You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Pangasinan State University


BAYAMBANG CAMPUS
Bayambang, Pangasinan
Website: www.psu.edu.ph
Telephone: (075) 206-0802 Telefax: (075) 542-4261/4057

NAME OF STUDENT: DEVINE GRACE C. GABAT


DATE OF SUBMISSION: OCTOBER 11, 2020 SCORE:

LEARNING ACTIVITY 1

EGE 5 Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II – Panitikan ng Pilipinas

1. Maikling sanaysay:

Ano ang ibig sabihin ng panitikan at ang kahalagahan nito?

- Ang panitikan ay mahalaga sa bawat tao dahil ito ay maaaring gamitin saan man tayo
pumaroon. Ang panitikan din ang nagsisilbing salamin para sa ating mga Pilipino dahil layon
nitong ihayag at malinang ang sariling kultura. Ang paggamit ng panitikan ay magsisilbing
kalasag natin ng sa gayon ay pumanday ito sa ating natatagong talino at makipagsabayan sa
ibang bansa o lahi. Maaari ding ipabatid ang nais iparating ng ating isipan sa ibang tao kong
ito’y ating lilinangin at gagamitin sa wastong gawain.

2. Gumawa ng posisyong papel kung bakit sa gitna ng makabagong panahon ng social media ay
mahalagang matutuhan ng mga mag-aaral sa elementarya ang iba’t-ibang uri ng panitikan.
PAGGAMIT NG IBAT-IBANG URI NG PANITIKAN SA MAKABAGONG PANAHON
Posisyong Papel sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya

Ang panitikan ay karaniwang ginagamit ng ibat-ibang tao. Ito ay kamangha-manghang paksa


lalo na sa mga interesado dito. Ang panitikan ay pamana na maaaring magpabago ng ating
bansa. Ang pag-aaral sa ibat-ibang uri ng literatura ay nagpapalawig ng ating kaalaman
gayundin sa ating imahinasyon. Malaki ang benepisyo ng literatura sa ating mundo dahil
nagagawa nating pasukin ang malikhaing kaisipan na nakapaloob dito. Karaniwang ginagamit
natin upang matukoy at malaman ang bawat paksa ay kong ating iuunat ang kakayahan sa
pagsulat at pagbasa dahil dito natin malalaman kong ano nga ba ang nais ipahiwatig ng bawat
salitang ating mabibigkas at mababasa.

Ang pagkamulat ng ating kamalayan sa pag-aaral ng panitikan ay nag-uudyok sa atin upang


lumalim ang ating pananaw sa sa isang sitwasyon gayundin ang ating pananaw o opinion. Sa
isinulat ni Emilio Jacinto na “Ang Ningning at Ang Liwanag” ay mabisa niyanginilarawan kung
paano nakikita ng tao ang katotohanan sa kahuwada; ang pagkahumaling ng tao sa panlabas na
kagandahan kaysa panloob. Sa katulad na paraan salamin din ng literatura ang pagpapakita ng
pagkakaiba at pagkakapareho ng pamumuhay ng mga tao sa iba’t ibang lugar.

Ayon kay (Santos, 2016), ‘’mababatid na sumasabay ang panitikan sa modernisasiyon ng


mundo—sa pabago-bagong aspekto ng teknolohiya at internet.’’ Kung mapapansin natin na
kahit sa panahon ngayon maaari pa ring makipagsabayan ang panitikan sa modernong panahon
at ito ay magandang balita para sa lahat dahil maaari itong makita, mapanood o marinig pa nga.
Ang ilang halimbawa na lamang ay ang spoken poetry na binibigkas base sa sukat at tugma nito
mayroon ding maririnig sa radyo na isinasadula ngunit may daloy ang tunog nito. Marami pang
iba katulad na lamang ng fliptop battle na isang anyo ng balagtasan na kong saan ay sikat na
sikat pa ring panoorin ng karamihan. Kung kayat hindi lamang social media ang dapat
pagtuunan ng bawat mag-aaral dahil sa sabay sa uso o kaya naman ay nakakapagpasaya
marapat din sana nating alalahanin ang ipinamana sa atin na kailangan din nating gamitin at
linangin.

Samakatuwid ayon kay (Sadorra, 2019), ‘’ang social media ay isang instrumento upang
mapabilis ang pakikipagkonekta sa ibang tao.’’ Alam naman natin na may malaking papel ang
social media sa buhay ng tao ngunit hindi palaging ligtas ang social media mas lalo na sa mga
kabataan kong sila ay hindi papatnubayan at gagabayan, kaya naman kinakailangan din nating
pagtuunan ng pansin ang panitikan dahil kahit na ito ay gamit na para sa iba ito parin ay
makakatulong sa atin upang malinang natin ang mga bagong kaalaman na kapupulutan natin.
REFERENCE:

Sadorra, A. (2009). Kahalagahan ng Social Media sa Edukasyon. Retrieved from


https://medium.com/@alyssasadorra/kahalagahan-ng-social-media-sa-edukasyon-
14995a6225b2

Santos, T. (2016). Panitikan sa Panahon ng Internet. Retrieved from


https://varsitarian.net/filipino/20160428/panitikan_sa_panahon_ng_internet

You might also like