You are on page 1of 6

TALA Paaralan BALAYAN SENIOR HIGH SCHOOL (342209) Baitang 11

Filipino sa Piling
SA Guro SHIELO MARIE A. BACAR Asignatura
Larang (Akademik)
Marso 10, 2022
Petsa/Oras Semester IKALAWA
PAGTUTURO 8:15-9:15 ng umaga

LUNES
Sa katapusan ng aralin, inaasahan na maisasakatuparan ang sumusunod na layunin:
- Natutukoy ang layunin, gamit, katangian at anyo ng akademikong sulatin
I. Layunin - Naipapahayag ang kahalagahan ng iba’t ibang anyo ng akademikong pagsulat sa napiling larangan sa
hinaharap
- Nasusuri ang iba’t-ibang anyo ng akademikong sulatin.
A. Pamantayang Pangnilalaman Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sap ag-
aaral sa iba’t ibang larangan
B. Pamantayan sa Pagganap Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
(MELC) (a) Layunin (b)gamit (c) katangian (d) anyo

II. NILALAMAN
AKADEMIKONG PAGSULAT
III. KAGAMITAN PANTURO N/A
A. Mga Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC SHS p 559, BOW, LAS (IKA-2 LINGGO)
2. Mga Pahina sa Kagamitang Filipino Sa Piling Larang LAS, pahina 1-6
Pang-Mag-aaral
3. Mga Pahina saTeksbuk pahina 1-6
4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal N/A
ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa N/A
mga Gawain sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula A. Pagpapakilala ng aralin sa mga mag-aaral

Ang kasanayan sa pagsulat ng mga anyo ng akademikong sulatin ay gawaing nakatutulong sa


pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Kaya naman inaaasahan na ang isang
mag-aaral na katulad mo ay patuloy sa paglinang ng kakayahan sa gawaing ito, nagsasagawa ng mga
pamamaraan upang lalo pang mapaunlad ang kakayahan sapagkat lubha itong makatutulong sa iyong napiling
larangan sa hinaharap.

MOTIBASYON: PUNAN ANG KULAY!


Panuto: Punan ng tamang impormasyon ang bawat kulay ng talahanayan.

Sa iyong palagay, alin sa mga anyo at katangian ng akademikong pagsulat ang alam mo na o bihasa ka ng
gawin? Alin naman sa mga ito ang dapat mo pang tutukan at sanayin? Isagawa ang hinihingi ng talahanayan
sa ibaba.

Anyo ng akademikong pagsulat na bihasa o Anyo ng akademikong pagsulat na dapat


alam ng gawin pang tutukan at sanayin
Anyo: Anyo:

Layunin at Gamit: Layunin at Gamit:

Katangian: Katangian:

Pamprosesong tanong: Paano kaya makatutulong ang iyong kaalaman sa iba’t ibang anyo ng
akademikong pagsulat sa iyong napiling larangan sa hinaharap?
(Maaaring i-post/ibahagi ang sagot sa anumang social media applications, gamitin ang section
bilang hashtag)
B. Pagpapaunlad A. PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA ARALIN
Layunin ng Pagsulat ayon kay Royo
1. Naipapahayag ang damdamin, mithiin, pangarap, agam-agam, bungang-isip, at mga pagdaramdam.
2. Nakikilala ng tao ang kanyang sarili, ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng
1
kanyang isipan, at mga naabot ng kanyang kamalayan.
3. Pangunahing layunin ay mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman, at mga karanasan
ng taong sumusulat.

Layunin ng Pagsulat ayon kay Mabilin


1. Personal o ekspresibo - ang layunin ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o
nadarama ng manunulat.
2. Panlipunan o sosyal- layunin na makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan at
tinatawag din transaksiyonal.
Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat
1. Wika
2. Paksa
3. Layunin
4. Pamamaraan sa pagsulat
a. Pamaraang Impormatibo d. Pamamaraang Deskriptibo
b. Paraang Ekspresibo e. Pamamaraang Argumentatibo
c. Pamamaraang Naratibo
5. Kasanayang pampag-iisip
6. Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat
7. Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin

Mga Anyo ng Akademikong Pagsulat ayon kay Dr. Mabilin


1. Malikhaing Pagsulat
2. Teknikal na Pagsulat
3. Propesyonal na Pagsulat
4. Dyornalistik na Pagsulat
5. Reperensiyal na Pagsulat

C. Pakikipagpalihan Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Isa sa pinagmamalaki ni Shayne bilang doctor ay ang kahusayan niya sa pagsulat ng medical report. Anong
anyo ng akademikong pagsulat mahusay ni Shayne?
a.Reperensiyal na pagsulat
b.Teknikal na pagsulat
c. Malikhaing pagsulat
d. Propesyonal na pagsulat
2. Ibinigay na kasunduan ng guro para sa susunod na araw ng klase ang pagsulat ng pictorial essay. Anong
anyo ng akademikong pagsulat ang pictorial essay?
a. Reperensiyal na pagsulat
b. Teknikal na pagsulat
c. Malikhaing pagsulat
d. Propesyonal na pagsulat
3. Alin sa mga sumusunod na sulatin ang may kinalaman sa pagsulat ng balita, editorial, lathalain at iba pa?
a. Malikhaing pagsulat
b. Dyornalistik na pagsulat
c. Propesyonal na pagsulat
d. Teknikal na pagsulat
4. Nahirapan si Anne na gamitin ang bagong biling cellphone, kaya binasa muna niya ang kalakip na manwal
sa paggamit. Ang manwal ay halimbawa ng ______________ na pagsulat.
a. Malikhaing pagsulat
b. Reperensiyal na pagsulat
c. Propesyonal na pagsulat
d. Teknikal na pagsulat
5. Etika sa pagsulat ng pananaliksik ang kilalanin ang mga pinaghanguan ng impormasyon ng isang
manunulat, kaya sa huling bahagi ng papel na binuo ni Kyle hindi niya ito kinalimutan. Ito ay isang halimbawa
ng ___________ na pagsulat.
a. Malikhaing pagsulat
b. Reperensiyal na pagsulat
c. Propesyonal na pagsulat
d. Teknikal na pagsulat

Pagbibigay ng link sa youtube hinggil sa Akademikong Pagsulat bilang dagdag kaalaman:

https://youtu.be/AjS988EGi00
https://youtu.be/JDjvAFN4G3A

D. Paglalapat GAWAIN
Panuto: Basahin ang nakalaang mga halimbawa ng iba’t ibang akademikong sulatin batay sa layunin. Tukuyin
at ilahad ang katangian at layunin ng bawat isa. Isulat ang sagot sa talahanayan.

PAGSUSURI
Unang sulatin (Sangkap sa pagluluto ng Kare- Ikalawang Sulatin (Bakit ngayon lang sila pumalag

2
kareng Baka) sa Anti-Terror Law)
Anyo:

Katangian:

Layunin:

Pagbubuod ng aralin
Mahalagang matutuhan ang layunin, gamit at katangian ng iba’t ibang anyo ng akademikong pagsulat
V. PAGNINILAY sapagkat_________________________________________________________________________________
(Pagninilay sa mga Uri ng Formative ________________________________________________________________________________________
Assessment na Ginamit sa Araling ito)
________________________________________________________________________________________

Inihanda ni: Sinuri at Pinatunayan ni:

SHIELO MARIE A. BACAR MYRA M. ABSIN


Guro Dalubhasang Guro II

Pinagtibay ni:

ELEAZAR C. MAGSINO, PhD


Punongguro II

3
Unang Sulatin: Sangkap sa pagluluto ng Kare-kareng Baka.
1 piraso ng buntot ng baka (1 ½ kilo) 10 tasa ng kumukulong tubig
10 tasa ng malamig na tubig 1 ulo ng bawang, pinitpit
2 piraso ng sibuyas, tinadtad 4 piraso ng kamatis, tinadtad 2 kutsara ng atsuwete
1 tasa ng katamtamang lamig na tubig 4 kutsara ng peanut butter
1 pakete ng kare-kare mix
½ kilo ng pechay tagalog
¼ kilo ng abitsuwelas (baguio beans), hiniwa sa 1" ang haba
½ kilo ng bataw, hiniwa ng 2" pahilis
½ kilo ng sigarilyas, hiniwa ng 2" ang haba 1 tali ng sitaw, hiniwa ng 2" ang haba
1 piraso ng talong, hiniwa ng 2" ang haba at lapad
1 piraso ng puso ng saging, hiniwa sa 2" ang haba at kapal 1 ulo ng repolyo, hiniwa ng 2" ang haba at
lapad
3 kutsara ng mantika 1 kutsarita ng asin

Paraan ng pagluto
Para sa buntot ng baka
1. Ihulog ang hiniwang buntot sa kumukulong tubig. Gawing dahan-dahan nang hindi mabanlian.
2. Takpan at pabayaang kumulo sa loob ng 7 minuto.
3. Hanguin at inumin ang sabaw.
4. Linising mabuti ang buntot, kaskasin ang lahat ng dumi, at alisin ang balahibo sa balat.
5. Lamasin sa kaunting apog at hugasang mabuti.

Paggisa ng buntot
1. Igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis sa mantika.
2. Takpan sa loob ng 3 minuto.
3. Halu-haluin.
4. Isama ang mga pira-pirasong buntot.
5. Takpang muli sa loob ng 3 minuto.

Pagluto ng ibang sangkap


1. Sa malalim na lutuan, isalin ang ginisang buntot ng baka.
2. Ibuhos ng malamig na tubig at takpan.
3. Lutuin muna sa malakas na apoy.
4. Pag kumulo na, halu-haluin at hinaan ang apoy.
5. Takpang muli hanggang lumambot ang buntot.
6. Minsan-minsang haluin upang huwag manikit sa ilalim ng kaldero.
7. Kapag malambot na ang buntot, isama ang kare-kare mix.
8. Katasin ang atsuwete sa 1 tasang tubig, ihalo at ibuhos.
9. Kapag kumulo ay isama ang bataw, sigarilyas, sitaw, at puso ng saging.
10. Halu-haluin at takpan sa loob ng 5 minuto.
11. Isama ang peanut butter, halu-haluin at isama ang abitsuwelas (Baguio beans) at talong. Takpan.
12. Pagkaraan ng 3 minuto, isama ang repolyo, pechay, at asin. Halu-haluin.
13. Hinaan sa katamtamang apoy, at pabayaang kumulo ng 3 minuto.
14. Ihaing mainit kasama ng bagoong alamang o binagoongang baboy.

4
Ikalawang Sulatin: Bakit ngayon lang sila pumalag sa Anti-Terror Law
Ayaw tumigil ng mga kumokontra sa Anti-Terrorism Bill. Iba-ibang personahe ang tumututol --- may mga nasa akademya, nasa
simbahan, pulitiko at mga civic group. Hindi ko kailangang isa-isahin ang kanilang mga pangalan dahil naglabasan na sa iba’t ibang
media. Ang magandang sitwasyon sa puntong ito ay nagbigay na ng pahayag ang Palasyo sa mga umaapela’t kumokontra. Tutugon ang
pamahalaan. Yuyuko sa anumang magiging desisyon ng Korte Suprema sa inihahaing temporary restraining order at writ of preliminary
injunction.
Kapag hindi pa kuntento sa desisyon ng Korte Suprema, puwede pa itong dalhin sa international court. Eto naman kasi ang
saysay ng demokrasya sa Pilipinas may malayang pamamahayag, malayang kumontra sa mapayapa at matuwid na pamamaraan. Tulad
nga ng kontrobersiyal na Anti-Terror Law na pinagduduldulang labag sa konstitusyon o Saligang Batas. Ang nakakatawa kasi sa mga
kolokoy at kolokay, nagkaroon nang mahabang panahon ng deliberasyon pero hindi sila nagsipagpalagan. Nagkaroon ng imbitasyon at
representante ang lahat ng sektor ng lipunan kasama na rito ang Commission on Human Rights (CHR) at si Sen. Risa Hontiveros bilang
representante ng Liberal. Mula sa pahayag ni Sen. Ping Lacson sa media, wala naman daw ginawang mga pagtutol at sa halip ay
isinama pa sa probisyon ang kanilang mga rekomendasyon. Ang ending, nagsilutang ang mga balimbing at may mga sakit na kalimot.
Nasa publiko na ang pag-oobserba, unti-unti na nating- nakikilatis ang uri ng mga pulitikong iniluklok natin sa puwesto.

Rubriks sa pagmamarka ng pagsusuri


KATEGORYA NAPAKAHUSAY NA MAHUSAY NA BAHAGYANG HINDI NAKAMIT WALANG TARGET NATAMONG ISKOR
NAKAMIT ANG NAKAMIT ANG NAKAMIT ANG ANG NAPATUNAYAN (1) ISKOR
INAASAHAN INAAASAHAN INAASAHAN (5) INAASAHAN (3)
(10) (7)
PANIMULA Ang panimula Ang Sinubukan ng Hindi Nakasulat ng 10
ng teksto ay panimulang manunulat na makatawag- simula subalit
nakatatawag ng bahagi ay lapatan ng pansin ang hindi kinakitaan
pansin at ginamitan ng mahusay na panimula at ng kahusayan at
angkop sa mahusay na panimula walang kalinawan
paksa. panimula ngunit walang kaugnayan sa
Ginamitan ng subalit hindi koneksiyong sa paksa.
isang mahusay makatawag- paksa.
na panimula. pansin.
KAUGNAYAN Malinaw ang Hindi gaanong Hindi maayos Nakalilito at Nakasulat ng 10
NG MGA pagkakasunod- mahusay ang ang walang simula subalit
KAISIPAN sunod ng pagkakasunod- pagkakasunod- pagkakaugnayan hindi kinakitaan
kaisipan. Ang sunod ng sunod ng mga ang mga nang maayos na
paliwanang ay kaisipan. kaisipan na kaisipan. ugnayan ng
madaling halos hindi mga kaisipan
maunawaan at maunawaan
nakalilibang ang puntong
basahin. ipinababatid.
KAANGKUPAN Lahat ng Karamihan sa May isa lamang Lahat ng Nakasulat 10
NG PALIWANAG paliwanag ay mga paliwanag na paliwanag paliwanag ay subalit walang
SA PAKSA angkop at at na hindi angkop sa kaangkupan sa
mahusay na halimbawang sumusuporta paksang paksa.
nailahad ang inilhad ay sa paksang tinalakay
mga angkop at tinalakay
pansuportang mahalaga sa
kaisipan upang paksang
maipaliwanag tinalakay
ang paksa
KAYARIAN NG Lahat ng Karamihan sa Maraming Lahat ng Nakasulat 10
PANGUNGUSAP, pangungusap mga pangungusap pangungusap ay subalit walang
BAYBAY, GAMIT ay mahusay na pangungusap na hindi hindi maayos pagsasaalang-
NG MALAKING nabuo gamit ay maayos na mahusay o ang alang sa
TITIK, AT ang iba’t ibang nabuo, may maayos ang pagkakabuo, paggamit ng
BANTAS anyo at uri ng maayos na pagkakabuo, hindi tama ang iba’t ibang anyo
pangungusap. paggamit ng paggamit ng gamit ng at uri ng
Wasto ang malaking titik, malaking titik, malaking titik, pangungusap,
pagkakagamit bantas, at bantas, at bantas, at gayundin ang
ng malalaking baybay ng mga baybay ng mga baybay ng mga wastong
titik, bantas at salita. salita. salita. paggamit ng
baybay ng mga malaking titik,
salita. bantas, at

5
baybay ng mga
salita.
WAKAS Ang pangwakas Ang Sinubukan ng Hindi Nakasulat ng 10
ng teksto ay pangwakas na manunulat na makatawag- pangwakas na
nakatatawag ng bahagi ay lapatan ng pansin ang bahagi subalit
pansin at ginamitan ng mahusay na pangwakas na hindi kinakitaan
angkop sa mahusay na pangwakas bahagi at ng kahusayan,
paksa. wakas subalit ngunit walang walang kalinawan, at
Ginamitan ng hindi koneksyong sa kaugnayan sa kaugnayan sa
isang mahusay makatawag- paksa. paksa. paksa.
na pagwawakas pansin.
KABUOANG ISKOR 50

You might also like