You are on page 1of 4

FILIPINO – 10

Pangalan: ________________________________ Petsa: ____________________

Baitang: ________________________________ Pangkat: __________________

Markahan: Ikaapat Linggo: Ikaanim


MELC (s) : Naisusulat ang paglalarawan ng mahahalagang pangyayari sa nobela na
isinaalang-alang ang artistikong gamit ng may-akda sa mga salitang
panlarawan. (F10WG-IVg-h-81)
Pamagat ng Textbook/LM na Pag-aaralan: EL FILIBUSTERISMO

Layunin: Nakaisusulat ng paglalarawan ng mahahalagang pangyayari sa nobela na


isinaalang-alang ang artistikong gamit ng may-akda sa mga salitang panlarawan.

Paksa: Kabanata III - Ang Mga Alamat

Tuklasin Natin

A. Balik-Tanaw: Nahahati sa dalawa ang kubyerta, ang itaas at ang ilalim nito. Ang pamahalaan
ay mauuri sa dalawang kalagayan: ang mataas at mababang antas ng buhay. Ipinalalagay na ang
mga nasa itaas ng kubyerta ay yaong mga makapangyarihan, maimpluwensya, mayaman at
kinikilala sa lipunan. Kabilang dito ang mga Kastila at prayle. Samantala ang mga karaniwang
nilalang tulad ng mga mestis, Indiyo at mga Intsik ay nabibilang sa mababang antas, kaya nasa
ilalim ng kubyerta. Nagkaroon ng pagtatalo sina Simoun at Isagani tungkol sa pag-inom ng serbesa.
Humanga si Simoun sa pangangatuwirang ibinigay ni Isagani.

B. Pagganyak: Likas na sa ating mga Pilipino ang gawing pampalipas-oras ang panonood ng
telebisyon. Sa katunayan, karamihan nga sa atin ay talagang inaabangan ang mahahalagang
eksena mula sa paborito nating palabas. Isang halimbawa nito ang larawang nasa ibaba. Anong
eksena ang nagusthan mo mula sa palabas na ito at ano ang dahilan kung bakit mo ito nagustuhan?
Ipahayag ang iyong saloobin tungkol dito gamit ang grapikong presentasyon.

EKSENANG
DAHILAN
NAGUSTUHAN

Matapos sagutin ang gawain ay basahin nang mabuti ang kabanatang nakapaloob
sa aralin na ito.

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


Buod ng Kabanata III
Dinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan na ang nangasa kubyerta.
Nagdaraingan ang mga prayle sa pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga bayarin
sa simbahan. Nagsalaysay ang kapitan ng isang alamat. Ito ay tungkol sa Malapad-na-bato
na kung saan itinuring itong banal ng mga katutubo sapagkat ito raw ay tahanan ng espiritu.
Nang panahanan daw ng mga tulisan at nawala ang takot sa espiritu at nasalin sa mga
tulisan. Sinabi din ng kapitan na may isa pang alamat na ukol kay Donya Geronima.

Si Padre Florentino ang nahingang magkuwento. May magkasintahan daw sa


Espanya. Naging Arsobispo sa Maynila ang lalaki. Nagbalatkayo ang babae. Naparito at
hinihiling niya sa arsobispo na sundin nito ang pangakong magpakasal sila. Iba ang naisip
ng Arsobispo. Itinira niya ang babae sa isang yungib malapit sa Pasig. Nagandahan si Ben
Zayb sa alamat. Nainggit si Donya Victorina na ibig ding manirahan sa kweba. Tinanong ni
Simoun si Padre Salvi kung higit bang mainam na ilagay sa isang beateryo si Donya
Geronima tulad ni Sta. Clara, subalit nasagot naman ng pari ang kaniyang katanungan.
Ayon kay Padre Salvi ay hindi raw siya makakahatol sa mga ginawa ng isang Arsobispo at
upang mabago ang paksa ay isinalaysay ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang
Intsik sa pagkamatay sa mga buwayang naging bato.nang dasalan ng Intsik ang santo.

Nang madaanan nila ang lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa kapitan kung saan sa
lawa napatay ang isang “Guevarra”, “Navarra” o “Ibarra”.

Itinuro ng Kapitan. Naghanap si Donya Victorina ng bakas ng pagkamatay sa tubig


labintatatlong taon matapos mangyari iyon. Nakasama raw ng ama ang bangkay ng
kanyang anak. Dagdag pa ni Ben Zayb, ‘yon daw ang pinakamurang libing. Kaya naman
nagtawanan ang iba.

Namutla naman si Simoun at walang kibo. Ipinagpalagay na lamang ng kapitan na


nahihilo ito dahil sa paglalakbay.

Subukin Natin

A. Suring Panglinggwistika
Panuto: Punan ng angkop na titik ang patlang upang mabuo ang kahulugan.

1. kubyerta - pa__pa_
2. pag-uusig - p a g_ _ p _ h i _ _ p
3. nasalin - l__ip_t
4. nagbalatkayo - _a___ngg_p
5. yungib - k_e_a

B. Suring Pampanitikan
Lagyan ng tsek kung sang-ayon ka o hindi sa mga pangyayari sa mga kabanatang
binasa. Pangatwiranan kung bakit ito ang iyong naging sagot.
Pangyayari Sang-ayon Di Sang-ayon Katwiran
Binati ni Don Custodio si Simoun na para
bang walang nagdaang
pagkakasalungatan sa kanila.
Nang mawala ang mga ispiritu, ang

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


batumbuhay ay pinanahanan at ginawang
kanlungan ng mga tullisan.
Nagmilagro ang santo at ang buwaya ay
naging bato.
Itinira ng arsobispo ang kaniyang
kasintahan sa yungib.
Tumandang dalaga si Donya Geronima
dahil sa kahihintay sa kasintahan.

Mga Implikasyon:
 Maalamat ang ating bansa. Halos lahat ng bayan ay may kanya-kanyang mga
kwento ukol sa pinagmulan ng mga bagay, hayop, prutas at lugar. Bagama’t ito’y
natatabunan na ng maikling kwento o maikling nobelang kinalulugdang basahin ng
mga tao, nararapat ding pagyamanin ang mga natipong alamat sapagkat ang mga
ito’y bahagi ng ating panitikan.
 Noong panahon ng mga kastila ay talamak ang pamahiin ukol sa
pagmimilagro ng mga santo. May kabutihan at di-kabutihan din itong naidudulot sa
mga tao.

Isagawa Natin

PAGSASANAY 1: Sukatin natin ang iyong kaalamang natamo mula sa


binasa, sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod.

1. Sa iyong palagay, ano ang layunin ng awtor sa pagsulat ng kaniyang akda?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Ilarawan ang pamamaraan na ginamit ng may-akda sa pagsusulat.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Ihambing ang panahon ng Kastila sa kasalukuyang panahon gamit ang artistikong
pamamaraan.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
PAGSASANAY 2: Isulat ang paglalarawan ng mahahalagang pangyayari mula sa
Kabanata III sa artistikong pamamaraan gamit ang Visual Display of Text.
KABANATA III

MGA TAUHAN: ____________________ TAGPUAN:__________________________


_

PANGYAYARI

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


Ilapat Natin

Sumulat ng paglalarawan ng mahahalagang pangyayari sa buhay mo na may


kaugnayan sa nobela gamit ang artistikong pamamaraan. (humigit kumulang
dalawang talata). Maaring sumulat sa hiwalay na papel.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

RUBRIK
Mamarkahan ang iyong gawain batay sa rubrik na ito.
RUBRIK SA PAGGAWA NG SARILING ALAMAT
5 4 3 2 1
NILALAMAN
Malinaw ang pagkabuo,simple at maliwanag
WASTONG GAMIT NG MGA SALITA
Nagpapahiwatig nang may wastong pagkasunod-sunod
Wasto ang baybay at bantas
ORGANISASYON
Lohikal ang pagkakaayos at madaling maunawaan
Pinakamahusay 3- katanggap-tanggap 1- nangangailangan
Mahusay 2- maari pang paghusayan pang ayusin

SANGGUNIAN

Ambat, Vilma C., Barcelo, Ma. Teresa B., Cariño, Eric O., Dasig, Mary Jane R.,
Enrijo, Willita A., Molina, Shiela C., Rivera, Julieta U., Sayson, Roselyn C. Tabora, Mary
Grace A., Urgelles, Roderic P., 2015. Filipino Patnubay ng Guro. Pasig City, Philippines

LRMDS, DepEd Philippines


Mga BUmuo sa Pagsulat ng SSLM

Writer: Hannah Tabuno


Evaluator: Norma E. Pascua / Amid A. Dumdum
Illustrator: Ihryn T. Jaranilla
Creative Arts Designer: Reggie D. Galindez
Education Program Supervisor: Lelita a. Laguda
Education Program Supervisor – Learning Resources: Sally A. Palomo
Curriculum Implementation Division Chief: Juliet F. Lastimosa
Asst. Schools Division Superintendent: Carlos G. Susarno, Ph. D.
Schools Division Superintendent: Romelito G. Flores, CESO V

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021

You might also like