You are on page 1of 3

Tema: Pagsulat

ARALIN 1
Paksa: Makrong Kasanayan sa Pagsulat

Pangalan: John Ahron Balino Petsa: Setyembre 20, 2022


Section: STEM12 - A5 Guro: Sir Ariel S. Regala

PAMBUNGAD NA GAWAIN

Panuto: Isulat ang tama sa patlang bago ang bilang ng mga pahayag kung ito ay tumutukoy sa kahulugan
at katangian ng pagsulat. Mali naman kung Hindi.

Tama 1. Ang pagsulat ay ginagamitan ng pag-iisip.


Mali 2. Ang pagsulat ay mabilis na proseso ng pagkatuto.
Tama 3. Ang pagsulat ay pagpapahayag ng mga saloobin sa kapwa.
Mali 4. Ang pagsulat ay isang paraan ng komunikasyong berbal.
Tama 5. Ang pagsulat ay isang sining.
Mali 6. Ang pagsulat ay hindi ginagamitan ng letra.
Tama 7. Ang pagsulat ay isang paraan ng pagtatala.
Mali 8. Ang pagsulat ay ginagamitan lamang ng papel.
Tama 9. Sa pamamagitan ng pagsulat nakalilikha tayo ng isang obra.
Tama 10. Ang pagsulat ay pagpapahayag ng mga saloobin sa kapwa.

Panuto: Suriing mabuti ang larawan sa ibaba. Pagkatapos, sumulat ng isang talata na naglalaman ng
sampung pangungusap patungkol sa larawan na nasa ibaba at tukuyin kung ano ang layunin o ang nais
iparating ng larawan. Isulat sa ang sagot sa patlang na makikita sa ibaba.

Talata:

1|Page
Sa unang tingin, makikita natin sa larawan ang isang bata na mausisang nag-iisip upang punan ang
papel na kaniyang sinusulatan. Maaring nag-iisip siya kung patungkol saan ang kaniyang isusulat saka
kung ano ang ilalaman niya rito. Kung uunawain nating maigi ang nilalaman ng larawan, makikitang
binibigyang diin rito ang kahalagahan ng pag-iisip at sapat na kaalaman pagdating sa pagsusulat. Nais
iparating sa atin ng larawan na kaakibat ng pagsulat ang pag-iisip at ang kawalan ng kalidad na pag-iisip
ay magreresulta ng mababang kalidad ng pagsulat. Layunin rin ng larawan na ipaalala sa atin na ang
pagsulat ay isang mabagal na proseso na dapat pinaglalaanan ng oras kaakibat ng mapanuri at kritikal na
pag-iisip. Sa ganitong paraan ay makatitiyak na tumpak ang ating isinusulat at angkop ang ang nais
nating ipahahayag na saloobin at kaisipan. Ang sulatin na hindi binigyan ng sapat na oras, kaangkupang
tyaga at pagsisikap, ay maituturing na malapit sa walang saysay at hindi kapakipakinabang. May
malaking parte ang pag-iisip at pagkakaroon ng sapat ng kaalaman sa pagsulat, gayundin ang pagsulat sa
pag-iisip at pangangalap ng kaalaman. Kadalasan ang pakikibaka ng pagsusulat, na nakaugnay dahil sa
pakikibaka ng pag-iisip at sa paglago ng intelektuwal na kapangyarihan ng isang tao, ay nagpapalakas ng
mga estudyante sa tunay na kalikasan ng pagkatuto. Ngayong may general na ideya na tayo patungkol sa
kahalagahan ng mapanuri, masusi, at maingat na pag-iisip sa pagsusulat, inaasahan na isasaalang-alang
natin ang mga ito sa ating sariling gawaing pagsulat.

ISULAT MO!

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay hinggil sa napapanahong paksa. Lagyan ng angkop na pamagat. Ang
sanaysay na isusulat ay dapat naglalaman ng hindi lalampas sa limandaang salita na binubuo ng tatlong
talata ang panimula, gitna, at wakas.

Sosyal Medya: Kalaban o Kakampi?

Sosyal Medya, isa sa mga naging bunga ng makabagong teknolohiya na nananatiling dominante
mula makalipas na mga taon. Patuloy na lumalago ang papularidad ng sosyal medya sa panahon ngayon
syempre dahil sa tulong ng mga tao na gumagamit nito, karamihan ay mga kabataan. Sa tulong ng iba't-
ibang platforms nito ay nabibigyan ang mga tao ng pagkakataon na kumunekta sa ibang tao mula
malalayong lugar. Sa ibang salita, nasa dulo ng ating mga daliri ang buong mundo salamat sa sosyal
medya. Pero gaya nga ng sabi sa kasabihan, ang sobrang paggamit ng kahit anong bagay ay hindi laging
bumabanda sa kabutihan. Tulad kung paano laging may dalawang bahagi ang isang barya, ganun din
pagdating sa sosyal medya.

Kung titingnan natin ang positibong aspeto ng sosyal medya, makakahanap tayo ng ilang
kapakinabangan. Una na jan ang gamit nito sa edukasyon. Sa isang pindutan lang, lahat ng impormasyon

2|Page
na kailangan mo ay madali mong makukuha. Magagamit ng mga estudyante ang sosyal medya para
turuan ang kanilang sarili patungkol sa iba't-ibang paksa. At saka, magagamit din ito para sa "online
learning". Puwede kang dumalo ng klase habang nasa tahanan maging kung nasaan ka man sa mundo.
Bukod pa rito, ang mga tao ay puwede dumipende sa sosyal medya para makakalap ng napapanahong
mga balita. Sa ganitong paraan ay lagi kang updated sa mga napapanahong mga pangyayari sa iyong
paligid maging sa buong mundo. Ang isang tao ay nagkakaroon ng kamalayan sa lipunan sa tulong ng
sosyal medya. Bilang karagdagan, mas pinapatatag rin nito ang relasyon mo sa iyong mga mahal sa
buhay. Hindi na balakid ang distansya salamat sa sosyal medya. Tulad niyan, mas mas madali mong
makakausap ang iyong mga kaibigan at kamag-anak mula malalayong lugar.

Sa kabila ng mga kapakinabangan na kaya nitong ibigay, isinasaalang-alang ang sosyal medya bilang
isa sa mga pinakamapinsalang elemento ng lipunan. Kapag ang paggamit nito ay hindi nasubaybayan,
maaari itong humantong sa seryoso at malubhang kahihinatnan. Mapaminsala ito dahil inaatake o ini-
invade nito ang iyong privacy di tulad ng dati. Ang sobrang pagbabahagi ng tao sa sosyal medya ang
siyang dahilan kung bakit nagiging target sila ng mga hackers. Humahantong din ito sa "cyberbullying" na
nakakaapekto nang malaki sa sinumang tao. Kaya ating pakabantayan ang pagbabahagi ng impormasyon
sa sosyal medya lalo na sa mga kabataan sa lahat ng oras. Kasunod naman ay ang adiksyon sa sosyal
medya na karaniwang makikita sa karamihan ng mga kabataan. Hinahadlangan nito ang pag-aaral ng
mga estudyante habang sinasayang nila ang oras sa sosyal medya sa halip na mag-aral. Laganap din ang
fake news sa tulong nito na siyang lumalason sa isipan ng mga tao.

Sa madaling salita, parehong kapakipakinabang at mapaminsala ang sosyal medya. Pero, tanging
nakadepende ito sa gumagamit sa bandang huli. Para naman sa mga kabataan, kailangang balansehin
nila ng tama ang kanilang pag-aaral, pisikal at mental na kalusugan, at sosyal medya. Ang sobrang
paggamit ng kahit anong bagay ay mapaminsala gayun din pagdating sa sosyal medya. Samakatuwid,
sikapin nating mamuhay ng may kasiyahan at may tamang pagbabalanse.

3|Page

You might also like