Professional Documents
Culture Documents
Ikinatakot ito ng mga Tonga na baka magalit ang diyos, kaya naman ay nakiusap at binabalaan nila
ang mga manggagawa na itigil nalang ang paggawa ng dam. Ngunit ay pinagtawanan lang sila. Sinimulan na nila
ang gawain sa pamamagitan ng paglipat ng mga mamamayan sa mas mataas na lupain at pagputol sa libo-libong
mga puno. Isang araw ay biglaang bumagyo at resulta nito ay isang napakalaking baha na nagsira sa bahay ng
marami at pumatay sa mga hayop. Pinaniniwalaan na ang hindi pangkaraniwang pangyayaring ito ay ginawa ni
Nyaminyami. Sa kabila ng kaganapan, ang mga dayuhan ay patuloy sa pagtatayo ang dam. Mas tumindi ang galit
ni Nyaminyami at bumaha nanaman ulit, pero ngayon ay mas lumakas ito kumpara sa nangyari noon. Maraming
mamamayan ang namatay kasama nang ibang manggagawa. Muling pinaniniwalaan ng mga tao roon na ang mga
pangyayaring ito ay dulot sa matinding galit ni Nyaminyami dahil sa pagtatayo ng dam at sinasabing naiwan ang
kanyang pinakamamahal sa asawa sa kabila ng dam.
Kahit anumang pakikiusap ang gawin ng mga Tonga at kabiguan na nararanasan ay patuloy parin
ang pagtatayo ng dam hanggang, sa wakas, ay natapos na ito. Ang rebulto ni Nyaminyami ay itinayo, sa itaas na
bahagi ng ilog Zambezi, bilang respeto sa diyos. Ang mga Tonga naman ay patuloy na naninirahan sa taas na
bahagi ng ilog at narararamdaman ang minsa’y panginginig ng lupa sa paligid. Naniniwala sila na galit parin si
Nyaminyami at pilit na gibain ang dam para mabalik sakanya ang kanyang asawa. Kagustuhan man ng mga Tonga
na mabalik ang asawa niya ay umaasa parin sila na sana ay hindi siya magtagumpay dito dahil alam nilang
magiging mapangwasak ang resulta nito.
GAWAIN 1
Panuto: Suriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya sa pamamagitan ng pagpili at bilugan ang letra ng
angkop na kasagutan at paliwanag ukol dito.
1. Anong suliranin ang kinaharap ng mga tauhan sa akda?
a. Ang pagsira sa kanilang tahanan upang makapagtayo ng bagay na makapgdudulot ng kaunlaran
b. Ang paniniwala nila sa pagkakaroon ng isang diyos sa ilog na nagpoprotekta sa kanila.
c. Ang pakikipagsapalaran nila sa mga dayuhan na naging dahilan ng pagkamatay ng marami nilang kalahi.
Paano nakaapekto sa kanila ang suliraning isinagot mo?
________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
2. Paano mo ilalarawan ang ikinilos ng pangunahing tauhan bilang resulta ng suliraning kinaharap niya at ng iba
pang tauhan?
a. Naging mapagpasensya at hinayaan na lang ang mga ipinagpalagay na kamaliang nagawa sa kanya.
b. Nagbulag-bulagan siya sa mga epektong idinulot ng mga suliranin sa kanyang buhay.
c. Naging marahas siya at gumanti sa paraang alam niya para sa mga nagdulot sa kanya ng suliraning
kinaharap niya.
Ano ang ibinunga ng naging kilos o gawi ng pangunahing tauahan?
________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
GAWAIN 2:
Panuto: Ipaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at Persia. Punan ang tsart batay sa
Elemento nito. Panoorin ang link para sa Mitolohiya ng Persia https://www.youtube.com/watch?
v=bZy8H1RgSTI
Elemento MITOLOHIYA MULA SA AFRICA MITOLOHIYA MULA SA PERSIA
Si Nyaminyami: Ang Diyos ng Ilog Zambezi Mashya at Mashyana: Mito ng Paglikha
Mga Pagkakaiba
Tauhan
Pagkakatulad
Tagpuan Pagkakaiba
Pagkakatulad
Paksa Pagkakaiba
At
Mensahe
Pagkakatulad
Aral na Pagkakaiba
Taglay
Pagkakatulad
GAWAIN 3:
Panuto: Pangatwiranan ang panig na iyong papanigan batay sa paksa na makikita sa kahon. Isulat ang iyong
pangangatwiran.
Kabuuan ---------------------- 15
Basahin ang halimbawang salin at lagyan ng tsek ( / ) ang bilog na katapat ng pahayag na sa palagay mo’y
mahusay ang pagkakasalin at ng ekis ( X ) sa hindi.
Halimbawa:
Orihinal: “Our environment, the world in which we live and work, is a mirror of our attitudes and
expectations.”
- Earl Nightingale
“Ang aming kapaligiran, ang mundo kung saan tayo nakatira at trabaho, ay isang salamin n
gaming mga saloobin at mga inaasahan.”
- Salin mula sa http://imtranslator.net/
“Ang ating kapaligiran, ang mundo kung saan tayo namumuhay at naghahanapbuhay, ay
sumasalamin sa ating mga saloobin at inaasahan.”
- Isang malayang pagsasalin
GAWAIN 4:
A. Panuto: Unawain ang ibig sabihin ng sumusunod at isalin nang tama sa Filipino
B. Panuto: Gamitin ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika upang mapabuti ang literal na pagsasalin mula sa
orihinal ng online translation site sa internet.
“ If you really think that the environment is less important than the economy, try holding your breath
while you count your money.”
-Zephyr McIntyre
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
____ Salin ni: _______________________________
Pangalan Mo
Pamantayan sa Pagsasalin
Kawastuhan/Kaangkupanng-salin--------------------- 4
Katapatan, Kaayusan at Kalinawanng-salin ---------3
Pagkakaugnay-ugnay ng diwa-------------------------- 3
Kabuuan----- 10
Pangalan: _______________________________________________ Seksyon: ____________________________
Baitang: GRADE 10-FILIPINO Taong Panuruan: 2020-2021/3rd Quarter
Guro: ___________________________________________ Lagda ng Magulang: ___________________
Learning Activity Sheet 3.2
ANEKDOTA
Anekdota -Ito ay maikling kuwento ng isang nakakawiling insidente sa buhay ng isang tao.
Ang pangunahing layon ng isang anekdota ay ang makapaghatid ng isang magandang
karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay
makatotohanan.
Ang isang anekdota ay isang maikling akda. Bunga nito, dapat pagsikapan na ang
mgapangungusap lalung-lalo na ang pambungad na pangungusap ay magingkapanapanabik. Ang isang
magandang simula ay magbibigay ng pagganyak sa mgamambabasa at mahihilig upang ipagpatuloy ang
kanilang pagbasa ng anekdota.
Ang isang anekdota ay may isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyang kahulugansa
pagsulat ng anekdota. Lahat ng mga pangyayari ay dapat magbigay ng kahulugansa ideyang nais
ipadama.
Ang isang magandang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkakaunawa sakaisipang
nais nitong ihatid sa mga mambabasa. Di-dapat mag-iwan ito ng anumangbahid ng pag-aalinlangan na
may mga susunod pang mangyayari.
GAWAIN 1:
Panuto: Panuorin ang “Mga Anekdota ni Nelson Mandela” sa youtube gamit ang link:
https://www.youtube.com/watch?v=vEkEb3nAW40 . Maghinuha sa damdaming namayani sa
nagsalaysay o nagsulat nang masaksihan ang mga pangyayari. Bilugan ang letra at magbigay ng
paliwanag sa iyong sagot.
1. Ang nadama ni John Carlin nang Makita niya ang ginawangpagtrato ni Mandela sa babaeng nagdala
ng tsaa at tubig habang kinakapanayam niya ang dating pangulo.
a. pagtataka b. paghanga c. pagkainis d. pagdududa
dahil ___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
2. Ang maaaring nadama ng babaeng tagalinis na ipinatawag pa ni Mandela sa kanilang manager upang
mapaliwanagan kung bakit siya ang nagtiklop ng kanyang tinulugan.
a. pagtataka b. pagkainggit c. pagkainsulto d. pagkatuwa
dahil ___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
3. Ang maaaring nadama ng manager ng hotel na kinausap ni Mandela upang ipatawag ang babaeng
tagapaglinis ng silid sa hotel.
a. pagtataka b. pagkainggit c. pagdududa d. paghanga
dahil ___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
4. Ang nadama ng mga taong nakapakinig sa pagsasalita ni Mandela sa Cambridge ayon sa pagsasalaysay
ni John Simpson.
a. kasiyahan b. pagkapahiya c. pagdududa d. kahinaan
dahil ____________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
5. Ang nadama ni Matt Damon nang makilala niya ang Pangulo.
a. kaba at paghanga b. kaligayahan c. pagdududa d. pagdurusa at paghanga
dahil ____________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
PANLAPI- Ito ay mga salitang ginagamit na magkadugtong sa salitang ugat.
Mga uri
1. Unlapi - Ito ay ginagamit sa unahan ng salitang ugat. Ang mga madalas ginagamit na mga unlapi
ay ma-, ,mag-, na-, nag-, pag-, pala-, atbp.
2. Gitlapi - Ito ay ginagamit sa gitna ng salitang ugat. Ang mga madalas ginagamit na mga gitlapi ay -
um-, at -in-
3. Hulapi - Ito ay nasa huli ng salitang ugat. Ang karaniwang ginagamit na hulapi ay -an, -han, -in, -
hin.
Mahalaga ang mga panlapi sa pagbuo ng salita. Nagbabago kasi ang kahulugan ng mga salita batay sa
gamit ng mga ito.
GAWAIN 2:
Panuto: Kilalanin ang kahulugan ng mga salita batay sa ginawang paglalapi. Piliin ang sagot at isulat ang
letra sa linya.
_________ 1. minamahal a. dalawang taong may pag-ibig sa isa’t isa
_________ 2. mahalin b. isang bagay na mataas ang presyo o hindi mura
_________ 3. nagmamahal c. sinasabi sa Bibliya na dapat gawin para sa kaaway
_________ 4. nagmamahalan d. taong nakadarama o nagbibigay ng pagmamahal
_________ 5. mamahalin e. taong pinag-uukulan ng pagmamahal
Makatotohanan ------------------------------- 4
Iisang Paksa ------------------------------------ 3
May aral ---------------------------------------- 3
Kabuuan ---------- 10