You are on page 1of 6

NOTRE DAME UNIVERSITY-JUNIOR HIGH SCHOOL

A School of Character of Excellence


For Social Transformation in Mindanao
S.Y. 2021-2022
Name: _____________________________________________________ Date:______________
Subject, Year & Section/s: ________________________

Unang Linggo (Week 1)


Layunin:
 Mitolohiya: Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at Persia
 Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa:
- suliranin ng akda
- kilos at gawi ng tauhan
-desisyon ng tauhan
 Napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa pamamagitan ng
debate/pagtatalo)
 Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika
Paksang Aralin:
Panitikan: SI NYAMINYAMI, ANG DIYOS NG ILOG ZAMBEZI
I.PAGHAHANDA SA ARALIN
ACTIVATE: Pagbibigay ng Dating Kaalaman
A. Basahin ang artikulo tungkol dito na matatagpuan sa site na ito:
http://www.rappler.com/nation/81139-smuproots-pine-trees-baguio. Pagkatapos, ay
ibahagi ang iyong nararamdaman sa balitang ito sa loob ng bubble thought.

B. Alin-alin sa mga ginagawa ng tao ang maaaring makapagdulot ng kaunlaran subalit


pinagmumulan naman ng pagkasira ng kapaligiran o ng kalikasan? Maglahad ng tatlo
base sa iyong mga obserbasyon.

C. Sa iyong palagay, maaari pa rin kayang magkaroon ng kaunlaran ang isang bayan nang hindi
nasisira ang kapaligiran? Maglahad din ng tatlong paraan.

II. PAGLALAHAD NG ARALIN


ACQUIRE: Pagkatuto ng Bagong Kaalaman
A. Mga bagay na katanungan o pahayag: (Ibahagi ang mga kasagutan o ideya sa Google
Meet)
 Bakit mahalagang mapangalagaan ang ating kalikasan? Paano makaaapekto sa tao
ang pagsira sa kapaligiran?
 “Ating pagpalain, alagaan, at igalang ang kalikasan. Ang pagsira rito’y
makapagdadala sa tao ng kapahamakan.”

B. Gamit ang Fishbone organizer sa ibaba ay ilahad ang suliranin at ang mga naging bunga
nito sa akdang binasa.

C. Gramatika/Retorika

MGA PAMANTAYAN SA PAGSASALING – WIKA


Translation consists in producing in the receptor language the closest natural
equivalent of the message of the source language, first in meaning and secondly in
style. -E. Nida (1959-66)

 “Ang pagsasaling-wika ay muling paglalahad sa pinagsasalinang wika ng


pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal ang mensaheng isinasaad ng
wika, una’y batay sa kahulugan, at ikalawa’y batay sa istilo.”

Sa pagsasaling-wika kailangang maipahatid nang tama ang mensahe ng isinasalin


kaya naman mahalagang isaisip ng isang tagapagsalin ang sumusunod na paalala
o pamantayan sa pagsasaling-wika:

1. Alamin ang paksa ng isasalin. Magbasa o magsaliksik upang mapag-aralan ito at


magkaroon nang mas malawak na kaalaman sa paksa ng tekstong isasalin.
2. Basahin ng ilang beses ang tekstong isasalin. Tiyaking nauunawaan mo ang nilalaman
ng teksto sa lebel na halos kakayanin mo nang ipaliwanag o muling isalaysay kahit pa
wala ang orihinal sa iyong harapan. Gayunpama’y tandaang hindi ka basta magpapa-
paraphrase kundi magsasalin kaya hindi mo dapat baguhin, palitan, o bawasan ang ideya
o mensahe ng iyong isinasalin.
3. Tandaang ang isinasalin ay ang kahulugan o mesahe at hindi lang mga salita.
Makatutulong ang malawak na kaalaman ng isang tagapagsalin sa wikang isasalin at sa
wikang pagsasalinan. Hindi kasi sapat na basta tumbasan lang ng salita mula sa
pinagmulang teksto ng isa ring salita sa pagsasalinang wika dahil literal lang ang
kalalabasan ng pagsasalin at maaaring hindi mapalabas ang tunay na diwa ng isinasalin.
4. Piliin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng mambabasa. Mainam
kung ang mga salitang gagamitin ay lubos mong nauunawaan ang kahulugan at tiyak na
mauunawaan din ng mga mambabasa upang higit na maging natural o malapit ang
orihinal sa salin.
5. Ipabasa sa isang eksperto sa wikang pinagsalinan o sa isang katutubong nagsasalita
ng wika ang iyong isinalin. Makatutulong nang malaki ang pagpapabasa ng isinalin ng
isang taong eksperto o katutubong nagsasalita ng wikang ito upang mabigyang-puna niya
ang paraan ng pagkakasalin at masabi kung ito ba’y naaangkop na sa konteksto ng isang
taong likas na gumagamit ng wika.
6. Isaalang-alang ang iyong kaalaman sa genre ng akdang isasalin. Makatutulong sa
epektibong pagsasalin ang kaalaman ng tagapagsalin sa genre ng kinabibilangan ng
isasalin. Halimbawa, hindi basta makapagsasalin ng isang tula ang isang taong walang
gaanong alam sa matatalinghagang salita at mga tayutay na karaniwang ginagamit sa
isang tula. Idagdag pa rito ang kaalaman ukol sa magkakatugmang salita lalo na kung
may sukat at tugma ang tulang isasalin. Kung tula ang isasalin, kailangang lumabas pa
rin itong isang tula at hindi prosa. Kung ito’y may sukat at tugma, kailangang pagsikapan
ng tagapagsaling mapanatili rin ito.
7. Isaalang-alang ang kultura at kontaksto ng wikang isasalin at ng pagsasalinan. May
mga pagkakataon kasing ang paraan ng pagsasaayos ng dokumento ng isang wika
depende sa kanilang nakasanayan ay naiiba sa wikang pagsasalinan kaya’t dapat din
itong bigyang-pansin ng magsasalin.
8. Ang pagiging mahusay na tagapagsalin ay nalilinang sa pagdaan ng panahon at
pagbubuti ng karanasan. Kung sakaling sa unang pagtatangka mo ay hindi mo agad
magawang makapagsalin nang halos kahimig ng orihinal ay huwag kang mag-alala dahil
habang tumatagal ka sa gawaing ito at nagkaroon nang mas malawak ng karanasan ay
lalo kang gagaling at magkakaroon ng kahusayan sa gawaing ito.

III. PAGTATAPOS NG ARALIN


APPLY: Paggamit ng Bagong Kaalaman
A. Naipaliliwanag ang pagkakaiba at at pagkakatulad ng mitolohiya Africa at iba
pang mitolohiya sa mundo.

Sa mga nagdaang kabanata ay nakabasa ka rin ng ilang halimbawa ng iba pang mitolohiya
tulad ng mitolohiyang Griyego at mitolohiya mula sa Hawaii. Subukin mo ngayong
ikompara ang napapansin mong pagkakaiba at pagkakatulad ng binasa mong mitolohiya ng
Africa sa iba pang mitolohiyang nabasa mo. Gawing gabay ang mga nasa talahanayan sa
ibaba.

___________________________________
SI NYAMINYAMI, ANG DIYOS NG ILOG
ELEMENTO Pamagat ng isa pang mitolohiyang nabasa
ZAMBEZI
mo
Pagkakaiba

Mga Tauhan Pagkakapareho

Pagkakaiba

Tagpuan
Pagkakapareho

Paksa at Pagkakaiba
Mensahe Pagkakapareho

Pagkakaiba

Aral na Taglay
Pagkakapareho

B. Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika.


Gamitin ang mga natutuhang mga pamantayan sa pagsasaling-wika upang mapabuti ang
sumusunod na literal na pagsasalin mula sa orihinal ng mga online translation site sa
Internet.

1. “A nation that destroys its soil destroys itself. Forests are the lungs of our land, purifying
the air and giving fresh strength to our people” – Franklin D. Roosevelt

“Ang isang bansa na sira ang lupa nito sira mismo. Kagubatan ang mga baga ng aming
lupa, paglilinis ang mga naka at pagbibigay sa mga sariwang lakas ng ating mga tao.” –
Salin ng isang online translation site.

_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
________________________________________________
Salin ni: _______________________________________________ (Pangalan mo)

2. “When the last tree is cut, and the last fish killed, the last river poisoned, then you will see
that you can’t eat money.” – John May

“Kapag ang huling tree-cut at ang huling isda namatay, ang ilog poisoned, pagkatapos ay
makikita mo na hindi ka maaaring kumain ng pera.” – Salin ng isang online translation
site.

_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
________________________________________________
Salin ni: _______________________________________________ (Pangalan mo)

3. “We are seeds as well as parasites to the earth. We can either give or take, depending on
our perception of growth.” – Zephyr McIntyre

“Kami ay buto pati na rin ang peste sa lupa. Maaari namin bigyan o tumagal, depende sa
aming pag-unawa ng pag-unlad.” – Salin ng isang online translation site.
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
________________________________________________
Salin ni: _______________________________________________ (Pangalan mo)

4. “Like music and art, love of nature is a common language that can transcend political or
social boundaries.” – Jimmy Carter

“Tulad ng musika at sining, pag-ibig ng kalikasan ay isang pangkaraniwang wika na


maaaring mangibabaw pampolitika o panlipunan mga hangganan.” – Salin ng isang
online translation site.

_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
________________________________________________
Salin ni: _______________________________________________ (Pangalan mo)

5. “If you really think that the environment is less important than the economy; try holding
your breath while you count your money.” – Zephyr McIntyre

Kung sa tingin mo talaga na ang kapaligiran ay di masyadong mahalaga kaysa sa


ekonomiya, subukan na may hawak ng iyong hininga habang bilangin mo ang iyong
pera.” – Salin ng isang online translation site.

_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
________________________________________________
Salin ni: _______________________________________________ (Pangalan mo)

IV. ASSESS: Pagtataya


A. PANUTO: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa binasa. Isulat sa mga linya
ang bilang 1 hanggang 10.

_______ Ikinagalit ni Nyaminyami ang pagdating ng mga puti kaya isang


napakalakas na bagyo mula sa Indian Ocean na nagdala ng matinding baha ang
sinasabing naging ganti nya.
_______ Maraming buhay ang kinitil ng bahang ito subalit ang nakapagtataka, hindi
agad lumutang ang bangkay ng mga puti. Lumutang lamang ang mga ito nang
mag-alay ng itim na baka ang matatandang Tonga.
_______ Noong mga huling taon ng 1940 ay nagbago ang tahimik at payapang
buhay ng mga BaTonga at ng diyos na si Nyaminyami nang mapagtibay ang
desisyon ng pamahalaang ipatayo ang dam sa Kariba.
_______ Sa ikatlong pagkakataon, isa pang napakalaking baha na sinasabing
dumarating lamang nang minsan sa sampung libong taon ang nagdulot ng
napakalaking pinsala sa dam ang sumapit sa Zambezi dahil sa matinding galit daw
ni Nyaminyami.
_______ Sa kabila ng naging epekto ng bagyo ay itinuloy pa rin ang pagpapatayo ng
dam kaya’t muli, isa pang napakalaking bah ana sinasabi ng mga ekspertong
dumarating lamang nang minsan sa isanlibong taon ang sumalanta sa Zambezi.
_______ Sa wakas, natapos din ang Dam ng Kariba noong 1960 at mula noon
hanggang ngayon, ito ay naging mahalagang bahagi ng buhay ng mga mamamayan
sa mga bansang Zambia at Zimbabwe.
_______ Sa loob ng napakahabang panahon ay tahimik at payapang nanirahan sa
Ilog Zambezi at sa karugtong nitong Lawa ng Kariba ang mga mamamayan ng
Tribo ng Tonga at ang diyos ng ilog na si Zambezi.
_______ Naniniwala ang mga mamamayan ng Tonga na si diyos Nyaminyami ay
naging Mabuti sa kanila. Katunayan, sa mga panahon daw ng matinding taggutom
na dala ng mahahabang tagtuyot sa Africa ay nabuhay sila sa tulong ng mga bahagi
ng katawan ni Nyaminyami na ibinibigay o iniiwan niya para sa mga mangingisda.
_______ Nang magdatingan ang mga putting inhenyero at mga manggagawang
magpapasimula na sa paggawa ng dama ay nakiusap at nagbabala ang mga
nakatatanda ng Tonga.
_______ Ayon sa mga nakakita, si Nyaminyami raw ay may ulo ng isang isda at
katawan ng isang ahas. Siya’y isang dambuhala sa lapad na halos tatlong metro at
habang hindi nila magawang hulaan.

B. Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling wika.


Ngayon naman ay gamitin ang mga natutuhan mong pamantayan sa pagsasalin
ng sumusunod na mga karaniwang pagbati mula sa wikang Ingles patungong
wikang Filipino.

1. How are you? _________________________________________


2. What can I do for you? _________________________________________
3. I’m pleased to meet you. _________________________________________
4. Can you please show me the way? _________________________________________
5. Where did you come from? _________________________________________

May mga katawagang Ingles na hindi dapat isalin ng literal sa Filipino dahil
magkakaroon ito ng ibang kahulugan. Unawain ang ibig sabihin ng sumusunod at
saka isalin nang tamas a Filipino.
1. Sleep tight _________________________________________
2. Sing softly _________________________________________
3. Study hard _________________________________________
4. Take a bath _________________________________________
5. Fall in line _________________________________________

You might also like