You are on page 1of 24

ABSTRAK

Layong ipakita ng papel na ito ang mga natutunan at ang resulta ng lahat ng
napag-aralan. Na hindi lang nakikita sa salita ang natutunan kundi nakikita rin sa
gawa ng mag-aaral. Layon rin ng papel na ito na mabahagi ng mag-aaral ang
eksperyensya nya noong bakasyon sa pamamagitan ng di-pormal na salaysay, at sa
mga piling events na kailangang ibahagi ang kanyang opinion. Nakapaloob sa papel
na ito ang sintetis o buod ng isang palabas, bionote, panukalang proyekto,
talumpati, katitikan ng pulong, posisyong papel, replektibong sanaysay, agenda,
pictorial essay, lakbay-sanaysay. Pinapakita rin ng papel na ito ang creativity sa
pagsulat mapa pormal man ito o di-pormal na pamamaraan.

Layon rin nitong maipakita ang obserbasyon na ginawa ng estudyante at


maipamalas sa mga mambabasa. Sa pamamagitan ng mga isinulat, nalalaman kung
hanggang saan ang kayang maabot ng imahinasyon ng estudyante. At kung handa
na ba ang mga estudyante para sa mga mas komplikadong pamagat.

1
SINTESIS/BUOD

IRIS: THE MOVIE


Ang NSS special agents ay mga trained specialists na gagawin ang ano mang paraan
para matapos lang ang kanilang misyon. Hindi sila opisyal na nag eexist at hindi rin sila
kinikilala o pinoprotektahan ng gobyerno. Pero kahit iiinsayo sila para maging cold-
blooded killers, mayroon talagang pangyayari sa buhay ang hindi maiiwasan; at yun ang
pag-ibig.
Agent ng NSS o National Security Service ang magkasintahang Kim Hyun-jun at
Choi Seung-hee. Sila ay nasa Balaton, Hungary para sa isang misyon. Pagkatapos ng
kanilang misyon, pinapatay ang lahat ng mga agent na pauwi sa South Korea, maliban sa
kanilang dalawa. Binigyan ng solong misyon si Hyun-jun ng director ng NSS na si Baek-
san upang patayin si Yoon Sung Chul, Chairman of the North’s Supreme People’s
Assembly. Sya ay ipinapapatay ng director ng NSS, para mawala ang hinala ng North
Korea na may kinalaman sila sa nasabing atake. Nakatakas si Hyun-Jun at pinuntahan nya
si Seung-Hee. Pumunta sila sa istasyon ng tren. Bumili ng tiket si Hyun-Jun at naiwan
naman si Seung-Hee sa sasakyan. Pagbalik nya bigla nalang sumabog ang kotse kung saan
nya iniwan si Seung-Hee. Nakita sya ng mga tauhan. Tinamaan ng baril ang pinalipad
nyang eroplano kaya’t bumagsak ito sa tubig.
Tinulungan si Hyun-jun ng taong gustong mawala ang organisasyong tinatawag na
IRIS. Organisasyong kasapi ang ilang government official at ilang mga armies. Nakipag
sanib pwersa si Hyun-Jun sa mga terorista sa North Korea. Ang una nilang misyon ay ang
atakihin ang headquarters ng NSS. Nang makapasok sila sa headquarters pinatay nila lahat
ng lumalaban sa kanila. Matagumpay na nakuha ni Hyun-Jun ang files ni Baek-San tungkol
sa Iris. Nalaman ni Hyun-Jun na si Baek-San ang pumatay sa kanyang mga magulang. Sa
pag-iimbistiga ng NSS sa nangyari, kinidnap si Seung-hee ng mga terorista upang kunin
ang code sa NSS. Si Hyun-Jun ang nag torture kay Seung-Hee. Hindi parin ito nagsalita,
kung kaya’t pinakawalan nalang nila ito.
Nagpaplano ang lider ng terorista na magpasabog ng nuclear bomb sa Seoul, South
Korea. Nang malaman ito ng kampo ni Hyun-Jun, agad silang kumilos para mapigilan ito.
Kasama nyang kumilos si Kim Sun-Hwa kasamahan nya rin sa terorista. Nagkita si Seung-
hee at Hyun-Jun at nag usap. Nakita nila ang bomba sa isang bus. Paalis na sana sila nang
paputukan sila ng mga terorista, dumating naman si Seung-Hee para tulungan silang
dalawa, dumating rin ang mga pulis at dinakip lahat ng terorista. Kinulong rin si Baek-San
at lahat ng mga miyembro sa IRIS na nakalagay sa files ni Baek-San.
Bumalik sa tahimik na buhay sina Hyun-Jun at Seung-Hee. Nagplanong magkita si
Hyun-Jun at Seung-Hee sa isang light house malapit sa dagat. Nauna roon si Seung-Hee.
Isang kilometro nalang ang layo ni Hyun-Jun sa kanilang tagpuan. Nang bigla nalang syang
binaril sa ulo habang tumatakbo ang kanyang sasakyan. Galing sa yate ang baril at
pagmamay ari ito ni Kim Sun-Hwa, kasapi rin sya ng IRIS. Namatay si Hyun-Jun at
naiwang mag-isa si Seung-Hee.

2
BIONOTE

Bionote ni Jasmine Joy Hechanova

Si Jasmine Joy Hechanova ay ipinanganak noong Hunyo 13, 1999 sa Upper


Paredes, Koronadal City. Kasalukuyang nag-aaral sa Libertad National High
School. Isa sya sa mga napasama sa programa ng DepEd na senior high school.

Sa taong 2003 unang namukadkad ang kanyang buhay bilang estudyante.


Kasama nga ang kanyang pamilya sa landas na kanyang tinahak. Taong 2006
natapos nya ang kanyang kinder. Pagpasok nya sa elementarya, sa Centrala Central
Elementary School, pinasok nya ang isport na chess. Simula nang sya’y nasa
baitang tatlo hanggang baitang anim.

Sa huling taon nya sa elementarya sumali sya sa isang coronation program


na ginanap ng pebrero 2012. Nanalo sya bilang 4th princess of hearts.
Pagkatungtong nya naman ng Junior High School, sa huling taon nya nakatanggap
sya ng award na Advance Proficiency Award. Natanggap nya rin ang sertipikong
nagpapatunay na natapos nya ang Junior High School.

Nakakasama rin si Jasmine sa lahat ng parade na ginagawa sa paaralan at


lahat ng programa ay kanyang inaatenan. Sa lahat ng kanyang napagdaan bilang
estudyante nakatungtong sya ng Senior High School. Accountancy Business
Management o ABM ang kinuha nyang kurso. Nakatanggap sya ng award na with
honor nang sya’y grade 11, simula first semester hanggang second semester. At
nakatanggap rin sya ng award na with high honor ngayong sya’y nasa grade 12 sa
midterm ng first semester. Ang kanyang mga napagtagumpaan sa buhay simula pa
nung sya’y bata ay umpisa pa lang ng mahaba pa nyang landas na tatahakin habang
sya ay lumalaki at nagkakaisip. Ngayong sya’y labinwalong gulang na mas marami
na syang mga responsibilidad na dapat gampanan hindi lamang sa kanyang sarili
kundi pati na rin sa kanyang pamilya at sa ekonomiya.

3
PANUKALANG PROYEKTO

1. Pamagat: Libreng Pedikyur at Manikyur para sa mga Guro


2. Kategorya ng Proyekto: Serbisyo
3. Petsa: Oktubre 5, 2017
4. Rasyonal (Kahalagahan):
Para magkaroon ng makeover ang kuko ng mga guro at sila’y makapag
relaks kahit isang araw lang. Para maramdaman ng mga guro ang pagmamahal ng
estudyante para sa kanila.
5. Deskripsyon:
Bukod sa ordinaryong programa ng eskwelahan para sa mga guro,
magkakaroon sila ng oras para sa kanilang pahinga. Itong programang ito ay para
sa mga guro ng walang oras pumunta sa parlor para magpa pedikyur at manikyur,
dahil busy sila sa kanilang trabaho.
6. Badyet:
Gastusin Halaga

Nail polish Php 3,000

Iba pang mga gamit Php 2,000


Kabuuan Php 5,000

7. Pakinabanag:
Para mapuno ang pangangailangan ng mga guro. At magbibigay rin ito ng
kaligayahan para sa mga estudyante.

4
TALUMPATI

Magandang hapon sa kapwa ko mag-aaral at sa kagalang galang naming


guro na si Mrs. Elma Cloud, magandang hapon po. Hindi ko na to patatagalin pa
uumpisahan ko na ang aking talumpati. “kabataan ang pag-asa ng bayan” isa yan
sa mga nabanggit ni Gat. Jose Rizal tungkol sa kabataan. Pero sa henerasyon
ngyaon, masasabi pa ba natin ito? Kung kabataan mismo ang nag-uumpisa ng gulo?
Kung kahit saang anggulo natin tingnan naiimpluwensyahan na tayo ng
makamundong kagamitan. Karamihan sa mag-aaral ngayon imbes na gamitin sap
ag-aaral ang pera, binibili nalang nila ito ng pinagbabawal na droga. Imbes na
pumunta sa eskwela sila’y naglalakwatsya. Marami na ring kabataan ngayon ang
nabubuntis ng maaga at nagkakaroon ng sariling pamilya. Kung ang mga nabanggit
ko an gating pagbabasehan, masasabi pa ba nating “kabataan ang pag-asa ng
bayan”?

Magiging pag-asa lamang tayo ng bayan kung magpupursige tayo sa pag-


aaral. Ngunit kahit mag-aaral ngayon hindi na sumusunod sa sinasabi ng kani-
kanilang guro. Mayroon nga tayong kasabihan na “Ang kabataan ay hindi lang pag-
asa ng bayan kundi dapat maaasahan din ng bayan” maasahan ba tayo ng baya?
Ang simple ng tanong ngunit mahirap sagutin. Magpakatotoo lang po tayo, hindi
ko naman sinisiraan ang imahe ng kabataan sa kasalukuyan. Ibig ko lang naman na
magising tayo sa katotohanang nangyayari sa kapaligiran. Alam kong sang-ayon
kayong lahat sa kasabihang “Ang tunay na estudyante, konting ulan lang
suspension of classes na agad ang nasa isip” kung ganito tayong lahat mag-isip,
parang binabalewala natin ang bawat sentimong ginagastos sa atin ng ating
magulang. Dugo’t pawis ang nilaan nia mabigyan lang tayo ng magandang
kinabukasan. Atin pang sasayangin at hindi bibigyan ng kabuluhan? Karamihan rin
sa mga estudyante ngayon ay tamad ng pumunta sa paaralan. Mayroon pa nga
tayong nalalaman na kasabihan na “Hindi ka naman talaga tama dang sipag mo lang
talagang magpahinga”. Paano natin magagampanan ang papel natin sa bayan kung
puro tayo kalokohan. Paano natin mapapaunlad an gating sarili kung ipapairal
nating ang katamaran. Isa lang naman ang nais kong ipahiwatig ang “Sama-sama
nating baguhin ang pananaw sa atin, sa pamamagitan ng pagpupursige at pag-aaral
ng mabuti, upang hind imaging insult kundi maging papuri ang mga katagang
“kabataan ang pag-asa ng bayan”. Yun lamang po at maraming salamat.

5
Katitikan Ng Pulong Ng
Senior’s Planning Club Ng
Libertad National High School

KATITIKAN NG PULONG NG SENIOR’S PLANNING CLUB NG LIBERTAD


NATIONAL HIGH SCHOOL NA GINANAP SA STUDENT COUNCIL’S ROOM,
LIBERTAD NATIONAL HIGH SCHOOL NOONG IKA-25 NG HULYO, 2017.

Mga Dumalo:

Bb. Angel Tobongbanua - Pangulo


Bb. Kezia Mae Dones - Pangalawang Pangulo
Bb. Jasmine Joy Hechanova - Kalihim
Bb. Airah Claire Doromal - Ingat yaman
Bb. Risa Tomo - Tagasuri
Bb. Marifer Ungos - Tagapamalita
Bb. Richel Gallego - Tagapamahala
Bb. Cristina Fernando - ABM Representative
Bb. Mercita Tilan - HUMMS Representative
G. McNiel Gocon - STEM Representative
G. Reymark Anggay - TECHVOC Representative

Di Dumalo:

Wala

1 Presidente: Dinidiklara ko ito bilang kauna-unahang pagpupulong ng Senior’s Planning


2 Club ngayong taong 2017. Ang pulong ay humihiling ng kaayusan. Panalanging
3 pangungunahan ng ating p-presidente.
4 P-Presidente: (panalangin)
5 Presidente: Mag-uumpisa na ang korum ng ating pagpupulong, sa eksaktong ika- 2:45 ng
6 hapon. Tinatawagan ko ang ating kalihim upang basahin ang mga pangalan.
7 Kalihim: (binasa ang mga pangalan, walang hindi dumalo.)
8 Presidente: Tinatawagan ko naman ang ating ingat yaman upang basahin ang pondo.
9 Ingat yaman: Narito po ang ulat ng ating pondo. Sa taong 2016 ang ating koleksiyon ay
10 umabot ng P18,345.00 , ngayong taong 2017 mayroon tayong P5,000.00 bigay ng

6
11 eskwelahan bilang badyet sa mga gawain ng ating club. Sa kabuuan ang ating pondo ay
12 nagkakahalaga ng P23,345.00
13 Presidente: May katanungan ba ukol sa binasang pondo? Kung wala, mayroon bang mga
14 dating bagay na pagpupulungan dito sa grupo?
15 Fernando: Bb. Presidente
16 Presidente: Bb. Fernando.
17 Fernando: Mayroon na bang report galing sa student council ukol sa paggamit natin ng
18 council’s room sa tuwing tayo’y gagawa ng pagpupulong?
19 Presidente: Sa ngayon wala pa. Naiintindihan kong kailangan pang hintayin ng Council
20 ang pagpupulong na gagawin ngayong linggo bago magawa ang desisyon. Sa tingin ko
21 maririnig ko na ang desisyon bukas. Mayroon pa bang mga dating gawain na
22 pagpupulungan? Kung wala, mayroon bang report ang lupon?
23 Gocon: Bb. Presidente
24 Presidente: G. Gocon.
25 Gocon: Gusto ko lang ipaalala na ang photo copies ng semester’s program ay handa na at
26 ibibigay ko nalang pagkatapos ng pagpupulong.
27 Presidente: Maraming salamat Gocon. Mukhang maganda ang takbo ng club natin
28 ngayong taon. Mayroon pa bang ibang reports? Kung wala na, Itong pagpupulong ay bukas
29 na para sa bagong gawain.
30 Dones: Bb. Presidente.
31 Presidente: Bb. Dones.
32 Dones: Iminumungkahi kong isali natin ang cooking contest ngayong darating na nutrition
33 month sponsored ng PTA.
34 Tilan: Pinapangalawahan ko ang mungkahi.
35 Presidente: Iminungkahi at pinangawalahan na isali natin ang cooking contests sponsored
36 ng PTA, mayroon bang pagtatalakayan?
37 Gallego: Bb presidente.
38 Presidente: Bb. Gallego.
39 Gallego: Hindi ko yata naintindihan yung mungkahi. Ibig bang sabihin magpapasok ng
40 contestant ang club, o kailangang lahat pumasok sa contest, o ano?
41 Dones: Bb. Presidente.
42 Presidente: Bb. Dones.
43 Dones: Inaamin kong hindi klaro ang mungkahi sa aking isip, pero, gusto nating magpasok
44 ng isa o dalawang representatives, maliban nalang kung gusto ng lahat na sumali.
45 Gallego: Bb Presidente.
46 Presidente: Bb. Gallego.
47 Gallego: Iminumungkahi ko ang pagsusog sa mungkahing magpasok ang club natin ng
48 dalawang representatives sa contest na sponsored ng PTA.
49 Tomo: Pinapangalawahan ko ang pagsusog.
50 Presidente: Iminungkahi at pinangawalahan na ang pangunahing mungkahi ay ma
51 amendahan na magpasok ng dalawang representatives sa contest na sponsored ng PTA.
52 Mayroon bang pagtatalakayan sa amendasyon?
53 Ilang Miyembro: Katanungan! Katanungan!
54 Presidente: Tinawag na ang katanungan. Lahat ng pabor sa pagsusog itaas ang kamay at
55 magsabing “aye”.
56 Kalihim: Pito ang sang-ayon.

7
57 Presidente: Sa mga di-sang-ayon itaas ang kamay at magsabing “nay”.
58 Kalihim: Dalawa ang di-sang-ayon.
59 Presidente: Mas marami ang sang-ayon, ang amendasyon ay kuha na. Mayroon bang
60 pagtatalakayan ukol sa pangunahing mungkahi na sinusugan?
61 Ungos: Bb Presidente.
62 Presidente: Bb. Ungos.
63 Ungos: Itong contest ay magandang ideya para sa akin, pero gusto ko pa itong malaman
64 ng mas mabuti, kaya iminumungkahi kong I-appoint si Doromal para makuha ang lahat ng
65 impormasyon na kaya nya at dalhin dito sa club.
66 Doromal: Bb Presidente, humihingi ako ng kaunting liwanag.
67 President: Sabihin mo.
68 Doromal: Ang mungkahi ni Ungos ay labas sa pinag-uusapan dahil mayroon pang
69 pangunahing mungkahi na nabibitin, at ang kanyang mungkahi ay hindi pagsusog.
70 President: Nakuha ang iyong pagliwanag. Ang mungkahi ni Ungos ay labas sa pinag-
71 uusapan. Mayroon bang pagtatalakayan?
72 Ungos: Bb Presidente.
73 Presidente: Bb. Ungos.
74 Ungos: Gusto ko pang pag-isipan ang aksiyon na ating gagawin. Sa tingin ko hindi pa tayo
75 handang bumoto, kaya iminumungkahi kong ang musyon na sinusugan ay huwag pag-
76 usapan.
77 Anggay: Pinapangalawahan ko.
78 President: Iminungkahi at pinangawalahan na ang musyon na sinusugan ay huwag pag-
79 usapan. Lahat ng sang-ayon itaas ang kamay at magsabing “aye”.
80 Kalihim: Anim ang sang-ayon.
81 Presidente: Lahat naman ng di-sang-ayon itaas ang kamay at magsabing “nay”.
82 Kalihim: Tatlo ang di-sang-ayon.
83 Presidente: Nakuha ng sang-ayon, at ang mungkahi na huwag pag-usapan ay pasa na.
84 Tomo: Bb. Presidente, tumataas ako para sa parliyamentong katanungan.
85 President: Sabihin mo ang iyong katanungan, Bb. Tomo.
86 Tomo: Bakit hindi natin nabigyan ng pagkakataon para talakayin ang mungkahi ni Bb.
87 Ungos? Nakalimutan nyo ba?
88 President: Ayon sa batas ng parliyamento ang musyon na huwag pag-usapan ay hindi
89 kailangan ng debate. Sa oras na ito ay mapangalawahan, kailangan na itong pagbotohan.
90 Ungos: Bb Presidente.
91 President: Bb. Ungos.
92 Ungos: Iminumungkahi kong i-appoint si Bb. Doromal para kumuha ng lahat ng posibleng
93 impormasyon sa contest at dalhin dito pabalik sa club.
94 Anggay: Pinapangalawahan ko ang mungkahi.
95 Presidente: Iminungkahi at pinangawalahan na maappoint si Bb. Doromal para makuha
96 ang lahat ng posibleng impormasyon sa contest at dalhin dito pabalik sa club. Mayroon
97 bang pagtatalakayan? Handa na ba kayo sa katanungan?
98 Ilang Miyembro: Katanungan! Katanungan!
99 Presidente: Tinawag na ang katanungan. Lahat ng sang-ayon sa nasabing mungkahi ay
100 itaas ang kamay at magsabing “aye”.
101 Kalihim: pito ang sang-ayon.
102 Presidente: Lahat ng di-sang-ayon itaas ang kamay at magsabing “nay”.

8
103 Kalihim: Dalawa ang di-sang-ayon.
104 Presidente: Mas marami ang sang-ayon. Ang musyon ay pasa na.
105 Doromal: Bb. Presidente.
106 Presidente: Bb. Doromal.
107 Doromal: Iminumungkahi kong i-appoint natin si Bb. Dones bilang isa sa mga hurado sa
108 ating contest sa nutrition month.
109 Tilan: Pinapangalawahan ko ang mungkahi.
110 Presidente: Bilang nakasulat, Bb. Doromal, ang iyong mungkahi ay labas sa pinag-
111 uusapan, bagamat wala tayong karapatan na mag-appoint ng miyembro sa kahit na anong
112 posisyon. Pero kung ibig mong sabihin na i-appoint para ipakita ang ating kahilingan, ang
113 iyong musyon ay pasok. Ngunit, dahil sa malapit ng mag take over ang ating Bb. B-
114 presidente sa Radio Speech Club, magkakaroon sya ng aktibidad na conflict sa ating
115 pagpupulung. Kung maaari iurong mo ang iyong mungkahi.
116 Doromal: Bb Presidente.
117 Presidente: Bb. Doromal.
118 Doromal: Hinihiling kong iurong ang aking mungkahi.
119 Presidente: Gustong iurong ni Bb. Doromal ang kanyang mungkahi. Mayroon bang
120 tumututol? Kung wala, ang mungkahi ay iuurong. Mayroon pa bang mga bagay na
121 pagpupulungan?
122 Dones: Bb. Presidente.
123 Presidente: Bb. Dones.
124 Dones: Iminumungkahi kong basahin ng ating kalihim ang summary ng ating
125 napagpulungan ngayong hapon.
126 Tilan: Pinapangalawahan ko ang mungkahi.
127 Presidente: Iminungkahi at pinangawalahan na basahin ng kallihim ang summary ng
128 napagpulungan ngayong hapon. Lahat ng sang ayon itaas ang kamay at magsabing “aye”
129 Kalihim: siyam ang sang-ayon.
130 Presidente: Ang di-sang-ayon itaas ang kamay at magsabing “nay”.
131 Kalihim: walang di-sang-ayon.
132 Presidente: Nakuha ng sang-ayon. Kaya tinatawagan ko ang ating kallihim upang basahin
133 ang summary ng napagpulungan ngayong hapon.
134 Kalihim: Ngayong ika-25 ng hulyo, 2017 napagkasunduan ng nakararami na isali ang
135 cooking contest sa darating na Nutrition Month sponsored ng PTA. Napagkasunduan din
136 ng nakararami na magpasok ng dalawang representatives ang club sa contest. At
137 napagkasunduan din ng nakararami na si Bb. Doromal na ang bahala upang kumuha ng
138 lahat ng impormasyon kaugnay sa contest. Yun lang po.
139 Presidente: Maraming salamat.
140 Dones: Bb. Presidente.
141 Presidente: Bb. Dones.
142 Dones: Iminumungkahi kong tapusin na natin ang pagpupulung.
143 Tilan: Pinapangalawahan ko ang mungkahi.
144 Presidente: Iminungkahi at pinangalawahan na tapusin na ang pagpupulung. Lahat ng
145 sang-ayon itaas ang kamay at magsabing “aye”.
146 Kalihim: siyam ang sang-ayon.
147 Presidente: Ang di-sang-ayon itaas ang kamay at magsabing “nay”.
148 Kalihim: walang di-sang-ayon.

9
149 Presidente: Nakuha ng sang-ayon, kaya ang pagpupulong ay tapos na, sa eksaktong 3:45
150 ng hapon.

Pinatunayan:

KEZIA MAE DONES AIRAH CLAIRE DOROMAL


Pangalawang Pangulo Ingat yaman

JASMINE JOY HECHANOVA RISA TOMO


Kalihim Tagasuri

MARIFER UNGOS RICHEL GALLEGO


Tagapamalita Tagapamahala

CRISTINA FERNANDO MERCITA TILAN


ABM Representative HUMMS Representative

MCNIEL GOCON REYMARK ANGGAY


STEM Representative TECHVOC Representative

Pinagtibay:

ANGEL TOBONGBANUA
Pangulo

10
SENIOR’S PLANNING CLUB (SPC)
LIBERTAD NATIONAL HIGH SCHOOL
SURALLAH, SOUTH COTABATO

RESOLUSYON BLG. 17-1

NA HUMIHILING KAY ANECITA EXMUNDO NA ISALI ANG COOKING


CONTEST SA DARATING NA NUTRITION MONTH UPANG ANG MGA
ESTUDYANTENG MAGALING AT MAY TALENTO SA PAGLUTO AY
MAKAPAGPAKITANG GILAS SA ESKWELAHAN.

SAPAGKAT itinakda ng konstitusyon ng Pilipinas, Artikulo XIII, na “Dapat kalakip sa


pagtataguyod ng karunungang panlipunan ang tapat na paglikha ng mga pagkakataong
ekonomiko na nagsasalig sa kalayaan sa pagpapatiuna at pagtitiwala sa sariling kakayahan”
(Seksyon 2);
SAPAGKAT isa sa mga pangunahing tungkulin ng eskwelahan ay mahasa ang kakayahan
ng estudyante; at
SAPAGKAT ang mga mag-aaral ngayon saan man dako ng bansa, lalo na ang mga
Hayskul, ay nag-aangkin ng galing at talento sa pagluto.

DAHIL DITO’Y IPINAPASYA, GAYA NG GINAGAWANG PAGPAPASYA


NGAYON, nang buong pagkakaisa ng mga delegadong opisyal ng nasabing samahan na
magalang na hilingin sa kalihim Anecita Exmundo ng Planning Department na isali ang
cooking contest sa darating na Nutrition Month upang ang mga estudyanteng magaling
magluto ay makapagpakitang gilas sa eskwelahan; at

IPINAPASYA PA RIN, na pagkalooban ng kopya ng resolusyong ito ang Direktor ng


Planning Department para sa kanyang kaalaman at nararapat na tugon.

ISINAGAWA AT NILAGDAAN ngayong ika- 25 ng Hulyo, 2017, sa student council’s


room, Libertad National High School.

ANGEL TOBONGBANUA
Tagapangulo

Pinatunayan:
JASMINE JOY HECHANOVA
Nanunungkulang Kalihim

Pinagtibay:

ANGEL TOBONGBANUA
Pangulo, SPC

11
Republika ng Pilipinas
Lungsod ng San Jose – 3121
-oOo-
SANGGUNIANG PANLUNGSOD
HALAW SA KATITIKAN NG PAGPUPULONG NG KGG. SANGGUNIANG
PANLUNGSOD SA REGULAR NA SESYON NITO NA GINANAP NOONG HUNYO
22, 2011 SA BULWAGANG PULUNGAN NG LUNGSOD NG SAN JOSE.*
DUMALO:
KGG. JOSE C. FELIMON – City Vice-Mayor & SP Presiding Officer
KGG. GLENDA F. MACADANGDANG – SP Member I
KGG. WILFREDO S. ESCUDERO – SP Member I
KGG. ZOILO V. DE LEON – SP Member I
KGG. VICTORIANO V. RAMOS, JR. – SP Member I
KGG. GLORIA P. MUNAR – SP Member I
KGG. ALBERT A. CUKINGNAN – SP Member I
KGG. WILFREDO H. SERRA – SP Member I
KGG. WILFREDO T. VALDEZ – SP Member I & ABC Pres.
NAKA-LEAVE:
HON. GERARD F. IGNACIO – SP Member I
DI DUMALO:
KGG. RESTITUTO T. DOMINGO – SP Member I
KGG. ORLANDO M. PAULINO – SP Member I
KGG. EDWARD JOHN A. DIVINA – SP Member I & PPSK Pres.
x—————————————————————x
ORDINANSA BLG. 11-053
ISANG ORDINANSA NA NAGBABAWAL SA PAGGAMIT, PAGBEBENTA,
PAMAMAHAGI, AT ADBERTISMENT NG SIGARILYO AT IBA PANG
PRODUKTONG TABAKO SA MGA PARTIKULAR NA LUGAR, NAGPAPATAW
NG KAPARUSAHAN SA PAGLABAG, NAGLALAAN NG PONDO PARA DITO AT
PARA SA IBA PANG MGA LAYUNIN.

12
SAPAGKAT, ang Saligang Batas ng 1987 ay nagdedeklara na ang Estado ay
mangangalaga at magsusulong ng karapatan at magpapalaganap ng kaalaman sa kalusugan
ng mga mamamayan;
SAPAGKAT, dumarami ang bilang ng mga Pilipino na namamatay kada taon sa mga sakit
na kaugnay ng tabako tulad ng istrok, sakit sa puso, at iba’t ibang kanser bukod sa iba pa;
SAPAGKAT, napatunayan na walang ligtas na antas ng pagkakabilad sa usok ng tabako;
na ang mga epektibong solusyon para maiwasan ang pagkakabilad sa usok nito ay
nangangailangan ng ganap na eliminasyon ng paninigarilyo at usok ng tabako; at ang mga
hakbangin maliban sa isang kapaligirang 100% porsiyentong malaya sa usok, tulad ng
bentilasyon, pagsala ng hangin, at paggamit ng inilaang saradong mga lugar para sa
paninigarilyo (may hiwalay man o hindi na sistema ng bentilasyon), ay paulit-ulit na
napatunayang hindi epektibo;
SAPAGKAT, walang pasubaling napatunayan na ang paggamit ng tabako at pagkakabilad
sa usok ng tabako ay nauugnay sa pagkamatay, sakit at kapansanan; nagbubunga ng
nakaririnding mga kapinsalaan sa kalusugan at kalagayang sosyal, at nagdudulot ng
pasanin sa mga pamilya, sa mga maralita, at sa pambansa at lokal na sistema ng kalusugan;
*Salin sa Tagalog mula sa orihinal
SAPAGKAT, ang Republika ng Pilipinas, sa ilalim ng “Framework Convention on
Tobacco Control” (FCTC) kung saan siya ay bahagi, ay determinado na bigyan ng
prayoridad ang karapatan sa pangangalaga sa kalusugan ng publiko at sa pagsusulong ng
mga hakbangin sa pagkontrol ng paninigarilyo sang-ayon sa pangkasalukuyan at
naaakmang konsiderasyong nababatay sa agham, aspetong teknikal at pang-ekonomya, at
sumasang-ayon na ipatupad ang mga hakbanging napapaloob sa naturang tratado;
SAPAGKAT, ang Batas ng Pamahalaang Lokal (Batas Republika Blg.7160) ay
nagkakaloob ng kapangyarihan at awtoridad sa mga pamahalaang local na magsulong ng
kapakanang pambalana sa loob ng kanilang nasasakupan, kabilang na dito ang
pagtataguyod ng kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga mamamayan;
SAPAGKAT, ang “Philippine Clean Air Act of 1999” (Batas Republika Blg.8749) ay
naghahayag ng karapatan ng bawat mamamayan na lumanghap ng sariwang hangin,
nagbabawal ng paninigarilyo sa loob ng mga saradong pambublikong lugar kabilang na
ang mga pampublikong sasakyan at iba pang uri ng transportasyon, at nag-aatas sa mga
LGU na ipatupad ang probisyong ito;
SAPAGKAT, ang “Tobacco Regulation Act of 2003” (Batas Republika Blg. 9211) ay
nagbabawal ng paninigarilyo sa ilang mga pampublikong lugar, sa loob man o labas;
nagbabawal ng pagbili at pagbebenta ng sigarilyo at iba pang produktong tabako mula sa
o sa mga menor de edad at sa ilang mga lugar na madalas puntahan ng mga menor de edad;
nagtatakda ng pagbabawal at mga restriksiyon sa pag-aanunsiyo, promosyon, at
pagsusulong ng mga kompanya ng tabako; at gayundin ay nag-aatas sa mga LGU na
ipatupad ang naturang mga probisyon;

13
SAPAGKAT, kinikilala din nito ang pundamental at di-mapagkakasundong salungatan sa
pagitan ng mga interes ng industriya ng tabako at sa patakaran ng pampublikong kalusugan,
at napagtatanto ang pangangailangan na maging handa at mulat sa mga pagtatangka ng
industriya ng tabako na papanghinain o pabagsakin ang pagsisikap ng pamahalaan na
kontrolin ang paninigarilyo;
SAPAGKAT, batid ng pamahalaang lokal ng San Jose na dapat kumilos kaagad ang mga
LGU upang buwagin ang kultura ng paninigarilyo at paggamit ng tabako sa pamamagitan
ng malawakan, subok, at epektibong mga pamamamaraan ng pagkontrol sa paggamit ng
tabako;
DAHIL DITO, pagkatapos na suspindihin ang mga Alituntunin sa mosyon ng
Kgg.Wilfredo S. Escudero, Tagapangulo ng Lupong Pangkalusugan, Sanitasyon at
Populasyon, na pinangalawahan ng Kgg. Albert A. Cukingnan at Kgg. Gloria P. Munar,
Tagapangulo ng Lupon sa Tourismo, Mga Laro at Libangan at Lupon ng Edukasyon at
Kultura, ayon sa pagkakasunod;
IPINAG-UUTOS AT ISINASABATAS NG KAGALANG-GALANG NA
KAPULUNGANG ITO SA REGULAR NA SESYON ANG MGA SUMUSUNOD:
Seksiyon 1. Pamagat. – Ang Ordinansang ito ay kikilalanin bilang “Komprehensibong
Ordinansa Kontra sa Paninigarilyo ng Lungsod ng San Jose.”
Seksiyon 2. Layunin. – Layunin ng Ordinansang ito na ipagsanggalang ang kalusugan ng
publiko at tiyakin ang kagalingan ng lahat ng nasasakupan nito sa pamamagitan ng
pangangalaga sa kanila mula sa mapaminsalang bunga ng paninigarilyo at paggamit ng
tabako.
Seksiyon 3. Nasasakop. – Sakop ng Ordinansang ito ang lahat ng mga tao, natural man o
huridikal, residente man o hindi, sa loob ng hurisdiksiyon ng teritoryo ng lungsod ng San
Jose.
Seksiyon 4. Definisyon ng mga Termino.– Ayon sa pagkakagamit sa Ordinansang ito, ang
sumusunod na mga termino ay magkakaroon ng kahulugan batay sa isinasaad sa talatang
ito. Ano mang termino na hindi naipaliwanag dito ay bibigyan ng kanilang payak at
karaniwang kahulugan, maliban kung ang konteksto nito ay nagsasaad ng ibang kahulugan,
at bibigyang kahulugan sa paraang naaayon sa layunin at diwa ng Ordinansang ito.
(a) Pag-aanunsiyo at Promosyon ay tumutukoy sa ano mang anyo ng komersiyal na
komunikasyon, rekomendasyon o aksiyon na mayroong layunin, epekto, o malamang na
epekto ng pagpapalaganap ng produktong tabako o paggamit ng tabako, sa tuwiran o di-
tuwirang pamamaraan.
(b) Civil society organization (CSO) ay tumutukoy sa mga boluntaryong samahang pang-
sibiko o sosyal na walang partisipasyon ang pamahalaan, kabilang, ngunit hindi limitado
sa, mga samahang pangkawanggawa, mga NGO na pangkaunlaran (development non-
governmental organizations), mga pangkat pangpamayanan, mga samahang

14
pangkababaihan, mga samahang base sa pananampalataya, mga samahang propesyonal,
mga koalisyon at grupong adbokasya na kinikilala ng Tanggapan ng Punong Lungsod sa
rekomendasyon ng Sangguniang Panlungsod. Ayon sa pagkakagamit sa Ordinansang ito,
hindi kabilang sa CSO ang mga organisasyon o samahan na nauugnay sa industriya ng
tabako sa ano mang kaparaanan.
(c) Nakapaloob (enclosed) ay nangangahulugan na natatakpan ng bubungan at
napapalibutan ng apat (4) na dinding, maging ito man ay pansamantala o permanente, at
ano man ang ginamit na materyales.
(d) Bahagyang nakapaloob (partially enclosed) ay nangangahulugan na natatakpan ng
bubungan at napapalibutan ng isa (1) o higit pang mga dinding o tagiliran, maging ito man
ay pansamantala o permanente.
(e) Menor de edad ay tumutukoy sa isang tao na mas mababa sa labingwalong (18) taong
gulang.
(f) Adbertisment Panlabas ay tumutukoy sa anumang tanda, modelo, plakard, bilbord,
bandera, banderitas, ilaw, kasangkapan, istraktura o representasyon sa labasan na
ginagamit sa kabuuan o bahagi nito upang mag-anunsiyo o mang-engganyo ng
paninigarilyo sa publiko;
(g) Person-in-charge (Tagapangasiwa) ay tumutukoy sa : sa kaso ng pampublikong mga
lugar, pampublikong mga hayag na espasyo at lugar ng trabaho, ang pangulo o manedyer
sa kaso ng kompanya, korporasyon o asosasyon; ang may-ari/propraytor/operator sa kaso
ng nag-iisang pagmamay-ari; o ang administrador sa kaso ng pag-aari, tanggapan, o gusali
ng pamahalaan; sa kaso ng mga pampublikong sasakyan, ang may-ari, drayber, operator o
konduktor.
(h) Point-of-sale (Pook-Bentahan) ay tumutukoy sa ano mang lokasyon kung saan ang
isang tao ay makakabili o kaya ay makakakuha ng produktong tabako.
(i) Pampublikong sasakyan ay tumutukoy sa mga modo ng transportasyon na nagsisilbi sa
pangkalahatang populasyon, gaya ng, ngunit hindi limitado sa, mga elebeytor, dyipni, bus,
tren, traysikel, at iba pang kauring behikulo.
(j) Pampublikong lugar ay nangangahulugan ng lahat ng mga lugar, nakapirmi man o hindi,
na bukas sa publiko o mga lugar para sa kolektibong gamit, sino man ang may-ari, kagaya
ng, ngunit hindi limitado sa, mga establisimiyento na nagdudulot ng pagkain at inumin,
akomodasyon, paninda, serbisyong propesyonal, aliw o iba pang mga serbisyo. Kabilang
din dito ang mga panlabas na espasyo kung saan may mga pasilidad para sa publiko, o
kung saan nagkakatipon ang mga tao, tulad ng, ngunit hindi limitado sa, mga palaruan,
pook-pampalakasan o sentro ng isports, pook-simbahan, mga bakuran ng ospital o sentro
ng kalusugan, terminal ng transportasyon, pamilihan, parke, resort o liwaliwan, mga daang
nilalakaran, daang pinapasukan, pook-hintayan, at mga katulad nito.

15
(k) Second-hand smoke ay usok galing sa nakasinding dulo ng sigarilyo o iba pang
produktong tabako na karaniwang nakalangkap sa usok na ibinubuga ng taong
naninigarilyo.
(l) Paninigarilyo ay ang pagkakaroon o kontrol ng may sinding produktong tabako, maging
ito man ay hinihithit o hindi;
(m) Produktong tabako ay mga produktong lubos o hindi lubos na gawa sa dahon ng tabako
bilang hilaw na material na ginagawa upang magamit sa paninigarilyo, pagsipsip o
pagsinghot katulad ng mga sigarilyo at tabako.
(n) Workplace (pook- gawaan) ay ano mang lugar na ginagamit ng mga tao sa kanilang
pagtatrabaho o gawain, maging ito man ay may bayad o boluntaryo, kabilang ang lahat ng
mga nakadikit o nakalangkap na mga lugar na ginagamit ng mga manggagawa sa panahon
ng kanilang trabaho (halimbawa, mga koridor, elebeytor, hagdanan, kubeta, mga lobby, at
lounge). Ang mga behikulo na ginagamit sa panahon ng trabaho ay itinuturing na mga
pook-gawaan.
(o) Anti-smoking enforcers(Mga tagapagpatupad kontra paninigarilyo) ay mga kawani na
inorganisa sa ilalim ng ordinansang ito upang mahigpit na ipatupad ang mga pagbabawal
sa ordinansang ito.
(p) Barangay Kagawad ay tumutukoy sa mga konsehal ng barangay na naihalal ng
pamayanan.
(q) Barangay Tanod or Kababayan ay mga Pulis ng lahat ng mga Barangay na tumutulong
sa pagpapatupad ng batas sa pamayanan.
(r) Deputadong Opisyal ay isang opisyal na humahawak ng katungkulan sa pamahalaan
gayundin ang iba pang mga pribadong na awtorisadong magserbisyo na may taglay na mga
kapangyarihan na tandisang isinasaad sa ordinansang ito.
(s) Grupong Civilian Volunteers ay mga taong boluntaryong mahigpit na magpapatupad sa
lahat ng mga ipinagbabawal ng ordinansang ito.
(t) Violation Ticket ay isang citation ticket na nagsasaad ng at uri ng paglabag ng isang
nahuling lumalabag at ang halaga ng multa o kaparusahan.
Seksiyon 5. Paninigarilyo sa mga Pampublikong Lugar. – Ang paninigarilyo ay walang
pasubaling ipinagbabawal sa mga sumusunod na pampublikong lugar:
(a) Mga sentro ng aktibidad ng mga kabataan tulad ng mga palaruang pampaaralan,
“preparatory schools,” mga paaralang elementarya, sekondarya, kolehiyo at unibersidad,
mga hostel para sa kabataan at pook libangan ng mga taong may edad na mababa sa labing
walong(18) taon;
(b) Mga elevator at hagdanan (stairwell), pasilyo, mga daanan sa loob ng poblasyon at sa
mga palibot ng mga paaralan (sa looob ng sampung metro sa paligid ng mga paaralan);

16
(c) Mga pampublikong palikuran, maging ito man ay pingangasiwaan ng gobyerno o
pribadong establisimiyento;
(d) Mga lugar kung saan maaaring magkasunog, kabilang ang mga istasyon ng gasolina at
mga imbakan ng sumisiklab na mga likido, gas, pampasabog o mga materyales na maaaring
magsindi.
(e) Mga gusali at kapaligiran ng pampubliko at pribadong mga ospital, mga klinikang pang-
medikal, dental, at optikal; mga sentro ng kalusugan, bahay-alagaan, dispensary o botika,
at laboratoryo;
(f) Mga pampublikong sasakyan at pasilidad kabilang na ang mga paliparan, istasyon ng
tren at bus, restawran at bulwagang pulungan, maliban sa hiwalay na mga lugar kung saan
maaaring manigarilyo;
(g) Mga lugar kung saan inihahanda ang pagkain;
(h) Sa loob ng mga gusaling pampamahalaan.
Seksiyon 6. Mga Itinakdang Lugar kung Saan Puwede at Hindi Puwedeng Manigarilyo.-
Sa lahat ng mga lugar na bukas sa publiko, mga pampublikong pook-gawaan, at iba pang
mga lugar na hindi natukoy sa nakaraang seksiyon, kung saan ang paninigarilyo ay
maaaring magbilad sa isang tao maliban sa taong naninigarilyo sa usok ng tabako, ang
may-ari, namamahala, manedyer, o administrador ng naturang mga lugar ay maglalagay
ng mga lugar kung saan maaaring manigarilyo. Lahat ng mga itatakdang lugar kung saan
maaaring manigarilyo ay kinakailangan na magkaroon ng hindi bababa sa isang (1)
nakikitang karatula na may nakasulat na “SMOKING AREA” para sa kaalaman at
patnubay ng lahat ng kinauukulan. Ang mga lugar kung saan bawal manigarilyo at lalagyan
din ng hindi bababa sa isang (1) nakikitang karatula na nagtataglay ng pandaigdig na
simbolo ng pagbabawal sa paninigarilyo.
Ang karatula ng pagbabawal sa paninigarilyo ay dapat na may sukat na hindi bababa sa 8
x 11 pulgada at ang pandaigdig na simbolo ng pagbabawal sa paninigarilyo ay dapat na
aakupa sa hindi bababa sa 70 % ng nasabing karatula. Ang natitirang 30% ng karatula ay
maglalaman ng impormasyon sa ilalim ng pandaigdig na simbolo ng pagbabawal sa
paninigarilyo, gaya ng sumusunod:
MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL MANIGARILYO
Ayon sa ORDINANSA BLG. 11-053
Ang mga lalabag ay magmumulta ng hanggang P3,500.
Maaari ding kabilang sa parusa ang serbisyo sa komunidad
(community service) at/o pagkabilanggo.
Iulat ang mga paglabag sa_________
[Maaaring opsiyonal ang Hotline Number.]

17
Gayundin, ang mga ashtray at iba pang lalagyan ng upos ng sigarilyo ay dapat alisin sa
mga lugar kung saan ipinagbabawal ang paninigarilyo.
Seksiyon 7. Pinakamababang Edad ng Pagbebenta.- Sa ilalim ng Ordinansang ito,
ipinagbabawal:
(a) Para sa isang nagtitingi ng produktong tabako na magbenta o mamahagi ng produktong
tabako sa sino mang menor de edad;
(b) Para sa sino mang tao na bumili ng sigarilyo o mga produktong tabako mula sa sino
mang menor de edad;
(c) Para sa isang menor de edad na magbenta o bumili ng sigarilyo o ano mang produktong
tabako; at
(d) Para sa isang menor de edad na humithit ng sigarilyo o ano mang produktong tabako.
Hindi magiging depensa para sa isang tao na nagbebenta o namamahagi na hindi niya alam
o batid ang tunay na gulang ng isang menor de edad. Hindi rin magiging depensa na hindi
niya alam o walang ano mang dahilan para maniwala na ang sigarilyo o produktong tabako
ay para sa gamit ng menor de edad na pinagbentahan. Kapag may duda hinggil sa edad ng
isang bumibili, aalamin ng nagtitingi, sa pamamagitan ng ano mang may balidong anyo ng
mapagkakakilalanlang may larawan na nagtataglay ng petsa ng kapanganakan ng may-dala
nito, upang matiyak na walang sino man na bumibili ng produktong tabako ay mababa sa
labing walong (18) taong gulang.
Seksiyon 8. Pagbebenta ng Produktong Tabako sa loob ng Paaralan.- Ang pagbebenta o
pamamahagi ng produktong tabako ay ipinagbabawal sa nasasakupan sa loob ng sampung
(10) metro sa ano mang dako ng paligid ng isang paaralan, pampublikong palaruan, o iba
pang pasilidad na madalas pinupuntahan ng mga menor de edad, tulad ng, ngunit hindi
limitado sa, mga kainan (food chains) at kompyuteran. Ang mga tagapangasiwa ng
paaralan, pampublikong palaruan, o iba pang pasilidad na madalas pinupuntahan ng mga
menor de edad ay maglalagay ng sumusunod na pahayag sa malinaw at kapansin-pansing
paraan:
PAGBEBENTA NG SIGARILYO O IBA PANG PRODUKTONG TABAKO
AY IPINAGBABAWAL
Seksiyon 9. Signages. – Ang mga pook-bentahan na nag-aalok, namamahagi, o nagbebenta
ng mga produktong tabako sa mga mamimili ay maglalagay sumusunod na pahayag sa
malinaw at kapansin-pansing paraan:
ANG PAGBEBENTA/PAMAMAHAGI NG PRODUKTONG TABAKO
SA MENOR DE EDAD AY IPINAGBABAWAL

18
Sa mga pampublikong sasakyan, magiging responsibilidad ng may-ari/operator,
manedyer/pinuno ng tanggapan na maglagay ng istiker sa loob ng sasakyan kung saan
makikita ito ng lahat ng mga pasahero.
Seksiyon 10. Inspeksiyon ng mga Pampubliko at Pribadong Establisimiyento. – Ang may-
ari/manedyer/pinuno ng tanggapan ay hahayaang makapasok ng pangkat ng mga inspektor
na inatasan ng pamahalaang lungsod na mag-inspeksiyon sa loob ng mga establisimiyento
sa mga karaniwang oras ng trabaho sa layuning malaman kung tumutupad sila sa
Ordinansang ito; sa kondisyon, na isang pasabi ng inspeksiyon ang ibibigay bago isagawa
ang naturang inspeksiyon. Gayunman, kung ang establisimiyento ay isang pook-bentahan,
walang pasabi na ibibigay.

Pinagtibay, Hunyo 22, 2011

Pinatutunayan ko ang katumpakan ng nasaad sa itaas.

(LGD) SIGFREDI R. INIGO


Kalihim ng sanggunian

PATOTOO:

(LGD) ATTY. JOSE C. FELIMON


Pangalawang Punong Lungsod at Tagapangulo, SP

(LGD) KGG. MARIVIC V. BELENA


Punong Lungsod

19
POSISYONG PAPEL

Kahalagahan ng Pagdala ng Cellphone sa Paaralan

Sa henerasyong ito halos lahat ng tao mayroong cellphone. Parti nay an sa pang-
araw-araw na ginaagawa ng mga millinials o kahit ng mga mas matatanda. Hindi lang ito
ginagamit upang magpadala ng text o tumawag sa mga taong malayo sa iyo. Ginagamit rin
itong pang surf ng internet. Sa pamamagitan nito mas madaling mahahanap ng estudyante
ang kailangan nila at mafulfill ang requirements ng guro. Kaya nga importante ang
cellphone saan man tayo, para kung may emergency mas madali nating makokontak ang
mga taong nag-aalala at malapit sa atin.
Dito sa ating bansa “Telecommunication Company” may kanya kanyang ini-
endorsong cellphone, stratehiya sa paggamit sa pinakamadali at abot kayang halaga.
Sinasabi ng mga guro na hindi dapat dalhin ang cellphone sa paaralandahil nakakadistrak
raw ito sa aming pag-aaral, at pinapanonoran raw ito ng mga estudyante ng mga
malalaswang bidyo. Puro negatibong epekto lang ang kanilang tinitignan, hindi na nila
tinitignan ang positibong epekto nito sa ating mga estudyante. Hindi sila nagpapadala ng
cellphone, pero kung magbigay ng takdang aralin na kailangan I-research wagas-wagas.
Kung titingnan lang sana natin ang positibong naidudulot ng cellphone sa mga estudyante.
Hindi dapat nila ipinatupad an “no cellphone policy” dito sa paaralan.
Kalian, saan, at ano baa ng dahilan bakit nila pinatupad ang “no cellphone policy”?
sapat na ba itong dahilan upang ipatupad ang panukalang ito? Sa aking naaalala nagsimula
ang pagiging istrikto ng mga guro noong may nahuli silang nagcha-charge ng cellphone sa
loob ng eskwelahan o sa silid aralan. Ang punto ko rito iisang estudyante lang angkanilang
nahuli at naapektuhan ang mahigit libong estudyante dito. Hindi naman siguro patas yun,
dapat naiisip nila ang kapakanan ng nakararami.
Ang punto ko hindi ako sang-ayon sa polisiyang ipinatupad, sapagkat ang “no
cellphone policy” ay unjustice para sa mga estudyante. Lalong lalo na ngayong hanggang
6:55 ng gabi na ang uwian ng mga estudyante. Ito ay napakadelikado kung wala kang
kontak sa iyong pamilya kung ika’y uuwi at hindi pa alam ng mga magulanag mo kung
nasan ka na. sobra-sobra kasi ang polisiyang “no cellphone policy”. Pwede naman sigurong
itago lang ang cellphone tuwing may nagleleksyong sa silid aralan. Hinid yung
pinagbabawal talaga ang pagdala ng cellphone. Ang cellphone ay parti na ng buhay ng tao,
kaya’t hinid dapat nila kinukuha ang karapatan ng mga estudyante upang magamit ito.

20
REPLEKTIBONG SANAYSAY

MUSIKA

Piyestang inumpisahan ng Drum Corp Competition, nagbigay ng kakaibang

kasiyahan sa karamihan. Halos lahat ng estudyante dito sa Libertad ay lumabas para

suportahan ang ating pambato, syempre kasama na kami doon. Nakakagulat na punong

puno ng tao ang Gymnasium. Ni hindi nga kami makakita ng nagpeperform. Kung kaya’t

tiniis ko nalang ang tumayo at makinig nalang sa kanilang performance. Mayroong

performance na maganda pakinggan sa tenga at mayroon namang parang ingay lang ang

naririnig at hindi ang musikang kanilang nililikha. Dumating ang oras natapos na rin silang

lahat magtanghal. Hindi narin masama ang place ng aming pambato. Nakamit nila ang first

runner up. Pero sana sa susunod na taon makamit naman nila ang pagiging kampyeonato.

Taon taon namang mayroong piyesta sa bayan ng Surallah.

21
SENIOR’S PLANNING CLUB (SPC)
LIBERTAD NATIONAL HIGH SCHOOL
SURALLAH, SOUTH COTABATO

Talaan ng pagpupulungan

Hulyo 25, 2017


Oras: 2:25 pm
Location:
Student Council’s Room
Libertad National High School
Surallah, South Cotabato
I. PAGTAWAG
Bb. Angel Tobongbanua - Pangulo
Bb. Kezia Mae Dones - Pangalawang Pangulo
Bb. Jasmine Joy Hechanova - Kalihim
Bb. Airah Claire Doromal - Ingat yaman
Bb. Risa Tomo - Tagasuri
Bb. Marifer Ungos - Tagapamalita
Bb. Richel Gallego - Tagapamahala
Bb. Cristina Fernando - ABM Representative
Bb. Mercita Tilan - HUMMS Representative
G. McNiel Gocon - STEM Representative
G. Reymark Anggay - TECHVOC Representative

II. PANALANGIN NG SANGGUNIAN


Bb. Kezia Mae Dones
III. PAGBASA AT PAGTIBAY NG MGA BAGAY NA PAG-UUSAPAN
IV. PAGTIBAY NG KATITIKAN
V. REPORTS
1. Kalihim
2. Ingat yaman
3. STEM Representative
VI. MGA BAGAY NA PAG-UUSAPAN
1. PATIMPALAK SA NUTRITION MONTH
VII. MGA KOMENTO AT ANUNSYO
VIII. ADJOURNMENT
PETSA NG SUSUNOD NA PAGPUPULONG: AGOSTO 25, 2017

22
PICTORIAL ESSAY

MAKING FILM NG THE ADVENTURE OF THE CROOKS

Inabot ng dalawang araw ang taping namin sa pelikula.. Ang larawan sa itaas ang
aming cover photo para sa aming pelikula.
Maraming beses man kaming nagtalo kung ano ba talaga ang konsepto sa aming
maikling pelikula. Pero napagdesisyonan ring may halong pantasya ang gamitin naming
konsepto para sa pelikula. Bago namin naumpisahan ang taping inabot muna ng dalawang
oras ang preperasyon sa paggawa ng mga kaharian. Maraming beses inulit-ulit ang mga
eksena upang makuha ang tamang timpla na para sa pelikula. Isang araw ang aming nilaan
para sa paggawa ng mga props. Sobrang init man noong kami’y nagta-taping amin parin
itong natapos dahil sa aming determinasyon.
Hindi mapagkakaila na maliban sa paggawa namin ng pelikula kami rin ay
naglaro upang mahibsan ang pagod na nadarama. Sobrang bait pa ng may ari ng bahay
na aming tinatambayan. Pastil lang ang aming kinakain tuwing tanghali, dahil doon na
mismo kami kumakain sa lokasyon ng aming ginagawaan ng pelikula.
Lahat kami ay may pagkakaisa kung kaya’t natapos namin ng malinis at may
satispaksyon ang aming maikling pelikula. Pinukaw ng proyektong ito ang aming isipan
upang maging malikhain at makagawa ng kakaibang pelikula.

23
LAKBAY-SANAYSAY

PLANO

Dalawang buwang bakasyon walang pasok, walang baon. Pero dito naman tayo
nagkakaroon ng full time bonding sa pamilya. Halina’t kayoy makinig at ikukwento ko sa
inyo ang naranasan kong kakaiba nung summer. Lahat naman siguro sa atin ay nasa bahay
lang tuwing summer, tama? Ganon kasi ako nasa bahay lang rin. Pero syempre dahil
nandiyan ang di ko mapakaling ate. Nagplano kaming pumunta ng Bukidnon para mag
adventure. Pagdating naming doon inakyat agad namin ang Mt. Capistrano. Inabot kami
ng dalawang oras para marating namin ang tuktok. Doon na kami pinakain ng aming tour
guide. Isa talaga yung napaka tiring na adventure but it’s worth it. Para medyo mawala ang
pagod namin, sunod naming pinuntahan ang spring. Ang masama doon ang lamig ng tubig
dahil medyo ma ulan ng panahong iyon. Pagtapos namin doon pumunta naman kami sa
over view park. Maganda sana ang view kaso lang puno ng ambon ang paligid. At ang huli
naming pinuntahan ay ang Bemwa Farm. Ang ganda talaga ng view dun. Syempre para
mayroon kaming dala pag-uwi bumili kami ng strawberry jam na doon mismo galing sa
farm nila. Pagkatapos ng whole day trip namin hinatid na kami sa Davao. Wait there’s
more napagdesisyonan namin na, nandito na rin lang tayo sa Davao lubos lubosin na natin.
Kaya naman pumunta kami ng Samal para magisland hopping. Anim na destinasyon lahat
ang aming napuntahan. Ang Coral Garden, Babu Santa Beach Resort, Angel’s Cove, Pasig
at ang Wishing Island. Napakaganda talagang experience yun. Sana marami pa kaming
mga planong gagawin tuwing summer.

24

You might also like