Professional Documents
Culture Documents
Aralin1 Maikling Kuwento Singapore
Aralin1 Maikling Kuwento Singapore
ELEMENTO NG
MAIKLING KUWENTO
TAUHAN
Likha ng mga manunulat ang
kanyang mga tauhan. May
pangunahing tauhan kung kanino
nakasentro ang mga pangyayari at
mga pantulong na tauhan.
TAGPUAN O PANAHON
Dinadala ng may-akda ang
mambabasa sa iba't ibang lugar, sa
iba't ibang panahon kung saan at
kailan nagaganap ang mga
pangyayari.
SAGLIT NA
KASIGLAHAN
Inihahanda sa bahaging ito ang
mga mambabasa sa pagkilala sa
mga pagsubok na darating sa buhay
ng mga tauhan
SULIRANIN O
TUNGGALIAN
Tumutukoy ito sa paglalabanan
ng pangunahing tauhan at
sumasalungat sa kanya. Ang
tunggalian ay maaaring Tao laban sa
kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao
laban sa Tao/lipunan.
KASUKDULAN
Ito ang pinakamataas na uri ng
kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng
bumabasa ang mangyayari sa
pangunahing tauhan, kung siya’y
mabibigo o magtatagumpay sa
paglutas ng suliranin.
KAKALASAN
Ito ang kinalabasan ng
paglalaban. Sumusunod ito agad sa
kasukdulan. Binibigyang solusyon
ang problema o suliranin sa
kuwento.
WAKAS
Tinatawag na trahedya ang wakas
kapag ang tunggalian ay humantong sa
pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng
pangunahing tauhan. Tinatawag na
melodrama kapag may malungkot na
sangkap subalit nagtatapos naman nang
kasiya-siya para sa mabubuting tauhan.
MAIKLING KUWENTO
(SINGAPORE)
Ano nga ba ang maikling kuwento?
Ang maikling kuwento ay isang uri ng panitikang
masining na naglalahad ng mga pangyayari. Ito’y di
tulad ng nobela’y na may kahabaan, higit na kakaunti
ang mga tauhan, mas mabilis ang paglalahad at higit
na matipid sa paglalahad ng pananalita. Ang banghay
nito ay hindi gaanong tumatalakay sa masasalimuot
na pangyayari sapagkat nababasa ito sa isang upuan
lamang.
WONG MENG VOON
Siya ang isa sa mga pangunahing
manunulat ng Singapore.
Ang koleksyon ng kaniyang mga
kuwento ay pinamagatang “Sulyap
sa Lumipas: Mga Kuwento Mula sa
Singapore at Malaysia”
Ang iba pa niyang mga kuwento sa
isinalin sa wikang Ingles ay nagwagi
ng translation Prize na iginawad ng
National Book Development Council
of Singapore noong 1978.
Linangin muna natin ang iyong
kaalaman sa lingwistika. Banggitin
lamang ang pangalan ng ibig sumagot.
PANUTO. Piliin ang letra ng pahayag na
nagbibigay pahiwatig sa nais ipakahulugan
ng bawat pangungusap.
1. Matapos maglaba nang napakaraming damit
sandaling napapikit si Lian-chiao, naramdaman
niyang tila may mga bituing lumilipad sa harap
niya.
a. Nahihilo c. nagugutom
b. Nasasaktan d. lahat ng nabanggit
5. Ang gabi ay ginulo ng mga tunog ng pitsa ng
madyong.
Ang mga tunog ng pitsa ay;