You are on page 1of 16

IKAPITONG BAITANG

FILIPINO
UNANG MARKAHAN
Modyul 1
Aralin 1: Ang Munting Ibon
Unang Araw

Tungkol saan ang modyul na ito?


Magandang araw mga mag-aaral. Isang malaking karangalan para
sa akin ang makasama ka sa pag-aaral mo ng bagong aralin. Tiyak na
kawiwilihan mo ang bagong leksyong inihanda para sa iyo. Panibagong
kaalaman na naman ang mapapayaman ng iyong isipan at karanasan na
magagamit sa pang-araw-araw na gawain.
Nakapaloob sa modyul na ito ang paghihinuha sa pangyayari o
pahayag mula sa isang akda. Nakatutulong nang malaki sa iyong pag-
unawa ang tekstong lunsarang iyong babasahin

Ano ang matututunan mo sa araw na ito?

Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng


lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga
pangyayari at usapan ng mga tauhan
(F7PN-Ia-b-1)

Ano ba ang alam mo?


Bago ka magpatuloy sa pag-aaral ng modyul na ito, subukin mong
sagutin ang mga sumusunod upang malaman kung ano na ang mga alam
mo.
Handa ka na ba?
Nakakita na ba kayo ng mga ibon? Sige nga at pangalan mo ang
iba’t ibang uri ng ibong ito.

Gawain 1
Panuto : Ibigay ang ngalan ng mga sumusunod na ibon.

1. ____________________ 2. _____________________

3. _____________________ 4. ______________________

5. _______________
Naibigay mo ba ang tamang ngalan ng mga ibon sa larawan? Wow,
ang galing mo!

Sa araw na ito ay tatalakayin natin ang tungkol sa isang mahiwagang


ibon. Bakit kaya ito tinawag na mahiwagang ibon? Sige nga, iyong sagutin
ang tanong na nabanggit.

Mahusay ang iyong sagot. Ang iyong sagot ay tinawag na


paghihinuha.

Ano ba ang paghihinuha?

Ito ay ang pagbibigay ng inyong sariling haka-haka o opinion


tungkol sa isang bagay o sitwasyong naganap.

Subukan nga natin ang iyong kakayahan sa paghihinuha.

Gawain 2
Panuto: Ibigay ang iyong hinuha mula sa sumusunod an sitwasyon.

1. Nagpunta ka sa sa zoo subalit napahiwalay ka sa iyong mga


kasama, ano kaya ang maaaring mangyari sa iyo?
2. Ano-ano naman kaya ang mga nangyayari sa iyong mga kasama
nang malaman nila na napahiwalay ka sa kanila?

Ang mga naging sagot mo sa tanong na ito ay isang paghihinuha.

Ngayon alam mo na ba kung ano ang paghihinuha?


Magaling! Ang husay mo naman.

Ang kaalaman at kakayahan mo sa paghihinuha ay gagamitin natin


sa araw na ito.

Mga Gawain sa Pagkatuto


Basahin at Unawain

Buod ng akda:
Ang Munting Ibon

Noong unang panahon sa bayan ng Agamaniyog, may mag-


asawang naninirahan sa malayong bayan ng Agamaniyog, sina Lokes
a Mama at Lokes Babay. Pangangaso ang pangunahin nilang
hanapbuhay. Tuwing sasapit ang takipsilim, naglalagay ng bitag ang
mag-asawa.
Isang gabi habang mahimbing na natutulog si Lokes a Babay,
dahang-dahang lumabas ng bahay si Lokes a Mama at sinilip ang
nahuli ng kanilang bitag. Nakahuli ang kaniyang bitag ng isang maliit
na ibon samantalang ang bitag ng kaniyang asawa ay nakahuli
naman ng isang matabang usa. Pinagpalit niya ang kanilang mga huli
at kinabukasan ay hindi pa niya hinatian ang asawa sa nahuli nitong
usa.
Batid ni Lokes a Babay ang panlilinlang ng kaniyang asawa
ngunit patuloy siyang nagtimpi sa pag-uugali nito. Isang araw, nang
mangaso si Lokes a Mama, naiwan sa bahay si Lokes a Babay.
Habang pinapakain ang munting ibon laking gulat niya nang dumumi
ito ng mga mamahaling hiyas.
Lingid sa kaalaman ni Lokes a Mama ang natamong yaman ng
asawa. Isang araw, sinabi ni Lokes a Babay na handa siyang
makipaghiwalay sa kaniyang asawa. Bumili siya ng mga lupain at
magarang toroga at doon na naninirahan. Nalaman ni Lokes a Mama
ang natamong suwerte ng asawa kaya nagbalak siyang bumalik sa
asawa upang makasalo sa yaman nito. Ngunit, batid ni Lokes a Babay
ang pagiging tuso ng asawa kaya naman, binantaan niya ang mga
kawal na huwag siyang papasukin. Sa huli, nagsisisi si Lokes a Mama sa
kaniyang nagawa.

Pag-unawa sa Binasa
1. Ano ang hanapbuhay ng mag-asawa sa ating binasang
kwentong-bayan? Patunayan.
2. Ibigay ang mga di-makatarungang ginawa ni Lokes a Mama
kay Lokes a Babay. Kung ikaw si Lokes a Babay, ano ang
gagawin mo kapag ganito ang turing sa iyo ng iyong asawa?
3. Paano makatutulong ang pagkakaroon ng maayos na relasyon
sa kapwa ang paggalang o respeto at pagiging tapat?

Ang galing nasagot mo na ang ilang katanungan mula sa akdang


iyong nabasa. Tunay na naunawaan mo nga ang iyong binabasa.
Ngayon, handa ka na bang gawin ang susunod na gawain?
Pagbutihin mo!
Gawain mo..
Gawain 1
A. Maraming Pagpipilian (Multiple Choices)
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Sagutin ang
mga kaugnay na tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Abala na sina Lokes a Mama at Lokes a Babay sa paglalagay ng


bitag pagsapit ng takip-silim. Ano ang mahihinuhang hanapbuhay
ng mag-asawa?
A. pagsasaka C. pagmimina
B. pangangaso D. pangingisda

2. “Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan,”


naibulong ni Lokes a Babay sa sarili nang matuklasang niloko siya ng
asawa nang pagpalitin nila ang nahuli ng kanilang bitag. Anong
pag-uugali ni Lokes a Babay ang mahihinuha dito?
A. Siya ay mapagbigay.
B. Mapagmahal na asawa
C. Mahaba ang kaniyang pasensya.
D. Mapagpatawad sa kaniyang asawa.

3. “Hindi ko na matiis ang pakikitungo mo sa akin. Alam ko na ang


ginagawa mong panloloko sa akin... Payag na ako sa dati mo
pang sinasabing pakikipaghiwalay sa akin.” pahayag ni Lokes a
Babay. Ano ang mahihinuhang kalagayan ng mga kababaihan sa
kanilang lipunan?
A. Makapangyarihan ang mga lalaki sa tahanan.
B. Makapangyarihan ang mga babae sa lipunan.
C. May kapangyarihan ang mga lalaking makipaghiwalay
D. May kakayahan ang mga babaeng ipagtanggol ang
sarili.
4. Si Lokes a Babay ay bumili ng malawak na lupain at nagpatayo ng isang
torogan o malapalasyong tirahan. Ano ang mahihinuhang kalagayan ni
Lokes a Babay?
A. Umunlad ang kaniyang pamumuhay.
B. Naghirap siya nang umalis sa kaniyang asawa.
C. Hindi na siya nanghuhuli ng mga hayop sa gubat.
D. Swerte ang munting ibon na kaniyang nahuli sa gubat.

5. “Gusto ko uling makatikim ng matabang usa. Halika, maglagay tayong


muli ng bitag sa gubat,” sabi ni Lokes a Mama. Ano ang ipinahihiwatig
ng pahayag na ito?
A. Madaling makahuli ng usa sa gubat.
B. Sagana ang gubat sa mga hayop na maaaring mahuli.
C. Hindi nauubos ang mga hayop sa kanilang mga
kagubatan
D. Hindi ipinagbabawal ang panghuhuli ng mga hayop sa
gubat.

Nasagutan mo ba nang wasto ang unang pagsasanay? Mahusay!

Halika at pagyamanin pa natin ang ating kakayahan sa paghihinuha


sa pagsagot sa ikalawang gawain.

Gawain 2

A. Pagpuno sa Patlang
Panuto: Ibigay ang inyong paghihinuha sa pahayag ng mga tauhan sa
pamamagitan ng pagsulat ng sagot sa patlang.
1. 2.

Matabang usa ang nahuli Gusto ko uling makatikim ng


ng bitag niya samantalang matabang usa. Halika,
ang sa aki’y isang munting maglagay tayong muli ng
lang ang nadale. bitag sa gubat

Sa pahayag na ito ni Lokes a Ipinahihiwatig ng pahayag na


Mama, mahihinuhang ang ito ni si Lokes a Mama na ang
hanapbuhay nilang mag- kanilang mga kagubatan ay
asawa ay __________________ _____________________________
____________________________ _____________________________

3. 4.

Alam kong niloloko mo lang Hindi ko na matiis ang


ako, pero hindi kita pakikitungo mo sa akin. Alam ko
na ang ginagawang mong
papatulan.
panloloko sa akin... Payag na
ako sa dati mo pang sinasabing
pakikipaghiwalay sa akin.

Ang katangian ni Lokes a Batay sa mga pahayag ni


Babay na mahihinuha sa Lokes a Babay, ang
pahayag na ito ay mahihinuhang kalagayan ng
_____________________________ mga kababaihan sa lipunan
_____________________________ ng mga Maranao ay
___________________________
____________________________
5.

Babalikan ko si Lokes a
Babay para makasalo
rin ako sa kaniyang
kayamanan.

Sa sinabing ito ni Lokes a


Mama, ang ipinahihiwatig
niyang pag-uugali ay
_____________________________
_____________________________

Naibigay mo ba ang kinailangang hinuha mula sa pahayag ng mga


tauhan? Wala kang kupas, ang galing mo talaga!

Halika’t sagutan pa natin ang ikatlong pagsasanay.

Gawain 3
A. Maikling sagot
Panuto: Bigyang-paghihinuha ang nakapaloob na kaugalian at
kalagayang panlipunan sa akda na masasalamin pa rin hangang
ngayon.

Bahagi ng Akda Paghihinuha

Matabang usa ang nahuli ng


bitag niya samantalang ang
sa aki’y isang munting ibon
lang ang nabitag.
Alam kong niloloko mo lang
ako, pero hindi kita papatulan.

Gusto ko uling makatikim ng


matabang usa. Halika,
maglagay tayong muli ng
bitag sa gubat

Hindi ko na matiis ang


pakikitungo mo sa akin. Alam
ko na ang ginagawang mong
panloloko sa akin... Payag na
ako sa dati mo pang
sinasabing pakikipaghiwalay
sa akin.

Babalikan ko si Lokes a Babay


para makasalo rin ako sa
kaniyang kayamanan.

Batid kong nasagutan mo nang wasto ang ikatlong gawain kaya


binabati kita.
Kaya mo pa ba? Aba, syempre! Ang ang galing mo kaya at sigurado
akong kayangg-kaya mo ang susunod na gawain. Sagot na!
Gawain 4

A. Pagpuno sa Talahanayan

Panuto: Bigyang-paghihinuha ang mga sumusunod na salita batay sa


nabasang kuwentong-bayan. Bigyang-diin ang mga kaugalian at
kalagayang panlipunan masasalamin dito.

Bahagi ng akda Paghihinuha

1. Pinagkukunang yaman ng
Agamaniyog

2. Hanapbuhay ng mga naninirahan


dito

3. Katayuan ng babae sa lipunan

4. Paniniwala ng mga tao sa mga di-


makatotohanang pangyayari gaya
ng mahuwagang munting ibon

5. Kaasalan ng mga asawang lalaki


sa kanilang asawa

Hayan at natapos mo ang mga gawain upang mahasa ang iyong


kakayahan sa paghihinuha. Ngayon ay susubukin na kita sa isang
pagtataya.
Hinga muna nang malalim, balikan ang mga ginawang gawain,
alalahanin ang mga pagsasanay na nasagutan…
Ngayon, tiyak na handa ka na para sa isang pagtataya.
Sagutan mo na ang susunod…

Sagutan mo..
Panuto: Lagyan ng bituin (*) ang patlang na nagsasaad ng inyong
paghihinuha sa kaugalian at kalagayang panlipunan ng mga
Maranao.
_________1. Pangangaso ang isa sa mga kabuhayan ng mga tao
sa kanilang lugar.

_________2. Naniniwala ang mga tao sa munting ibon na


nagbibigay ng yaman sa mga nagmamay-ari nito.

_________3. Tapang usa ang pinakapaboritong pagkain ng mga


taga-Agamaniyog.

_________4. Kinikilala ang karapatan at kalayaan ng kababaihan


sa pakikipaghiwalay sa kaniyang asawa.

_________5. Ang mga kalalakihan sa Agamaniyog ay


mapanlinlang at mapang-abuso.

_________6. Maraming mapagkukunang likas na yaman gaya ng


yamang gubat sa lugar ng kuwentong-bayan

_________7.May mahabang pagpapasensya ang mga


kababaihan
_________8. Si Lokes a Mama ay tuso at mapang-abusong
asawa.

Nahinuha mo na ba ang sa kaugalian at kalagayang panlipunan ng


mga Maranao. Ang galling mo! Isa kang mahusay na mag-aaral.
Dahil ang galing mo, ibahagi mo naman sa amin ang inyong
natutunan sa araw na ito.

Repleksyon:

Punan anng patlang upang mabuo ang iyong natutunan at nalaman sa


araw na ito

Nalaman ko na ____________________________________ kaya natutunan


ko na _____________________ kaya naman sa susunod ay ________________.
SUSI SA PAGWAWASTO

ANO BA ANG ALAM MO

Gawain 1:
1. Maya
2. Agila
3. Kulasisi
4. Loro
5. Kuwago

Gawain 2 :

( malayang sagot, lahat ng sagot ay tama )

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO

Gawain 1 :

1. B. pangangaso
2. C. Mahaba ang kaniyang pasensya.
3. D. May kakayahan ang mga babaeng ipagtanggol ang sarili.
4. A. Umunlad ang kaniyang pamumuhay.
5. B. Sagana ang gubat sa mga hayop na maaaring mahuli.

Gawain 2:
1. Sa pahayag na ito ni Lokes a Mama, mahihinuhang ang hanapbuhay
nilang mag-asawa ay pangangaso o panghuhuli ng hayop.

2. Ipinahihiwatig ng pahayag na ito ni si Lokes a Mama na ang kanilang


mga kagubatan ay sagana sa mga likas na yaman tulad ng mga hayop.
3. Ang katangian ni Lokes a Babay na mahihinuha sa pahayag na ito ay
pagiging mapagtimpi o siya ay may mahabang pasensya.

4. Batay sa mga pahayag ni Lokes a Babay, ang mahihinuhang kalagayan


ng mga kababaihan sa lipunan ng mga Maranao ay may kakayahan
ang mga babaeng ipagtanggol ang sarili.

5. Sa sinabing ito ni Lokes a Mama, ang ipinahihiwatig niyang pag-uugali


ay pagiging tuso at mapang-abuso.

Gawain 3:
1. Mahihinuha sa pahayag na ito na kahit na ang babae noon ay kumikilos
rin upang maghanapbuhay..

2. Mahihinuha sa pahayag na ito na noon pa man ang mga babae ay


mapagtimpi.

3. mahihinuha na sa pahayag na ito na magsipag lamang ay may


makakain na ang mga tao .

4. mahihiuha na dapat ang yaman ng mag-asawa ay pinagsasaluhan.

5. mahihinuha na may hangganan ang pagtitiis kaya sumusuko rin ang tao
kapag napuno na.

Gawain 4 :
1. Mahihinuhang ang pinagkukunang yaman ng mga agamaniyog ay
yaman sa kagubatan.
2. sa mga kilos at gawi ng mag-asawa mahihinuhang ang hanapbuhay
nila ay ang pangngaso
3. mahihinuha sa akda na ang babae na nasasakop ng mga lalaki
4. mahihinuha sa bahaging ito ng akda na ang mga tao noon ay
naniniwala sa mga sabi-sabi o kababalaghan

5. mahihinuha sa kinikilos ng lalaki na ang mga lalaki noon ay


makapangyarihan at dapat na sinusunod.

PAGTATAYA
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.

Sanggunian

Baisa-Julian A., et.al.( 2014). Pinagyamang Pluma 7. Quezon City: Phoenix


Publishing House, Inc.

https://www.google.com/search?q=ibat+ibang+uri+ng+ibon&source=lnms&t
bm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi16rnSjpDpAhXbF3IKHdxDAzsQ_AUoAXoE
CAsQAw&biw=1821&bih=876

You might also like