You are on page 1of 17

9

FILIPINO
Ikatlong Markahan-Modyul 7:
Paggamit ng mga Pang-abay
sa Pagsulat ng Alamat

May-akda: Marylyn DL. Patawaran


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.


 Aralin – Paggamit ng mga Pang-abay sa Pagsulat ng Alamat

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang


sumusunod:
A. nahuhulaan ang maaaring mangyari sa akda batay sa ilang
pangyayaring napakinggan;
B. nakikilala ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan at
pamaraan; at
C. nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan at
pamaraan sa pagsulat ng alamat

Subukin

Basahin ang akda, bigyang pansin ang mga salita/pariralang nakasulat


nang madiin. Ilista ito sa talahanayan at tukuyin kung ito ay pang-abay na
Pamanahon, Panlunan, o Pamaraan.

India
ni Marylyn Patawaran
Halina’t ating lakbayin, bansang India ay kilalanin. Kultura nila ay
sandaling silipin. Sa pagbasa ito ay iyong kakamtin.
Batid mo ba? Sa India matatagpuan ang pinakamalaki, pinakamatanda at
mabilis na lumalagong sibilisasyon sa lipunan. Kabihasnang Indus kung ito ay
tawagin, na tinatayang nagsimula noong 3000 BCE.
Kaugalian din nila ay tunay na mababakas, gaya ng Caste System na kilala
sa apat na Uri o antas. Brahman, Kshatriya, Vaishya at Sudra, Kalagayang
panlipunan isa-isahin nating alamin.
Una ay ang Brahman, na binubuo ng mga kaparian. Sunod ay Kshatriya na
pinuno at mandirigma ay kabilang. Ikatlo ay Vaishya, mangangalakal, artisan at
magsasaka rito ay matatagpuan. Ikaapat ay Sudra, magsasakang walang sariling
lupa, Dravidian, at hindi mga Aryan.
Sa usaping pananampalataya, ang bansang ito ay talagang makasaysayan
sapagkat Hinduismo ay dito isinilang. Tinatayang pinakamatandang relihiyon
hanggang sa kasalukuyan. Brahma, Vishnu, Shiva ay mga Diyos na kanilang
kinikilala at taos-pusong iginagalang.
Bantog at sagrado rin ang kanilang templo. Vishnu Temple ang ngalan nito.
Sa Lungsod ng Tirupathi matatagpuan ito, na binuo noon pang ikasampung siglo.
Bansang ito ay sadyang natatangi. Anomang paniniwala at kaugalian ay dapat na
ibahagi. Nawa ito ay iyong nalimi sapagkat kultura ay bahagi ng ating lahi.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
1
Salita/Parirala (Pang-abay)
Pamanahon, Panlunan, o Pamaraan.

1.
2.
3.
4.
5.

Paggamit ng mga Pang-abay


Aralin
sa Pagsulat ng Alamat
Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang wastong paggamit ng mga pang-abay
na pamanahon, panlunan at pamaraan sa pagsulat ng alamat. Upang ito ay
malinang, kailangan mong gawin nang matapat ang mga gawain.

Balikan
Balik-aralan mo ang tungkol sa natutuhang aralin noong nakaraan sa
pamamagitan ng pagbibigay ng kahulugan at halimbawa ukol sa mga ekspresyong
nagpapahayag ng katotohanan at opinyon. Gamitin ang balangkas na makikita sa
ibaba.
Ipaliwanag ang
Ekspresyong
______________________ Nagpapahayag ng
______________________ Katotohanan at
______________________ Opinyon

Mga ______________________
______________________
katotohanang ______________________
Pahayag ______________________ Mga Pahayag
na Opinyon
____________ ____________
____________ ____________
____________ ____________
____________ ____________

Halimbawang Pangungusap

1. _______________________________________________
_______________________________________________
2. _______________________________________________
_______________________________________________
3. _______________________________________________
_______________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2
A. Panimula
Bilang isang kabataan, ano-anong katangian ang nais mong taglayin ng isang
pinuno na siyang maglilingkod sa inyong bayan?

Katangian ng aking Pinuno

katangian paliwanag

1. _________________

2. _________________

3. _________________

4 _________________

5. _________________

B. Pagbasa

ALAM MO BA?

Sa India ay kilala ang apat na uri ng kalagayang


panlipunan na tinatawag nilang Varnas o Caste system. Ang
pinakamataas sa mga ito ay ang Brahman o mga kaparian;
sumusunod ang uring Kshatriyao o mga mandirigmang; kasunod
ang Vaishya o mga mangangalakal ; at huli ang Sudra o mga
manggaga. Ang mataas na pagtingin sa mga Brahman o Brahmin
ay nagsimula pa noong panahong Vedic. Magmula noon hanggang
ngayon, wala nang masyadong nagbago sa ganitong pagtingin
kaya naman ang mga Brahman ay patuloy pa ring nakatatanggap
ng pagkilala subalit ito’y hindi na naisasalin sa material na
benepisyo sapagkat hindi na ito tinatanggap sa kasalukuyan.
Sanggunian: 2013 Encyclopedia Britannica Online.
Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t Dalawang

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
3
Kuwento ng Trono (Simhasana Battisi)
(Isang Alamat mula sa India)
Noong unang panahon, sa isang lugar na tinatawag na Bharat na ngayo'y
kilala na bílang bansa ng India, may isang binata ang naninirahan kasáma ang
kanyang matandang ina. Sila'y kabilang sa mataas na uring panlipunang
tinatawag na Brahman subalit silá nama'y napakadukha. Tanging maliit na dampa
lamang at kapirasong lupang tinatamnan nila ng gulay ang kanilang pag-aari.
Dahil sa kanilang kalagayan ay wala nang pag-asa ang binatang Brahman na
makapag-asawa dahil wala silang salapi o ari-ariang maiaalay sa pamilya ng
mapapangasawa.
"Dapat siguro'y manghiram o mangutang ka muna sa ating mga kamag-
anak at kaibigan," ang payo ng ina sa kaniyang anak. "Noong kumikita ka pa'y
napakarami mo rin namang taong natulungan," ang dugtong pa niya.
Nahihiya man ay nakumbinsi naman ng ina ang binatang Brahman na
humingi ng tulong sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak. Gustong-gusto niya
talagang makapag-asawa upang may makasama sila ng kaniyang matandang ina
sa kanilang munting dampa. Pagkalipas nga lang ng ilang linggo ay halos mapuno
ang dalawang banga ng ginto at salaping iniambag ng kanilang mga kaibigan at
kamag anak. At dahil dito, sa wakas, nakapagpakasal ang binatang Brahman. Siya
ngayo'y may isang maganda at mapagmahal na asawang nagngangalang Mela.
Ang kaniyang ina man ay masayáng-masayá dahil may malakas at masipag
na manugang na siyang makatutulong sa mga gawaing mahirap na para sa isang
matandang tulad niya tulad ng pagkuha ng panggatong sa gubat at pagluluto ng
pagkain ng pamilya. Sa tuwing umaalis ang kaniyang manugang para mangahoy
ay laging nagpapaalala sa kaniya ang matandang babae.
"Mag-iingat ka sa mga espiritu, anak. Itali mong mabuti ang iyong buhok
dahil iyan ang hahatakin ng espiritu upang makuha ka," ang lagi niyang paalala.
"Huwag po kayong mag-alala, Inang. Lagi ko pong itinatali ang aking
buhok," ang sagot naman ni Mela sa kaniyang biyenan.
Maingat nga niyang itinatali ang kaniyang buhok sapagkat alam niyang sa
dinadaanan niyang mga punò ay may nakatirang shakchunni, isang espiritu ng
maybahay na walang ibang hangad kundi magpanggap bilang asawa. Ito ang nais
ng mga espiritu, ang muling maging bahagi ng isang pamilya at magpanggap
bilang tao. Subalit hindi nila maiisahan si Mela dahil hindi lang siya maganda,
maayos din siya sa katawan, at higit sa lahat ay matalino.
Ang akala niya'y masisiyahan na ang kaniyang asawa sa kung anong
mayroon sila subalit nagkamali siya. Ngayong ubos na ang salapi at ginto sa
kanilang banga ay gusto uli ng laláking umalis at makipagsapalaran upang
magkaroon pa ng mas maraming kayamanan.
"Asawa ko, bakit kailangan mo pang umalis? Masaya ako kahit mahirap ang
ating buhay basta't magkakasama táyo," ang lumuluhang pakiusap ni Mela sa
asawa.
"Kailangan kong umalis, Mela. Tingnan mo nga ang búhay natin,
napakahirap. Gusto kong magkaroon ng malaking bahay at maraming salapi," ang
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4
sabi ng laláki. Hindi na nga napigil ni Mela ang kaniyang asawang dali-daling
umalis para magtrabaho sa lungsod. Ang hindi alam ng mag-asawa ay isang
espiritu pala ang nakikinig sa punong pipal na nasa tabi ng kanilang bahay.
Naulinigan niya ang usapan ng dalawa. Napangiti ang espiritu.
"Sa wakas, magkakaroon na rin ako ng pamilya," sa akin na sila,"
nakangising sabi nito sa sarili. "Sige, iwan mo ang asawa at ina mo, para maging
malungkot na malungkot si Mela at ang iyong ina.
Naging malungkot na malungkot nga si Mela at ina nito sa pag-alis ng
Brahman. Magkatabi silang lumuluha nang biglang may kumatok. Halos
mapalundag sa tuwa ang dalawang babae nang makita nilang bumalik agad ang
Brahman.
"Hindi na ako tumuloy. Hindi ko palá kayo kayang iwan," ang masayang
sabi nito sabay yakap sa dalawang babaeng naiiyak sa tuwa dahil sa pagbabalik ng
inaakala nilang Brahman na walang iba kundi ang espiritu palá sa punong pipal.
Wala naman silang napansing kakatuwa sa lalaking bumalik sa kanilang buhay
kaya't ang buong akala nila'y ang Brahman nga ito. Kasama nilang namuhay ang
impostor na Brahman sa loob ng isang taon. Samantala, ang tunay na Brahman ay
nagtrabaho sa lungsod. Naging labis siyang abala sa kaniyang mga gawain at sa
layuning makapag-ipon ng pera tulad ng pangako niya sa kaniyang ina at asawa
kaya't ni hindi siya nakadalaw o nakasulat man lang. Subalit pagkaraan ng isang
taon ay hindi na niya natiis ang pananabik na makita ang ina at asawa kaya't
nagpasiya siyang bumalik na sa kanilang nayon.
Nagmamadali siyang umuwi sa dampa, puno ng pananabik.
"Tiyak na magiging napakasaya ni Inang at ni Mela kapag nakita nila akong
muli at ipakikita ko sa kanila ang aking mga pasalubong.”
Masayáng-masayá ang Brahman nang pumasok sa pinto ng dampa. Nabigla
siya nang datnang kumakain ng tanghalian ang kaniyang ina at asawa kasama
ang laláking kamukhang-kamukha niya. Biglang tumayo ang laláki at itinulak ang
totoong Brahman palabas ng pinto.
"Umalis ka rito! Ina, Mela, huwag ninyong papapasukin ang laláking iyan.
Siya'y Isang espiritung nagpapanggap na akó," ang sabi nito habang itinutulak
palayo ang bagong dating.
Litong-lito ang ina at si Mela sapagkat magkamukhang-magkamukha ang
dalawang Brahman.
"Ina, Mela, akó ito. Ako ang iyong anak, Ina! Mela, ako ang iyong asawa.
Huwag kayong maniwala sa espiritung iyan!" ang sigaw ng tunay na Brahman
subalit nakasara na ang kanilang pinto.
Anomang pakiusap niya ay hindi siya pinagbuksan ng ina at ng asawa.
Hindi maláman ng totoong Brahman kung ano ang gagawin.
"Ito ba ang naging bunga ng aking paglayo? Nagkaroon nga ako ng salapi at
kayamanan subalit nawala naman sa akin ang pinakamahahalagang tao sa buhay
ko," ang nawawalan ng pag-asa at buong pagsisising bulong niya sa sarili.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
5
Sa wakas, naipasiya niyang humingi ng tulong sa rahang namumuno sa
bansa. Matiyagang nakinig ang raha sa kaniyang istorya at pagkaraan ay nag-utos
iyon na paharapin sa kaniya ang dalawang binata. Tinitigan niya ang una at
pagkatapos ay ang ikalawa. Magkamukhang-magkamukha silá. Tinanong niya silá
ng mga tanong na maaaring makapagpatunay kung sino ang tunay at kung sino
ang impostor ngunit pareho siláng alam na alam ang mga tamang sagot kaya hindi
rin mapagpasiyahan ng raha kung sino sa dalawa ang tunay na Brahman.
Araw-araw ay pumupunta ang tunay na Brahman sa korte ng raha ngunit
hindi niya makumbinsi ang raha na isang nagpapanggap na espiritu ang dahilan
ng pagkawala ng kaniyang mga mahal sa búhay. Isang araw, habang malungkot
siyang naglalakad pabalik mula sa korte ng raha, nadaanan niya ang isang grupo
ng mga batang laláking naglalaro sa bukid. Isa sa mga batà ang patakbong lumapit
sa Brahman.
"Bakit ka malungkot?" tanong niya.
"Wala na ang aking ina at asawa. Naagaw sila ng isang impostor na
espiritu," iyak ng Brahman. "Hay napakalungkot ng búhay ko."
"Lumapit ka sa aming raha," sabi ng batà. "Lumapit ka at sabihin mo sa
kaniya ang iyong mga problema at baka matulungan ka niya."
"Pero kagagaling ko lang sa raha. Maging siya ay hindi naniniwalang ako
ang tunay na Brahman."
"Hindi, hindi ang rahang iyon. Lumapit ka sa aming raha," himok ng batà.
"Sino ang inyong raha? Tiyak na walang ibang raha sa bayang ito."
"Basta sumama ka at tingnan mo."
Ang batà ay hindi na naghintay ng sagot. Hinila niya ang kamay ng
Brahman at dinala sa lugar na may iba pang mga batang naglalaro. Isang batang
mukhang matalino ang nakaupo sa kanilang gitna at nakaharap sa isang bunton
ng lupa. Ang batang nagdala sa Brahman ay yumukod nang mababa at nagsalita
"Inyong Kamahalan, ang lalaking ito'y may mahiwagang pangyayaring
sasabihin at hihingi siya ng inyong payo."
"Sabihin mo ang iyong kuwento, laláki, at makikinig kami," sabi ng batang
laláking tinatawag na "Inyong Kamahalan" ng iba pang mga bata.
"Nagbibiro ba kayo? Ina at asawa ko ang nawala sa akin. Wala akong
panahong makipagbiruan," ang nayayamot na sabi ng Brahman. "Hindi kami
nagbibiro. Gusto ka talaga naming tulungan," sabi ng batang nasa tabi ng bunton
ng lupa.
Ang boses niya'y tunay na nakikiramay. Ang mga bata ay hindi man lamang
tumatawa sa kaniya. Kaya nakumbinsi ang kawawang Brahman na sabihin ang
lahat ng nangyari.
"Malulutas ko ang iyong problema," sabi ng bata pagkatapos marinig ang
kuwento ng Brahman, "pero may isang kondisyon." "Ano iyon?" "Ibibigay ko ang
hatol búkas ng umaga, pero papuntahin mo rito ang raha at ang kaniyang mga
ministro at lahat ng tao sa bayan "Pero... paano ko silá mapapapunta rito?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
6
Papupugutan ako ng ulo ng raha kapag sinabi ko iyan sa kaniya.” "Buweno, nása
iyo na iyan," matatag na sabi ng bata.
Lalong nag-alala ang Brahman ngunit tila wala nang iba pang paraan. Kaya,
tinapangan niya ang sarili at pumunta siyang muli sa raha para sabihin ang
kaniyang kakatuwang pakiusap. Sa halip na magalit, naging interesado ang raha
at pumayag na pumunta sa bukid at dalhin ang lahat sa ng kaniyang mga ministro.
Kinaumagahan, ang raha, ang Brahman, at ang lahat ng tao sa nayon ay pumunta
sa bukid. Mangyari pa, ang ina, asawa, at maging ang espiritu ay naroon din.
Nakangisi ang espiritu dahil hindi siya naniniwalang magtatagumpay ang batang
lalaki kung saan maging ang makapangyarihang raha ay nabigo. Yumukod ang
batang lalaki sa raha at pumunta sa kaniyang puwesto sa bunton ng lupa.
"Pumarito ako ngayong umaga sapagkat ipinangako mong lulutasin ang
misteryong lumilito sa akin," matigas na sabi ng raha sa bata. "Pero tandaan mo
kapag nabigo ka, parurusahan ka nang mabigat." "Opo, Inyong Kamahalan,"
pormal na sagot ng batà.
Pigil ng mga tao ang kanilang paghinga. Isang batang laláki ang magbibigay
ng katarungan habang ang pinakamakapangyarihang pinuno ng bansa ay
nakatayo lámang at nanonood! Ang batang lalaki ay humingi muna ng isang
boteng may mahaba at makitid na leeg. Nang iyon ay mailagay na sa kaniyang
harapan ay nagsalita siya.
"Ito ang pagsubok na lulutas sa suliranin ng mga taong ito. Kung sino sa
inyong dalawa ang makapapasok sa loob ng boteng ito ay siyang tunay na
Brahman. At kung sinoman ang hindi makapapasok diyan ay mamamatay!" ang
makapangyarihang sabi ng batà.
"Teka, teka, ang naiiyak na tutol ng tunay na Brahman sa pagsubok na sa
tingin niya'y hindi makatarungan. Paano akó makapapasok diyan ay ang laki-laki
ko!" ang kaniyang malakas na tutol.
"Kung gayon ay hindi ikaw ang tunay na Brahman. Ikaw, kaya mo?” ang
tanong ng batà sa isa pang Brahman.
"Oo naman, manood kayo ang masayáng-masayang sabi ng espiritu.
Agad siyang nag-anyong hangin at isinilid ang sarili sa loob ng bote. Ito lang
ang hinihintay ng bata. Nang makapasok ang espiritu ay agad niyang tinakpan ang
bote.
"Heto ang impostor na espiritu, ang sabi niya habang iniaabot sa tunay na
brahman ang bote. Nagawa niyang magpanggap dahil sinamantala niya ang iyong
paghahangad ng mas maraming yaman."
"Nagsisisi po akó," ang mahinang sabi ng tunay na Brahman. Ang tunay ko
po palang kayamanan ay ang aking minamahal na ina at asawa ang dugtong pa
habang mahigpit na niyayakap ang kaniyang pamilya. Hindi makapaniwala ang
raha.
"Saan galing ang iyong katalinuhan? Ni ang rahang tulad ko'y hindi naisip
ang ginawa mong paraan?" ang sabi niya.
"Mga ordinaryong bata po kaming nagpapastol ng báka. Isang araw habang
nanginginain ang aming mga báka ay natagpuan namin ang bunton ng lupang ito.
Nagpapalitan kami sa pag-upo sa harap nito. Napansin po naming ang sinomang
maupo sa harap ng bunton na ito ay nagkakaroon ng pambihirang katalinuhan. Sa
araw na ito'y nagkataong ako ang nakaupo subalit wala po akong kapangyarihan.
Ang lahat ay nagmumula sa bunton ng lupang ito," ang paliwanag ng batà sa raha.
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
7
Ipinag-utos ng raha na hukayin ang bunton ng lupa. At sa ilalim ng lupa,
natagpuan nilang nakabaon ang isang magandang tronong tila plataporma.
Nababalutan iyon ng mga alahas at sinusuportahan ng magagandang inukit na
mga pigura ng tatlumpu't dalawang anghel. Agad umakyat sa kinaroroonan ng
trono ang raha upang maupo. Inaakala niya kasing sa pag-upo rito ay magiging
matalino rin siya sa pagpapasiya at makilala ng buong mundo ang kaniyang
katalinuhan ngunit bago pa siya makaupo ay may narinig siyang tinig. Isa sa mga
nililok na pigura ang nagsalita.
"Hinto," sabi niyon. "Ang tronong ito'y pag-aari ng dakilang Raha
Vikramaditya. Bago ka maupo rito, ipakita mo munang kapantay mo siya sa
tapang at karunungan. Makinig ka at sasabihin namin sa iyo kung gaano siya
kadakila."
Pagkatapos, isa-isang nagkuwento ang tatlumpu't dalawang anghel tungkol
sa katalinuhan at kagitingan ni Raha Vikramaditya. At nang ang huling istorya ay
maikuwento, binuhat ng mga anghel ang trono, pataas nang pataas sa kalawakan
at lumipad silang kasama niyon sa malayo malayong-malayo. Naiwan ang raha na
nag-iisip na hindi niya pa taglay ang mga katangiang magbibigay sa kaniya ng
karangalang umupo sa trono.

Ang ilan sa mga katangiang ito ay kabutihan, lubos na katapatan, pagiging


patas at walang kinikilingan, at pagiging makatarungan. Subalit bago táyo
magwakas, makabubuting sabihin na ito ang pinagmulan ng tatlumpu't dalawang
kuwentong naging popular sa buong India. Kilalá ang mga ito ngayon bilang
Simhasana Battisi o "Ang Tatlumpu't Dalawang Kuwento ng Trono."

C. Pag-unawa sa Binasa

1. Ipaliwanag ang dahilan kung bakit umalis ang binatang Brahman. Kung
ikaw ay nasa kaparehong sitwasyon, gagawin mo rin ba ang kaniyang
desisyon?
2. Isalaysay ang ginawa ng ginawa ng espiritu upang malinlang ang ina at
asawa ng binatang Brahman
3. Bakit hindi nalutas ng Raja ang suliranin ng binatang Brahan? Kung ikaw
ang Raja ano-ano ang mga solusyon na iyong gagawin?
4. Ilahad kung paano tinulungan ng mga bata ang Brahman?
5. Ibahagi ang pangunahing kaisipan o mensahe ng may-akda sa binasang
kuwento.

D. Paglinang ng Talasalitaan

Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang o pariralang nakasulat


ng madiin sa bawat pangungusap. Matapos malaman ang kahulugan, ay
gamitin ang mga salitang nakadiin sa makabuluhang pangungusap.

a. Bahay na yari sa kawayan at anahaw.


b. Tawag ng ina sa asawang babae ng anak.
c. Isang uri ng puno sa India
d. Maliit na pamayanan tinatawag rin na village sa Ingles.
e. Tumpok ng lupa

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
8
1. Kinaumagahan, ang raha, ang Brahman, at ang lahat ng tao sa nayon ay
pumunta sa bukid.
Sagot: ________________________________________________________________________

Pangungusap:________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Tanging maliit na dampa lamang at kapirasong lupang tinatamnan nila ng


gulay ang kanilang pag-aari.
Sagot: _______________________________________________________________________

Pangungusap:________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Gusto ka talaga naming tulungan." sabi ng batang nasa tabi ng bunton ng


lupa.
Sagot: _______________________________________________________________________

Pangungusap:________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Ang hindi alam ng mag-asawa ay isang espiritu pala ang nakikinig sa


punong pipal na nasa tabi ng kanilang bahay.
Sagot: _______________________________________________________________________

Pangungusap:________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Ang kanyang ina man ay masayáng-masayá dahil may malakas at masipag


na manugang na siyang makatutulong sa mga gawaing mahirap na para sa
isang matandang tulad niya.
Sagot: ________________________________________________________________________

Pangungusap:________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
9
ALAM MO BA?

Uri ng Pang-abay
Ang pang-abay ay mga salitang nagbibigay-turing sa isang
pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay. Ito ay may iba't ibang uri
1. Pamanahon - Nagsasaad ng panahon kung kailan ginawa ang kilos
ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na kailan.
Halimbawa: Ang templo ng Vishnu sa Lungsod ng Tirupathi ay binuo
noon pang ikasampung siglo.
2. Panlunan -Nagsasaad ng pook, lunan, lugar na pinangyayarihan ng
kilos. Sumasagot ito sa tanong na saan at nasaan.
Halimbawa: Sa India matatagpuan ang pinakamatandang sibilisasyon.
3. Pamaraan -Nagsasaad kung paano ginaganap ang kilos na
sumasagot sa tanong na paano.
Halimbawa: Masigasig na nakilahok sa pagdiriwang ang 60 milyong
taong dumalo sa Kumbh Mela.
4. Pang-agam-Nagsasaad ito ng pag-aalinlangan o kawalang katiyakan.
Halimbawa: Marahil naging mahirap humanap nang matutuluyan noon
5. Ingklitik -Kataga sa Filipino na karaniwang nakikita pagkatapos ng
unang salita sa pangungusap. Ito ay ang man, kasi, sana, nang, kaya,
yata, tuloy, lámang/lang, din/rin, ba, pa, muna, palá, na, naman, at
daw/raw.
Halimbawa: Ito na raw ang pinakamalaking pagdiriwang sa buong
mundo.
6. Benepaktibo - Ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng benepisyo
para isang tao. Ito ay karaniwang binubuo ng pariralang
pinangungunahan ng para sa.
Halimbawa. Ang anim na milyong dolyar na nakokolekta araw-araw ay
ginagamit para sa mga pangangailangan ng templo.
7. Kawsatibo-Ito naman ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng
dahilan ng pagganap sa kilos ng pandiwa. Ito'y makikilala sa parirala o
sugnay na pinangungunahan ng dahil sa.
Halimbawa: Dahil sa Indian Railways ay nabigyang-hanapbuhay ang
maraming tao sa India.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
10
8. Kondisyonal -Pang-abay na nagsasaad ng kondisyon para maganap
ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Ito ay may mga sugnay o pariralang
pinangungunahan ng kung, kapag o pag, at pagka.
Halimbawa: Magiging maunlad ang isang bayan kung susuporta ang mga
taumbayan.
9. Panang-ayon - Ang pang-abay na ito ay nagsasaad ng pagsang ayon.
Ang mga halimbawa nito ay oo, opo, tunay, talaga, totoo sadya, at iba pa.
Halimbawa: Tunay na malaki ang kontribusyon ng India sa sibilisasyon ng
mundo.
10. Pananggi - Ito naman ang mga pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi,
tulad ng hindi/di at ayaw.
Halimbawa: Hindi kailanman sumakop ng kahit na anong bansa ang India
sa kanyang 100,000 taong kasaysayan.
11. Panggaano-Ang pang-abay na ito ay nagsasaad ng sukat o timbang.
Halimbawa: Nanatili nang limanlibong taon ang yoga sa India.

Pagyamanin
Basahin ang ilang pangyayari sa akda, ibigay ang iyong hula at/o hinuha na
maaaring wakas ng akda.

1. Nagalit ang panganay at ayaw niyang pumasok sa bahay. Pinuntahan siya ng


kaniyang ama at pinakiusapan. Ngunit sumagot siya, “Pinaglilingkuran ko kayo
ng sa loob ng maraming taon at kailanma’y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni
minsa’y hindi ninyo ako binigyan ng kahit na maliit na kambing para
magkatuwaan kami ng aking mga kaibigan. Subalit nang dumating anag anak
ninyong ito na lumustay ng inyong kayamanan sa masasamang babae,
ipinagpatay n’yo pa siya ng matabang guya!” Sumagot ang ama, “Anak, lagi
kitang kapiling at ang lahat ng aking ari-arian ay sa iyo. Nararapat lang na tayo’y
magsaya at magdiwang, sapagkat patay na ang kapatid mo, ngunit nabuhay,
nawala, ngunit muling natagpuan.”
- Sipi mula sa lucas 15: 11-32
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
11
Ang Sermon
ni Mullah Nassreddin
Minsan, inimbitahan si Nasreddin na magbigay ng sermon. Bago siya
magsimula, kanyang itinanong, “Alam n’yo ba kung ano ang aking sasabihin?”
“Hindi po,” sagot ng mga tao.
“Ay! Ayaw kong magsermon sa mga taong hindi alam kung ano ang aking
sasabihin.”
Nahiya ang mga tao sa kanilang kamangmangan, kaya’t muli nilang
inimbita si Nasreddin.
Tanong niya: “Alam n’yo ba kung ano ang aking sasabihin?”
“Opo,” sagot ng mga tao.
“Ay! Kung alam n’yo na kung ano ang aking sasabihin, hindi ko na
aaksayahin pa ang inyong oras.” at umalis si Nasreddin.
Talagang sobra na ang pagkalito ng mga tao. Nagpasya silang aanyayahan ng isa
pang beses si Nasreddin, at pinaghandaan nila ang kanilang isasagot.
“Alam n’yo ba kung ano ang aking sasabihin?”
“Opo,” ang sagot ng kalahati ng mga tao. “Hindi po,” ang sagot ng iba.
Kung kaya’t ang tugon naman ni Nasreddin, “Kayong may alam kung ano ang
aking sasabihin… pakisabi doon sa mga hindi nakaaalam.”
At umalis si Nasreddin.
-Anekdota ni Mullah Nassreddin

Isaisip
ALAMAT

Ang Alamat o legend ay akdang pampanitikan na tumatalakay at


nagsasalaysay tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay
kuwento na kathang-isip lamang at nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao kaya
walang nagmamay-ari o masasabing may-akda nito. Karaniwang ipinakikita sa
akdang ito ang katutubong kultura, kaugalian, paniniwala at iba pa na may
layuning magturo at magbigay aliw sa mga mambabasa

PAGSULAT NG MABISANG AKDA


Sa pagsulat ng isang akda, mahalaga ang pagbuo ng isang banghay para
mapaghandaan ang isang mahusay na simulang aakit sa mga mambabasa upang
huwag bitawan ang binabasa, isang suliraning aakit sa kanilang ipagpatuloy ang
pagbabasa, isang kasukdulang magdudulot ng labis na kapanabikan, at isang
wakas na mag-iiwan ng kakintalan sa mga mambabasa. Makabubuting maupo at
pagnilayan ang mga bahaging ito bago pa man simulan ang pagsulat.
Ang pagsulat ng wakas ay karaniwang isang hámon lalo na sa isang
baguhang manunulat. Madalas kasing napapahaba ang kuwento at minsa'y
nawawala na ang kawilihan ng mambabasa subalit hindi pa rin ito nagwawakas.
Naririto ang ilang mungkahi para sa pagsulat ng isang mabisang wakas.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
12
 Bago pa man simulan ang kuwento ay isipin na kung saan ito magwawakas.
Makabubuting nagsisimula ka pa lang ay alam mo na kung saan ito
magwawakas.
Pagwawakas. Kung alam mo na kung saan ka magwawakas ay maiaayon
mo ang mga pangyayari para umakma ito sa wakas na iniisip mo.

 Isipin ang pinakatamang panahon kung kailan wawakasan ang kuwento.


Dapat na alam ng manunulat kung kailan ang tamang panahon para
wakasan ang kuwento para mapanatili ang interes ng mambabasa rito. Minsan
ay bitin ang kuwento dahil nagwakas agad nang hindi pa umaabot sa
kasukdulan. Minsan naman ay napakahaba ng mga pangyayari pagkatapos ng
kasukdulan kaya't nawala na ang interes ng mambabasa ay hindi pa rin ito
natatapos.

 Hingin ang opinyon ng iba tungkol sa isinulat na wakas.

Makabubuting ipabasa sa iba ang isinulat at hingin ang kanilang opinyon


lalo na sa pagwawakas. Alamin sa kanila kung angkop ba ang wakas, kung tama
ba ang timing o panahon ng pagwawakas, at kung nakaugnay ba ang pagwawakas
sa kabuuan ng kuwento. Basahin nang basahin at saka ayusin. Makabubuti kung
babasahin nang paulit-ulit at saka ayusin upang lalo pang mapagbuti hindi
lamang ang wakas kundi ang kabuoan ng kuwento. Kapag kasi maganda ang
wakas ay tiyak na gaganda rin ang kuwento at magugustuhan ito ng mga
mambabasa.

Isagawa
Muling balikan ang akdang “Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t Dalawang
Kuwento ng Trono.” Sa bahaging ito ay may pagkakataon kang makasulat ng
sariling wakas mula sa nabasang alamat. Ikaw ngayon ay bubuo ng sariling wakas
at iuugnay ito matapos ang senaryong nalaman na kung sino ang totoong binatang
Brahman at nakapiling na niya ang kanyang asawa at ina. Gamitin ang pang-abay
na pamanahon, panlunan, at pamaraan sa pagbuo ng sariling wakas. Bilang
karagdagan ay salungguhitan ang mga gagamiting pang-abay na pamanahon,
panlunan, at pamaraan. Gawing batayan ang rubrik sa pagbuo ng sariling wakas.

MGA PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA PUNTOS

1. Masining na wakas 10

2. May kaisahan at kalinawan ang mensaheng nais ipabatid ng 10


wakas

3. Nagagamit ang angkop na pang-abay na pamanahon, panlunan, at 10


pamaraan sa pangungusap

4. Orihinalidad 10

5.Maayos na pamamaran ng pagsulat (kuwaderno-nababasa, 10


maayos, malinis na gawa)
(Word documents- maayos ang font style, font size, at spacing)
Alinman sa dalawang pamamaraan ay maaring gamitin
KABUOAN 50
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
13
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Tayahin
Ngayong naunawaan mo na ang aralin, oras na para sukatin ang iyong
natutuhan. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong mabubuo.
Malaki ang maitutulong ng pagbabasa ng mga ganitong uri ng panitikan
upang malinang ang kagandahang asal ng mga kabataan, lalo na sa
kasalukuyang panahon na nauuso ang teknolohiya. Ikaw ngayon ay bubuo ng
sariling alamat na may kaugnayan sa mga bagay, na makikita sa iyong
kapaligiran. Gumamit ng di bababa sa limang iba’t ibang uri ng Pang-abay
(Pamanahon, Panlunan, at Pamaraan). Gamitin ang pamantayan sa ibaba.

MGA PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA PUNTOS

1. Pamagat ( Nakahihikayat sa mga mambabasa) 10

2. Mensahe/ Kakintalan sa mga mambabasa 10

3. Banghay (Simula, Gitna, Wakas) 10

4. Orihinalidad 10

5. Nagagamit ang angkop na pang-abay na Pamanahon, 10


Panlunan, at Pamaraan (Hindi bababa sa lima)
KABUOAN 50

Karagdagang Gawain

Lalo pang palawakin ang iyong kakayahan kaugnay sa tinalakay na aralin.


Magsaliksik ng isang isang lokal na alamat, tukuyin ang mga pang-abay na
ginamit at bigyan rin ito ng sarili at mabisang wakas. Isulat sa hiwalay na papel.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
14
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
15
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Marylyn DL. Patawaran (Guro, CISSL)


Mga Editor: Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Lawrence M. Dimailig (Guro, MSHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat:
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like