You are on page 1of 4

FORMATIVE ACADEMIC AND SKILLS DEVELOPMENT SCHOOL

National Highway, Cotcot, Lilo-an, Cebu


Tel No. (032) 424-3389

LEARNING MODULE 3 SA FILIPINO 4


SY 2021-2022
UNANG MARKAHAN

Pangalan:___________________________________Seksyon:__________________Guro: Gng. Raissa Rellon

I. MELC Natutukoy ang mga elemento ng kwento; tagpuan, tauhan, banghay

II. PAKSANG ARALIN Elemento ng Kwento

Sanggunian Cruz, Teresita C. at Babas, Cynthia A. Biyaya ng Filipino Ikalawang


Edisyon: FNB EDUCATIONAL INC.

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
Gawain 1.3.1 - Pagbabasa ng Kwento
Panuto: Basahin ang kwento at suriin ang bawat detalye nito.

Manila Bay
Kuwento ni Bb. Ada Rizalina B. Abulencia

Isang umaga, Inaya ni Nanay Jean ang kanyang mga anak na


mamasyal sa Manila Bay na makikita sa Maynila. Tuwang tuwa naman
sina Liezel, Rod at Jon. Nagmamadali silang naligo at nagbihis para
makaalis na agad. Habang sila ay nasa byahe maraming nakitang
nagtitinda sa daan ang magkakapatid.

Naisipan ni Rod na magpabili sa kanilang ina ngunit hindi siya


pinagbigyan dahil may baon silang pagkain. Nalungkot si Rod dahil gusto
niyang magpabilii ng sorbetes. Pinaliwanag ng kanyang ate na mas
masarap pa sa sorbetes ang niluto ng kanilang Nanay.

Naintindihan naman ni Rod at nang dumating sila sa Manila Bay,


nakita nila ang ganda nito. Napawi ang lungkot ni Rod at masayang
nakipaghabulan sa kanyang Kuya Jon at Ate Liezel.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pamagat ng kwento?
_______________________________________________________________________
2. Sinu-sino ang mga tauhang binanggit sa kwento?
_______________________________________________________________________
3. Saan sila namasyal?
_______________________________________________________________________
4. Bakit nalungkot si Rod?
_______________________________________________________________________
5. Paano napawi ang lungkot ni Rod?
_______________________________________________________________________
6. Bakit kailangan nating alamin ang bawat detalye ng kwento?
_______________________________________________________________________

Mas lalo nating maintindihan ang mga pangyayari sa isang kwento kung ating malaman
ang mga elemento nito kagaya ng tauhan, tagpuan at banghay

B. Paglalahad

Gawain 1.3.2 - Slide Presentation


Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat slide.

Pamprosesong Tanong:

1. Ibigay tatlong mahalagang punto tungkol sa isang kwento.


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Upang magkaroon ng isang kwento, ano ang tatlong kinakailangan dito?
a. __________ ____________________________________________________________
b. __________ ____________________________________________________________
c. __________ ____________________________________________________________
3. Ibigay at ipaliwanag ang tatlong parte ng pangyayari sa kwento?
_____________ _____________________________________________________________
_____________ _____________________________________________________________
_____________ _____________________________________________________________

Gawain 1.3.3 - Tukuyin Mo


Panuto: Tukuyin ang tagpuan, tauhan at banghay ng kwento. Ilagay ito sa nakalaang kahon.

TAGPUAN

TAUHAN

BANGHAY

1. SIMULA

2. GITNA

3. WAKAS

C. Paglalapat
1. Mahahalagang Punto

 Mahalagang malaman ang bawat elemento upang maunawaan nang mabuti ang mga
pangyayari na nagbibigay kagandahan sa isang kwento na uri ng akdang pampanitikan.
 Ang tagpuan ay nagsasabi kung saan nangyayari ang kwento.
 Ang tauhan ay kung sino-sinu ang gumaganap o bida ng kwento.
 Ang banghay ay kung ano ang mga pangyayaring nagaganap sa kwento.

2. Gawain 1.3.4 - Performance Task


Panuto: Basahin ang maikling kwento at punan ang talahanayan sa ibaba sa pamamagitan ng
pagtukoy ng tagpuan, tauhan at banghay sa kwento.

ANG GUTOM NA UNGGOY

TAGPUAN

TAUHAN

BANGHAY

1. SIMULA

2. GITNA

3. WAKAS

You might also like