You are on page 1of 3

Holy Trinity Foundation Learning School Inc.

Tinago, Ligao City

IKALAWANG PAMANAHUNANG PAGSUSULIT


FlLIPINO III

Panggalan: _____________________________ Baitang: _____ Iskor: ______________

I.Pagbabaybay
Panuto: Makinig mabuti sa guro sapagkat sya ay magbibigkas ng mga salita pagkatapos ay inyo itong
babaybayin.
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

II.Pagbasa
Panuto: Basahin at unawain ang kuwento, pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong. Bilogan ang
letra ng tamang sagot.
Si Rosa at si Rosal
Sina Rosa at Rosal ay kambal. Kapwa sila maganda ngunit magkaiba ang kanilang ugali.Si Rosal ay
maawain samantalang si Rosa ay mapagmataas. Isang araw, sa labas ng kanilang bahay ay may matandang
pulubi at humingi sa kanila ng tubig. Halos hindi siya makahinga dahil sa init at uhaw. Itinaboy ni Rosa ang
matanda ngunit pinigilan ni Rosal at siya ay kumuha ng tubig. Habang wala pa si Rosal, pinagtulakan ni Rosa
ang matanda.Bathala pala ang matanda at sinubukan lang ang ugali ng magkapatid Ginawa niyang maputi
mabangong bulaklak si Rosal at si Rosa naman ay ginawa niyang mabango rin at may kulay ngunit binigyan
ng mga tinik sa sanga.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
___________________________________________________
2. Saan naganap ang kuwento?
___________________________________________________
3. Sino sa dalawa ang nagbigay ng tubig sa matanda?
___________________________________________________
4. Paano pinarusahan ni Bathala si Rosa?
___________________________________________________
5. Ano kaya ang maaaring mangyari sa dalawang bulaklak?
___________________________________________________
6. Ano ang ugaling ipinamalas ni Rosa?
___________________________________________________
7. Ano naman ang pag-uugali ni Rosal?
___________________________________________________
8-10. Ano ang wastong pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari sa kuwento?Pagsunod-sunurin ang bilang.
1. Paglapit at paghingi ng tubig ng matandang pulubi sa dalawang bata.
2. Pagpaparusa ni Bathala kay Rosa na naging mabango at may kulay ngunit may mga tinik sa sanga
at si Rosal naman ay ginawa niyang maputi at mabangong bulaklak.
3. Pagtaboy ni Rosa sa matanda ngunit pinigilan ni Rosa at siya ang kumuha ng tubig.
4. Pagpapakilala sa kambal na sina Rosa at Rosal.
___________________________________________________
Holy Trinity Foundation Learning School Inc.
Tinago, Ligao City

IKALAWANG PAMANAHUNANG PAGSUSULIT


MOTHER TONGUE II

Panggalan: _____________________________ Baitang: _____ Iskor: ______________

I.Pagbabaybay
Panuto: Makinig mabuti sa guro sapagkat sya ay magbibigkas ng mga salita pagkatapos ay inyo itong
babaybayin.
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

II.Pagbasa
Panuto: Basahin at unawain ang kuwento, pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong. Bilogan ang
letra ng tamang sagot.
Nagmamadali Pa Naman
Tinanghali ng gising si Rosa. Dali-dali siyang naglinis ng katawan at nagbihis ng
uniporme. Patakbo siyang lumabas ng kanilang bahay. Tanghali na talaga siya. Malapit na siya sa gate ng
kanilang paaralan, nang bigla siyang tumawid. Hindi na siya tumingin sa kaniyang kanan o kaliwa. Hindi na rin
niya hinintay na makarating siya sa tamang tawiran.
“Beep! Beep! Beep!” nagulat siya sa isang kotse na halos kadikit niya. Muntik na siya Mabanga.
Pagtapat niya sa gate ng kanilang paaralan, sarado ito. Wala pala silang pasok nang araw na iyon.
Nagmamadali pa naman siya. Ang dami pa naman niyang hindi ginawa nang umagang iyon, lalong-lalo na ang
pagsunod sa tuntunin sa pagtawid sa kalsada.

1. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?


___________________________________________________

2. Saan naganap ang kuwento?


___________________________________________________

3. Sa tingin mo bakit dali daling nagbihis si Rosa?


___________________________________________________
4. Anong sasakyan ang muntik nang makabanga kay Rosa?
___________________________________________________

5.Bakit muntik na si Rosa mabanga?


___________________________________________________

6. Ano ang mga tungkulin na hindi nagawa ni Rosa?


___________________________________________________

7. Sa palagay mo Bakit kaya hindi sya nakasunod sa batas sa kalsada?


___________________________________________________

8. Bakit nagmamadali si Rosa?


___________________________________________________

9. Ano kaya ang mangyayari sa mga batang hindi sumusunod sa batas sa kalasada?
___________________________________________________
10. Anong aral kaya ang mapupulot sa kwento?
___________________________________________________

Lagyan ng tamang diin at intonasyon ang mga sumusunod na pangungusap. Lagyan ng tamang bantas( ! ) ( ?
)(,)

16. Alam ko na masakit na naman ang ngipin mo ano


17. Bakit ka umiiyak
18. Nanay pakiusap dalahin mo na ako sa dentist ngayon
19. Maga ang kanyang gilagid hindi maaring bunutin ang kanyang ngipin
20. maghintay tayo hanggang sa gumaling siya
21. Wow Tamang tama ito
22. Bago ba iyan

You might also like