You are on page 1of 12

9

FILIPINO
Ikatlong Markahan-Modyul 6:
Pagbibigay Kahulugan sa Karakter
ng Tauhan at Pagtukoy sa Katotohanan

May-akda: Reamark Reduccion


Tagaguhit: Paolo N .Tardecilla
.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.


 Aralin – Pagbibigay Kahulugan sa Karakter ng Tauhan
at Pagtukoy sa Katotohanan

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang


sumusunod:
A. napagbabalik-aralan ang pagbibigay kahulugan sa kilos at karakter ng
mga tauhan;
B. nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan batay
sa usapang napakinggan; at
C. natutukoy ang mga pangyayaring makatotohanan at di makatotohanan
sa akda

Subukin
Lagyan ng tsek ang mga pangungusap na nagsasaad ng katotohanan at
ekis naman ang hindi batay sa mga salitang ginamit sa pahayag.

_______1. Ayon sa mga dalubhasa, napatunayan ngang nakapasok


na sa Pilipinas ang ikalawang baryant ng COVID-19.
_______2. Baka ang mga pangyayaring ito ay magdulot na naman
ng panibagong pinsala sa kalusugan ng mga Pilipino.
_______3. Napatunayang mabisa ang paggamit ng face shield, face
mask at pagsunod sa mga health protocol ng ating bansa.
_______4. Marahil ang mga bagay na ito ay dapat talagang
pagtuunan ng pansin upang hindi malagay sa panganib
ang kalusugan ng mga Pilipino.
_______5. Isang mabisang pag-aaral at pagsusuri ang isinagawa
kaya napatunayang kailangang palakasin ang
resistensya upang tuluyang makaiwas sa nasabing sakit.

Pagbibigay Kahulugan sa Karakter


Aralin ng Tauhan at Pagtukoy sa Katotohanan

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagbibigay ng kahulugan sa karakter


ng mga tauhan at pagtukoy sa mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan.
Upang ito ay malinang, kailangan mong gawin nang matapat ang mga gawain.
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
1
Balikan

Balik-aralan mo ang tungkol sa natutuhang aralin noong nakaraan sa


pamamagitan ng pagbibigay kahulugan sa kilos at karakter ng mga tauhan.
Punan ang talahanayan na makikita sa ibaba ng diyalogo.

Anak
Direksyon ni Rory Quintos

Ina: “Sana hindi na lang ako naging ina mo. Sana hindi rin kita naging
anak! Ngayon, kung iniisip mo na hindi mo ako pinili bilang ina mo, sana
maisip mo rin na hindi ito ang buhay na pinili ko para sa inyong mga
anak ko! Kung iniisip mo, na sana ibinalik kita sa tiyan ko, sana naisip
mo rin na ilang beses ko ginusto na hindi na kayo ipinanganak para hindi
ninyo maranasan ang hirap dito sa mundo.Pero nandito na ako! Nandyan
kayo! Kahit nandito na ako, saan mang lupalop ng mundo dito dala-dala
ko ang obligasyon ko sa inyo na bigyan kayo ng magandang buhay dahil
magulang n’yo ako!”
Anak: “Hindi mo ako naiintindihan! Hindi ko hiningi lahat-lahat yung mga
binigay n’yo sa amin! Kayo ang may gusto nun hindi ako!”
Ina: “Dahil mahal ko kayo! Dahil mahal ko kayo! Ngayon, sasabihin mo sa
akin ang sinasabi mo na hindi kita naiintindihan! Bakit Carla, ako ba
inintindi mo kahit minsan? Hindi! Sarili mo lang ang iniintindi mo! Sana
kahit minsan, binigyan mo nang halaga lahat ng paghihirap ko sa inyo!
Lahat ng sakripisyo ko sa inyo. Sana tuwing umiinom ka ng alak, habang
hinihitit mo ang sigarilyo mo at habang nilulustay mo ang perang
pinadala ko! Sana maisip mo rin kung ilang pagkain ang tiniis kong hindi
kainin para lang makapagpadala ako ng malaking pera rito. Sana habang
nakahiga ka diyan sa kutson mo, natutulog, maisip mo rin kung ilang
taon kong tiniis matulog mag-isa habang nangungulila ako sa yakap ng
mga mahal ko. Sana maisip mo kahit kaunti, kung gaano kasakit sa akin
ang mag-alaga ng mga batang hindi ko kaano-ano samantalang kayo,
kayong mga anak ko hindi ko man lang maalagaan. Alam mo ba kung
gaano kasakit iyon sa isang ina? Alam mo ba kung gaano kasakit iyon?
Kung hindi mo ako kayang ituring bilang isang ina, respetuhin mo man
lang ako bilang isang tao. Yung lang Carla, yun man lang.”

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2
KAHULUGAN
TAUHAN KARAKTER
NG KILOS

A. Panimula
Suriin ang mga pahayag na nakatala sa ibaba. Sabihin kung alin sa mga
ito ang makatotohanang pahayag at di makatotohanang pahayag. Pagkatapos
ay ipaliwanag ang iyong sagot kung bakit ito naging makatotohanan o di
makatotohanan.

____________1. Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), 35


porsyento ng mga umaalis ng bansa ay nagtatrabaho bilang household service
workers.
PALIWANAG: _________________________________________________________
_______________________________________________________________________

____________2. Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration


(POEA)-CAR Director Delfina Camarillo, magpapatuloy ang pag-alis ng mga
manggagawang Filipino hanggat walang trabaho at may magandang suweldo
na makukuha sa Pilipinas.
PALIWANAG: _________________________________________________________
_______________________________________________________________________

____________3. Sa aking palagay kaya patuloy na mangingibang bansa ang mga


Filipino hanggat hindi nalulutas ng pamahalaan ang problema sa kawalan ng
magandang oportunidad ng hanapbuhay sa Pilipinas.
PALIWANAG: _________________________________________________________
_______________________________________________________________________

____________4. Batay sa pag-aaral, totoong karamihan sa nangingibang bansa


ay nagtrabaho bilang mga household helper, caregivers, o sa mga service-
oriented establishments, na siyang kailangan ng mga dayuhan.

PALIWANAG: _________________________________________________________
_______________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
3
____________5. Sa aking palagay ang kawalan ng magandang trabaho ang
pangunahing dahilan kung bakit ang mga Filipin, propesyunal man o hindi ay
pinipiling iwanan ang kanilang pamilya upang magtrabaho sa ibang bansa.
PALIWANAG: _________________________________________________________
_______________________________________________________________________

B. Pagbasa

Sa araling ito’y isang dula mula sa Pilipinas ang iyong mababasa. Ito ay mula
sa panulat ni Dionisio S. Salazar na nagwagi ng unang gantimpala sa Gawad
Palanca noong 1968. Si Salazar ay isa sa mga manunulat na Pilipinong naghandog
ng kaniyang buhay at talento sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagtampok ng
panitikan sa bansa.

Makapaghihintay Ang Amerika

ni Dionisio S. Salazar

MARTA: Ang anyaya ng pilak ay totoong mahirap tanggihan. Lubhang


makapangyarihan ang salapi, anak.
LIGAYA: Biro n’yo, isang libo’t limang daan dolyar isang buwan. At libre pasahe
pa. bukod sa iba pang pribelihiyo.
MARTA: Katumbas na ‘yan halos ng anim na libong piso. ‘Yan ang isang bagay na
maipupuri mo sa Amerika, matatas magpasuweldo…O, e ano, papayagan mo ba
siyang umalis na naman?
LIGAYA: ‘Yan nga ho ang aking suliranin, Mama. Sabi ko’y bakit kailangan pa
niyang mangibang bansa ay sa hindi naman tayo kinakapos. Aming kita, siya sa
panggagamot at ako sa pagtuturo, ay sapat naman sa ating pangangailangan.
MARTA: Iba si Fidel, Gay. Nais niyang habang bata pa makaipon, makapagsarili,
at makapag – ukol ng mahabang panahon sa pagsasaliksik at pagtukalas ng
gamot. Di ba’t malilimit niyang sabihing hindi magiging ganap ang kanyang
tagumpay hanggat hindi nakatutuklas ng mabisang gamut sa kanser?
LIGAYA: Sino ho bang hindi ibig makaipon. Ngunit sa patuloy na pananagutang
sosyal at sibiko, matrikula, mag aklat, at iba pa ay medyo may kahirapang
makaipon.
MARTA: Kumusta ang inyong plano tungkol sa bahay?
LIGAYA: Kung si Fidel ang masusunod, Mama, ay mahihirapan tayong
magkaroon ng sariling bahay. Takot siyang mangutang
MARTA: Ang ibig nga raw niya’y yung kikitain sa Amerika ay siyang ipapatato ng
bahay sa inyong lote sa Quezon City.
LIGAYA: Ngunit ang paglayo…(Magbubuntunghininga) Kayo, Mama, matitiis ba
n’yong hindi Makita at makapiling sa loob ng tatlong taon o higit pa, ang iyong
kaisa-isang anak na si Fidel?
MARTA: Ako’y isang matanda na. anuman sandali’y maaaring… Ngunit kung ibig
ni Fidel, at papayagan mo naman, sino akong pipigil?
LIGAYA: Sa dalawang pangingibang bansa ni Fidel ay hindi ako tumutol, at ni
hindi ako nabagabag. Ngunit ngayon, Mama, para akong kinakabahang kung
paano.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4
MARTA: Ano’ng pinag-aalala mo, anak?
LIGAYA: Iba nap o ang panahon ngayon, Mama. Baka matukso si Fidel. At
makalimot. Marami na akong nabalitaang mag-asawang naghihiwalay…
MARTA: Nangangamba kang matulad sa iba si Fidel, gano’n ba?
LIGAYA: Isang kaibigan ko’t dating kamag-aral sa UP, si Nenette, ang ngayo’y
nagdadalamhati. Naghiwalay silang mag-asawa, pagkatapos na matira ng
dalawang taon sa Amerika si Ruby, na isang doctor.
MARTA: Hindi gagawa ng gano’n si Fidel.
LIGAYA: Mama, marami hu ang humahanga sa pamamahalan ni Nenette at ni
Ruby. Kaya, hindi kami makapaniwala na ang kanilang pagsasama’y hahantong
sa paghihiwalay. Si Ruby, paris ni Fidel, ay isa ring siruhano.
MARTA: Tila balak ni Fidel ay pasunurin tayo sa Amerika kung naroon na siya.
LIGAYA: Hindi ako mawiwili sa ibang lupain, Mama. At isa pa’y hindi ako
makaalis sa aming pamantasan. Masisira ang programang aking inihanda para sa
aming kagawaran. (Tutungo sa bintana at tatanaw sa malayo; halatang
kinakainipan ang pagdating ni Fidel.)
https://ischoollgrominez.wordpress.com/2010/01/10/panitikan-nobela/

C. Pag-unawa sa Binasa

1. Ilarawan ang mga tauhan batay sa binasang diyalogo.

TAUHAN DESKRIPSYON

2. Batay sa iyong pagkakaunawa sa nabasang diyalogo. Ano ang


nangingibabaw na damdamin ni Ligaya sa binasa?
___________________________________________________________________________
3. Masasabi bang si Marta ay isang mabuting ina? Pangatuwiranan ang iyong
sagot.
___________________________________________________________________________
4. Magbigay ng (3) tatlong salik bakit nangingibang bayan ang ilang mga
Pilipino? Ipaliwanag ang mga ito.
1. ________________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________________
5. Bilang isang kabataan, naniniwala ka bang ang pangingibang bansa lamang
ba ang natatanging sagot o solusyon upang guminhawa ang buhay ng isang
tao? Magbigay ng halimbawa o sitwasyon batay sa nangyayari o
naoobserbahan sa iyong paligid.
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

D. Paglinang ng Talasalitaan

Mula sa loob ng kahon subukang gamitin ang mga salitang nakasulat dito
sa isang makabuluhang pangungusap batay sa pagkaunawa sa akdang binasa.
Maglahad pa ng iba pang salita na kasingkahulugan ng mga salitang ito sa loob
ng hanay ng “Iba Pang Kahulugan”.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
5
Salita Kahulugan Iba pang Pangungusap
Kahulugan
1.
2.
3.
4.
5.

Pagbibigay Kahulugan sa Karakter ng mga Tauhan

Ang mga akdang pampanitikan tulad ng kuwento, dula at iba pa ay


binubuo ng mga tauhan. Ang mga tauhang ito at may kani-kaniyang
karakter na ipinakikita. Mabibigyan mo ng kahulugan ang karakter ng mga
tauhan batay sa kaniyang ikinikilos, gawi at pananalita na makikita mismo
sa akda. Sa ganitong paraan ay nagkakaroon ka ng ideya kung anong uri ng
karakter mayroon ang isang tauhan.

Pagtukoy sa mga Pahayag na Opinyon at Katotohanan sa Akda


Bahagi ng buhay ng tao ang makarinig o makakuha ng
impormasyon, kaalaman, o iba pa. Kaya nararapat lamang na maging
maingat sa pagpili at pagtanggap ng mga nasabing impormasyon.
Kinakailangan ng masusing pagbeberipika at pagsusuri upang malaman
kung ang mga ito’y makatotohanan o hindi.
Ang isang pahayag ay makatotohanan kung ito’y may suportang
datos, pag-aaral, pananaliksik, at suportang impormasyong napatunayang
tama o mabisa para sa lahat. Ang ganitong uri ng pahayag ay karaniwang
may siyentipikong batayan gaya ng agham at siyensiya.
Sa pagtukoy ng mga katotohanan sa akda ay maaaring iberipika
kung ito ay nangyayari sa totoong buhay o hindi.
Sa pagpapahayag ng katotohanan, kailangang maging tumpak at wasto
ang mga pahayag, salita, at gramatikang gagamitin sa pagpapahayag. Ang
mga parirala sa ibaba ay ilan sa mga ginagamit sa pagpapahayag ng
katotohanan.
 Batay sa pag-aaral totoong. . .
 Mula sa mga datos na aking nakalap, talagang. . .
 Ang mga patunay na aking nakalap ay tunay na. . .
 Ayon sa mga dalubhasa, napatunayan na. . .
 Isang mabisang pag-aaral at pagsusuri ang isinagawa kaya
napatunayang. . .
 Napatunayang mabisa ang. . .
 Mula sa pagbeberipika ng mga datos at impormasyon, napatunayan
ang. . .

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
6
Samantalang mayroon ding mga pahayag na ginagamit sa pagsasabi
ng mga bagay na walang katiyakan o walang sapat na basehan. Ang mga ito
ay opinyon lamang ng isa o iilang tao o pangkat. Ang ganitong pahayag ay
karaniwang hindi suportado ng datos o siyentipikong basehan. Ilan sa mga
ganitong uri ng pahayag ay ang mga sari-sariling kuro-kuro o palagay ng
tao, pamahiin, opinion page sa pahayagan, at iba pang katulad. Ilan sa mga
ekspresyong ginagamit sa ganitong pahayag ay ang sumusunod:
 Naniniwala ako. . .
 Sa aking palagay. . .
 Ang opinyon ko sa bagay na ito. . .
 Baka ang mga pangyayaring. . .
 Marahil ang bagay na ito ay. . .
 Puwedeng ang mga pangyayari. . .
 Sa ganang sarili. . .
 Sa tingin ko. . .

Pagyamanin

Gumamit ng ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan at opinyon mula


sa mga impormasyong nakalahad sa bawat bilang.

Ang anyaya ng pilak ay totoong mahirap tanggihan.


Lubhang makapangyarihan ang salapi, anak.

1. Katotohanan: ____________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Opinyon: ________________________________________________________
_____________________________________________________________________

‘Yan nga ho ang aking suliranin, Mama. Sabi ko’y bakit


kailangan pa niyang mangibang bansa ay sa hindi
naman tayo kinakapos. Aming kita, siya sa
panggagamot at ako sa pagtuturo, ay sapat naman sa
ating pangangailangan.

3. Katotohanan: ____________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Opinyon: ________________________________________________________
_____________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
7
Sino ho bang hindi ibig makaipon. Ngunit sa patuloy na
pananagutang sosyal at sibiko, matrikula, mag aklat,
at iba pa ay medyo may kahirapang makaipon.

5. Katotohanan: ____________________________________________________
_____________________________________________________________________
6. Opinyon: ________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Isaisip
Bilang pagbubuod sa mga paksang tinalakay, magtala ang tatlong
bagay na natutuhan sa aralin.

1. _________________________________________________________
2. _________________________________________________________
3. _________________________________________________________

Isagawa
Bumuo ng makatotohanang pahayag tungkol sa larawang makikita sa
pagsasanay. Gumamit ng hindi bababa sa (5) ekspresyong nagpapahayag ng
katotohanan sa pagsulat. Isulat ito nang patalata.

https://joeam.com/2014/03/31/pabalikin-ang-mga-pilipino-sa-ibang-bansa/

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
8
Tayahin
Ngayong naunawaan mo na ang aralin, oras na para sukatin ang iyong
natutuhan. Ipaliwanag nang hindi bababa sa limang pangungusap ang kotasyon
na makikita sa ibaba gamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng opinyon.
Salungguhitan ang mga opinyon na ginamit sa iyong sagutang papel.

“Ang pamilyang sama-sama at tunay na nagmamahalan ay higit


na mahalaga kaysa sa yamang materyal na bumubulag sa sanlibutan.”

_______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Karagdagang Gawain
Lalo pang palawakin ang iyong kakayahan. Ipagpalagay natin na ikaw ay
isang manunulat ng isang dula. Gamit ang mga mga ekspresyong nagpapahayag
ng katotohanan at opinyon. Lumikha ng dayalogo ng isang dula na maaring batay
sa iyong sariling karanasan, kalagayang panlipunan, o nangyayari sa iyong
kapaligiran.
Paksa:
Pamagat:
Tauhan:
Tagpuan:
______________: ___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
______________: ___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
______________: ___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
______________: ___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
______________: ___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
______________: ___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
______________: ___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
9
LAANG
MGA PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA PUNTOS
PUNTOS

1. Nilalaman 10

2. Wastong gamit ng mga salita 10

3. Pamamaraan ng pagpapabatid ng mensahe 15

4. Nagagamit ng wasto ang mga ekspresyong 15


nagpapahayag ng katotohanan at opinyon

KABUOAN 50

Sanggunian

 Pinagyamang Pluma 9
 https://www.smule.com/song/vilma-and-claudine-anak_-the-confrontation-
lmc-movie-lines-karaoke-lyrics/516918499_589782/arrangement
 https://ischoollgrominez.wordpress.com/2010/01/10/panitikan-nobela/
 https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/79959/sun-star-
kawalan-ng-trabaho-nagtutulak-sa-pinoy-na-mangibang-bansa/story/
 https://ischoollgrominez.wordpress.com/2010/01/10/panitikan-nobela/
 https://joeam.com/2014/03/31/pabalikin-ang-mga-pilipino-sa-ibang-
bansa/

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
10
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Reamark Reduccion (Guro, CISSL)


Mga Editor: Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Lawrence M. Dimailig (Guro, MSHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat:
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like