You are on page 1of 31

VMA GLOBAL COLLEGE & TRAINING CENTERS, INC.

Earl Carol St. Sum-ag, Bacolod City


Form I.D: HSD 025
Rev. No.: 00
Issue. Date: June 30, 2021

LEARNING MODULE

FILIPINO 3
(PAGSULAT SA PILING LARANGAN-AKADEMIK)

PREPARED BY:

MS. CHARLIN G. CABALLERO


Subject Teacher
Date: ______________

VALIDATED BY:

MS. ANN JEANETH A. MAPA


High School Coordinator

APPOVED BY:

JOSE A. BATUIGAS, MAED


Principal
VMA GLOBAL COLLEGE & TRAINING CENTERS, INC.
Earl Carol St. Sum-ag, Bacolod City
LEARNING MODULE Form I.D: HSD 025
Rev. No.: 00
(For Grade 12)
Issue. Date: June 29, 2021

Senior High School: GRADE 12


Program: PRE.BAC. MARITIME

Prepared by: Reviewed/Noted by: Approved by:

CHARLIN G. CABALLERO ANN JEANETH A. MAPA JOSE A. BATUIGAS, MAED


Teacher High School Coordinator Principal
Subject Code: Subject Name: PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING
FILIPINO 2 LARANGAN

Subject Credit Unit(s): Contact Hours for Contact Hours for


80 HRS Lecture/Week: 4 Laboratory/Week: 0

Pre-requisites(s): None

QUARTER/GRADING PERIOD: 2nd Semester, 3rd Quarter and 4th Quarter


KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PAGSULAT
Quarter:3rd Week: 1

In this lesson, you will learn the following:


1.Nabibigyang- kahulugan ang akademikong pagsulat.

LESSON OVERVIEW:

KATUTURAN, LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAGSULAT

Ang PAGSULAT ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa


mga mag-aaral. Ayon kay Cecilia Austria et al. (2009), ang pagsulat ay isang
kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang
pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. Ayon naman kay
Edwin Mabilin et al. (2012), ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil
sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa
pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring
pagsulatan. Sa pamamagitan ng pagsulat, maisatitik ang nilalaman ng isipan,
damdamin, paniniwala at layunin ng tao sa tulong ng mga salita , ayos ng
pangungusap sa mga talata hanggang sa mabuo ang isang akda o sulatin.

May iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsulat. Para sa iba, ito ay nagsisilbing
libangan sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang kanilang
mga ideya at kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila. Anuman
ang dahilan ng pagsulat, ito ay nagdudulot ng malaking tulong sa nagsusulat, sa
mga taong nakabasa nito, at maging sa lipunan sa pangkalahatan sapagkat ang
kanilang mga sinulat ay magiging dokumento ng nakalipas na pangyayari o panahon
na magsisilbing tulay para sa kabatiran ng susunod na henerasyon. Ayon kay
Mabilin (2012), ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaaalamang kailanman
ay hindi naglalaho sa isipan ng mga bumabasa at babasa sapagkat ito ay maaaring
magpasalin-salin sa bawat panahon. Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit
ang kaalamang kanyang ibinahagi ay mananatiling kaalaman.

Kaya naman, sa limang makrong kasanayang pangwika, ang pagsusulat ay


isa rin sa mga dapat pagtuunan ng pansin na malinang at mahubog ng mga mag-
aaral sapagkat dito masusukat ang kanilang kahandaan at kagalingan sa iba’t ibang
disiplina. Sa mga makrong kasanayan kagaya ng pakikinig, pagbabasa, panonood,
madalas ang isang indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng
mga kaalaman sa kaniyang isipan. Subalit sa pagsasalita at pagsulat ang taong
nagsasagawa nito ay nagbabahagi ng kaniyang mga kaisipan at nalalaman tungkol
sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng kaniyang sinabi at isinulat.

LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAGSULAT


Ayon kay Royo, malaki ang maitutulong ng pagsulat sa paghubog ng
damdamin at isipan ng tao. Sa pamamagitan nito, naipapahayag niya ang kaniyang
damdamin, mithiin, pangarap, agam-agam, bungang-isip at mga pagdaramdam.
Dahil din sa pagsulat, nakikilala ng tao ang kaniyang sarili, ang kaniyang mga
kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng kaniyang isipan at ang mga naaabot
ng kaniyang kamalayan. Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay ang mapabatid sa
mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman at mga karanasan ng taong sumusulat.
Kaya naman napakahalaga ng bukod sa mensaheng taglay ng akdang susulatin,
kailangan ang katangiang mapanghikayat upang mapaniwala at makuha ang
atensyon ng mga mambabasa. Mahalagang isaalang-alang ang layuning ito
sapagkat masasayang ang mga isinulat kung hindi ito magdudulot ng kabatiran at
pagbabago sa pananaw, pag-iisip at damdamin ng makakabasa nito.

Ayon kay Mabilin, ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring


mahati sa dalawang bahagi. Una, ito ay maaaring personal o ekspresibo kung saan
ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip o
nadarama ng manunulat. Ang ganitong paraan ng pagsulat ay maaaring magdulot
sa bumabasa ng kasiyahan, kalungkutan, pagkatakot, o pagkainis depende sa
layunin ng taong sumusulat. Ang karaniwang halimbawa nito ay ang ginagawa ng
mga manunulat ng sanaysay, maikling kwento, tula, dula, awit at iba pang akdang
pampanitikan. Pangalawa, ito ay maaari namang maging panlipunan o sosyal kung
saan ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang
ginagalawan. Ang ibang tawag sa layuning ito ng o pagsusulat ay transaksiyonal.
Ang mga halimbawa nito ay ang pagsulat ng liham, balita, korespondensya,
pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasyon at iba pa. Ginagawa ang mga
sulating ito taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay walang iba kundi layuning
makipag-ugnayan sa tao o sa lipunan. Sa kabilang dako, maaari rin namang
magkasabay na maisagawa ang layuning personal at panlipunan partikular sa mga
akdang pampanitikang naisulat bunga ng sariling pananaw ng may-akda na
maaaring magkaroon ng tiyak na kaugnayan sa lipunan tulad halimbawa ng
talumpati na karaniwang binibigkas sa harap ng madla upang maghatid ng mensahe
at manghikayat sa mga nakikinig.

Sa pangkalahatan, narito ang kahalagahan o ang mga benepisyo na


maaaring makuha sa pagsulat:
1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa
pamamagitan ng obhetibong paraan.
2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa
isinagawang imbestigasyon o pananaliksik.
3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa
pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay
sa mga nakalap na impormasyon.
4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa
paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa
pagsulat.
5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at
pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda
ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap.
7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyong mula sa iba’t
ibang kaalaman para sa akademikong pagsusulat.
QUIZ

Panuto: Paghahambing sa layunin ng pagsulat: Suriin ang pagkakatulad at


pagkakaiba ng layunin ng pagsulat (personal at sosyal) ayon kay Mabilin (2012) sa
pamamagitan ng venn diagram.

PERSONAL SOSYAL
(PAGKAKAIBA) (PAGKAKAIBA)

 PAGKAKA-
TULAD
ASSESSMENT/PERFORMANCE TASK:

PANUTO: PAGBUO NG ISLOGAN: Bumuo ng islogan na nagkapagpapahayag ng


paraan sa pagiging responsable sa paggamit ng social media.

Bilang isang mag-aaral na nag-aaral ngayon ng Akademikong Pagsulat ay


magbibigay ka ng mga paraang magpapaalala lalo na sa kapwa mo mag-aaral kung
paano maging responsable at makapagbigay ng inspirasyon sa ating mga isinusulat
o ipino-post sa ating mga social media account.

Ilagay ang iyong gawa sa isang short bond paper at kuhanan ito ng malinaw na
litrato. Ipasa ito sa aking messenger.

Tatayahin ang iyong islogan sa pamamagitan ng isang pamantyan.

Puntos Iskor
Paksa
Ang mensahe ay 25
mabisang naipakita
Pagkamalikhain 20
Maganda at malinaw ang
pagkakasulat ng mga titik
Kalinisan 5
Malinis ang pagkabuo
Kabuuan 50
PAGSULAT
Quarter:3rd Week: 2

In this lesson, you will learn the following:


1.Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit
(c ) Katangian (d) Anyo

GAMIT AT PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT

Masasabing ang pagsulat ay isang talento dahil hindi lahat ng tao ay may
kakayahang lumikha ng isang makabuluhang akda o komposisyon.Kaya naman para
makabuo tayo ng isang magandang sulatin ay kailangang mapukaw ang ating
interes. Kailangan nating mabatid ang mga dapat tandaan sa pagsulat partikular ng
akademikong pagsulat. Narito ang iilan:

1. Wika - Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman,


damdamin, karanasan, impormasyon at iba pang nais ipabatid ng taong nais
sumulat. Dapat matiyak kung anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling
maunawaan sa uri ng taong babasa ng akda. Nararapat magamit ang wika sa
malinaw, masining, tiyak at payak na paraan.
2. Paksa - Ang pagkakaroon ng isang tiyak at magandang tema ng isusulat ay isang
magandang simula dahil dito iikot ang buong sulatin. Kailangan na magkaroon ng
sapat na kaalaman sa paksang isusulat upang maging makabuluhan at wasto ang
mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.
3. Layunin - Ang layunin ang magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o
nilalaman ng iyong isinusulat.
4. Pamamaraan ng pagsulat - May limang paraan ng pagsulat upang mailahad
ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay sa
pagsusulat.
A. Paraang Impormatibo - Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong
impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
B. Paraang Ekspresibo - Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling
opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa
batay sa kaniyang sariling karanasan o pag-aaral.
C. Pamaraang Naratibo - Ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o
magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na
pagkakasunod-sunod.

D. Pamaraang Deskriptibo - Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglalarawan


ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita,
naririnig, natunghayan, naranasan, at nasaksihan. Ito’y maaaring obhitibo at
subhetibo.
E. Pamaraang Argumentatibo - Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa
mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng mga isyu ng argumentong dapat
pagtalunan o pag-usapan.
5. Kasanayang pampag-iisip - Taglay ng manunulat ang kakayang mag-analisa
upang masuri ang mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa
pagsulat. Kailangang makatuwiran ang paghahatol upang makabuo ng malinaw at
mabisang pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating ilalahad.

6. Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat - Dapat ding isaalang-alang


sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaaalaman sa wika at retorika partikular
sa wastong paggamit ng malaki, maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng
bantas, pagbuo ng talata at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang
makabuo ng isang mahusay na sulatin.

7. Kasanayan sa paghahabi ng buong sulatin - Ito ay tumutukoy sa kakayahang


mailatag ang mga kaisipan at impormasyon mula sa panimula hanggang sa wakas
na maayos, organisado, obhetibo at masining na pamamaraan ang isang
komposisyon.

Uri ng Pagsulat

1. Teknikal na Pagsulat - Layunin nitong pag-aralan ang isang proyekto


o kaya naman bumuo ng isang pag-aaral na kailangang para lutasin ang
isang problema o suliranin sa isang tiyak na disiplina o larangan. Isang
praktikal na komunikasyong ginagamit sa pangangalakal at ng mga
propesyunal na tao upang maihatid ang teknikal na impormasyon sa
iba’t ibang uri ng mambabasa. Karaniwang nagtataglay ito ng mga
paksang teknikal.
Halimbawa: Feasibility study, manwal, proyekto sa pag-aayos ng
kompyuter at iba pa.

2. Reperensyal na Pagsulat - Layunin ng sulating ito na bigyang


pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa
ng konseptong papel, tesis, at disertasyon at mairekomenda sa iba ang
mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman
hinggil sa isang tiyak na paksa. Karaniwang makikita ito sa huling bahagi
ng isinagawang pananaliksik o kaya naman ay sa kabanatang
naglalaman ng RRL ( Review of related literature) na pinaghanguan ng
mga prinsipyo at batayan upang makapagbalangkas ng mga konsepto
sa pagbuo ng isinagawang pananaliksik.

3. Dyornalistik na Pagsulat - May kinalaman ito sa mga sulating may


kaugnayan sa pamamahayag tulad ng pagsulat ng balita, editoryal,
lathalain, artikulo at iba pa. Ito ay isinusulat ng mga mamamahayag,
journalist , at iba pang bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo,
at makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa lipunan sa
kasalukuyan na kanilang isinusulat sa mga pahayagan, magasin, o
kaya’y iniuulat sa radyo at telebisyon.

4. Akademikong Pagsulat - Isa itong intelektwal na pagsulat. Ang


gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang
indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayon kay Carmelita Alejo et al.
Layunin nito na ipakita ang resulta sa pagsisisyasat o ng isang
ginawang pananaliksik.

5. Malikhaing Pagsulat - Layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw


ng damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga
mambabasa. Mabibilang sa uring ito ang maikling kwento, dula, tula,
malikhaing sanaysay, gayundin ang mga komiks, iskrip ng teleserye,
kalyeserye, musika, pelikula at iba pa.

6. Propesyonal na Pagsulat - Sulating may kinalaman sa isang tiyak


na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Sulatin ito hinggil sa
napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. Halimbawa sa guro-
pagsulat ng lesson plan, paggawa at pagsusuri ng kurikulum, para sa
mga doktor o nars- paggawa ng medical report, narrative report tungkol
sa physical examination sa pasyente at iba pa.

QUIZ
PANUTO: Suriing mabuti ang mga halimbawa ng uri ng pagsulat at
isulat ang sagot sa patlang.

1. __________________ 2.______________________

3._______________________ 4._____________________________

ASSESSMANT/PERFORMANCE TASK
PANUTO: Magsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan at
katangian ng uri ng akademikong sulatin na Abstrak, Sinopsis, at Bionote sa tulong
ng graphic organizer.

Uri ng Akademikong Sulatin:


ABSTRAK

Nasaliksik

Kahulugan

Katangian

Sanggunian

AKADEMIKO AT DI- AKADEMIKONG PAGSULAT

Quarter:3rd Week: 3
In this lesson, you will learn the following:
 Nakapagsagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,
kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko.

LESSON OVERVIEW:

Mga Gawaing Pangpag-iisip sa Akademiya

Ang salitang Akademiya ay mula sa salitang Pranses na academie , sa Latin


academia at sa Griyego na academeia. Ito ay isang institusyon ng kinikilala at
respetadong mga iskolar, artista, at siyentista na ang layunin ay isulong, paunlarin,
palalimin at palawakin ang kaalaman at kasanayang pangkaisipan upang mapanatili
ang mataas na pamantayan ng partikular na larangan. Isa itong komunidad ng mga
iskolar. Ang tao o ang sarili ay isang dunamikong puwersa ng buhay na may
kakayahang mag-isip nang kritikal o mapanuri maging mapanlikha at malikhain at
malayang magbago at makapagpabago. Ganito ang isang mag-aaral na lalo pang
hinuhubog ng akademiya.

Malikhain at Mapanuring Pag-iisip


Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan,
pagpapahalaga at talino upang epektibong harapin ang mga sitwasyon at hamon sa
buhay-akademiko at maging sa gawaing di akademiko. Nagtutulungan ang
dalawang kakayahang ito upang makabuo ng mga paniniwala sa buhay at
pagdedesisyon. Hindi kailangang maging henyo o talentado upang maging
malikhain. Sa akademiya, ang mga katangiang ito ay nililinang at pinapaunlad sa
mga mag-aaral. Malaki ang maitutulong nito upang mapagtagumpayan ang mga
hamon sa , trabaho at araw-araw na pamumuhay.

Akademiko vs Di-akademiko
Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo
Pranses: Academique ; Medieval Latin: Academicus noong gitnang bahagi ng ika-16
na siglo. Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarship, institusyon o
larangan ng pag-aaral na nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat at pag-aaral kaiba
sa praktikal o teknikal na gawain (www.oxforddictionaries.com)
Tinatawag na mga larangang akademik, akademiko, akademiks o
akademikong disiplina ang mga kurso sa kolehiyo. Ang mga ito ang pagpipilian ng
mga mag-aaral kapag dinesisyunan na magpatuloy sa kolehiyo.

Sa Akademiya, nililinang dito ang mga kasanayan at natutuhan ang mga


kaalamang kaugnay sa larangang pinagkakadalubhasa. Kasanayan sa pagbasa,
pakikinig, pagsasalita, panonood at pagsulat ang nagpaunlad sa pagsasagawa ng
mga gawain sa larangan. Analisis, panunuring kritikal, pananaliksik at
eksperimentasyon ang mga isinasagawa rito. Ginagabayan ito ng etika,
pagpapahalaga, katotohanan, ebidensya at balanseng pagsusuri. Sa kabilang dako,
ang mga di-akademikong gawain ay ginagabayan ng karanasan, kasanayan, at
common sense.

Akademiko Di-akademiko
Pananaw Obhetibo, hindi direktang Subhetibo, sariling
tumutukoy sa tao at opinyon, pamilya,
damdamin kundi sa mga komunidad ang pagtukoy,
bagay, ideya at tao at damdamin ang
katotohanan, ito’y nasa tinutukoy, nasa una at
pangatlong panauhan ang pangalawang panauhan
pagkakasulat. ang pagkakasulat.
Audience Iskolar , mag-aaral, guro, Iba’t ibang publiko
(akademikong komunidad)
Layunin Magbibigay ng ideya at Magbibigay ng sariling
impormasyon opinyon
Paraan o Batayan ng Obserbasyon, Sariling karanasan,
Datos pananaliksik at pagbasa pamilya at komunidad.
Organisasyon ng Ideya Planado at makakaugnay Hindi malinaw ang
ang mga ideya, may istruktura, hindi kailangang
pagkakasunod-sunod ang magkaugnay ang mga
estruktura ng mga ideya.
pahayag.

Kabilang sa mga halimbawa ng akademikong gawain ang sumusunod:


pagbasa ng ginagamit na teksto sa klase, pakikinig ng lektyur, panonood ng video o
dokumentaryo, pagsasalita at pakikipagdiskurso sa loob ng klase o isang
simposyum at pagsulat ng sulatin sa mga akdang pampanitikan at posisyong papel,
panukalang proyekto, case studies, pamanahong papel o pananaliksik, pagsulat ng
artikulo, lakbay-sanaysay, larawang sanaysay, talumpati, pagbubuod, memorandum,
adyenda at katitikan ng pulong at iba pa.
Halimbawa ng mga di-akademikong gawain ang panonood ng pelikula o video
upang maaliw,o magpalipas-oras, pakikipag-usap sa sinoman ukol sa paksang di-
akademiko, pagsulat sa isang kaibigan, pakikinig sa radyo at pagbasa ng komiks,
magasin o diyaryo.
Pinahahalagahan at pinatutunayan ang katangiang ito sa teoryang
pangkomunikasyon ni Cummins (1979) kung saan pinag-iba niya ang kasanayang
di-akademiko (ordinaryo, pang-araw-araw) sa kasanayang akademiko (pang
eskwelahan, pang-institusyon). Tinawag niyang Basic Interpersonal Communi-
cation Skills (BICS) ang una at Cognitive Academic Language Profeciency (CALP)
naman ang huli. Batay sa mga usapan, praktikal, personal at impormal na mga
gawain ang BICS samantalang pormal at intelektwal ang CALP.

Ang paggamit ng Akademikong Filipino sa Paggawa ng Akademikong


Pagsulat

Madalas iniuugnay ang akademikong pagsulat sa akademiya. Ito ay


tumutukoy sa institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng
mataas na kasanayan at karunungan. Ang mga elementong ito ay bumubuo ng mga
guro, mag-aaral, administraodr, gusali, kurikulum, at iba pa. Hindi magaganap ang
anumang adhikain ng isang akademiya kung wala ang wika. Sa pag-aaral ng
kursong ito, ang Akademikong Filipino ang gagamitin sa akademiya. Sa paggamit
nito, malinaw sa isip ng gumagamit nito, ito man ay sa paraang pasalita at pasulat.
Ang kahalagahan sa pagsunod sa mga alituntunin sa paggamit ng wikang filipino
upang ito’y maging istandard at magamit bilang wika ng intelektwalisasyon.

Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang akademikong pagsulat ay


nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon itong
isang paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanay ang mga
pangungusap, talata, upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at
paliwanag ng mga ito. Ang karaniwang estruktura ng isang akademikong sulatin ay
may simula na karaniwang nilalaman ng introduksyon, gitna na nilalaman ng mga
paliwanag at wakas na nilalaman ng resolusyon, kongklusyon, at rekomendasyon.

Sa pagbuo ng akademikong sulatin nakadepende sa kritikal na pagbasa ng


isang indibidwal (Arrogante et al. 2007). Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang
husay ng manunulat dahil may kakayahan siyang mangalap ng mahahalagang
datos, mag-organisa ng mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay magsuri, marunong
magpahalaga sa orihinalidad ng gawa at may inobasyon at kakayahang gumawa ng
sintesis. Sa pagsulat ng sulating pang-akademiko, gumagamit ng piling -piling salita
at isinasaalang-alang ang target na mambabasa. Mahigpit din sa paggamit ng
bantas at baybay ng salita dahil ang mga sulating ito ay nakatuon sa pagbibigay ng
kaalaman.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat

1. Obhetibo - Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan na mga impormasyon.


Iwasan ang mga pahayag na batay sa sariling pananaw o ayon sa haka-haka o
opinyon.

2. Pormal - Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip,


gumagamit ng mga salitang pormal na madaling maunawaan ng mga mambabasa.
Ang tono o ang himig ng impormasyon ay dapat maging pormal din.

3. Maliwanag at Organisado - Sa paglalahad ay nararapat na maging malinaw at


organisado ng mga kaisipan at datos. Nakikitaan ng maayos na pagkakasunod-
sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na binubuo nito. Ang
pangunahing paksa ay dapat nabibigyang-diin sa sulatin.

4. May Paninindigan - Mahalagang mapanindigan ng sumulat ang paksang nais


niyang bigyang-pansin o pag-aralan, ibig sabihin hindi maganda ang pabago-bago
ng paksa. Ang layunin nito ay mahalagang mapanindiganan niya hanggang sa
matapos niya ang kaniyang isusulat. Maging matiyaga sa pagsasagawa ng
pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat ng napiling
paksa.

5. May Pananagutan - Ang mga sanggunian na ginamit sa mga nakalap na datos o


impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala. Ito ay isang etika at
pagbibigay galang sa awtoridad na ginamit bilang sanggunian.
QUIZ/ACTIVITY

Panuto: Ipabatid sa Bawat Letra sa akrostik na paraan, gawan ng lagom ng aralin


ang salitang Akademiko.
( Ang akrostik ay isang tula o iba pang uri ng kasulatan na kung saan ang unang titik
ng bawat linya ay bumubuo ng espesyal na salita o mensahe).
A-
K-
A-
D-
E-
M-
I-
K-
O-

ASSESSMENT/ PERFORMANCE TASK

Panuto: Bumuo ng video o drawing na may layong kumbinsihin ang mga kaklase mo
upang kunin din nila ang kursong napili mo sa kolehiyo. Gawin mo itong malikhain at
masining.
Puntos
Mapanghikayat ang ginawang 1-20
bidyo/drawing.
Malinaw at Malinis ang pagkakagawa 1-15
Orihinal na gawa 1-10
Malikhain 1-5
Kabuuan 50

PAGSULAT NG IBA’T IBANG SULATIN


Quarter:3rd Week: 4

In this lesson, you will learn the following:


Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling
akademikong sulatin.

LESSON OVERVIEW:

IBA’T IBANG AKADEMIKONG SULATIN

PAGTATAYA:

Panuto: Basahing mabuti kung ano ang tinutukoy ng mga pangungusap


sa ibaba.Piliin ang titik ng tamang sagot sa na matatagpuan sa loob ng
kahon at isulat ito sa iyong kuwaderno.

1. Ito ay isang sulating nagpapaliwanag ng isang paksang naglalayong


manghikayat, tumugon, mangatwiran at magbigay ng kabatiran o
kaalaman.

2. Tala o rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong


nailahad sa isang pagpupulong.

3. Ito ay naglalayong maipaglaban kung ano ang alam mong tama. Ito
ay nagtatakwil ng kamalian na hindi tanggap ng karamihan.
4. Kakikitaan ito ng mas maraming larawan o litrato kaysa sa mga salita.

5. Ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang


academic career at iba pang impormasyon ukol sa kanya.

6. Ito ang kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan


ng buod, tulad ng maikling kwento.

7. Makapaglatag ng proposal sa proyektong nais ipatupad at mabigyan


ng resolba ang mga problema at suliranin ang layunin nito.

8. Layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksang tatalakayin sa


pagpupulong na magaganap para sa kaayusan at organisadong
pagpupulong.

9. Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para


sa tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at report. Layunin nitong
mapaikli o mabigyan ng buod ang mga akademikong papel.

10.Ito ay isang uri ng sanaysay na makapagbabalik-tanaw sa


paglalakbay na ginawa ng manunulat.

11. Nakapaloob dito ang oras, petsa at lugar ng gaganaping


pagpupulong.

12. Itinuturing itong isang intelektwal na pagsulat.

13. Pormal at organisado para sa kaayusan ng daloy ng pagpupulong.

14. Kinapapalooban ng overview ng akda. Organisado ayon sa sunod


sunod na pangyayari sa kwento.

15.Hindi gaanong mahaba, organisado ayon sa pagkakasunod sunod ng


nilalaman.

PAGLALAHAD:
Ang akademikong sulatin ay isang intelektwal na pagsulat.
Makatutulong ito sa pagpapataas ng kaalaman sa iba’t ibang larangan.
Ito ay para din sa makabuluhang pagsasalaysay na sumasalamin sa
kultura, karanasan, reaksyon at opinyon base sa manunulat. Ginagamit
din ito upang makapagpabatid ng mga impormasyon at saloobin.
Ang akademikong sulatin ay maaaring, naglalahad,
nagsasalaysay,
naglalarawan at nangangatuwiran. Ang mga sulatin ay maaaring
magkaiba ayon sa anyo, katangian at gamit nito.

Ang ilan sa mga halimbawa ng akademikong sulatin na naglalahad ay;


1. Abstrak
2. Sinopsis
3. Buod
4. Bionote

Ang mga halimbawa naman ng akademikong sulatin na


nangangatuwiran ay ang mga sumusunod:
1. Panukalang proyekto
2. Posisyong papel
3. Talumpati

Ang mga sulating akademiko naman na naglalarawan ay;


1. Lakbay Sanaysay
2. Photo essay
3. Replektibong sanaysay
PAGSASANAY

1. Basahin ang mga halimbawang akademikong sulatin.


2. Suriin ito ayon sa layunin, katangian at gamit nito.
3. Punan ang talahanayan sa ibaba.

PAGLALAPAT
Maghanap sa internet ng mga online journal. Pumili ng limang
akademikong sulatin batay sa iyong interes. Punan ang gabay na
talahanayan ng iyong nasaliksik. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Pamantayan sa Pagsagot
A. Kaugnayan sa paksa- 20
B. Kaangkupan ng nilalaman- 20
C. Wastong baybay ng mga salita 10
Kabuuan: 50

BIONOTE
Quarter:3rd Week: 5

In this lesson, you will learn the following:


 Nakakasulat nang maayos na akademikong sulatin
 Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng
akademikong sulatin.

PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at alamin kung ito ba ay tama o mali.
Isulat ang letrang T kung tama ang pahayag at letrang M kung mali ang pahayag.
________ 1. Ginagamit ang pangatlong panauhan sa pagsulat ng bionote.
________ 2. Ang bionote ay isang impormatibong talata na nagpapaalam sa mga
mambabasa kung ano ang nagawa mo bilang propesyunal.
________ 3. Ang bionote at autobiograhy ay magkatulad.
________ 4. Ang talambuhay ay mas maikli at mas siksik kaysa sa bionote.
________ 5. Ang biodata at bionote ay magkaiba.
________ 6. Ang curriculum vitae at bionote ay iisa lamang.
________ 7. Kinakailangang mahaba ang gagawing bionote upang mas makilala
ang manunulat.
________ 8. Sa pagsulat ng bionote mahalagang kilalanin muna ang iyong
mambabasa.
________ 9. ang bionote ay mahalaga sapagkat ito’y ginagamit upang itanghal ang
mga natamo ng isang indibidwal.
________ 10. Sa pagsulat ng bionote mahalagang baguhin ang mga natamo ng
isang indibidwal upang mas galangin siya ng mambabasa.

PAGLALAHAD
Ano ang Bionote?
Ang bionote ay impormatibong talata na nagpapaalam sa mga mambabasa
kung sino ka o ano-ano na ang nagawa mo bilang propesyonal. Inilalahad din dito
ang iba pang impormasyon tungkol sa iyo na may kaugnayan sa paksang tinalakay
sa papel, sa trabahong ibig pasukan, o sa nilalaman ng iyong blog o website. Iba
ang bionote sa talambuhay at autobiography. Ang bionote ay maikli at siksik,
samantalang mas detalyado at mas mahaba qang talambuhay at autobiography.

Iba rin ang bionote sa biodata at curriculum vitae o CV. Hinihingi sa biodata
ang mga personal na impormasyon tulad ng pangalan, kasarian, edad, petsa at
lugar ng kapanganakan, tangkad, timbang, at iba pa. Karaniwan itong ginagamit ng
mga nagnanais magtrabaho sa gobyerno. Makikita naman sa CV ang mga detalye
tungkol sa natamong edukasyon, nakaraang trabaho, mga kasanayang may
kaugnayan sa inaaplayang posisyon o trabaho, mga nilahukang seminar o
kumperensya, at iba pa. Karaniwan itong ginagamit ng mga akademiko.

Bakit nagsusulat ng Bionote?


Nagsusulat tayo ng bionote upang ipaalam sa iba hindi lamang ang ating
karakter kundi maging ang ating kredibilidad sa larangang kinabibilangan. Ito ang
paraan upang ipakilala ang sarili sa mga mambabasa. Halimbawa, hindi
tatangkilikin ng mga paaralan ang isang batayang aklat sa accountancy kung
makikita sa author’s profile na wala naman talagang backgorund ang awtor sa
larangang ito. Hindi rin matatanggap bilang industrial engineer ang isang
aplikanteng ang nakasulat sa bionote ay tungkol sa mga kasanayan sa pagluluto.
Kung makikita naman ng mga mambabasa na ang isang blogger na nagsusuri ng
mga aklat ay hindi gaanong mahilig magbasa, nawawalan sila ng interes na basahin
ang kaniyang mga rebyu.

Sa pagsulat ng bionote, mahalagang malinaw ang layunin o mga layunin


sa pagsulat nito. Kailangang ding tukuyin kung sino ang magbabasa nito at ang ibig
mong isipin nila tungkol sa iyo.

Mga Katangian ng Mahusay na Bionote

Katulad ng iba pang akademikong sulatin, hindi basta-basta ang pagsulat


ng bionote. Sa katunayan, marami ang hindi nagtatagumpay sa pagsulat nito.
Karaniwang hindi nagtutugma ang gustong sabihin ng awtor at gustong mabasa ng
mambabasa. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang mahusay na bionote:

✓ Maikli ang nilalaman. Karaniwang hindi binabasa ang mahahabang bionote,


lalo na kung hindi naman talaga kahanga-hanga ang mga dagdag na impormasyon.
Ibig sabihi, mas maikli ang bionote, mas babasahin ito. Sikaping paikliin ang iyong
bionote at isulat lamang ang mahahalagang impormasyon. Iwasan
angpagyayabang.

✓ Gumagamit ng Pangatlong Panauhang pananaw. Tandaan, laging gumamit ng


pangatlong panauhang pananaw sa pagsulat ng bionote kahit na ito pa ay tungkol sa
sarili. Halimbawa, “Si Roshelle G. Abella ay nagtapos ng MA- Filipino
sa Unibersidad ng Foundation. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng Piling Larangan
sa Negros Oriental High School.”

✓ Kinikilala ang Mambabasa. Kailangang isaalang-alang ang mambabasa sa


pagsulat ng bionote. Kung ang target na mambabasa ay mga administrador ng
paaralan, kailangang hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap
nila. Halimbawa, ano ang kalipikasyon at kredibilidad mo sa pagsulat ng
batayang aklat.

✓ Gumagamit ng baligtad na tatsulok. Katulad sa pagsulat ng balita at iba pang


obhetibong sulatin, unahin ang pinakamahalagang impormasyon. Bakit? Ito ay
dahil sa ugali ng maraming taong basahin lamang ang unang bahagi ng sulatin.
Kaya naman sa simula pa lamang ay isulat na ang pinakamahalagang
impormasyon.

✓ Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian. Iwasan ito. “Si


Ronalyn Jane ay guro/manunulat/mang-aawit/negosyante/chef.” Mamili
lamang ng mga kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng iyong bionote.
Kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan, halimbawa, hindi na kailangang
banggitin sa bionote ang pagiging negosyante o chef.

✓ Binabanggit ang degree kung kailangan. Kung may PhD sa antropolohiya,


halimbawa, at nagsusulat ng artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag sa Cagayan,
mahalagang isulat sa bionote ang kredensyal na ito.

✓ Maging matapat sa Pagbabahagi ng Impormasyon. Walang masama kung


paminsan-minsan ay magbubuhat ng sariling bangko kung ito naman ay
kailangan upang matanggap sa inaaplayan o upang ipakita sa iba ang
kakayahan. Siguruhin lamang na tama o totoo ang impormasyon. Huwag mag
iimbento ng impormasyon para lamang bumango ang pangalan at makaungos
sa kompetisyon. Hindi ito etikal at maaring mabahiran ang reputasyon dahil dito.

✓ Halimbawa ng bionote ng isang manunulat

Bionote Ni G.Patronicio Villafuerte

Si Patrocinio Villafuerte y isang guro at manunulat sa Filipino. Siya ay


ipinanganak noong ika-7 ng Mayo 1948 sa San Isidro, Nueva Ecija. Isa siyang
manunulat na may bilang na 145 na akda. Nagtapos siya ng Batsilyer sa Agham sa
Edukasyon. PAngulo siya ngayon ng Departamento ng Pilipino sa Philippine Normal
University. Marami siyang nakuhang mga parangal sa iba’t ibang paggawad, tulad
ng Gawad Merito na kanyang nakuha at nakamit sa Manuel Luis Quezon University.

Tumanggap rin siya ng mga parangal. Ang kanyang kauna-unahang


nakamit ay mula sa Genoveva Edroza Matute Professional Chain in Filipino,
Sampung gawad Surian Gantimpalang Collanters. Dalawang Presidential
Awards sa Malacañan Palace at walong Carlos Palanca Memorial Awards For
Literature. Pinarangalan ng Komisyon ng Wikang Filipino, PNU Alumni
Association, Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino (KAPPIL), Ninoy Aquino
Foundation at Philexers.
Mga Gawain

Panuto: Makikita sa ibaba ang isang organizational chart, base sa iyong sariling
pagkakaintindi. Isulat ang kahulugan ng salitang “bionote” sa bawat bilog na
nakapaligid dito. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
PAGLALAPAT
Panuto: Sumulat ka ng isang bionote batay sa impormasyon sa ibaba. Gawin ito
sa iyong kuwaderno habang ginagabayan ka ng rubric na makikita sa ibaba.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mag-aaplay ka ng trabaho. Tumingin ka ng


mga bakanteng posisyon bilang IT assistant sa isang job portal sa Internet. Natuwa
ka naman dahil maraming kompanya ang nangangailangan ng IT assistant.
Napansin mong halos lahat ng inaaplayan mo ay nanghihingi ng bionote maliban sa
resume, pormularyo ng aplikasyon, at scanned na kopya ng diploma at transcript of
records. Dahil dito, magsusulat ka ng isang bionote na babasahin ng mga kinatawan
ng HR ng kompanyang inaaplayan mo. Ang malaking puntos ng iyong aplikasyon ay
nakabatay rito, kaya kailangan mong husayan. Tatayain ang iyong bionote ayon sa
kaangkupan ng mga impormasyon sa posisyong inaaplayan, organisasyon ng
talaata, at grammar.

You might also like