You are on page 1of 10

MODYUL SA PAGKATUTO

TAONG PAMPANURUAN 2020 – 2021

Pangalan: ____________________________ Linggo: _______________________

Baitang at Pangkat: ___________________ Petsa ng Pagpapasa: ___________

MODYUL 3
EPIKO/MGA HUDYAT NG SANHI AT BUNGA

I. EXPLAIN

MGA LAYUNIN

Pangkaisipan: : Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari sa pagbuo ng mga
pangungusap.(Remembering)

Panghinuha: Nahihinuha ang mga mahahalagang pangyayari sa akdang binasa. (Understanding)

Pandamdamin: Naiaangkop ang sariling karanasan sa kasalukuyan at napahahalagahan ang kaunayan

nito sa binasang akda.Applying)

Pagsasagawa. Nakagagawa ng mga talatang nagpapahayag ng sariling kaisipan batay sa akdang

tinalakay (Creating)

Pagtatalastas: Nagagamit at nasusuri ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari..
(Applying)

Pamumuno: Nakapagmumungkahi sa kamag-aral tungkol sa dating kaalaman patungo sa kahalagahan

ng binasang akda. (Evaluating)

Pagiging: Isang mag-aaral na nagiging instrumento ng kapayapaan. (Creating)

KALIGIRANG IMPORMASYON
 Ang modyul na ito ay binubuo ng panitikan at wika. Ang panitikan ay bahagi ng ating kalinangan at
kasaysayan. Mahalagang maunawaan na sa pag-aaral ng panitikan ay maaaring mahubog ang
inyong damdamin at kaisipang makabayan.
 Palalawakin ang inyong kaalaman sa akdang pampanitikang namayani sa bansa noong Panahon ng
Prekolonyal at Kolonyanismong Kastila.
 Ang Epiko ay uring panitikang tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga
tao laban sa mga kaaway.
 Ito ay kwentong bayan na maaaring maging payak o komplikado. Ang mga pangyayari dito ay hindi
kapani-paniwala ngunit may mga pangyayari na kakikitaaan ng kultura ng mga Pilipino, gayundin ang
mga gintong aral na laging nakapaloob sa uri ng panitikang ito.
 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ang malinaw, mabisa, at lohikal na pagpapahayag ay naipapakita sa
maayos na pag-uugnayan ng mga salita, parirala, sugnay, at pangungusap. Kagaya na lamang ng sa
pagpapahayag ng sanhi at bunga na may mga hudyat na ginagamit upang maipahayag ito nang may
kalinawan.
MABUTING BALITA
Panuto: Basahin ang Banal na Kasulatan sa ibaba at sagutin ang mga
pamprosesong tanong.

BANAL NA KASULATAN
O, Diyos, ibigay mo sa hari ang hatol mo,
Ang iyong katarungan sa kanyang anak.
Nawa’y matuwid siyang mamahala sa bayan mo
At makatarungan sa mga dukha.
Nawa’y magdala ng kapayapaan sa bayan ang mga bundok
At ng katarungan ang mga burol.
Nawa’y ipagtanggol niya ang mga api ng bayan;
Iligtas niya ang mga anak ng dukha
At sugpuin ang mga naniniil.
Nawa’y manatili siyang tulad ng araw at ng buwan sa Sali’t saling lahi .
Nawa’y maging tulad siya ng ulan sa parang,
Tulad ng ulang dumidilig sa lupa.
Sa kanyang mga araw, nawa’y lumago ang katarungan
At kapayapaan hanggang sa mawala ang buwan

Salmo 72: 1 – 7
Magandang Balita Biblia

Pamprosesong Tanong:

1. Bakit kinakailangang magdala ng kapayapaan ang mga bundok?

________________________________________________________________________
2. Paano kaya maisasagawa ang pagkakaroon ng kapayapaan sa bayan?
________________________________________________________________________

3. Naniniwala ba kayo sa kawikaan na “Walang mang-aalipin kung walang magpapaalipin”? Bakit?

________________________________________________________________________
4. Sa paanong paraan mo maipapakita ang pagtulong mo sa iyong kapwa na walang hinihinging kapalit?
________________________________________________________________________
PANIMULANG GAWAIN
“KILALANIN NATIN!”

Panuto: Ibigay ang mga katangian ng mga bayaning nasa ibaba at bigyang pagpapakahulugan ang mga
katangiang ito.

1.

2.

3.

II. ELABORATE

 Basahin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa alamat sa bahaging “Pag-uuhay” ng inyong

aklat, ph. 25-26 Gayundin ang mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ph 31-32..
GAWAIN 1
MADALI LANG ‘YAN!

Panuto: Sagutan ang Pagsasanay A. at B sa inyong akalat pahina 32-33.

GAWAIN 2

PAGYABUNGIN NATIN!

A. Panuto: Basahin at Suriin ang mga hudyat ng Sanhi at Bunga na makikita sa binasa. Isulat
ito sa patlang.

Dahil sa walang habas na pagputol ng kahoy sa mga bundok at kagubatan.

Pagwawalang-bahala ng pamahalaan sa illegal na pagkakahoy. Ang hindi pag uukol ng
atensyon sa muling pagpapasibol at pagtatanim ng mga punong-kahoy. Ang ating mga
kabundukan ay kalbo na. Dulot nito ang ay pagkakaroon ng tag-tuyot, kaya naman
nagkakaroon ng pagbaha sa karatig bayan.

SANHI:
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
BUNGA:
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

Inabot ni James ang nahulog na mga prutas at gulay sa bayong ng matandang

babae. Tuwang-tuwa itong nagpapasalmat sa taglay na kabaitan ni james.

SANHI:
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
BUNGA:
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

Nilikha ng diyos ang karagatan upang magkaroon ng buhay ang mga lamang dagat
tulad ng isda,pawikan, coral reef at iba. Dahil sa taglay nitong kagandahan ay marami
ang nabibighani dito, ngunit unti-unti nang nasisira ang karagatan dahil sa patuloy na
pagtatapon ng langis dito. Dagdag pa rito ang pagkamatay ng mga isda sa karagatan
bunga ng pagpapasabog ng mga dinamita sa karagatan.

SANHI:
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
BUNGA:
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

B. Panuto: Ibigay ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari batay sa buod ng akdang nabasa

Gamit ang SAYKLIKAL TSART.

Si Baltog ay isang batang lalaki na malakas, mabait at matipuno. Siya ay anak ni

Handiong, ang pinuno ng kanilang pamayanan. Isang araw, ikinuwento ng kanyang ama ang

I kaawa-awa nilang kalagayan sa lupain ng Samar. Napakarami nilang kaaway na laging

dumarating upang sirain ang kanilang pananim at patayin ang kanilang mga alagang hayop.
Namamatay ang mga tao sa gutom dahil sa kawalan ng pagkain. Ang natitira sa kanila ay

B
hindi sapat upang umabot sa susunod na pag-aani.

Pagod nang lumaban ang mga tao anak, sabi ng kanyang ama. Gusto nila ng payapang
buhay na walang gutom na gumagala sa paligid. Ang ating mga hayop ay kumokonti ng
kumokonti araw-araw. Kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon ay mamamatay tayong lahat
sa gutom.

A Ano ang gusto mong ipagawa sa akin, ama? tanong ni Baltog. Tumingin ng diretso sa
kanyang mata ang kanyang ama. At hinawakan nito ang kanyang balikat.

Humanap ka ng lugar kung saan makakapamuhay tayong panatag at payapa.

L
Iginala ni Baltog ang mga mata. Nakita niya ang mga tao sa kanilang kaawa-awang
kalagayan. Nakita niya ang gutom at sa mukha ng bawat bata. Nakita niya ang panghihina sa
bawat mukha ng ama't-ina. Siya din ay nalungkot.

Masyado na akong matanda kaya inaatang ko na ito sa iyong mga balikat. Bata ka pa,

O
malakas at matapang. Alam kong magagawa mo ito. Para sa akin at sa ating mga
mamamayan.

Ibinigay ni Handiong ang basbas kay Baltog. Naglayag si Baltog kinagabihan sakay ng
isang maliit na bangka na magdadala sa kanya sa isang lugar ha tinatawag na Kabikulan.
Marami na siya ring narinig tungkol sa lugar at naisip niya na maganda kung makakahanap

N
siya ng lugar kung saan sila maninirahan habang-buhay. Sa malawak na dagat, nasagupa ni
Baltog ang malakas na hangin at malalaking alon na sumira sa kanyang bangka. Kinailangan
niyang lumangoy at muntikan na siyang malunod bago niya ligtas na narating ang dalampasigan
ng baybaying bayan ng Kabikulan.

Nagsimula niyang galugarin ang Kabikulan, hanggang umabot siya sa lupain ng Aslon at
Inalon na sumasakop sa kapatagan na nakaligid sa bundok ng Asog, Masaragam, Isarog at
Lignion. Natagpuan niya ang Ibalon, isang magandang lugar para sa kanya at sa mga
mamamayan. Ang lupa ay mataba at magandang pagtamnan ng mga halamang ugat, palay at
mga gulay. Ito rin ay maganda para sa kanilang mga hayop. Para itong lupain ng gatas at
pulot.Nais ko ang lupaing ito para sa akin at sa aking mga mamamayan, sabi ni Baltog sa
sarili.
Ngunit nagsalita siya ng maaga. Dahil naninirahan sa paligid ng Ibalon ang ilang buwaya
na may pakpak na nakakalipad, mga baboy ramong kasinglaki ng elepante at isang sawa na
may ulo ng isang babae. Ngunit desidido si Baltog na makuha ang Ibalon para matirhan kaya
nilabanan niya ang mga buwaya at mga baboy ramo ng buo niyang lakas. Dahil sa kanyang
galing sa mano-manong pakikipaglaban natalo niya lahat ng buwaya at baboy ramo, pinatay
niya ito at pinagpira-piraso. Ngunit, ang sawa na may ulo ng babae ay nakatakas at humanap
ng ibang matitirahan.

Bumalik siya at ibinalita sa ama ang tungkol sa lupain na nakita niya para sa kanila.
Hindi na sila nagsayang ng oras, si Baltog at ang kanyang ama at ang lahat ng mga
mamamayan ay nilisan ang Samar papuntang Ibalon, ang kanilang bagong tahanan. Tinuruan
nina Handiong at Baltog ang mga mamamayan ng ilang paraan upang magkaroon ng kabuhayan.
At hindi nagtagal ay gumanda ang kanilang pamumuhay. Pinuno nila ang lupain at nagkaroon
sila ng masaganang ani. Sa lupaing iyon ang gutom ay naging alaala na lamang ng nakaraan.

SIMULA

SAGLIT NA KASIGLAHAN
WAKAS

KASUKDULAN TUNGGALIAN
III. EVALUATE

GAWAIN 3

PAHALAGAHAN NATIN!

PANUTO: bumuo ng talata tungkol sa kabayanihan na makikita sa ibaba. Gamitin ang rubriks sa paggawa ng
talata.

_________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
IV. EXTEND

GAWAIN 4

SUMASALAMIN!

Panuto: Ihalintulad sa sarili ang katangian ng dalawang tauhan bilang instrumento ng kapayapaan.

_________________________________________________________________

ALIGUYON

PUMBAKHAYON

Pamprosesong Tanong

1. Paano makatutulong sa iyo at pamilya mo ang isinagawang gawain?

2. Sa Paanong paraan mo mahihikayat ang iyong kapwa na pagyamanin at paunlarin ang binasang epiko?

_____________________________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, nakapagbigay ba ng inspirasyon sa iyo ang binasang akda upang maging instrumento para
ipalaganap ang kapayapaan sa bansa?

PANAPOS

DAMHIN NATIN!

PANUTO: Makikita sa epiko ang paghahangad ng mga tauhan sa kapayapaan at hindi lamang sila ang
naghahangad nito kundi lahat ng tao sa mundo ay nangangarap na balang araw, tayo ay magtatamo rin ng
kapayapaan upang gumanda ang ating buhay.
A. Mahalagang Tanong

Kung ikaw ay magiging bayani sino iyon at sa paanong paraan matatamo ng iyong bayan
ang ganap na kapayapaan?

_________________________________________________________________________

__

RUBRIK SA PAGTATASA

PAMANTAYAN LODI! PETMALU! ILDE! SSOB!

(10) (8) (5) (3)

NILALAMAN Kumpleto at Kumpleto ang nilalaman May ilang kulang Maraming

komprehensibo ang ng talata. Wasto lahat kakulangan sa kakulangan sa
nilalaman ng talata. ang impormasyon. nilalaman ng nilalaman ng
Wasto lahat ang talata. May ilang talata
impormasyon maling
impormasyon sa
nabanggit.
ORGANISASYON Malinaw at organisado Organisado ang Hindi gaanong Hindi
ang pagkakasunod- pagkakasunod-sunod ng organisado ang organisado
sunod ng pangungusap pangungusap na nais pagkakasunod- pagkakasunod-
na nais ilahad sa sinulat ilahad sa sinulat na sunod ng sunod ng
na talata. talata. pangungusap na pangungusap
nais ilahad sa na nais ilahad
sinulat na talata. sa sinulat na
talata.
WASTONG GAMIT NG Mahusay at maayos ang Maayos ang paggamit ng Hindi gaanong Hindi maayos
BANTAS paggamit ng bantas sa bantas sa sinulat na maayos ang ang paggamit
sinulat na talata talata. paggamit ng ng bantas sa
bantas sa sinulat sinulat na talata.
na talata.
RUBRIK SA PAGSULAT NG TALATA

 PIDBAK NG MAG-AARAL

 PIDBAK NG GURO
SANGGUNIAN:
Guerrero, P. ,et. al Punla 8 , Rex Book Store Publishing House Inc.

Lontoc, N., et. al Pinagyamang Pluma 8 Phoenix Publishing House , 2015

Guimarie, A. Kalinangan 8 Workteks sa Filipino (Wika at Panatikan) para sa Hayskul, Rex Book Store
Publishing House Inc.

ATTACHMENTS:
 Iba pang sanggunian na babasahing aklat.

You might also like