You are on page 1of 4

FILIPINO 10

MGA PAGPAPAYAMANG GAWAIN (ACTIVITY SHEET)

LINGGO 3-4
Pangalan: _______________________________ Iskor:______________
Seksyon:________________________________

IKATLONG LINGGO

Panuto: Ayusin ang sumusunod na salita ayon sa pormalidad nito. Isulat sa patlangGAWAIN
ang 1
iyong kasagutan.
Halimbawa: mayabang, hambog, mahangin
Sagot: hambog, mahangin, mayabang
1. Edad, gulang, taon = ___________________________________________
2. Busabos, mahirap, yagit = ___________________________________________
3. Galit, banas, suklam = ___________________________________________
4. Madatung, mayaman, mapera = ___________________________________________
5. Kakasa, kasama, kaanib = ___________________________________________
GA
Panuto: Bumuo ng maikling salaysay tungkol sa iba pang problema na kinahaharap ng
kabataan . Pumili ng isang paksa sa ibaba. Sikaping gumamit ng mga salitang nagpapahayag
ng damdamin at pangyayari.
1. Bullying
2. Edukasyon sa Panahon ng Pandemiya
3. Paggamit ng Social Media

__________________________________
(PAMAGAT)

_________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
1
_________________________________________________________________________________________
TALISAY NATIONAL HIGH SCHOOL
BB. RICA U. ALQUISOLA
_________________________________________________________________________________________
(Guro sa Filipno)
_________________________________________________________________________________________
GAWAIN 3

Basahin at sagutin ang sumusunod na katanungan:

 Paano nakatutulong ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin at pangyayari sa
pagsulat ng sariling dagli?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

IKAAPAT NA LINGGO

GAWAIN 1
Panuto: Basahin mo nang may pag-unawa ang isang halimbawa ng panunuring
pampanitikan at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Sa Mga Kuko ng Liwanag
(Isang Suring Basa)
Lumabas sa unang pagkakataon bilang isang serye sa mga pahina ng Liwayway
Magazine ang nobelang Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes. Isinasalaysay nito
ang buhay pakikipagsapalaran nina Julio at Ligaya na kapwa galing probinsiya. Kinakatawan
nila ang libo-libong kapuspalad na nakipagsapalaran sa Maynila.
Si Ligaya ang naunang nagbakasakali kasama ng isang matronang babae na
nagnangangalang Mrs. Cruz na nangako sa kaniya ng isang simpleng trabaho na may
posibilidad na siya ay makapag-aral pa at makapagpadala ng kaunting tulong sa naiwan
niyang mga magulang at kapatid. Pagkalipas ng ilang panahon na hindi nakapagpadala ng
sulat si Ligaya sa kaniyang mga magulang at pati na rin kay Julio, naisip nito na sundan sa
Maynila si Ligaya upang hanapin.
Sa paghahanap ni Julio ay naharap siya sa realidad ng buhay sa lungsod. Tulad ng
ipinahihiwatig ng pamagat ng nobela, maaakit siya sa mga naggagandahang liwanag ng
Kamaynilaan.
Totoong may nilalaman ang pagkakasulat ng Sa Kuko. Ang mga simbolong tulad
ng gusali na unti-unting nagagawa mula sa mga sangkap o materyales nito na bakal, graba at
semento, na sa bandang huli ay magiging mistulang panginoon pa ng mga kamay at
katawang humugis dito. Ang alamat ng esterong walang nagmalasakit na tandaan, na sa
kaitiman ay maaaring nagsisimbolo na rin mismo sa kaibuturan ng lungsod.

Tunay na nahuli ng nobela ang ingay at kalaswaan ng Maynila. Talagang tugma ang
pagsasalarawan nito sa mga lugar, pangyayari at tauhang mapupuntahan, mararanasan at
makikilala nina Julio at Ligaya. Ibinibigay nito sa mambabasa ang isang makatotohanang
buhay sa Lungsod ng mga Pangarap at Kasawian.

2
TALISAY NATIONAL HIGH SCHOOL
BB. RICA U. ALQUISOLA
(Guro sa Filipno)
Kung babasahin muli ang nobela, maiisip na maaari pa ring mangyari ang kuwento
nito sa kasalukuyang panahon. Baguhin lamang ang mga pangalan ng kalye sa mga
kasalukuyang pangalan nito, bigyan lang ng cellphone sina Mister Balajadia at Misis Cruz,
gawin lang mas modern ang tindahan ni Ah Tek, pasakayin lang kahit minsan si Julio sa
LRT at iba pa. Sa tingin ko pa nga, kung may makakaisip mang gawin muling pelikula ang
librong ito, magiging swak pa rin ito sa panlasa ng masa.
Kung lubog man sa dumi at alikabok ang Maynilang inilarawan sa nobela, mayroon
pa ring liwanag o pag-asang nagpupumilit na umilaw dito. Ang mga nakilala ni Julio na
mabubuting tao, kapos man sila sa mismo sa materyal na mga bagay at kahit hindi nila halos
maitawid ang kanilang mga sarili sa pang-araw-araw nilang pangangailangan, nagagawa pa
rin nilang magbigay ng tulong at kabaitan kay Julio.
Tunay na isang mabisa, walang kupas at makatotohanang salamin ng lipunan ang
nobela. Mabisa sapagkat hindi nito itinatago ang katotohanan, bagkus ipinapakita nito sa
mambabasa sa paraang hindi ito maaaring isantabi. Sa makatotohanan nitong pagkakasulat,
wala kang magagawa kundi harapin at tanggapin ito.
Totoo na malungkot mang isipin, kuwento ito ng libo libong Julio at Ligayang
ipinapadpad ng kapalaran mula sa kanilang tahimik ngunit napakahirap na buhay sa
probinsiya patungo sa buhay na hindi nila akalain na mas magiging mahirap pa.
Makatotohanan ito sapagkat hindi nito inihihiwalay ang sarili nito sa realidad ng
lipunang sinasalamin nito. Tinatalakay dito ang di-makatarungang sitwasyon ng mga
manggagawa, ang kaawa-awang kalagayan ng mga maralitang tagalungsod, ang
diskriminasyon ng ilang tao at ang bulok na sistema na nagpapatakbo rito.
Ngunit higit sa lahat, ipinapakita ang pagkamakatotohanang ito sa katauhan ni Julio
at sa kung paano siya kumilos at tumugon sa mga nangyayari sa kaniya. Hindi siya walang-
kibong biktimang nagpapadala lamang sa kaniyang kapalaran. Hindi siya ang taong tama at
wasto lamang ang gagawin ano pa man ang mangyari sa kaniya. Hindi si Ibarra si Julio na
iniinda lamang ang mga kasamaang idinudulot sa kaniya ng kaniyang mga kaaway. Ngunit
hindi rin naman siya si Simoun na naniniwalangna kasamaan din ang dapat iganti sa
kaniyang mga kaaway. Sa huli,sabi nga ng may-akda, paano mo mamahalin ang isang tulad
ni Julio? Ano ang karapat-dapat na redemption niya sa bandang huli? At ano ang kabuluhan
at kahulugan ng kaniyang kinasapitan?
Maaaring hindi intensiyon ng nobela na sagutin ang mga huling tanong na iyan.
Maaaring inakala ng may-akda na sapat nang maging salamin ng realidad ang kaniyang
nobela. Ipinauubaya niya marahil sa ating ang paghahanap ng mga sagot, ang pagbibigay ng
kabuluhan at kahulugan sa nasabing realidad. Hindi man nito tuwirang sinasabi, maaaring
inaanyayahan nito palawakin ng mambabasa ang kaniyang kamalayan sa realidad na ito at
harinawa, sabayan ng pagkilos.
- halaw sa Isang Suring Basa (Sa mga Kuko ng Liwanag)
ni Kevin Ventura, kinuha noong Nobyembre 12, 2014 mula sa
http://vjk112001.blogspot.com/2008/02/sa-mga-kuko-ng-liwanag-isang-suring.html

3
TALISAY NATIONAL HIGH SCHOOL
BB. RICA U. ALQUISOLA
(Guro sa Filipno)
1. Isa-isahin ang mga elementong taglay ng binasang suring basa. Isulat ito sa
talahanayang nasa ibaba. (Maaari mong balikan ang iyong modyul sa pahina 15
upang maging iyong gabay sa pagsasagot.)

MGA ELEMENTONG GINAMIT PATUNAY

2. Naging patas ba ang ginawang pagsusuri? Patunayan.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Bakit mahalaga ang pagsusuri sa anomang uri ng panitikan?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Pansinin ang mga salitang may salungguhit sa suring basa ng “Sa Mga Kuko ng Liwanag,”
paano ito nakatulong sa pagsasagawa ng panunuri?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

GAWAIN 2
Panuto: Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang mga sumusunod na pang-ugnay na
pagsang-ayon at pagtutol.
1. Talaga = _________________________________________________________________
2. Totoo = _________________________________________________________________
3. Datapwat = _______________________________________________________________

Sanggunian:
4
TALISAY NATIONAL HIGH SCHOOL Panitikang Pandaigdig FILIPINO 10
BB. RICA U. ALQUISOLA
(Guro sa Filipno)

You might also like