You are on page 1of 18

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 10
Kultura’t Paniniwala...
Ihambing, Mito’y Suriin

Ikalawang Markahan
Unang Linggo
Modyul 1

Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang
usapang ng mga tauhan at naisasama ang salita upang makabuo ng iba
pang kahulugan,
2. Nakabubuo ng sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood upang
maihambing ang mitolohiyang Kanluranin sa mitolohiyang Pilipino.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL NA ITO?

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng
inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-
aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba
para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin

2
Aralin
Pagkuha sa Pangunahing
Paksa, Ideya at Kahulugan
1 ng Salita

INAASAHAN
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa
napakinggang/binasang usapan ng mga tauhan,
2. Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng iba pang
kahulugan.
UNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin ang seleksyon at sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat sa
kwaderno ang sagot.

Kinabukasan habang natutulog pa ang higante ay hinugot ni Thor ang maso sa


ulo nito. Napatayo si Skrymir, kinamot ang kaniyang pisngi at nagwika kung may mga
ibon sa itaas ng puno. Nang siya ay magising tila ay may nahuhulog na dahon sa
kaniyang ulo. “Gising ka na ba Thor?” wika niya. Oras na upang bumangon at
magbihis. Malapit na kayo sa kaharian ni Utgaro. Narinig ko kayong nagbubulungan
na ako ay walang kuwentang higante. Kung makakarating kayo kay Utgaro makikita
ninyo ang malalaking tao roon. Bibigyan ko kayo ng mabuting payo. Huwag kayong
magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro Loki,” sabi pa nito
Nagpatuloy sa paglalakbay ang grupo ni Thor hanggang makita nila ang
matibay na tanggulan. Sinubok na buksan ni Thor ang tarangkahan ngunit hindi niya
mabuksan. Nakakita sila ng mataas na pader, pinanhik iyon at doon ay may daanan.
Nakita nila ang malalaking tao na nakaupo sa dalawang bangko. Sumunod na araw
ay kaharap na nila ang hari na si Utgaro-Loki. Nakilala niya si Thor ang mahusay na
mandirigma. “Ikaw ay malakas kaysa tingin ko lamang. Anong kakayahan na mahusay
kayo ng iyong mga kasama? Hindi namin hinahayaan na manatili rito ang taong
walang ipagmamalaki,” wika nito.
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et al 2008. Texas, USA

1. Ang pangunahing paksa ng usapan ng higante at ni Thor ay


A. palakasan ng katawan C. patalasan ng isip
B. kahusayan sa digmaan D. paramihan ng teritoryo
2. Ang ideya sa winika ng higanteng si Skrymir sa unang talata ay
A. iwasan ang pagiging mayabang sa ibang lugar
B. respetuhin ang lider ng pupuntahang lugar
C. maging mabuting panauhin

3
D. kilalanin ang pinuno ng pupuntahang lugar
3. Ang kahulugang nabuo nang pagsamahin ang mga salitang malalaking tao ay

A. makapangyarihan B. higante C. maimpluwensya D. duwende


4. Batay sa winika ng higanteng si Skrymir, ang mahihinuhang katangian ni Thor
ay
A. mapagpakumbaba B. malakas C. mayabang D. duwag
5. Ang payo ng higanteng si Skrymir kay Thor ay
A. huwag subuking pumasok sa lupain nila
B. huwag magpamalas ng pagiging mapagmataas
C. bumalik na lamang at huwag nang ituloy ang paglalakbay
D. malapit na ang hinahanap na lupain ng mga higante

BALIK-TANAW
Panuto: Suriin ang pangunahing paksa at ideya sa babasahing bahagi ng mito
sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong. Isulat ang sagot sa kwaderno.

Sinundan ni Psyche ang asawa subalit paglabas niya, hindi na niya nakita ang
lalaki. Narinig na lamang niya ang tinig ng asawa. Ipinaliwanag nito kung sino siyang
talaga. “ Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala,” wika niya bago tuluyang
lumipad papalayo. “Si Cupid, ang diyos ng pag-ibig!” ang naisip ni Psyche. “ Siya ang
asawa ko. Ako na isang hamak lamang ay hindi tumupad sa aking pangako sa kaniya.
Mawawala na nga ba siya sa akin nang tuluyan?” wika niya sa kaniyang sarili. Inipon
niya ang lahat ng nalalabi niyang lakas at nagwikang “Ibubuhos ko ang bawat patak
ng aking buhay upang hanapin siya. Kung wala na siyang natitirang pagmamahal sa
akin, maipakikita ko sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.” At sinimulan ni Psyche
ang kaniyang paglalakbay.
1. Ano ang pangunahing paksa ng bahaging ito ng mitong Cupid at Psyche?
2. Batay sa binasa, ano ang pinakamahalagang sangkap sa pagmamahal?

MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN


Mababasa sa mga sinaunang kuwento ang mga paniniwala ng
sinaunang tao tungkol sa kanilang mga diyos at diyosa. Sa pamamagitan ng mga
kuwentong ito higit mong mauunawaan ang kultura at paniniwala ng sinaunang
sibilisasyon sa Pilipinas.
Inaasahan sa bahaging ito ang iyong matalinong pagbabasa.

Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan


Muling isinalaysay sa Ingles ni: Maria Luisa B. Aguilar-Cariño
Isinalin ni: Vilma C. Ambat
“Hay, ano ang saysay ng buhay?” naibulalas ni Bugan sa kaniyang asawang si
Wigan. “Hindi man lang tayo magkaroon ng anak; mukhang hindi pinakikinggan ng
mga diyos ang ating mga panalangin!” Sumang-ayon naman si Wigan, “Oo, tama ka!
Pero halika muna, mag-momma tayo at saka natin isipin kung ano ang dapat nating
gawin.” Matagal na nag-isip ang mag-asawa hanggang nakapagdesisiyon si Bugan

4
na magtungo sa tahanan ng mga diyos sa Silangan. “Dito ka lang, Wigan, pupuntahan
ko ang mga diyos na sina Ngilin, Bumabbaker, Bolang at ang diyos ng mga hayop.”
Sinimulan ni Bugan ang kaniyang paglalakbay. Pumunta siya sa Ibyong, dumaan sa
Poitan, nagtungo siya sa silangan papuntang Nahbah, Baninan. Tumawid siya sa ilog
ng Kinakin at narating niya ang lawa sa Ayangan. Nakakita siya ng igat sa tubig-
tabang. Tinanong siya nito “Saan ka pupunta Bugan?” Sumagot si Bugan, “Pupunta
ako ng Silangan para maghanap ng lalamon sa akin, sapagkat hindi kami magkaroon
ng anak ni Wigan.” Tumawa ang igat. “Huwag kang malungkot, Bugan,” wika ng nito.
“Sige magtungo ka sa Silangan at makipagkita ka sa mga diyos.” Ipinagpatuloy ni
Bugan ang kaniyang paglalakbay patungo sa lugar ng mga diyos. Narating niya ang
lawa sa Lagud. Nakita niya roon ang isang buwaya. “Tao, bakit ka naririto?” pag-
uusisa ng buwaya. “Ako si Bugan ng Kiyangan, at naghahanap ako ng lalamon sa
akin. Wala kaming anak ng aking asawa,” sagot ni Bugan. Humikab ang buwaya at
nagsabing, “ Hindi kita maaaring kainin sapagka’t napakaganda mo.” Ipinagpatuloy
muli ni Bugan ang kanyang paglalakbay at nakarating sa tahanan ng kinatatakutang
pating. Nilabanan niya ang pangangatog ng kaniyang tuhod. Hinarap niya ang pating
at nagwika “Pakiusap, kainin mo na ako. Kaming mag-asawa ay walang anak. Ayaw
ko nang mabuhay pa kung hindi ako magkakaroon ng anak.” Sumagot ang pating,
“Isang malaking kahihiyan kapag kinain kita. Napakaganda mo. Halika muna sa aking
tahanan at kumain; bago mo ipagpatuloy ang iyong paglalakbay.” Pagkatapos saluhan
ang pating sa hapag-kainan, muling naglakad patungong silangan si Bugan. Sa wakas
ay narating niya ang tahanan ng mga diyos na sina Ngilin, Bumabakker, at iba pang
mga diyos. Labis siyang napagod kaya humiga siya sa lusong na nasa labas ng bahay.
Doon hinintay ang mga diyos. Lingid sa kaniyang kaalaman, nasa loob lamang ng
bahay si Bumabbaker. “May naamoy akong tao,” sabi ni Bumabbaker. Lumabas siya
ng bahay upang hanapin ang pinanggagalingan ng amoy. Nakita niya ang isang
magandang babae na nakaupo sa kanyang lusong. “Ano’ng ginagawa mo rito,
Bugan?” tanong niya habang kinikilala kung si Bugan nga iyon. “Naku, nagpunta ako
rito upang mamatay, sapagkat hindi pa rin kami nagkakaroon ng anak ni Wigan
pagkalipas ng ilang taon,” wika ni Bugan. “Kahibangan,” wika ni Bumabbaker habang
tumatawa. “Halika, hanapin natin si Ngilin at kung nasaan pa ang iba,” wika ni
Bumabbaker. Nalugod ang mga diyos na makita si Bugan. Nagbigay sila ng regalong
baboy, manok at kalabaw. “Sasama kami sa iyo pabalik sa Kiyangan. Doon ka namin
tuturuan ng ritwal na Bu-ad upang mabiyayaan ka ng mga anak, masaganang ani at
pamumuhay.” Inihatid ng mga diyos si Bugan kay Wigan. Tinuruan nila ang mag-
asawa ng panalanging dapat nilang sambitin sa pagsasagawa ng ritwal na Bu-ad.
Isinagawa ni Wigan at Bugan ang ritwal at pinasalamatan ang kanilang mga diyos.
Pagkalipas ng ilang buwan, walang mapagsidlan ng kaligayahan ang mag-asawa
dahil sa buhay na tumitibok sa sinapupunan ni Bugan.
mula sa Filipino Modyul para sa mga Mag-aaral Baitang 10

Nakita mo ba sa iyong binasa ang sinaunang paniniwala tungkol sa mga


diyos at mga ritwal sa Pilipinas? Inaasahan kong naunawaan mo ang
pangunahing paksa, ideya, at mga salitang iyong napakinggan sa usapan
nina Bugan, Wigan at mga diyos.

5
GAWAIN
Gawain 1 – COLLOCATION
Panuto: Iugnay sa iba pang salita ang salitang nasa loob ng bilog at ibigay ang
kahulugang nabuo ng bagong salita. Gamitin sa pangungusap ang nabuong
salita. Ang unang aytem ay ginawa bilang halimbawa. Isulat sa kwaderno
ang iyong sagot.

tubig tabang – anyong tubig na


hindi maalat

Halimbawa: Tumawid si Bugan


tabang sa tubig tabang sa kanyang
paglalakbay

tubig

hapag-kainan – lamesang gamit


sa pagkain

kainan Halimbawa: Inaya ng diyos si


Bugan sa kaniyang hapag-
kainan

hapag

Gawain 2 – PAGSUSURI SA PAHAYAG

Panuto: Ilahad ang pangunahing paksa at ideyang makukuha sa mga piling pahayag
sa loob ng graphic organizer ng pangunahing tauhan ng binasang mito. Isulat
sa kwaderno ang sagot.

6
Pahayag 1

Paliwanag/Ideya

Pahayag 2

Paliwanag/Ideya

Pahayag 3
Paliwanag/Ideya

1. “Hay, ano ang saysay ng buhay?” naibulalas ni Bugan sa kaniyang asawang si


Wigan. “Hindi man lang tayo magkaroon ng anak; mukhang hindi pinakikinggan
ng mga diyos ang ating mga panalangin!”
2. “Pupunta ako ng Silangan para maghanap ng lalamon sa akin, sapagkat hindi
kami magkaroon ng anak ni Wigan.”
3. “Sasama kami sa iyo pabalik sa Kiyangan. Doon ka namin tuturuan ng ritwal
na Bu-ad upang mabiyayaan ka ng mga anak, masaganang ani at
pamumuhay.”

Gawain 3 – UNAWAIN NATIN


Panuto: Suriin ang naging pangunahing paksa at ideya ng naging pahayag nina
Wigan at Bugan. Iugnay ito sa pandemyang nararanasan ngayon ng mga
Pilipino

Pagkakaroon ng Paghiling sa Diyos


pag-asa sa kabila sa mga ninanais ng
ng desperasyon puso

TANDAAN
Sa pakikinig o pagbabasa ng usapan maaari nating makuha ang pangunahing
paksa at ideya sa pamamagitan ng pag-unawa sa sentral na konseptong nais sabihin
ng nagsasalita. Ito ay maaaring direktang nakalahad sa sinabi o di-direktang makikita
sa pahayag.
Maaari natin paunlarin ang ating bokabularyo habang nakikinig sa
pamamagitan ng kolokasyon o ang pag-uugnay ng salita sa isa pang salita upang

7
makabuo ng bagong kahulugan. Makikita sa tsart sa iba ang mga paraan sa pagbuo
ng kolokasyon.

pandiwa at pangngalan kumalat na balita


pang-uri at pangngalan malaking tao
pangngalan at pangngalan tubig-alat

Ihanda mo na ang iyong kwaderno at sagutin ang kasunod na gawain


upang malaman mo ang iyong natutuhan sa araling ito. Alam kong kaya mo
ito.

PAG-ALAM SA NATUTUHAN
Panuto: Sumulat sa kwaderno ng isang pahayag ng mga pinag-usapang personalidad
ngayon nararanasan natin ang pandemyang COVID-19. Suriin ang
pangunahing paksa at ideya ng pahayag na ito sa pamamagitan ng pagbuo
ng isang infographics
Halimbawang infographics mula sa
https://www.deped.gov.ph/obe-be/

8
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin ang seleksyong nasa ibaba at sagutin ang sumusunod na
katanungan. Isulat sa kwaderno ang sagot.

“Sa aking salita, na ang dulo ng tambuli ay nakakabit sa tubig-alat pero hindi
mo ito nakita pero tingnan mo ang dagat halos masaid ang tubig nito. Hindi rin
kamangha-mangha sa akin nang maiangat mo ang paa ng pusa sa lupa, pero para
sabihin ko sa iyo ang totoo ang lahat ng nakasaksi nito ay nahintakutan. Ang pusang
iyon ay hindi totoong pusa kundi isang Miogaro, isang ahas na ang haba ay sapat na
upang yakapin ang daigdig ng kaniyang ulo at buntot. Iniangat mo ito nang mataas
halos abot hanggang langit. Kamangha-mangha rin nang makipagbuno ka nang
matagal at napaluhod ng isang tuhod lamang sa iyong pakikipaglaban kay Elli na wala
kahit sino mang makagagawa niyon. Ngayon tayo ay maghihiwalay mas makabubuti
para sa ating dalawa na tayo’y di na muling magkita. Ipagpapatuloy ko ang
pagtatanggol sa aking kuta gamit ang aking mahika o anumang paraan upang hindi
manaig ang iyong kapangyarihan sa akin”, pagtatapat ni Utgaro-Loki.
1. Ang kahulugan ng dalawang salitang pinagsama at sinalungguhitan sa mitong
binasa ay
A. tubig na nilagyan ng asin C. tubig na nagmula sa bukal
B. tubig na nagmula sa dagat D. tubig na nagmula sa baso
2. Ang paksa ng pahayag ni Utgaro-Loki ay
A. kung paano nita tinapatan ng lakas sa lakas si Thor
B. kung paano niya ginamit ang salita upang linlangin si Thor
C. kung paano niya nilusob ang lupain ng mga diyos
D. kung paano niya pinaalis si Thor sa kanilang lupain
3. Ang ideyang lumutang sa pahayag ni Utgaro-Loki ay
A. malakas ang mga higante kaysa kay Thor
B. malakas na mandirigma si Thor kaya kailangang linlangin
C. natalo ni Thor ang mga higante at nasakop ang lupain nito
D. narating ni Thor ang lupain ng mga higante
4. Si Utgard-Loki ay nagtataglay ng kapangyarihan sa
A. kalikasan C. salita
B. kaisipan D. katawan
5. Ang ipinamalas na katangian ni Utgaro-Loki bilang pinuno ay
A. kahandaan sa pagbibigay ng proteksiyon sa kaniyang nasasakupan
B. pagiging malakas sa pagharap sa mga kaaway
C. pagiging maagap sa paghahanda ng kaniyang hukbo laban sa
kalaban
D. kawalan ng plano upang bigyan ng proteksyon ang lupain ng mga
Higante

PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO


Panuto: Kung ikaw ay bibigyan ng kapangyarihang makatulong sa paglutas ng
suliranin ng bayan, itala mo ang mga uunahin mong bigyan ng solusyon
batay sa iyong prayoridad (TOP – Think Of Your Priorities). Isulat sa
kwaderno ang sagot at ibahagi ito sa iba pang miyembro ng pamilya.

9
Aralin Pagsusuri

2
at Paghahambing ng mga
Mito

INAASAHAN
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Nakabubuo ng sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood/nabasa,
2. Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang Kanluranin sa mitolohiyang
Pilipino.
Nais ko munang ihanda mo ang iyong kwaderno at sagutin ang ilang
katanungang inihanda ko para sa iyo, bago ka magpatuloy sa iyong pag-aaral.

UNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin ang seleksyong nasa kahon at sagutin ang sumusunod na
katanungan. Isulat sa kwaderno ang sagot.

Sa isang kagubatang maraming bundok sa isang lugar ng Marugbu, isang liblib


na pook, ang mga naninirahan doon ay may pinaniniwalaang isang diyosa o diwata
ng puting usa. Ito ang kuwento ng kanilang mga ninuno na unang nanirahan doon.
Ang Diyos raw na ito ay tinatawag na Rihawani. Kung minsan ay nagpapalit daw ito
ng anyo bilang isa ring puting usa. Ang mga naninirahan sa liblib na pook na ito ay
ingat na ingat at takot na takot na magawi o maglagalag sa kagubatan,
pinananahanan ni Rihawani, kahit alam nilang dito sila maraming makukuhang mga
bagay na maaari nilang magamit o mapagkakitaan. Mga prutas, mga hayop-gubat,
mga halamang gubat, at iba pa.
Sang-ayon sa kanila, may nakakita na kay Rihawani. Isa sa mga taong
naninirahan din doon. Minsan daw, nang maligaw ito sa pangunguha ng mga kahoy
at prutas ay napadako ito sa pook ni Rihawani. Nakita raw at nasumpungan nito ang
diyosa. Kahit sa malayo ay kapansin-pansin ang angking kagandahan nito, habang
nakikipag-usap sa ilang mga usang puti na nasa kaniyang paligid. Nang maglakad
ang mga ito sa dakong patungo sa kinaroroonan ng mga tao ay mabilis na humangos
itong tumalilis dahil sa takot na makita ni Rihawani, ang diyosa. Nang makarating ito
sa bahay ay hindi magkumahog sa pagbabalita sa kaniyang nasaksihan. Mula noon
ay lalo nang naging katatakutan ang kagubatang iyon.
- Mula sa Panitikang Filipino (Pampanahong Elektroniko), (Arrogante et. al, 1991)

1. Ang panahon ng binasang kuwento ay


A. makabago B. sinauna C. panghinaharap D. pangkasalukuyan

10
2. Ang kuwentong binasa ay tungkol sa
A. isang lider ng digmaan na naging tanyag sa mga labang ipananalo
B. isang diwatang may kakaibang kakayahan upang mabantayan ang
kagubatan
C. isang diyos na nagbigay ng kaparusahan sa nasasakupan nito
D. isang diyosa na umibig sa isang mortal o tao
3. Marahil, ang ganitong kuwento ay laganap sa Pilipinas dahil
A. likas na relihoyoso ang mga ninuno sa Pilipinas
B. malalawak ang kagubatan sa Pilipinas noon
C. mahilig sa mga sabi-sabi ang mga Pilpino noon
D. sagana sa karagatan ang Pilipinas
4. Ang natatanging kakayahan ng diyos sa kuwento ay
A. magbigay ng biyaya sa mga tao
B. magpalit ng anyo bilang isang hayop
C. mawala ng mabilis upang malito ang nakakita rito
D. magamit ang kagubatan bilang proteksyon niya
5. Ang paraan ni Rihawani ay ipinamalas niya upang
A. magpakalat ng takot C. magbigay ng proteksyon sa gubat
B. magbigay ng kaparusahan D. magpakalat ng kuwento

BALIK-TANAW
Panuto: Isa-isahin sa graphic organizer ang mga elementong taglay ng mitong
Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan

Tauhan at Banghay Tema


Tagpuan

MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN


Mababasa mo ngayon ang isang mito mula sa Pilipinas. Matutuklasan mo ang
mga sinaunang paniniwala ng ating mga ninuno tungkol sa mga diyos o diwata na
naatasang magbigay ng proteksyon sa malalagong kagubatan ng Pilipinas.

Naranasan mo na bang makapanood ng kuwento tungkol sa isang diwata?

Rihawani
Sa isang kagubatang maraming bundok sa isang lugar ng Marugbu, isang liblib
na pook, ang mga naninirahan doon ay may pinaniniwalaang isang diyosa o diwata
ng puting usa. Ito ang kuwento ng kanilang mga ninuno na unang nanirahan doon.
Ang Diyos raw na ito ay tinatawag na Rihawani. Kung minsan ay nagpapalit daw ito
ng anyo bilang isa ring puting usa. Ang mga naninirahan sa liblib na pook na ito ay

11
ingat na ingat at takot na takot na magawi o maglagalag sa kagubatan,
pinananahanan ni Rihawani, kahit alam nilang dito sila maraming makukuhang mga
bagay na maaari nilang magamit o mapagkakitaan. Mga prutas, mga hayop-gubat,
mga halamang gubat, at iba pa. Sang-ayon sa kanila, may nakakita na kay Rihawani.
Isa sa mga taong naninirahan din doon. Minsan daw, nang maligaw ito sa
pangunguha ng mga kahoy at prutas ay napadako ito sa pook ni Rihawani. Nakita
raw at nasumpungan nito ang diyosa. Kahit sa malayo ay kapansin-pansin ang
angking kagandahan nito, habang nakikipag-usap sa ilang mga usang puti na nasa
kaniyang paligid. Nang maglakad ang mga ito sa dakong patungo sa kinaroroonan
ng mga tao ay mabilis na humangos itong tumalilis dahil sa takot na makita ni
Rihawani, ang diyosa. Nang makarating ito sa bahay ay hindi magkumahog sa
pagbabalita sa kaniyang nasaksihan. Mula noon ay lalo nang naging katatakutan ang
kagubatang iyon.
Isang araw ay may mga dayuhan na dumating doon na ang pakay ay mangaso
o mamaril ng hayop-gubat. Nagtanong-tanong daw ang mga ito kung saang gubat
marami ang mga hayop o ibon na maaaring puntahan. Itinuro nila ang gubat ngunit
isinalaysay rin ang kasaysayan nito na pinanahanan ni Rihawani. Itinagubilin ding
huwag ibiging puntahan ang pook na iyon. Para sa ikatitiyak ng lakad ay ipinagsama
ng mga ito ang isang tagagabay. At lumisan ang mga ito patungo sa gubat na
pupuntahan. Pagdating sa paanan ng isang bundok ay napagkasunduan ng mga
itong maghiwahiwalay at magkita-kita na lamang sa isang lugar sa dakong hapon.
Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ang isa ay nagkainteres na dumako sa gubat na
pinanahanan ni Rihawani. Hindi nito pinakinggan ang tagubilin ng nakatatanda sa
lugar na iyon. Nang makasapit na ito sa dakong itaas ng bundok ay naglalakad-lakad
naman at nagsipatsipat ng mababaril na hayop. Naisip nito ang puting usa na sinasabi
ng matanda. Nang mapadako ito sa tabing-ilang, napansin niya ang isang pangkat ng
mapuputing usa. Nang maramdaman ng mga hayop na may tao, nabulabog ang mga
ito at nagtakbuhang papalayo. Hinabol nito ang isa at tinangkang barilin, ngunit
walang matiyempuhan. Hanggang sa may makita ito sa dakong kadawagan ng gubat,
agad inasinta at binaril. Tinamaan ang puting usa sa binti at hindi na nakatakbo. At
nang lalapitan ng mga mangangaso ang puting usa may biglang sumulpot sa likuran
na isang puting-puting usa na malayo sa hitsura ng nabaril. Lalo siyang namangha
nang ang usa ay mag-iba ng anyo at naging isang napakagandang babae.
Sinumbatan nito ang mangangaso. Sa ginawang iyon ng dayuhan, umusal ng sumpa
ang diwata at ang lalaki ay naging isang puting usa at mapabilang na sa mga alagad
ni Rihawani. Nang dakong hapon na hinanap ito ng mga kasamahan. Tinawag nang
tinawag ang pangalan nito ngunit walang sumasagot. Napaghinuha na lamang ng
lahat lalo na ng kasamang gabay na sinuway nito marahil ang tagubilin, tuloy nabilang
sa sumpa ni Rihawani. Mula noon, bukod sa naging aral na sa mga nandoon ang
pangyayaring iyon, ay pinangilagan na ng mga nangangaso ang dakong iyon ng
kagubatan.
- Mula sa Panitikang Filipino (Pampanahong Elektroniko), (Arrogante et. al, 1991)

Ngayong tapos ka na magbasa, narito ang mga gawaing hahamon sa


iyong kakayahan at mapanuring pag-iisip!
GAWAIN
Gawain 1 – SURIIN MO
Panuto: Isulat sa kwaderno ang sagot sa bawat katanungan na maglalaman ng
pagsusuri sa binasang mito.

12
• Isulat ang • Ilarawan ang
natatanging lugar at
katangian panahon ng
kuwento

TAUHAN TAGPUAN

TEMA TEMA

• Ilarawan ang • Ilarawan ang


ugnayan ng tao pag-uugali ng
sa diwata mga tao

Gawain 2 – VENN DIAGRAM

Panuto: Bumuo ng paghahambing sa dalawang mitong iyong binasa gawing gabay


ang makikita sa venn diagram. Isagawa ito sa iyong kwaderno.

Mito Mito
A B
Punto ng Paghahambing
1. Kakayahan ng Tauhan
2. Tagpuan (Lugar at Panahon)
3. Sinaunang Paniniwala at Paraan ng Pamumuhay
4. Banghay
5. Tema

TANDAAN
Ang mitolohiya ay isang tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa
sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral. Ang salitang mitolohiya ay hango sa
salitang Griyego na myhtos na ang ibig sabihin ay kuwento. Ang mitolohiya ay isang

13
natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala
at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao. Maaaring nagsimula
ang mitolohiya mula nang magsimulang magtanong ang tao tungkol sa pagkakalikha
ng mundo at ano ang kanilang tungkulin dito. Sa pamamagitan ng mitolohiya ay
nabibigyan ng kalinawan ang mga kababalaghang pangyayari at ang mga nakatatakot
na puwersa sa daigdig tulad ng pagbabago ng panahon, apoy, kidlat, pagkagutom,
pagbaha, at kamatayan.
Mahalaga ang mitolohiya upang maipaliwanag ang pagkakalikha ng mundo at
mga natural na pangyayari. Sa mitolohiya rin mababasa ang mga sinaunang
paniniwalang panrelihiyon. Nagtuturo rin ito ng aral at nagpapaliwanag ng
kasaysayan. Mahalaga rin ito upang maipahayag ang takot at pag-asa ng
sangkatauhan.
Ang mga elemento ng mitolohiya na maaaring suriin ay ang mga sumusunod:
1. Tauhan - Ang mga tauhan sa mitolohiya ay mga diyos o diyosa na may taglay na
kakaibang kapangyarihan.
2. Tagpuan - May kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan at sinauna ang
panahon.
3. Banghay - Maaaring ang banghay o mga pangyayari ay tumatalakay sa
sumusunod:
a. maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian
b. maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na mga
pangyayari
c. nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas
d. ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa
e. tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon at
interaksiyong nagaganap sa araw, buwan at daigdig
4. Tema - Maaaring ang tema ng mitolohiya ay nakatuon sa sumusunod:
a. magpaliwanag sa natural na pangyayari
b. pinagmulan ng buhay sa daigdig
c. pag-uugali ng tao
d. mga paniniwalang panrelihiyon
e. katangian at kahinaan ng tauhan
f. mga aral sa buhay

- Mula sa Elements of Literature, (Anderson et. al ,1993) at Enjoying Literature, (Ferrara et. al, 1991)

PAG-ALAM SA NATUTUHAN

A. Panuto: Magtanong sa nakatatandang miyembro ng pamilya tungkol sa mga


sinaunang kuwento sa iyong lugar. Suriin ito sa pamamagitan ng mga
inihandang tanong. Isulat sa kwaderno ang sagot nang pasanaysay.

14
Tauhan - Isulat ang katangian ng pangunahing
tauhan

Tagpuan - Ilarawan ang lugar at panahon ng


kuwento

Tema - Isalaysay ang ugnayan ng mga tao sa


diyos/diwata

B. Panuto: Isulat sa kwaderno ang naging balangkas ng daloy ng mga pangyayari sa


binasang mito. Sundin ang isinasaad ng graphic organizer.

Kapana-panabik na Tinalakay na
Pagpapakilala sa Sinaunang Paniniwala
Diwata Tunggalian at Aksyon

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin ang seleksyong nasa ibaba at sagutin ang sumusunod na
katanungan. Isulat sa kwaderno ang sagot.

15
Ayon sa mga kUwento ang ibang buwan ay nakaligtas gaya ni Bulan, na kinuha
at dinukot ng diyos ng kamatayan na si Sidapa, Si Mayari naman ay nakaligtas din
nang siya ay bumaba sa kalupaan at nakita niya ang isang lalaki na mag-uunong o
magpapatiwakal sapagkat wala siyang batuk o palamuti sa balat na tanda ng
kagitingan at pagiging matapang. Ginawang asawa ni Mayari ang lalaki at itinuro sa
kanya ang mga lihim ng pangagamot at pag-aanito. Siya ay ang naging unang Asog.
Samantala ang natitirang buwan sa kalangitan ay nalumbay. Siya ay nagalit at
kumuha siya ng sinag tala upang gawing sandata, isang kampilan pang laban sa
Bakunawa, at mula rin sa sinag tala siya ay gumawa ng pantakip sa kanyang mukha
upang ipagluksa ang mga nawalang kapatid, Siya ay si Haliya. Napagtanto ng Aba na
nawala ang mga buwan sa langit. Nang makita niyang lalamunin ng Bakunawa ang
huling buwan, ito’y kanyang pinigil at ginapi. Pinagsabihang huwag gagalawin ang
huling buwan. Si Bakunawa ay hindi na muling naging isang magandang diwata, kung
hindi siya ay mananatiling isang halimaw, at pangit gaya ng kanyang ginawa at binalak
sa mga buwan. Sinasabing minsan-minsan ay sinusuway ni Bakunawa ang utos ni
Bathala, at tinatangka parin niyang lunukin ang buwan. Ang mga tao ay dapat mag
ingay upang iluwa ni Bakunawa ang Buwan.
-mula sa http://precolonailphilippinesmyths.blogspot.com/2017/01/bakunawa-at-ang-pitong-
buwan.html

1. Ipinaliwanag ng kuwento ang sinaunang paniniwala tungkol sa


A. araw B. dagat C. buwan D. kalangitan
2. Ang makapangyarihang nag-uutos sa mga diwata ay si
A. Bakunawa B. Mayari C. Dayaw D. Bathala
3. Ipinaliwanag ng kuwento sa mga ninuno ang
A. pagpapalit ng hugis ng buwan
B. pagkawala ng buwan at pagbabalik nito
C. pagtaas at pagbaba ng tubig sa dagat tuwing magpapalit ng buwan
D. pagiging marami ng buwan
4. Ang nabasa na sinaunang tradisyon ay
A. panggamot at pag-aanito C. pagiging maiinggitin
B. pag-ibig ng diwata sa tao D. pagsunod kay Bathala
5. Ang dapat gawin ng mga tao upang bumalik ang buwan ay
A. magdasal B. mangisda C. mag-ingay D. magsilabas
6. Ang maituturing na pagkakapareho nina Rihawani at Bakunawa ay
A. parehong diwatang nagtataglay ng supernatural na lakas
B. parehong diwatang may kakayahang magbigay ng biyaya at
kaparusahan
C. parehong diwatang tagapagbantay ng kalikasan
D. parehong pinarusahan ni Bathala
7. Kung si Bugan ay agad nawalan ng tiwala na sila ay magkakaanak maituturing
namang kahinaan ni Bakunawa ang
A. pagiging masunurin C. pagiging duwag
B. pagiging sakim D. pagiging mayabang
8. Ang temang angkop sa binasang mito ay

16
A. magpaliwanag sa natural na pangyayari
B. pinagmulan ng buhay sa daigdig
C. pag-uugali ng tao
D. mga paniniwalang panrelihiyon
9. Batay sa kuwento nina Bugan at Wigan magkakaroon ng anak kung isasagawa
ang ritwal, sa binasang mito naman tinalakay ang sinaunang paniniwala sa

A. pagpapalit ng buwan at araw


B. pagkawala at pagbabalik ng buwan
C. pagkakaroon ng mataas at mababang tubig sa dagat
D. pag-iiba-iba ng panahon
10. Sa mitolohiyang Pilipino, ang mga naatasang bantayan ang kalikasan ay
A. diwata B. engkanto C. nilalang D. diyosa

PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO


Panuto: Isulat sa kwaderno ang mga konspeto at kaisipang natutuhan sa aralin.
Sundin ang bilang 1-4-3 na nakasaad sa tsart.

1 Natatangi o 4 na Kaalamang 3 Tanong na Dapat


Pinakamakabuluhang Nakapukaw sa Iyo Bigyang-Diin sa Pagtalakay
Kaalamang Nakintal sa Isip

SANGGUNIAN
Ambat, Vilma C. et al. 2015. Filipino Modyul para sa mga Mag-aaral Baitang 10 (Unang Edisyon).
Department of Education.
Arrogante, Jose A. et al. 1989. Panitikang Filipino: Pampanahong Elektroniko. (Binagong Edisyon).
National Bookstore.
https://www.researchgate.net/figure/Subtypes-and-Examples-of-Lexical-Collocations_tbl1_311849262
https://www.deped.gov.ph/obe-be/
http://precolonailphilippinesmyths.blogspot.com/2017/01/bakunawa-at-ang-pitong-buwan.html

Pangkat ng Tagapamahala at Paglinang sa SLeM

Tagapamanihala ng mga Paaralang Sangay: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Punong Superbisor ng Edukasyon: Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon: Edwin R. Mabilin, Ph.D.
CID Superbisor sa LR: Lucky S. Carpio, Ed.D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/Tagasuri: Museta DR Dantes, PSDS


Lucelma O. Carpio, HT VI
Manunulat: Jonathan A. Salceda, MT I

17
18

You might also like