You are on page 1of 7

Pangalan ng Mag-aaral: Baitang/Pangkat:

___________________________________________________ _______________________

Guro: Petsa ng Pagpasa:


___________________________________________________ _______________________

I. SUSING KONSEPTO

1. KAISIPAN
 nais na iparating ng manunulat sa mga mambabasa
 maihahalintulad sa salitang konsepto, ideya o pananaw

2. Sa pagtukoy ng kaisipan kailangan tandaan ang sumusunod:

 suriin ang akda


 suriin ang pananaw
 suriin ang kilos o gawi ng mga tauhan
 suriin ang detalye at banghay

3. Pagpapahayag ng pananaw. Makabubuting may sapat na


kaalaman sa paksang pinag-uusapan upang masusing
mapagtimbang-timbang ang mga bagay at maging katanggap-
tanggap ang ating mga opinyon o sariling paniniwala

4. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Naipapahayag ang mahalagang


kaisipan/pananaw sa nabasang
mitolohiya

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO

RO_Filipino_Baitang 10_K1_LP 1
GAWAIN A. Basahin ang talata sa ibaba. Pagkatapos, magpahayag ng
tatlong mahahalagang kaisipang nakuha mo sa binasang mito.

Mashya at Mashyana: Mito ng Pagkalikha


Mula sa primebal na hayop na Gayomart na hindi lalaki at babae.
Nagmula ang ikaanim na paglikha ni Ahura Ohrmuzd. Sa kabilang banda,
Ahriman Mainyu na sinasabing espirito ng masama at naninirahan sa
kadiliman ay naghangad na wasakin ang lahat ng nilikha ni Ahura
Ohrmuzd.
Inisip naman ni Ahura Ohrmuzd na patayin Gayomard kaya
nagpadala siya ng demonesa sa katauhan ni Jeh.
Nagtagumpay ang demonesa, subalit nabihag siya ng buwan na si
Mah. Mula sa binhi ni Gayomard bago siya namatay ay lumago at mula sa
kaniyang bangkay ay may tumubong isang puno na pinagmulan ng lahat ng
may buhay na halaman. At dito nanggaling sina Mashya at Mashyana.
Tumulong sa Mashya at Mashyana sa pakikipaglaban kay Ahriman
Mainyu. Nagkaroon ng mga anak sina Mashya at Mashyana na tig-15
kambal sa buong daigdig at maging mga lahi ng sangkatauhan.

MGA KAISIPAN:
1. _____________________________________________________________________
2. _____________________________________________________________________
3. _____________________________________________________________________

GAWAIN B. Basahin ang kasunod na talata.

Ang Paglagay sa Tahimik


“Ang pag-aasawa ay hindi kaning isusubo at iluluwa kung
mapaso.”Mahalaga ang kahulugan ng pahayag na ito.
Pinag-iisipan at pinaghahandaan ang paglagay sa tahimik. Ito ay para
sa panghabang panahong pagsasama. Ang tagumpay nitay nasa kahandaan
ng mga nais mag-asawa.
Kaya na ba ng babae at lalaki ang magpamilya? Sila ba’y handa nang
magsarili at tumayo sa sariling paa? Mapagmahal, masikap, matiyaga,
masipag, maunawain, at mapagpaumanhin ang ilang mga katangian dapat
taglayin nila. Makapagtuturo sila ng kabutihan at huwaran sila ng kanilang
magiging mga anak. Matatag ang kanilang hanapbuhay, kaya
makapagbigay sila ng magandang kinabukasan sa magiging supling. Sila’y

RO_Filipino_Baitang 10_K1_LP 1
handang tumanggap ng mga pananagutan saka handa rin silang
magsagawa ng kanilang tungkulin bilang mag-asawa.
Ang paglagay sa tahimik ay maselan. Hingin ang payo ng mga
magulang at ng nakakatanda. Tandaan: “Ang pag-aasawa’y madaling
pasukan subalit mahirap labasan”.

Sa binasang teksto, makikitang lumutang ang sumusunod na mga


kaisipan:
1. Ang pag-aasawa ay hindi kaning isusubo at iluluwa pagkatapos
2. Makinig sa payo ng mga magulang
3. Kailangang paghandaan ang pananagutan at tungkulin ng pag –
aasawa

Paano natin nagawang maipahayag ang kaisipan mula sa ating


binasa?

GAWAIN C. Basahin ang mito na hango sa Ifugao at sagutan ang


sumusunod na tanong na nasa ibaba.

NAGKAROON NG ANAK SINA WIGAN AT BUGAN


Muling isinalaysay sa Ingles ni: Maria Luisa B. Aguilar-Cariño

RO_Filipino_Baitang 10_K1_LP 1
Isinalin ni: Vilma C. Ambat

“Hay, ano ang saysay ng buhay?” naibulalas ni Bugan sa kaniyang


asawang si Wigan. “Hindi man lang tayo magkaroon ng anak; mukhang
hindi pinakikinggan ng mga diyos ang ating mga panalangin!”
Sumang-ayon naman si Wigan, “Oo, tama ka! Pero halika muna, mag-
momma tayo at saka natin isipin kung ano ang dapat nating gawin.”
Matagal na nag-isip ang mag-asawa hanggang nakapagdesisiyon si
Bugan na magtungo sa tahanan ng mga diyos sa silangan. “Dito ka lang,
Wigan, pupuntahan ko ang mga diyos na sina Ngilin, Bumakker, Bolang at
ang diyos ng mga hayop.”
Sinimulan ni Bugan ang kaniyang paglalakbay. Pumunta siya sa
Ibyong, dumaan sa Poitan, nagtungo siya sa silangan papuntang Nahbah,
Baninan. Tumawid siya sa ilog ng Kinakin at narating niya ang lawa sa
Ayangan. Nakakita siya ng igat sa lawa. Tinanong siya nito “Saan ka
pupunta Bugan?” Sumagot si Bugan, “Pupunta ako ng Silangan para
maghanap ng lalamon sa akin, sapagkat hindi kami magkaroon ng anak ni
Wigan.” Tumawa ang igat. “Huwag kang malungkot, Bugan,” wika nga nito.
“Sige magtungo ka sa silangan at makipagkita ka sa mga diyos.”
Ipinagpatuloy ni Bugan ang kaniyang paglalakbay patungo sa lugar
ng mga diyos. Narating niya ang lawa sa Lagud. Nakita niya roon ang isang
buwaya. “Tao, bakit ka naririto?” pag-uusisa ng buwaya. “Ako si Bugan ng
Kiyangan, at naghahanap ako ng lalamon sa akin. Wala kaming anak ng
aking asawa,” sagot ni Bugan. Humikab ang buwaya at nagsabing, “ Hindi
kita maaaring kainin sapagka’t napakaganda mo.”
Ipinagpatuloy muli ni Bugan ang kanyang paglalakbay at nakarating
sa tahanan ng kinatatakutang pating. Nilabanan niya ang pangangatog ng
kaniyang tuhod. Hinarap niya ang pating at nagwika “Pakiusap, kainin mo
na ako. Kaming mag-asawa ay walang anak. Ayaw ko nang mabuhay pa
kung hindi ako magkakaroon ng anak.”
Sumagot ang pating, “Isang malaking kahihiyan kapag kinain kita.
Napakaganda mo. Halika muna sa aking tahanan at kumain; bago mo
ipagpatuloy ang iyong paglalakbay.” Pagkatapos saluhan ang pating sa
hapag-kainan, muling naglakad patungong silangan si Bugan. Sa wakas ay
narating niya ang tahanan ng mga diyos na sina Ngilin, Bumabakker, at iba
pang mga diyos. Labis siyang napagod kaya humiga siya sa lusong na nasa
labas ng bahay. Doon hinintay ang mga diyos. Lingid sa kaniyang
kaalaman, nasa loob lamang ng bahay si Bumabbaker.
“May naamoy akong tao,” sabi ni Bumabbaker. Lumabas siya ng bahay
upang hanapin ang pinanggagalingan ng amoy. Nakita niya ang isang

RO_Filipino_Baitang 10_K1_LP 1
magandang babae na nakaupo sa kanyang lusong. “Ano’ng ginagawa mo
dito, Bugan?” tanong niya habang kinikilala kung si Bugan nga iyon.
“Naku, nagpunta ako rito upang mamatay, sapagkat hindi pa rin
kami nagkakaroon ng anak ni Wigan pagkalipas ng ilang taon,” wika ni
Bugan.
“Kahibangan,” wika ni Bumabbaker habang tumatawa. “Halika,
hanapin natin si Ngilin at kung nasaan pa ang iba,” wika ni Bumabbaker
Nalugod ang mga diyos na makita si Bugan. Nagbigay sila ng regalong
baboy, manok at kalabaw. “Sasama kami sa iyo pabalik sa Kiyangan. Doon
ka namin tuturuan ng ritwal na Bu-ad upang mabiyayaan ka ng mga anak,
masaganang ani at pamumuhay.”
Inihatid ng mga diyos si Bugan kay Wigan. Tinuruan nila ang mag-
asawa ng panalanging dapat nilang sambitin sa pagsasagawa ng rituwal na
Bu-ad. Isinagawa ni Wigan at Bugan ang rituwal at pinasalamatan ang
kanilang mga diyos. Pagkalipas ng ilang buwan, walang mapagsidlan ng
kaligayahan ang mag-asawa dahil sa buhay na tumitibok sa sinapupunan
ni Bugan.

TANONG SAGOT
1. Ilarawan ang katangian
nina Wigan at Bugan?
2. Ano ang kultura ng mga
Pilipino na masasalamin sa
epikong ito?
3. Ano ang mahalagang
mensahe na iyong nakuha
mula sa binasang mito?

GAWAIN D. Magpahayag ng ilang mahahalagang kaisipang taglay ng


akda batay sa sumusunod na mga katangian.

1. Magpahayag ng dalawang kaisipan mula sa napakinggan


patungkol sa pagpapasalamat nang taos – puso.

➢ ________________________________________________________
 ________________________________________________________
➢ ________________________________________________________

2. Magpahayag ng dalawang kaisipan mula sa napakinggan


patungkol sa paghihintay at pagtitiyaga.

➢ ________________________________________________________

RO_Filipino_Baitang 10_K1_LP 1
➢_________________________________________________________

➢ ________________________________________________________

SUSI SA PAGWAWASTO

(Ang lahat ng sagot ay magiging subhetibo)

REPLEKSIYON
Ilahad ang pinakamahalagang natutuhan sa araling ito sa
pamamagitan ng #Pulot of the Day.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

SANGGUNIAN

Ambat, V., et.al. (2015) Filipino-Ikasampung Baitang Modyul para


sa Mag-aaral. Vibal Group Inc. Department of Education-Instructional
Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS): DepEd Complex, Meralco
Avenue, Pasig City, Philippines

Jardin, A. (2020) DepEd RV SLM (Filipino – Baitang 10 Kwarter 1 –


Modyul 1: KAISIPAN MO, IPAHAYAG MO.) Regional Center Site, Rawis,
Legazpi City

Manunulat:

MARK JON-JON F. NAVIDA


Guro, Tandaay High School

Layout Artist:
JAYCEL P. LAURENTE
Dalub Guro I, Nabua National High School

Illustrator:

RO_Filipino_Baitang 10_K1_LP 1
JAN ERVIN S. BABOR
Guro, Nabua National High School

RO_Filipino_Baitang 10_K1_LP 1

You might also like