You are on page 1of 4

ARALIN 4: MGA AKDA BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA

Panimula:

Sa pamamagitan ng paikipagkalakalan natin sa mga bansang dayuhan, napaunlad napayaman at

nalinang ang ating sariling kultura at panitikan hanggang sa ang mga ito ay nagkaroon ng pagkakataong
maisulat nang dumating ang panahong maunlad na ang kalinangan ng bawat pulo at bayan sa pilipinas. Sa
araling ito, pag-aaralan ang mga akda bago dumating ang mga kastila. Tulad ng alamat, mito, pabula,
kuwentong-bayan, at mga sinaunang tanghal o panoorin bago dumating ang mga dayuhang kastila.

Layuning Pampagkatuto:
Nailalahad ang mga akda bago dumating ang mga kastila
Natutukoy ang mga layunin ng kuwentong-bayan sa ating bansa bago dumating ang mga kastila
Naibibigay at naipaliliwanag ang mga Kuwentong Bayan ng iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas

Panimulang Pagtataya

Panuto: Magbigay ng halimbawa ng akdang pampanitikan na iyong alam. Ihanay ang iyong sagot sa mga
sumusunod:

ALAMAT MITO PABULA KUWENTONG BAYAN

1. 1. 1. 1.

2. 2. 2. 2.

3. 3 3. 3.

4. 4. 4. 4.

5. 5. 5. 5.
Pagtalakay sa Aralin

Mga Akda Bago Dumating Ang Mga Kastila

1. Alamat – ito ay mga salaysasayin hubad sa katotohanan. Ang paksa nito ay tungkol sa pinagmulan ng
bagay.
Halimbawa:
 Si Malakas at si Maganda
 Alamat ng Bundok Kanlaon

2. Mito – ito ay tungkol sa mga bathala at mga taong may natatanging kapangyarihan.
Halimbawa:
 Ang Pinagmulan ng Sansinukob
 Ang Sirena at Santiago

3. Pabula – ito ay maikling salaysay na ang mga tauhan ay karaniwang mga hayop at may layuning
magbigay ng aral. Naglalayong itong ihahasik sa isipan ng mga ang mga bagay-bagay na makaaakay sa
paglinang ng mabuting pag-uugali kilos at kaisipan.
Halimbawa:
 Ang Palaka at Uwang
 Ang Leong Maysakit

4. Kuwentong-Bayan – ito ay binubuo ng mga kuwento tungkol sa buhay, pakikipagsapalaran, pag-

iibigan, katatakutan at katatawanan na kapupulutan ng magagandang-aral sa buhay.
Halimbawa:
 Ang Bayad
 Ang Diwata ng Karagatan

Mga Unang Panoorin Bago Dumating Ang Mga Kastila

Bago pa dumating ang mga kastila sa Pilipinas nagsimula na ang dula sa bansa. Nag-ugat ito sa
mga ritwal at seremonyang isinasagawa noon ng ating mga ninuno.

Mga Unang Panoorin

a. Wayang Orang at Wayang Purwa ng mga Bisaya

Ang mga ito ay palabas na may kinalaman sa pananampalataya. Inilalarawan ditto ang
kapangyarihan ng kanilang bathala sa pagpaparusa sa mga nagkakasala. Patula ang usapan at may
kasamang awit at sayaw.

b. Embayoka at Sayatan
Ang mga Muslim sa Lanao at Jolo ay may palabas na pagtatalong patula na katulad ng
balagtasan ng Katagalugan. Ito’y ginagampanan ng isang lalaki at isang babae.

c. Bulong – maaari ring isama ang bulong bilang isang pagtatanghal sapagkat may dayalogo ito.
Ginagamit ito ng ating mga ninuno sa iba’t ibang pagkakataon.
Subukin natin!

Gawain 1: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang pagkakaiba ng Mito at Alamat?

___________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________

2. May aral bang naidudulot sa mga kabataan ang Pabula at Alamat?

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Ano sa iyong palagay ang iba’t ibang layunin ng kuwentong-bayan sa ating bansa bago dumating ang
mga kastila?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain 2: Basahin at suriing mabuti ang kuwento. Pagkatapos sagutin ang mga katanungan tungkol sa
kuwento.

LALAPINDIGOWA-I: KUNG BAKIT MALIIT ANG BEYWANG NG PUTAKTI

(PABULA NG MARANAO)
Lalapindigowa-i (isang putakti) ay isang masipag na magsasaka.  May dalawa siyang asawa, sina
Odang (hipon) at si Orak (itlog).  Tulad ng ibang Maranao, hindi lamang siya masipag na magsasaka kundi
isang tapat na asawa.  Nagsusumikap siyang magtrabaho upang mapakain ang dalawa niyang asawa. Isang
araw, nagwika siya sa mga asawa niya na dalhan siya ng pananghalian sa bukid nang sa ganoon ay di
masayang ang kanyang oras sa pag-uwi.  Nagkasundo at nagpasya ang dalawa niyang asawa na
mula noon ay dadalhan siya ng pagkain sa bukid. Pagkaraan ng maraming araw at
buwan ng paghahatid ng pagkain, nagsawa ang mga asawa ni Lalapindigwa-i.  Sa daan papuntang bukid,
nagalit si Odang at tumangging magdala ng pagkain.  Si Orak ay ayaw ring maghatid ng pagkain.
Nagalit si Odang, ang hipon, at nagsimula itong magdadamba hanggang ito’y mahulog sa kaserola at
naging pula ang balat.  Naawa si Orak kay Odang dahil ito ay naluto kaya’t ipinaghele niya ito.  Sa di
sinasadya, tumama siya sa bunganga ng kaserola at ito’y naluto rin. Samantala, si Lalapindigowa-i ay
ginutom sa kahihintay sa kanyang dalawang asawa.  Pagkaraan ng ilang oras ng paghihitay, nagpasya
siyang lumakad pauwi.  Sa daan nakita ng gutom na si Lalapindigowa-i ang basag na kaserola at ang mga
asawa niyang naluto.
Galit siya sa mga asawang tamad at sa kaparusahang tinanggap ng mga ito.  Gutum na gutom na siya
kaya hinigpitan niya ang kanyang sinturon.  Simula noon, ang beywang ni Lalapindigowa-i ay lumiit nang
lumiit dahil batid niyang wala nang mga asawang magluluto para sa kanya.

Mga Gabay na Tanong

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?

______________________________________________________________________________

2. Ilarawan ang mga tauhan sa kuwento? Isa-isahin ang mga ito.

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Bakit nagalit si lalapindigowa-I sa kanyang mga asawa?

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Anong dahilan kung bakit maliit ang beywang ng putakti ayon sa kuwento?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Kung kayo si Odang at 0rak hahayaan niyo na lang ba si lalapindigowa-i na magutom sa kabila ng
pagod sa pagtatrabaho sa bukid? At bakit?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

6. Anong aral ang napulot mo sa kuwento?

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

Ebalwasyon

Panuto: Magsaliksik tungkol sa panitikan ng iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. Ibigay at ipaliwanag ang
mga panitikang nasaliksik o nakalap mula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas.

You might also like