You are on page 1of 3

Apostolic Vicariate of Tabuk Catholic School Network

ST. MICHAEL ACADEMY, RIZAL INC.


Babalag West, Rizal, Kalinga 3808
S.Y 2022-2023

FILIPINO
Grade 10 (Unang Markahan)
Learning Activity 1
Pangalan:__________________________________________ Iskor: __________________________
Petsa:_____________________________________________

Gawain 1 A:
PANUTO: Basahin ang mitolohiyang “ Ang Kakaibang Haplos ni Haring Midas, pahina 4-7” mula
sa panitikan ng Rehiyong Mediterranean. Suriin ito batay sa elemento at aral na nakapaloob dito
na maiuugnay sa sarili, pamilya, at pamayanan (daigdig). Sundin ang pormat sa ibaba.

“ Ang Kakaibang Haplos ni Haring Midas”


Elemento ng Mitolohiya Aral Pag-uugnay
1. Tauhan 1. Sa sarili

2. Tagpuan 2. Pamilya

3. Banghay 3. Pamayanan

PANUTO: Tukuyin kung anong salita ang angkop sa mga paglalarawang nakalahad sa bawat bilang.

Isulat sa patlang ang sagot.

______________1. Dito nagaganap ang pagkilos at pamumuhay ng mga tauhan sa isang kuwento.

______________2. Sila ang mga taong kumikilos at nagpapakita ng iba’t ibang asal at gawi sa isangkuwento.

______________3. Ito ay mga kuwentong naglalahad ng pakikipagsapalaran ng mga tao at ang kanilang ugnayan sa mga

diyos at diyosa.

______________4. Ito ang naglalahad ng mahahalagang tagpo sa naging daloy ng isang kuwento.

______________5. Ito ang pinagmulan ng mga klasikal na kuwento tungkol sa pinagmulan ng daigdig at ng tao.
Gawain 1 B:
PANUTO: Pag-aralan ang mga salitang nakatala sa ibaba at tukuyin ang kayarian ng mga
ito. (Payak,Maylapi, Inuulit, Tambalan)

1. dinaranas
2. tautauhan
3. alay-lakad
4. Dalangang bukid
5. puso
6. takbuhin
7. bato
8. araw-araw
9. sakit
10. punong-guro

Gawain 1 C:
PANUTO:Bilugan ang mga pandiwang ginamit sa bawat pangungusap at tukuyin kung ano
ang gamit ng bawat pandiwa (Aksyon, Pangyayari o Karanasan)

_______________1. Tumakbo si Samuel patungo sa dalampasigan.


_______________2. Nang biglang umulan, kumaripas ng takbo ang mga bata.
_______________3. Niluto ni Aling Sepa ang sopas para sa apong si Anna.
_______________4. Napasigaw si Julia nang malaman ang nangyari.
_______________5. Naglaro ng luksong-baka ang magkaibigang Arjun at Ted.
_______________6. Pinarusahan ni Zeus si Prometheus dahil sa pagsuway niya sa kagustuhan nito.
_______________7. Nasuklam si Zeus sa ginawa ni Prometheus.
_______________8. Dahil sa pagiging mausisa, nabuyo siya.
_______________9. Laging nagpapaalala si Epimetheus si Pandora.
_______________10. Isinara ni Pandora ang kahon.

Gawain 2 A:
PANUTO: Basahin ang parabulang “Si Job, ang kinalulugdan ng Diyos, pahina 25-26” at
sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Bakit sinasabing si Job ang pinakamatuwid na tao sa lahat ng mga lingkod ng Panginoon mula sa lipi ni Abraham?

2. Ano ang maaaring mangyari kay Job kung nanalo si Satabas sa mga pagsubok na ibinigay niya?

3. Kung ang pamilya mo ay may mabigat ba suliraning kinakaharap, ano ang gagawin mo upang makatulong sa
pagpapaan nito?
PANUTO: Suriin ang katangian ng pangunahing tauhan sa parabola sa pamamagitan ng dayagram sa
ibaba.

Gawain 2 B:
PANUTO: Salungguhitan ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay na ginamit sa bawat
pangungusap. Tukuyin at isulat sa patlang kung sa anong kategorya ito nabibilang:
pagsisimula, pagpapadaloy, pagwawakas.

_______________1. Sumunod na nakita ni Agos ang walang buhay na katawan ngkaniyang kapatid.
_______________2. Saka pa lamang napagtanto ni Aya ang kahalagahan ng pamilyanang malayo na siya sa kanila.
_______________3. Noong una, maganda ang ugnayan ng mga mangangalakal at ngmga taga-disyerto, ngunit nagbago
ang lahat dahil sa isangpagtataksil.
_______________4. Pagkatapos ng pakikipaglaban, sugatang umuwi sa kaniyangpamilya si Radin, dala ang pag-asa ng
maalwang bukas.
_______________5. Sa huli, napanatili ng mga mandirigma ang kapayapaan sa buongsansinukob.

Gawain 2 C:
PANUTO: Tukuyin kung ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng berbal o di-
berbal na estratehiya sa pakikipag-usap. Isulat B kung berbal at DB kung di-berbal.

__1.Pasigaw na tinawag ni Manong Ebe ang babaeng bumili ng taho sapagkat nalimutan nitong kunin ang kaniyang sukli.
___2. Tinapik ni Anna sa balikat ang kaibigang nakalugmok dahil sa sama ng loob.
___3. Kumaway si Jules bilang pagpapaalam sa kaniyang mag-anak bago siya pumasok sa terminal.
___4. Nangasim ang mukha ni Sam sa pagkain niya ng manggang hilaw.
___5. Kinausap nang maayos ni Tin ang nakaalitang kaklase.
___6. Rinig sa buong hallway ang anunsiyo ng presidente ng klase na nagsasabing wala ang kanilang guro.
___7. Kinurot ni Andrew ang pilyong kapatid na nanabunot sa kaniya.
___8. Nagkilitian ang magnobyo sa gitna ng mga nakatinging tao na nasa parke.
___9. Matamis na ngiti ang isinukli ni Mae sa iniabot na regalo ng kaniyang manliligaw.
___10. Naluha sa tuwa si Nina nang malamang nakapasa siya sa board exam.

Inihanda ni: Jova Bhon C. Bautista, LPT


Guro sa Filipino

You might also like