahayag ng tuwiran at dalisay ang salaysay sa paraan ng pagsulat ,pangarap
na ninanais ng mga taong tulad ko na kapos sa talento ngunit dahil sa positibong
pagtingin at pagsusumikap ang pangarap ay hindi mananatiling pangarap, ito ay
maisasakatuparan pagdating ng pasahan.
“Hindi mahirap, magsumikap
Para ang pangarap ay
maisakatuparang ganap”

You might also like