You are on page 1of 6

YUNIT IKAHIRAPAN: ‘DI MO MASILIP ANG LANGIT

5PANIMULA
Ang kahirapan ay isa sa mga suliraning panlipunang tila kakabit
na ng masang Pilipino. Malaking porsiyento ng populasyon ng bansa
ang maituturing na mahirap na siyang pinag-uugatan ng samu’t sari
pang suliranin. Patuloy na namamayani ito sa alinmang sulok ng
bansang Pilipinas at labis na nakaaapekto at nakapipinsala sa buhay ng
marami. Kaya naman, madalas nating naitatanong sa ating mga sarili
kung makakaigpaw pa ba tayo sa suliraning ito?
Ang Yunit II ay umiikot sa klasikong maikling kuwentong isinulat
ni Benjamin Pascual. Malinaw niyang inilantad sa kanyang akda ang
mukha ng kahirapan sa kanyang akdang ‘Di Mo Masilip ang Langit.
Pinapakita rito ang karalitaang dala ng kalagayang pangkabuhayan at
panlipunan at maging ang bunga o epekto nito sa tao.Hindi isinaalang-
alang ng may-akda ang dimensiyong moral nang sa gayon malaya
niyang mapalitaw ang mapait na katotohanang nangyayari sa buhay ng
maliit at abang tao at laging biktima ng tagilid na katarungan at
pambubusabos ng mga mayayaman. Ginamit niya ang pagsasalitang
pabalbal upang lalo niyang maipamalas ang tunay na karanasan,
damdamin at kalagayan ng mga taong kanyang inilalarawan.

LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang makapagmungkahi ng
mga hakbangin sa pagsupil sa kahirapan sa pamamagitan ng matamang pag-uugnay
ng akdang binasa sa tunay na buhay. Partikular na nilalayon ng aralin na:

1. Maipaliwanag ang sanhi at bunga ng kahirapan sa pamamagitan ng makabuluhang

akdang pampanitikan;
2. Makabuo ng “Solution Plan” bilang pagtugon sa lumalalang kahirapan sa bansa ; 3.
Mapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunang realidad at ng
panitikan.

LUNSARAN

Mahirap masadlak sa kahirapan. Alam kong sasang-ayon ka sa aking tinuran. Kaya’t

kung ayaw mong danasin ang pait nito, makabubuting buksan ang iyong kamalayan tungkol
sa usaping ito. Sipatin ang website ng Carlos Palanca Memorial Awards; Culture Section ng
Manila Today; Seksyong Kultura ng Pinoy Weekly; KM64 Poetry Collective; Likhaan; Poetry
archives ng Bulatlat (https://www.pinoyweekly.org/category/kultura/) at paniguradong
mamumulat ka dito tungkol sa mga tunay na nangyayari sa ating bansa. Mula dito’y pumili
ka ng isang artikulo o babasahing tumatalakay sa kahirapan. Pagkatapos nito’y punan ang
mga kailangang datos upang mabuo ang Main Idea and Details Chart. Ang Main Idea and

SOSYEDAD AT LITERATURA

CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT IKAHIRAPAN: ‘DI MO MASILIP ANG LANGIT
Details Chart ay ginagamit tuwing may pinag-aaralang pangunahing kaisipan at pag-iisa-isa
sa mga detalye.

PANGUNAHING KAISIPAN

DETALYE 1

DETALYE 2

DETALYE 3

KONGKLUSYON

SOSYEDAD AT LITERATURA

CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT IKAHIRAPAN: ‘DI MO MASILIP ANG LANGIT

ABSTRAKSYON
Suriin ang akdang binasa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na susukat sa
iyong antas ng pag-unawa.
PAGSUSURI
1. Ano ang sinasabi ng akda tungkol sa kahirapan?
_________________________________________________________________________

2. Sino ang nagsasalaysay sa kwento? Nakatulong ba ang kanyang wikang ginamit upang
mapalitaw ang kanyang kalagayang panlipunan? Kung sakaling ibang pananaw kaya ang
ginamit ng awtor, ano kaya ang magiging epekto nito sa daloy ng kuwento?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
3. Ilarawan ang katangian ng pangunahing tauhan. Punan ang inihandang tsart sa ibaba.
Pangunahing Bilang Asawa Bilang Bilang Tao Salik na
Tauhan manggagawa Humubog sa
mga
Katangiang Ito

4. Bilang mga taong kabilang sa mababang antas ng pamumuhay, anu-ano ang mga mithiin
nina Luding at ang kanyang asawa? Sa estadong mayroon sila, mayroon ba silang
karapatang hangarin ang mga bagay na ito? Ano ang mga hakbanging maaari nilang
gawin upang makamit ito?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
SOSYEDAD AT LITERATURA

CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT IKAHIRAPAN: ‘DI MO MASILIP ANG LANGIT
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
5. Bigyang kahulugan ang mga sumusunod na salitang ginamit ng pangunahing tauhan.
Ano ang ipinakikilala ng mga ito kaugnay ng kanyang kalagayang panlipunan.

waswas les-pu
waswas yosi ob-lo haybol

6. Ano ang dahilan ng pagkabilanggo ng pangunahing tauhan? Sa iyong sariling pananaw,

makatwiran ba ang kanyang naging tugon sa pagresolba sa suliraning kanyang
kinaharap? Karapat-dapat ba siyang mabilanggo? Pangatwiranan.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
7. Ipinakita ba sa akda ang pag-iral ng diskriminasyon sa ating lipunan? Paano ito
nauugnay sa ating kalagayang sosyal? Magbigay ng tiyak na halimbawa mula sa akda at
maging sa tunay na buhay.

8. Paano tinanaw ng pangunahing tauhan ang langit? Ito ba’y kanyang pinaniniwalaan?
Anu-ano ang mga salik na nag-udyok sa kanya upang tingnan ang langit sa ganitong
pananaw?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

SOSYEDAD AT LITERATURA

CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT IKAHIRAPAN: ‘DI MO MASILIP ANG LANGIT
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
9. Ano ang ipinapahiwatig sa huling tagpo ng kuwento hinggil sa asawa ng bilanggo?
Paano mo bibigyang interpretasyon ito?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

PAGPUPUNTOS
Lawak ng Talakay 30
Katiyakan at Kawastuhan ng mga Sagot 30
Kaayusan ng Pagkakalahad ng mga Kaisipan 25
Linaw ng mga Ideya 15

KABUUAN 100

APLIKASYON
Binabati kita sapagkat matagumpay mong naisagawa ang pagsusuri. Ngayon naman ay
nais kong lumikha ka ng “Solution Plan.” Bigyang pokus ang kahirapan sa isasagawang
Solution Plan ngunit maaari ka ring bumaggit ng iba pang suliraning panlipunang maaaring
ibunga ng kahirapang pinalutang din sa akda. Gawing gabay ang talahanayan sa susunod
na pahina.

SOSYEDAD AT LITERATURA

CASTILLO, GEORGE P.
YUNIT IKAHIRAPAN: ‘DI MO MASILIP ANG LANGIT

Suliraning Sanhi/Dahilan Mungkahing Ahensiya sa

Panlipunan Solusyon Gobyerno na
maaaring
makatulong sa
pagsugpo sa
suliraning ito

PAGPUPUNTOS
Lawak ng Talakay 25
Linaw ng Paglalahad ng Kaisipan 25
Maayos na Pagtalakay sa mga bahagi 25
Masistemang daloy ng mga datos o impormasyon 25

KABUUAN 100
SANGGUNIAN
Ulit, P. et al. (2000) “Pagpapahalaga sa Panitikan ng Pilipinas” Komisyon ng Wikang Filipino

SOSYEDAD AT LITERATURA

CASTILLO, GEORGE P.

You might also like